wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 4 MONTHLY TEST

Total questions: 75

Worksheet time: 51mins

Name
Class
Date
1.

Magkakaroon tayo ng video advertisement ________________________ Bb. Labajo.

a)

ayon kay

b)

ayon sa

c)

ayon kina

2.

Si Angel ay hindi nakapasa _________________________ palagi niyang paglalaro ng gadyet.

a)

dahil sa

b)

dahil kay

c)

dahil kina

3.

Ako ay nag-aaral ng mabuti _________________________ mama at papa.

a)

para sa

b)

para kay

c)

para kina

4.

Inialay ng ating mga bayani ang kanilang buhay _________________________ ating bansang Pilipinas.

a)

tungkol sa

b)

para sa

c)

ukol sa

5.

Ang mga naririnig kong balita sa aming lugar ay _________________________________ Maria.

a)

tungkol sa

b)

tungkol kay

c)

tungkol kina

6.

_____________ sa bagyo ang balita ngayon.

a)

Ayon sa

b)

Tungkol sa

c)

Kina

7.

May mga baterya pa ba tayo ____________ flashlight?

a)

para kay

b)

para sa

c)

para kina

8.

Ang mga kapote ay ______________ Roberto at Liam.

a)

para kay

b)

para sa

c)

para kina

9.

Ulam at kanin ang itinira ko _______________ Nikko.

a)

para sa

b)

para kay

c)

para kina

10.

__________ Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

a)

Ayon kay

b)

Ayon sa

c)

Tungkol kay

11.

_________________ batas ang pagnanakaw ng gamit ng iba.

a)

Tungkol sa

b)

Ayon sa

c)

Labag sa

12.

Alin ang pang-ukol sa loob ng pangungusap?


Sagrado para sa katutubo nating kababayan ang ugnayan

ng tao at kalikasan.

(a)  

13.

Alin ang pang-ukol sa loob ng pangungusap?


Ang nilagdaang kasunduan ng Pangulo ay para sa mamamayang Filipino.

(a)  

14.

Alin ang pang-ukol sa loob ng pangungusap?


Tungkol sa climate change ang kanilang pag-aaralan.

(a)  

15.

"Kardo, pakikuha ang aking laptop." Anong uri ng pangungusap ito?

a)

pasalaysay

b)

pautos

c)

pakiusap

d)

patanong

e)

padamdam

16.

"Aba! Kayganda talaga ng Batanes." Anong uri ng pangungusap ito?

a)

pasalaysay

b)

pautos

c)

pakiusap

d)

patanong

e)

padamdam

17.

"Sino-sino sa inyo ang nakarating na sa isla ng Itbayat?"

Anong uri ng pangungusap ito?

a)

pasalaysay

b)

pautos

c)

pakiusap

d)

patanong

e)

padamdam

18.

"Napakaraming turista ang napapamangha sa ganda ng Batanes.

Anong uri ng pangungusap ito?

a)

pasalaysay

b)

pautos

c)

pakiusap

d)

patanong

e)

padamdam

19.

"Magtanim ka ng gulay sa Gulayan ng Paaralan."

Anong uri ng pangungusap ito?

a)

pasalaysay

b)

pautos

c)

patanong

d)

pakiusap

e)

padamdam

20.

"Nakapunta na si Maria sa tatlong isla ng Batanes."

Anong uri ng pangungusap ito?

a)

pasalaysay

b)

pautos

c)

pakiusap

d)

patanong

e)

padamdam

21.

"Nakasakay ka na ba sa bangka?"

Anong uri ng pangungusap ito?

a)

patanong

b)

pasalaysay

c)

pakiusap

d)

pautos

e)

padamdam

22.

"Wow! Napakaraming isda ang nahuli nila."

Anong uri ng pangungusap ito?

a)

padamdam

b)

patanong

c)

pakiusap

d)

pautos

e)

pasalaysay

23.

"Pakibalik sa lalagyan ang mga aklat na nakakalat."

Anong uri ng pangungusap ito?

a)

pakiusap

b)

patanong

c)

pautos

d)

padamdam

e)

pasalaysay

24.

"Ibilad mo ang mga mais sa init ng araw."

Anong uri ng pangungusap ito?

a)

pautos

b)

padamdam

c)

pasalaysay

d)

pakiusap

e)

patanong

25.

Alin sa sumusunod ang pangungusap na patanong?

a)

Binigyan niya ako ng thank you card.

b)

Inubos ba ni Althea ang kaniyang baon?

c)

Naghulog si Carmen ng pera sa banko.

d)

Nakakatuwa ang batang umaawit.

26.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang pasalaysay?

a)

Maraming magulang at mag-aaral ang nasisiyahan sa paggamit ng deped commons.

b)

May magandang epekto ba ang paggamit ng deped commons?

c)

Wow! Libo-libo na ang gumagamit ng deped commons.

d)

Ipagamit natin sa mga bata ang deped commons.

27.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang pakiusap?

a)

Paano ang tamang paghuhugas ng kamay?

b)

Talaga! Salamat sa Diyos at wala pang Covid 19 sa Batanes.

c)

Pakituro sa mga bata ang tamang paghuhugas ng kamay.

d)

Nakakalungkot ang mga pangyayari ngayon ngunit naniniwala ako na malalampasan din natin ito.

28.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang pautos?

a)

Maiwan lang kayo sa inyong bahay.

b)

Kung maaari sana ay huwag kayong lumabas.

c)

Ano ang balak mo sa sitwasyon natin ngayon?

d)

Marami tayong magagawa para matulungan ang mga frontliners.

29.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang padamdam?

a)

Aba! Marami parin ang mga may mabubuting puso sa panahaon ngayon.

b)

Ang tanging pag-asa natin ay ang mahal na Panginoon.

c)

Tama ba na suwayin natin ang gobyerno?

d)

Sumunod na lang sana tayo para walang problema.

30.

TULDOK ( . )

a)

Pasalaysay at Pautos

b)

Patanong

c)

Padamdam

31.

( ? )

a)

Pautos

b)

Padamdam

c)

Pasalaysay

d)

Patanong

32.

( ! )

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Padamdam

d)

Pautos

33.

Si Melany ay matalinong bata _

a)

TULDOK ( . )

b)

TANDANG PANANONG ( ? )

c)

TANDANG PADAMDAM ( ! )

34.

Sino ang nagpapasok sayo dito _

a)

TULDOK ( . )

b)

TANDANG PANANONG ( ? )

c)

TANDANG PADAMDAM ( ! )

35.

Inay, may sunog _

a)

TULDOK ( . )

b)

TANDANG PANANONG ( ? )

c)

TANDANG PADAMDAM ( ! )

36.

Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang iba't ibang uri nito.

(PASALAYSAY)

4 lines
37.

Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang iba't ibang uri nito.

(PATANONG)

4 lines
38.

Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang iba't ibang uri nito.

(PAUTOS)

4 lines
39.

Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang iba't ibang uri nito.

(PAKIUSAP)

4 lines
40.

Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang iba't ibang uri nito.

(PADAMDAM)

4 lines
41.

Ang mga bata

a)

parirala

b)

pangungusap

42.

mataas na gusali

a)

parirala

b)

pangungusap

43.

Nagsisimba kami tuwing Linggo.

a)

parirala

b)

pangungusap

44.

Ang mga bata ay naglalaro.

a)

parirala

b)

pangungusap

45.

Biyernes ng gabi

a)

parirala

b)

pangungusap

46.

Makukulay ang mga bulaklak.

a)

parirala

b)

pangungusap

47.

Ako ay Pilipino.

a)

parirala

b)

pangungusap

48.

Aray! Ang sakit ng ngipin ko!

a)

parirala

b)

pangungusap

49.

nagluto ang lahat

a)

parirala

b)

pangungusap

50.

Si tatay ay nagsibak ng kahoy.

a)

parirala

b)

pangungusap

51.

Ito ay anyo ng tulang nilapatan ng himig o tono.

(a)  

52.

Ito ay isang awit ng pagmamahal.

a)

Diona

b)

Kundiman

c)

Oyayi

d)

Talindaw

53.

Ang awit ng pakikidigma.

a)

Pangangaluwa

b)

Sambotani

c)

Dalit

d)

Kumintang

54.

Awit sa pamamangka.

a)

Rawitdawit

b)

Maluway

c)

Talindaw

d)

Kundiman

55.

Ang awit sa pagpapatulog sa bata.

a)

Oyayi

b)

Kutang-kutang

c)

Balitaw

d)

Dalit

56.

Ito ay awit sa kasal.

a)

Diona

b)

Soliranin

c)

Maluway

d)

Sambotani

57.

Ang awit ng mga mangagawa kung saan kanilang ipinapahayag ang kanilang mga nararamdaman sa paggawa..

a)

Pangangaluwa

b)

Balitaw

c)

Pananapatan

d)

Soliranin

58.

Awit ng pagsamba o papuri sa mga Diyos.

a)

Talindaw

b)

Dalit

c)

Dung-aw

d)

Soliranin

59.

Awit para sa mga taong namayapa na.

a)

Kutang-Kutang

b)

Talindaw

c)

Dung-aw

d)

Oyayi

60.

Ito ay lipon ng mga salitang napapaloob sa isang pangungusap na may bahaging simuno at panaguri.

a)

Sugnay

b)

Salita

c)

Parirala

61.

Ito ay nagatataglay ng buong diwa.

a)

Sugnay na makapag-iisa

b)

Sugay na di-makapag-iisa

62.

Ito ay lipon ng mga salita na walang buong kaisipan.

a)

Sugnay na makapag-iisa

b)

Sugnay na di-makapag-iisa

63.

Upang sumaya ang mga magulang mo, magpakabait ka palagi.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

64.

Mataino si Greta kaya iskolar siya sa pag-aaral.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

65.

Ang mga bata ay tuwang tuwa kasi dumating na ang kanilang tatay.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

66.

Kapag dumaan ang nagtitinda ng gulay, ibili mo ako ng mga sitaw at kalabasa.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

67.

Dahil matulungin kang bata, may ibibigay ako sa iyong regalo.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

68.

Masayang masaya ang mga magulang niya dahil mabait siyang anak.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

69.

Nalungkot kaming lahat nang lumipat ng paaraan si Nilda.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

70.

Masaya na siya ngayon dahil natanggap na siya sa bago niyang tabaho.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

71.

Para matuwa si nanay, pinagbubuti ko ang aking pag-aaral.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

72.

Ilang araw na siyang hindi nakakapasok sapagkat may sakit siya ngayon.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

73.

Nanalo siya sa paligsahan ng pagsayaw dahil masipag siyang mag-ensayo.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

74.

Huwag kang magpapagabi ng uwi dahil delikado na sa daan ngayon.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

75.

Nang matapos ang sayaw ng pangkat, tumayo at pumalakpak ang mga manonood.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa