wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2ndQ-AP-BLAISE

Total questions: 69

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.

a)

kanluranin

b)

kolonyalismo

c)

sultanato

d)

caravel

2.

. Ito ay tumutukoy sa mga Europeo at sa mga Amerikanong nagsagawa ng imperyalismo sa Asya.

a)

silanganan

b)

hilaga

c)

katimugan

d)

kanluranin

3.

Ito ang mga bansang nanguna sa paglalayag sa malalayong lugar at pagtuklas ng mga bagong lupain sa panahon ng paggalugad at pagtuklas.

a)

. Portugal at Spain

b)

Amerika at Europa

c)

China at Malaysia

d)

Spain at France

4.

Sino ang Portuguese na naglingkod sa hari ng Spain sa pamamagitan ng pamumuno sa maambisyong ekspedisyon na isa sa pinakamatagumpay na paglalayag ng panahon ng paggalugad at pagtuklas?

a)

Columbus

b)

Villalobos          

c)

Magellan

d)

Legazpi

5.

Alin sa sumusunod na layunin ng pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ang nais nilang maging Katoliko ang mga katutubong Filipino?

a)

God – Maipalaganap ang kanilang relihiyon.

b)

. Gold – Nais nilang makuha ang likas na yaman ng lugar.       

c)

Glory – Kilalanin ang Spain bilang makapangyarihang bansa.

d)

A at B

6.

6.       Anong pangyayari ang itinuturing na opisyal na simula ng pagiging kolonya ng Pilipinas sa ilalim ng Spain?

a)

Simula ng ekspedisyon ni Magellan.

b)

Isinagawa ang unang misa sa Limasawa.      

c)

Ginawang lungsod ni Legazpi ang Maynila.

d)

Naganap ang Labanan sa Mactan.

7.

  Sa Limasawa unang ginanap ang unang misa, noong Marso 31,1521. Sino ang nanguna sa pagdaraos ng misa?

a)

Padre Damaso

b)

Padre Carmello y Banez    

c)

Padre Andres de Urdaneta

d)

Padre Pedro de Valderrama..

8.

  Hinimok ng isang katutubo si Magellan na kalabanin si Lapu-Lapu. Sino siya?

a)

. Lakandula

b)

Zula       

c)

Humabon          

d)

Sulayman

9.

  Alin sa sumusunod na layunin ng pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ang nais nilang maging isa sa mayamang bansa sa buong daigdig?

a)

God – Maipalaganap ang Kristiyanismo

b)

Gold – Nais nilang makuha ang likas na yaman ng lugar.     

c)

Glory – Kilalanin ang Spain bilang makapangyarihang bansa.         

d)

. A at B

10.

  Bilang pasasalamat ni Magellan kay Humabon at bilang tanda ng pagiging kristiyano nito, siya ay nagbigay ng isang handog. Ano ito?

a)

. Imahen ng batang Jesus

b)

Krus at Espada                

    

c)

Rosaryo at Bibliya

d)

Ginto at Pilak

11.

  Ano ang mga pangunahing pamamaraang ginamit ng mga Espanyol upang maipatupad ang kolonyalismo?

a)

Kristiyanisasyon

b)

Tributo               

    

c)

Reduccion

d)

Lahat ng nabanggit

12.

  Ano ang mabuting epekto sa mga pamamaraang ginamit ng mga Espanyol?

a)

Nagising ang pagmamahal ng mga katutubo sa sarili, kapwa at bayan.

b)

. Naipaglaban ng mga katutubo ang makapamuhay nang malaya.

c)

Naging tulisan ang mga katutubo.

d)

A at B

13.

  Sa paanong paraan hinikayat ng mga Espanyol ang mga katutubo upang sila ay mapasunod sa patakarang reduccion?

a)

Pagkain upang hindi sila magutom kailanman.

b)

Makabagong teknolohiya para sa pagtatanim at pagsasaka.

c)

Kaayusan at kapangyarihan na pangasiwaan ang mga bagong pueblo..

d)

Mayroon itong simbahan, plaza, at bahay pampamahalaan.

14.

Ano ang ginawa ng mga katutubong hindi sumang-ayon sa pagpapalipat ng mga Espanyol sa pueblo?

a)

.Tumakas at namuhay sila sa kabundukan at liblib na lugar.

b)

. Sinakop nila ang pueblong ipinatayo ng mga Espanyol.

c)

Hinikayat nila ang ibang mga katutubo na sumama sa kanila.

d)

wala silang ginawa.

15.

Bakit isinumbong ng mga katutubo ang mga encomendero sa mga prayle?

a)

Mapang-abuso sa mga katutubo ang encomendero

b)

Masyadong mabait ang mga encomendero.

c)

Gumanda ang pamumhay ng mga katutubo.

d)

Nagkasakit ang mga katutubo.

16.

Isa sa mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol ay sapilitang paggawa. Ano ang naging reaksiyon ng mga Filipino sa sapilitang paggawa?

a)

. Natuto silang magtrabaho kaya nagustuhan nila ito.

b)

Dahil ito ay sapilitan at walang bayad, tumutol sila.

c)

Ang patakarang ito ay hindi pinansin ng maraming Filipino.

d)

Maraming tumangkilik na Filipino sa gawaing ito.

17.

Saang lugar sa Pilipinas ipinatupad ang unang pagmimisyon na hikayatin at tanggapin ng mga Filipino ang relihiyong Kristiyansimo?

a)

Cebu

b)

Ilocos

c)

Maynila

d)

Samar

18.

Sa pagdating ng mga Espanyol napansin nila na magkakalayo ang mga kabahayan ng mga katutubo. Mahirap pangasiwaan ang ganitong sistema ng pamayanan. Dahil dito ay sapilitan silang pinagsama-sama sa isang lugar na tinawag na pueblo. Ano ang tawag sa paraang ito?

a)

. Encomienda

b)

Patronato Real

c)

Polo y servicios

d)

Reduccion 

19.

Bakit pinagsama-sama ng mga Espanyol ang mga kabahayan ng mga katutubo sa isang pueblo?

a)

Upang mas madaling mabantayan ang mga Filipino at hindi sumuporta sa kalaban ng Spain.

b)

Upang higit na mapaunlad ang pamumuhay ng mga Filipino sa isang komunidad.

c)

Upang mas madaling maparusahan ang mga Filipino ng mga Espanyol kapag nagkasala.

d)

Upang mapalakas ang ekonomiya ng komunidad nito.

20.

Isang patakarang ipinatupad ng Espanyol ay ang paniningil ng tributo o buwis. Sino-sino ang nagbabayad ng buwis?

a)

Mga batang Filipino na may edad 1 hanggang

b)

Mga Filipinong may edad 60 patas.

c)

Mga batang Filipino, Tsino at Mestizo.

d)

Ang mga katutubong may edad na16-60 taong gulang

21.

Ang sumusunod ay mga estratehiyang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop ng ating bansa maliban sa isa. Ano ito?

a)

Dahas o espada

b)

Pagpapalaganap ng Kristiyanisasyon

c)

Paghihigpit sa pamamahala

d)

Doctrina Christiana

22.

Ang tawag sa bayang itinatag ng mga Espanyol batay sa patakarang reduccion ay ____________.

a)

. Encomienda   

b)

Pueblo

c)

Cabecera

d)

Lungsod

23.

Ito ay ugnayang simbahan at pamahalaan kung saan ang pamahalaan ay mayroong mahalagang gampanin sa pangangasiwa at pagsuporta sa simbahan.

a)

   . Kristiyanisasyon

b)

Obras Pias

c)

Patronato Real

d)

Samahan ng mga Prayle

24.

. Isa sa mga layunin sa pagpupunyagi ng kolonyalismo ang paglaganap ng _____.

a)

   Kristiyanismo    

b)

Praylokrasiya

c)

Patronato Real

d)

Sistemang Encomienda

25.

Alin sa sumusunod ang hindi tungkulin ng mga prayle noong panahong kolonyal?

a)

   Palitan ang hari ng Espanya sa Pilipinas.

b)

Nangongolekta ng buwis para sa pamahalaan.

c)

Humalili sa gobernador-heneral bilang pinuno.

d)

Impluwensiyahan ang mga katutubo sa Kristiyanismo.

26.

Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan sa paraan ng pagsasailalim ng mga Espanyol sa Pilipinas?

a)

 Pinangasiwaan ng encomendero ang mga katutubong nasakop na ng Spain.

b)

Binigyan ang mga katutubo ng karapatan sa pagpili ng kanilang relihiyon.

c)

Ipinatupad ang paniningil ng tributo upang may magastos ang kolonya.

d)

Pinagsama-sama ang kanilang tirahan sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol.

27.

. Isa sa mga aral ng simbahan ang unang hakbang sa pagtanggap ng Kristiyanismo ay ang ________

a)

. Kasal

b)

Katesismo         

c)

Binyag

d)

Pagtanggap ng Sakramento

28.

Isa sa mga layunin ng pag-igting ng kolonyalismo ay ang paglaganap ng __________.

a)

Relihiyon

b)

Reduccion                 

c)

Patronato Real

d)

Praylokrasya

29.

Patuloy na naging maimpluwensiya ang relihiyong Katolisismo sa pamumuhay ng mga Filipino. Alin sa sumusunod na mga ito ang tradisyon/paniniwala na nanatili pa rin sa kasalukuyan?

a)

Ang mga prayle ay may hawak na posisyon sa simbahan.

b)

 Laganap pa rin ang Kristiyanismo sa mga lungsod at bayan.

c)

Patuloy na naghihirap ang mga taong hindi nabinyagan.

d)

Patuloy pa rin ang mga kapistahan bilang parangal sa patron ng isang lugar.

30.

Uri ng aklat na ginagamit ng mga prayle sa pagpapaliwanag ng mga aral ng Katikesis

a)

Noli Me Tangere

b)

Quran

c)

Bibliya

d)

Doctrina Christiana

31.

Ano ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal na pinamumunuan ng cabeza de barangay?

a)

Pamahalaang Barangay

b)

Pamahalaang Panlalawigan

c)

Pamahalaang Panglungsod

d)

Pamahalaang Sentral

32.

Isang pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang matiyak na magiging mapayapa ang isang teritoryo at susunod sa mga patakarang Espanyol ang mga nakatira dito.

a)

Commandancia

b)

Corregimiento

c)

Kolonya

d)

Residencia

33.

Ano ang patunay na nagbago ang kalagayang pampolitika ng mga sinaunang Filipino sa pamahalaang kolonyal?

a)

Ang Palacio del Gobernador ay ipinagawa sa panahong iyon.

b)

Ang datu at gobernador-heneral ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.

c)

Pinangasiwaan ng mga Filipino sa ilalim ng pamahalaang sentral at lokal.

d)

Ang mga katutubong Filipino ang humahawak sa pinakamataas na posisyon.

34.

Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa larangan ng politika ng mga Filipino?

a)

Ang gobernador-heneral ang pinakamakapangyarihang pinuno na nasa kolonya.

b)

Hindi gaanong naapektuhan ng kolonyalismo ang mga Filipino sa panahong kolonyal.

c)

Higit na naapektuhan ang mga Espanyol dahil sa pagtutol ng mga Filipinong mamahala sila.

d)

Nawalan ng kapangyarihang mamahala ang mga katutubong Filipino at napasailalim sa ilalim ng imaheng kahoy.

35.

Alin sa sumusunod ang hindi kapangyarihan ng gobernador-heneral?

a)

Nagpapatupad ng mga batas mula sa hari ng Spain.

b)

Pangulo ng Royal Audiencia.

c)

Punong kumandante ng hukbong sandatahan (Kapitan-Heneral).

d)

Paniningil ng buwis.

 

36.

Alin ang dahilan bakit itinatag ng Espanya ang pamahalaang sentral?

a)

Maraming Espanyol ang magkakaroon ng trabaho.

b)

Madali ang pamamahala sa buong bansa.

c)

Ayaw manungkulan ng mga Espanyol sa Pilipinas.

d)

 Kulang ang perang pambayad ng suweldo.

37.

Alin sa sumusunod ang hindi tungkulin ng Gobernador-Heneral?

a)

Gumawa ng batas.

b)

Mamuno sa sandatahang lakas.

c)

Magrekomenda ng mga pari na mamumuno sa mga parokya.

d)

Wala sa nabanggit.

38.

Bakit itinatag ng hari ng Espanya ang Royal Audiencia?

a)

Masiyasat ng hayag ang mga opisyal.

b)

Masiyasat ng palihim ang mga opisyal.

c)

Maparusahan ang mga opisyal.

d)

Makakuha ng pera.

39.

Alin ang hindi katangian ng isang alcaldia?

a)

Ito ay may hangganan.

b)

Ito ay mapayapang lungsod.

c)

Ito ay pinamumunuan ng alcalde-mayor.

d)

Ito ay hinahawakan ng mga Filipino.

40.

Alin sa sumusunod ang karapatan ng Cabeza de barangay?

a)

Mamuno sa halalan.

b)

Hindi magbayad ng buwis.

c)

Mamigay ng lisensiya.

d)

Mangasiwa ng mga simbahan

 

41.

Ang mga katutubong Pilipino ay sapilitang pinagbayad ng buwis para sa pamahalaang Espanyol. Ano ang tawag dito?

a)

bandala

b)

peseta

c)

galyon

d)

 tributo

42.

Ano ang tawag sa nag-iisang kalakalang panlabas ng Pilipinas sa panahon ng mga Espanyol at nilalandas ang Karagatang Pasipiko patungong Mexico?

a)

Kalakalang Bandala

b)

Kalakalang Galyon

c)

Kalakalang Indulto de Comercio

d)

Kalakalang Pandaigdig

 

43.

Alin sa sumusunod na pahayag ang may katotohanan ukol sa kalakalang galyon?

a)

Ang lahat ay maaaring makilahok sa kalakalang galyon

b)

Ang mga Pilipino ang namamahala sa kalakalang galyon

c)

Ang kalakalang galyon ay may ruta papuntang Acapulco, Mexico.

d)

 Ang mga Espanyol ang karaniwang gumagawa ng barkong galyon.

44.

Alin sa sumusunod ang hindi totoo tungkol sa sistemang bandala?

a)

Sapilitang pagbili ng pamahalaan sa produkto ng magsasaka.

b)

Hindi maaaring ipagbili ang produkto sa ibang mangangalakal.

c)

Karaniwang hindi nababayaran ng pamahalaan ang mga magsasaka.

d)

Malaki ang kinikita ng mga magsasaka sa pagpapatupad ng bandala.

45.

Lahat ng kalalakihan na may edad na 16 hanggang 60 taong gulang ay kabilang sa patakarang polo y servicios. Ano ang hindi naging patas sa patakarang ito?

a)

Ipinatupad ng pamahalaang Espanyol sa Maynila lamang.

b)

Lahat ay pinagbabayad ng falla, mahirap man o mayaman.

c)

Hindi maaaring dumaan ang mga Pilipino sa ginawang tulay ng polista.

d)

Hindi kabilang sa polo y servicios ang mga miyembro ng principalia o ang mga mula sa mataas na antas ng lipunan.

46.

Ang tributo ay kinokolekta ng pamahalaang Espanyol sa mga Pilipino sa panahon ng kanilang pamamahala. Ano ang pangunahing pinaggamitan ng buwis na nalikom?

a)

Lalong naghirap ang mga Pilipino at marami ang namundok.

b)

Ang salaping nalikom ay ipamimigay sa mahihirap na Pilipino.

c)

Gumawa ng malaking galyon at isasakay ang lahat ng Pilipino.

d)

Para sa pangangailangan at gastusin ng Pilipinas bilang kolonya.

47.

Ang sistemang bandala ay isa sa pinagkukunan ng kita ng pamahalaang Espanyol. Alin sa sumusunod ang totoong pahayag?

 

a)

Sa sistemang bandala ay lumaki ang kita ng mga magsasaka.

b)

Sa bandala ay lalong nakadagdag sa paghihirap ng magsasaka.

c)

Dumami ang ani ng mga magsasaka at binili sa malaking halaga.

d)

Sobrang saya ng mga magsasaka sa inuwing promissory note.

 

48.

  Ano ang kaugnayan ng polo y servicios sa Kalakalang Galyon?

a)

Ang mga katutubo ay maaaring lumahok sa Kalakalang Galyon.

b)

Naibigan ng mga Pilipino ang pamamahala ng mga Espanyol.

c)

Ang gumagawa ng mga galyon ay ang mga polista.

d)

 Marami ang yumamang katutubong Pilipino.

 

49.

Ang tanging partisipasyon ng mga katutubong Pilipino sa patakarang ito ng pamahalaang Espanyol ay gumawa ng malalaking barko. Anong patakarang pang-ekonomiya ang tinutukoy nito?

a)

Kalakalang Galyon

b)

Sistemang Bandala

c)

Polo y Servicios

d)

 

 Tributo

50.

Siya ang tanyag na pinunong Espanyol dahil sa pagpapatupad niya ng mga repormang pang-ekonomiya. Sino siya?

a)

Fernando Primo de Rivera

b)

Haring Carlos III

c)

Jose Basco y Vargas

d)

 

Rafael Maria de Aguilar

51.

  Ito ay kinabibilangan ng mga negosyante at propesyonal na naglalayong pataasin ang produksiyon sa agrikultura at industriya, at mapasigla ang kalakalan ng bansa. Ano ito?

a)

Monopolyo ng tabako

b)

. Real Compania de Filipinas

c)

Real Sociedad Economica de los Amigos del Pais

d)

 

Sistemang Bandala

52.

  Sino ang nagpatigil sa monopolyo ng tabako pagkaraan ng isandaang taon?

a)

Fernando Primo de Rivera

b)

Haring Carlos III

c)

Jose Basco y Vargas

d)

Rafael Maria de Aguilar

53.

  Bakit tinawag na monopolyo ang programa ni Basco sa mga produktong tabako?

a)

Ang mga magsasaka lamang ang maaaring magbenta ng tabako.

b)

Lahat ng mamamayan ay may pagkakataong magtinda ng tabako.

c)

Ang mga dayuhang kompanya ang kalahok sa monopolyo ng tabako.

d)

Ang pamahalaan ang eksklusibong bumibili at nagbebenta ng tabako.

54.

  Bakit maraming magsasakang Pilipino ang naapektuhan sa itinatag na monopolyo ng tabako ng mga Espanyol?

a)

Kinamkam ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga sakahan ng mga magsasaka.

b)

Sapilitan silang pinagtanim ng halamang tabako at marami ang hindi nabayaran

c)

Pinalitan ang mga magsasaka ng ibang taong magtatanim ng halaman ng tabako.

d)

Itinatag ang monopolyo ng tabako upang paunlarin ang mga magsasakang Pilipino.

55.

 Ano ang tawag sa eksklusibong pagbili ng pamahalaan ng mga produktong tabako sa mga tagapagtanim nito?

a)

Kalakalang Galyon

b)

Monopolyo sa Tabako

c)

Polo y servicios

d)

Tributo

56.

 Hangarin ng patakarang ito na paunlarin ang agrikultura at industriya ng kolonya. Ano ito?

a)

Encomienda

b)

Polo y servicios

c)

Monopolyo sa Tabako

d)

Real Compania de Filipinas

57.

 Anong produktong agrikultural ang naapektuhan sa sapilitang pagtatanim ng tabako sa mga piling lalawigan sa Luzon?

a)

gulay

b)

mais

c)

palay

d)

puno

58.

 Sino ang Gobernador Heneral na nagpatigil sa monopolyo ng tabako?

a)

Fernando Primo de Rivera

b)

Jose Basco y Vargas       

c)

Haring Carlos III

d)

Rafael Maria de Aguilar

59.

  Ito ang lugar kung saan itinayo ang kauna-unahang daungan sa Pilipinas. Saan ito?

a)

Legazpi

b)

      Saul, Pangasinan

c)

Maynila

d)

Zamboanga

60.

  Ano ang itinuturing na kauna-unahang bangko na itinayo sa Pilipinas?

a)

Chartered Bank of India

b)

El Banco Espaῆol de Isabel II

c)

Monte de Piedad y Caja de Ahorros

d)

Obras Pias

61.

  Ang serbisyo ng koreo na pinakaunang komunikasyon ng Pilipinas sa labas ng bansa ay nag-uugnay sa Pilipinas patungo sa __________.

a)

China

b)

Korea

c)

Hongkong

d)

Macau

62.

  Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng kapakinabangan ng pagbabagong pang-ekonomiya sa mga Pilipino?

a)

Ipinagawa ang kauna-unahang suspension bridge sa Maynila.

b)

Nakatulong ang pag-unlad ng komunikasyon noong panahon ng mga Espanyol.

c)

Natutuhan ng mga Pilipino ang paggamit ng bangko para sa kanilang kabuhayan

d)

Limitado lamang ang mga sasakyang panlupa at pandagat noong panahong iyon.

63.

  Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa reaksyon ng mga Pilipino sa mga patakarang pang-ekonomiya ng mga Espanyol?

a)

Naging bukas ang kanilang puso at isipan sa mga pagbabagong pangekonomiya.

b)

Naging positibo ang epekto nito sa mga Pilipino na dahilan upang suwayin nila ito.

c)

Naging masaya at bukal sa loob ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga patakarang ito.

d)

Napilitan ang mga Pilipinong tanggapin ang mga patakarang ito kahit labag sa kanilang kalooban

64.

  Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng bagong sistema ng transportasyon noong panahon ng Espanyol?

a)

Upang mapabilis ang pagdating ng mga kalakal sa Pilipinas

b)

Upang mapabilis ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas

c)

Upang mapabilis na masakop ang Pilipinas ng mga Espanyol

d)

Upang mapabilis na makabalik sa Espanya ang mga Espanyol

65.

  Ang kauna-unahang suspension bridge sa bansa ay itinayo rin noong panahon ng Espanyol. Ito ay tinawag na Puento Colgante. Ano ang kasalukuyang tawag sa tulay?

a)

Jones Bridge

b)

Quezon Bridge

c)

Magsaysay Bridge

d)

San Juanico Bridge

66.

  Alin ang hindi kabilang sa sistema ng komunikasyon na ipinatupad noong panahon ng Espanyol?

a)

radyo

b)

telegrapo

c)

serbisyo ng koreo

d)

telepono

67.

  Ang El Banco Español Filipino de Isabel II ay ang Bank of the Philippine Islands ngayon. Sino ang Gobernador Heneral nang binuksan ito?

a)

Gobernador Heneral Antonio Urbiztondo

b)

Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legazpi

c)

Gobernador Heneral Diego de los Rios y Nicolau

d)

Gobernador Heneral Carlos Maria dela Torre y Navacerrada

68.

  Bakit hindi naging mabuti ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga patakarang pang-ekonomiyang pinatupad ng mga Espanyol?

a)

Ginawang alipin ang mga sinaunang Pilipino.

b)

Pinipilit nila ang mga Pilipino na magtrabaho sa gobyerno.

c)

Sapagkat naging patas ang mga dayuhan sa pagtrato sa mga Pilipino.

d)

Sapilitang binibili ng mga Espanyol ang mga kalakal sa murang halaga.

69.

  Bakit hindi naging mabuti ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga patakarang pang-ekonomiyang pinatupad ng mga Espanyol?

a)

Ginawang alipin ang mga sinaunang Pilipino.

b)

Pinipilit nila ang mga Pilipino na magtrabaho sa gobyerno.

c)

Sapagkat naging patas ang mga dayuhan sa pagtrato sa mga Pilipino.

d)

Sapilitang binibili ng mga Espanyol ang mga kalakal sa murang halaga.