WorksheetsAP10_3rd Qtr_Reviewer_ST#2
Total questions: 13
Worksheet time: 7mins
Ano ang sumasaklaw sa malawak na usapin na may kinalaman sa hindi pantay na pagtingin at pagturing sa tao dahil sa kinabibilangang uri, lahi, gulang, etnisidad at kasarian?
diskriminasyon
pangungutya
karahasan
Alin sa sumusunod na pangyayari na kung saan ang isang LGBT ay nakararanas ng hindi kaaya-aya o pantay na pagtrato dahil sa kaniyang oryentasyong sekswal. Ito ay tahasan nararanasan mula sa ibang gender, grupo ng mga tao o organisasyon?
Di-Direktang Diskriminasyon
Direktang Diskriminasyon
Diskriminasyon
Ano ang tumutukoy sa sekswal na pang-aabuso na umaasang manumbalik sa pagiging heterosexual ang isang lesbian?
consensual rape
corrective rape
panghihipo
Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi maituturing na diskriminasyon?
Pagkakatulad ng katayuan ng babae at lalaki sa lipunan
Pag-alis sa trabaho ng isang babae nang dahil sa pagbubuntis
Hindi pagtanggap sa trabaho dahil isa siyang bakla
Alin sa sumusunod na karapatang nakabatay sa prinsipyo ng Yogyakarta ang tinatamasa ni Geraldine Roman, ang kauna-unahang transgender na naupo sa kongreso ng Pilipinas?
Karapatan sa Edukasyon
Karapatan sa Trabaho
Karapatan sa Politika
Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang ikampanya ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian?
Huwag idiskrimina ang kamag-aral batay sa kanilang kasarian.
Maglunsad ng mga kilos-protesta laban sa diskriminasyon.
Isulong ang mga batas na magbibigay-proteksyon sa sariling kasarian.
Bakit mahalagang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian?
Upang matigil ang karahasan at diskriminasyon dahil sa pagkakaiba ng kasarian.
Upang manatili ang pagkakaiba ng gawain sa pagitan ng lalaki at babae.
Upang maging maayos at masaya ang takbo ng buhay ng ilang mamamayan.
Inatasan kayo ng inyong guro na bumuo ng pangkat para sa isang proyekto. Narinig mo na ayaw isama ng iyong kaibigan ang isa ninyong kaklase dahil ayaw niya ang isang bakla sa grupo. Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon?
Sasang-ayon sa kagustuhan ng kamag-aral para mapabilang sa pangkat.
Pagsasabihan ang baklang kamag-aral na huwag sumali sa pangkat para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Pagsasabihan ang kaibigan na hindi makatwiran ang ginawang desisyon.
Ayon sa United Nations, Ito ay tumutukoy sa anomang pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil ng kalayaan ng tao.
Diskriminasyon
Di-Direktang Diskriminasyon
Direktang Diskriminasyon
Karahasan
Ito ay tumutukoy sa pananakot sa biktima tulad ng pagbabantang saktan siya o kanyang mahal sa buhay, pagbabantang pagdukot, panggugulo, pananakit o pagpatay sa kanyang alagang hayop at paninira ng kanyang ariarian o mga bagay na mahalaga sa biktima.
Karahasang sikolohikal.
Karahasang emosyonal
Karahasang ekonomiko
Karahasang sekswal
Ang domestic violence ay nararanasan ng kababaihan, kalalakihan, at LGBT. Ang sumusunod ay halimbawa ng sitwasyon na ito MALIBAN sa isa.
Ikinukulong ni Rigor ang kaniyang asawang si Marites dahil sa pagiging seloso.
Nililimitahan ni Mokang ang paglabas-labas ni Tanggol kasama ang kabarkada.
Laging nag-aaway ang mag-asawang Tina at Tonyong dahil sa pagsusugal.
Itinuturing na HINDI sekswal na pang-aabuso sa LGBT ang panggagahasa (corrective rape), panghihipo o pamimilit sa isang sekswal na gawain.
Tama
Mali
Ang mga pisikal na pang-aabuso sa LGBT ay maaari ding magdulot ng hindi maganda sa kanilang emosyonal at sikolohikal na kalusugan na maaaring humantong sa anxiety, depresyon at pagpapakamatay.
Tama
Mali
