NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO #DRILLS
Total questions: 74
Worksheet time: 1hrs 14mins
Nagpapakita itp sa paghahanap nina Reyna Elena at Haring Constantino sa nawawalang Krus ni Hesus.
Panunuluyan
Pasyon
Salubong
Tibag
Ayon sa kanya ang pananaliksik ay isang maignat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan na natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at resolusyon nito.
Aquino
Parel
Good
Mahues at Medel
Aling uri ng kagamitang pampagtuturo napabibilang ang chalkboard, still pictures at bulletin board?
Naririnig
Naririnig-Namamasid
Projected at namamasid
Namamasid
Ang pamamaraang ito ay gumagamit ng pagmumungkahi upang makalikha ng isang kapaligirang komportable at relaks na makatutulong sa mabilis na pagkatuto ng wika.
Tuwiran
Suggestopedia
Pabalak
Komunikatibo
Batas na nagsasaad na ang marso 29-abril 4 ay ipagdiriwang bilang linggo ng wika.
Proklama blg. 12
Proklama blg. 186
Proklama Bilang 1041
Kautusang Tagapaganap Blg. 184
Ano ang tawag sa replika ng isang tunay o sintetik na material?
Dayorama
Ispesimen
Papet
Mock-up
Aling teknik ang hindi umaayon sa komunikatibong pagtuturo ng wika?
Larong pangwika
Panggagaya sa pahayag ng narinig
Pagbibigay-reaksyon sa balita
Pagsasakilos ng isang sitwasyon
Siya ang tinaguriang ama ng Pahayagang Tagalog. Siya rin ang nagsalin ng Noli Me Tangere sa Tagalog.
Lope K. Santos
Dr. Jose Rizal
Amado V. Hernandez
Pascual Poblete
Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay para sa bayan. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap?
Pagsasatao
Pagwawangis
Pagpapalit-saklaw
Pagpapalit-tawag
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan.
Teoryang Bottom-Up
Teoryang Interaktib
Teoryang Top-Down
Teoryang Iskima
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa napapanahong teknolohiya?
Video
Still Pictures
Powerpoint presentations
Digital images
Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagsasabi na ang wika ay repleksiyon ng kulturang Pilipino?
Marami tayong tawag sa snow sa wikang Filipino.
Marami tayong iba't ibang uri ng patatas na iba't iba ang pangalan.
Maraming pangalan ang iba't ibang endemikong uri ng tigre sa Palawan.
Marami tayong tawag sa iba't ibang butil ng bigas na iba-iba rin ang pangalan.
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Humanismo
Klasismo
Realismo
Naturalismo
Alin ang HINDI kabilang sa pahiwatig sa pagiging wikang pambansa ng Filipino?
Pambansang pagkakakilanlan
Nagpapakita ng pagiging mayaman
Nagbabandila na hindi tayo alipin
Sumasagisag sa kalayaan
Angkop ang pamaraang ito kung ang guro ay magpapagawa ng poster sa mga bata?
Pasaklaw
Pabuod
Patuklas
Pabalak
Nilalayon ng pasulit na ito na malaman ang hangganan ng pagkatutong natamo ng mga mag-aaral sa mga layuning itinakda para sa tiyak na panahon.
Achievement test
Diagnostic test
Proficiency Test
Aptitude test
Ito ay uri ng pagsusulit kung saan ang pagmamarka ay nakadepende sa tiyak na kasagutan na hinihingi sa pagsusulit.
Subhektibo
Norm-referenced
Obhektibo
Tama o Mali
Ito ang opisyal na pahayagan sa Panahon ng Hapon.
The Freeman
Manila Times
Tribune
Bulletin
Ito ay maliit na kahon sa gilid ng pangalan ng balita.
Tainga
deck
Running head
Folio
Kung gagamit ng teknolohikal na kagamitang panturo sa paglalahad ng aralin sa iba't ibang klase na inangkupan ng halimbawa ng telenobelang napapanahon, ano ang maaring maimungkahing mabisang gamitin?
Telebisyon
Larawang ipapakita sa tulong ng LCD projector
isinateyp na dayalogo
DVD
Uri it ng debate mula sa Pampanga na isinasagawa sa saliw ng musika at tula?
Crisostohan
Bukanegan
Cancionan
Pabitla
Ito ang wikang ginagamit upang mahanap ng mga impormasyon o datos.
Wikang Personal
Wikang Heuristiko
Wikang interaksyunal
Wikang impormatibo
Uri ng pananaliksik na sumasakop lamang sa maliit na populasyon at layunin na itala ang bawat obserbasyon ng mga respondent upang matukoy ang kalagayan.
Trend Analysis
Case Study
Documentary Analysis
Eksperimental
May mga kagamitang hindi maaring dalhin sa loob ng silid-aralan kung kaya naisipan ng guro na gumawa ng kagamitang pampagtuturo na may tatlong dimension. Alin sa mga sumusunod ang kanyang ginawa?
Tsart
Poster
Graps
Model
Uri ng pagsasalin na binabago ang pang-ibabaw sa katangian ng pahayag at pinanatili lamang ang mas malalim na lebel na kahulugan.
literal
komunikatibo
matapat
malaya
Ani ang opisyal na wika?
Wikang ginagamit sa pakikipagkalakalan at pakikipagpalitan ng produkto sa ibang bansa.
Wikang ginagamit sa loob ng paaralan at iba mga kolehiyo
Wikang ginagamit ng lahat ng mamamayan sa isang bansa upang magkaunawaan
Wikang ginagamit sa lahat ng uri ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan
Ang pagkatuto ay nagbibigay din sa kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at emosyunal.
Behaviorism
inatismo
makatao
kognitibo
Si carlo ay nagtuturo ng Filipino at nang ibinigay niya ang kahulugan ng pandiwa hindi ito maunawaan ng kanyang mga mag-aaral kaya isinalin niya ito sa wikang Ingles. Anong uri ng pagsasalin ang kanyang ginamit?
Intralingual
Interlingual
Intersemiotiko
Intramural
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng balita sa kabuuan sapagkat ito ang unang binibigyang pansin at umaakit sa mambabasa.
Pamatnubay
Editoryal
Lathalain
Tugaygay
Ang mapaglingkod kong calculator ay sumuko na. Anong uri ng tayutay ang isinasaad sa pangungusap?
Pagsasatao
Paglilipat-wika
Pagmamalabis
Pagwawangis
Nalungkot ako nang malamang kong sumakabilang buhay na ang kanyang kaibigan. Anong tayutay ang isinasaad nito?
Pagmamalabis
Pagtawag
Pagtatambis
Paglumanay
Ano ang ibig sabihin kapag sinasabing ang wika ay may masistemang balangkas?
Pinagkakasunduan ang anumang wika ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-raw na pamumuhay
Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na nakalilikha ng makabuluhang salita, parirala at mga pahayag.
Sumasabay ang wika sa pagbabago ng panahon at Malaya itong tumatanggap ng mga pagbabago upang patuloy na yumabong at yumaman
Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaring berbal o di-berbal
Alin sa mga sumusunod na piksyon ang ipinakilala ng mga Thomasites sa kanilang pagtuturo.
Ghost Buster
dwarfs
Fairy tales
Witchcraft
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kayang pananatili sa mundo.
Eksistensiyalismo
Moralistiko
Sikolohikal
Formalismo
Bilang isang guro sa Filipino, nais ni G. Perez na mapahusay ang kasanayan sa pakikinig ng kanyang mga mag-aaral. Alin sa mga sumusunod na kagamitang pampagtuturo ang angkop niyang gamitin?
Telebisyon at Sine
Radyo at Teyp rekorder
Filmstrip at Projector
Plascard at Cue card
Ang pahayagang itinatag ni Marcelo H. del Pilar upang ilathala ang pagbatikos sa maling pamamahala ng mga kastila.
La Solidaridad
Diariong Tagalog
El Resumen
Ang Kalayaan
Ilang ponema mayroon ang salitang dukha?
4
5
6
7
Alin sa sumusunod na teoryang pansiyentipiko tungkol sa pinagmulan ng wika maibibilang ang tunog na nalilikha ng isang babae o ginang kapag siya ay nagsisilang ng sanggol?
la-la
yo-he-ho
ta-ra-ram-boom-de-ay
poo-pooh
Alin sa sumusunod na teoryang pansiyentipiko tungkol sa pinagmulan ng wika maibibilang ang tunog na nalilikha ng buhos ng ulan, kulog, at hangin?
pooh-pooh
yo-he-ho
bow-wow
ta-ra-ram-boom-de-ay
Sa paghahanda ng guro ng pagsusulit, saan makikita ang lawak ng nilalaman, bilang aytem, bahagdan ng aytem, at uri ng pagsusulit na gagawin?
Modyul
Manwal ng Pagtuturo
Banghay ng Pagtuturo
Talahanayan ng Ispesipikasyon
Pansinin ang mga sumusunod na pangungusap at tukuyin ang cohesive device na ginamit. Siya ang nagluluto ng kanyang pagkain at siya ang naglalaba ng kanyang damit. (Halaw sa Ang Kura at Agwador ni Roegelio K. Sikat sa Baello, et. al 2004)
Anaphora
Katapora
Denotasyon
Konotasyon
Sinusukat ng pagsusulit na ito ayon sa layon ang kakayahan o interes sa pag-aaral sa isang lawak.
Natamong pagsusulit
Panuring Pagsusulit
Pagsusulit sa Kahusayan
Pagsusulit sa Aptityud
Tukuyin kung ano ang kasanayang ipinapamalas sa pahayag: "O siya, pakikumusta mo na lang ako sa iyong mga magulang."
Pamamaalam na pahayag
Pambungad na pahayag
Back channeling
Paghingi ng paglilinaw
Ano ang tawag sa mga termino o bokabularyong ginagamit ng isang particular na grupo ng mga tao sa isang tiyak na larangan?
barayti ng wika
kaisahan ng wika
register ng wika
kalikasan ng wika
Ito ang katawagan sa epekto ng pagsusulit sa pagtuturo ng pagkatuto ng mag-aaral.
Placement
Backwash
Diagnostic
Admission
Isang paran ng pagtataya kung anong petsa o panahon nahiwalay ang mga anak na wika sa kanilang inang wika.
Glottochronology
Lexiconstatiscis
Polygot
Theologians
Kung nais mong pag-aralan ang natamong akademik performans ng mga mag-aaral sa balarila, anong instrument ang pinakaangkop mong gamitin tungo sa mas makabuluhang resulta o kalalabasan?
Sarbey
Interbyu
Projektib teknik
Pagsusulit
Ito ay isang proseso ng pagsusuri sa kayarian ng salita o grupo ng mga salita.
Huwaran
Clustering
collocation
Word network
Siya ang sumulat ng kauna-unahang balagtasan.
Patricia Hernandez
Patricio Dionisio
Marcela Aquino
Sofia Enriquez
Kailan nabigyan ng pahintulot sa pagpapalimbag ng dksyunaryo at balarila ng Wikang Pambansa?
1940
1945
1946
1937
Tinaguriang Prinsipe ng makatang Pilipino. Siya ang nagsalin sa Tagalog ng Biag ni Lam-ang.
Rosario Almario
Faustino Aguilar
Mauro Avena
Cecilio Apostol
Siya ang itinanghal na ikalawang hari ng balagtasan.
Florentino Collantes
Jose de la Cruz
Francisco Baltazar
Jose Corazon de Jesus
Naglalaman ng kasaysayaan ng pananampalataya ng India. Itinuturing na pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
Haraya
Mahabharata
Koran
Divine Comdedia
Nagsasalaysay ito ng gintong panahon ng Kristiyanismo sa Pransya.
El Cid Compeador
Aklat ng mga Araw
Awit ni Rolando
Divine Comedia
Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga italyano na sinulat ni Dante ng Italya.
El Cid Campeador
Aklat ng mga Araw
Awit ni Rolando
Divine Comedia
Sino-sino ang___papunta rito?
nagjeep
nagjip
nag-jeep
nag-dyip
Sidlan ng tubig ang balde. Anong pagbabagong morpoponemiko ng salitang nakasalungguhit?
Pagkakaltas
Pagpapalit Ponema
Asimilasyon
Metatesis
Ito ay bahagi ng pahayagan na nakalagay sa ibabaw ng pangunahing ulo ng balita?
tainga
running head
Indeks
Deck
Ulo ng Pinakamahalagang balita.
Kicker
Deck
Banner
Foilio
Matapos maplano ni Bb. Gomez ang aralin, napagtanto niyang hindi angkop ang mga kagamitan sa mga layunin ng aralin. Ano ang nararapat niyang gawin?
Baguhin ang mga kagamitan
Ipagpaliban ang pagtuturo sa aralin
Ipagpatuloy ang pagtuturo gamit ang mga kagamitan
Baguhin ang layunin ng aralin
Ayon sa panuntunan, ano ang dapat iwasan ng guro sa pagbuo ng aytem para sa pagsusulit na pagtapat-tapatin?
Distracter
Talahanayan
Padron sa pagmamarka
Susing-sagot
Siya ang bumuo ng aklat na Arte y Reglas de la Lengua Tagala.
Blancas de San Jose
P. Mariano Pilapil
P. Gaspar de Belen
Tomas Pinpin
Alin sa mga sumusunod ang salitang Pambansa?
Pinoy
Kamusta
Mapagkumbaba
Nagdadalantao
Alin ang HINDI kasama sa mga dahilang ibinigay ng Surian ng Wikang Pambansa kung bakit wikang tagalog ang dapat maging batayan ng wikang pambansa?
Pinakamarami ang gumagamit ng Tagalog.
Komplikado ang estruktura at mekanismo ng Tagalog.
Ito ang pinakakatanggap-tanggap sa nakakaraming mamamayan.
Ito ang wikang may pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo at panitikan.
Ano ang naging wikang opisyal sa Pilipinas sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato noong 1897?
Niponggo
Ingles
Tagalog
Pilipino
Aling pangungusap sa mga pagpipilian ang may kamalian?
Maraming makaClinton ang nalungkot sa resulta ng eleksiyon sa Amerika.
Buhay raw ang pag-asa ng mga kapanalig ni Kim
Umalis kami nang dumating sila mula sa ibang bansa.
Nalungkot ako sa ipinapakita niyang ugali.
Ano ang unang dapat gawin ng isang guro bago gumawa o maghanda ng isang kagamitang pampagtuturo?
Maghanap ng mga sanggunian para sa paksang ituturo.
Magkaroon ng sarbey para sa angkop na kagamitang gagamitin.
Bumili ng mga materyales na kakailanganin.
Gumawa ng Banghay-aralin para sa paksang ituturo.
Pamamaraan na nagsisimula sa nalalaman patungo sa hindi nalalaman.
Pabuod
Pasaklaw
Pabalak
Patuklas
Sa pamaraang ito, bawat aralin ay kontekstwalisado sa isang sitwasyon at lahat ng usapan sa diyalogo ay umiikot sa nasabing sitwasyon.
Silent way
Sitwasyunal
Natural Approach
Tuwiran
Si G. Fernandez, isang guro sa agham, ay nakadestino sa isang liblib na lugar. Isa sa kanyang mga paksa ay ang tungkol sa mga planeta. Ano ang pinakaangkop niyang gawin na naayon sa isa sa mga layunin ng Education for Sustainable Developement (ESD)
Gagawa siya ng powerpoint presentation upang ilahad sa kanyang klase gamit ang laptop.
Iguguhit niya ang solar system gamit ang mga tradisyunal na kagamitan
Maghahanda siya ng mga kopya ng babasahin tungkol sa mga planeta.
Lilikha siya ng modelo ng mga planeta gamit ang mga recycled na materyales.
Siya ay kilala bilang ama ng nobelang Tagalog.
Lope K. Santos
Severino Reyes
Valeriano H. Pena
Ramon Gonzaga
Sa pagtuturo ng tulang damdamin, ang unang bumabasa ng tula ay ang
Guro
Mag-aaral na mahusay bumigkas
Unang Pangkat ng mag-aaral
Buong klase
Sino ang nagsulat ng unang nobelang Ingles sa Pilipinas?
Zoilo Galang
Jose Garcia Villa
Macario Osmena
Sylverio Ostria
Anong metodo ng pananaliksik ang angkop gamitin para sa sitwasyong nakatala sa ibaba? "Nagtungo si Dianna sa isla ng Mindoro upang sadyain ang grupo ng Mangyan dahil nais niyang pag-aralan ang pamumuhay ng mga Mangyan."
Ethnography
Historical
Survey
Experimental
