WorksheetsFILDIS mehehehe
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
“Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao”.
(a)
Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.
(a)
Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
(a)
ü Ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao ayon kay (a) .
“Ang wika ay isang sistematik na balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrari upang magamit ng mga taong may iisang kultura.”
(a)
Pangunahing katangian ng isang wika tunay na agham ang pagiging sistematik. Dahil may katangiang makaagham ang isang wika, naging batayan ito upang umiral ang larangan ng Linggwistiks, ang pag-aaral ng wika.
(a)
Hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi rin naman lahat ng tunog ay makabuluhan. Ang ponemik ang tunog na makabuluhan. Ang pagiging makabuluhan ng tunog ay yaong nakapagpapaiba ng kahulugan ng salita at ito ay tinatawag na ponema.
(a)
Layon nito ang makapagpahayag nang mabisa sa pamamagitan ng wastong pagpili at pagsasaayos ng wika. Hindi lamang kasi basta binibigkas at inaalam ang kahulugan ng mga salita.
(a)
Ang wika ng isang pamayanan ay nabuo ayon sa napagkasunduang termino ng mga taong gumagamit nito. Dahil dito, nagkaroon ng indentidad ang bawat wika na sadyang ikinaiba ng bawat isa.
(a)
Kaugnay ng pagiging arbitrari ang pagiging kapantay ng kultura ng wika. Walang wikang umunlad pa kaysa sa kanyang kultura, gayundin walang kulturang yumayabong nang di kasabay ang wika.
(a)
Walang saysay ang anumang bagay kung hindi naman ito ginagamit. Kapag hindi na ginagamit, nangangahulugan lamang na wala itong silbi.
(a)
Itinuturing na “patay” ang isang wika kung wala na itong tinatanggap na pagbabago. Hindi totoo na patay na ang wika ay wala nang gumagamit at dahil doon, ay wala nang silbi.
(a)
❑ Ang tawag sa katutubong paraan o sistema ng pagsulat.
Ang kanilang panitikan ay nakasulat sa mga balat ng puno, kawayan, o dahon. Gumamit sila ng anumang matulis na bagay bilang pang-ukit o pagsulat ng mga simbolo.
(a)
WIKANG GINAMIT SA PANAHON NG KASTILA
(a)
Namulat ang isipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino.
(a)
Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato- nakasaad na “Ang Wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng mga Pilipino.”
(a)
Nagpatayo ng pitong pambayang paaralan sa Maynila. Naging unang guro ang mga sundalong Amerikano na nagturo ng Ingles.
(a)
Pinagtibay ng Philippine Commission sa Bisa ng Batas 74 na gawing panturo sa mga paaralan ang wikang Ingles.
(a)
❑ Ipinahayag na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570
(a)
Ang Wikang Pambansa ay tatawaging “WIKANG PILIPINO.”
(a)
Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 13, ang PAGDIRIWANG NG LINGGO NG WIKA tuwing Marso 29-Abril 4.
(a)
Proklamasyon Blg. 186 – Inilipat ang petsa ng pagdiriwang sa Agosto 13-19. Itinapat sa kaarawan ng Pang. Quezon.
(a)
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 – ang wikang pambansa ay tatawaging “PILIPINO.”
(a)
Memorandum Sirkular 488 – magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19.
(a)
Resolusyon Blg. 73-7 – Patakarang Edukasyong Bilingguwal
(Year po sagot mheheh)
(a)
Ang Constitutional Commission ay inaprubahan na pormal na pagtibayin ang FILIPINO bilang Wikang Pambansa.
(a)
Pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng FILIPINO bilang pambansang wika.
(a)
❑ Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 – pinalitan ang SWP ng LWP o Linangan ng mga Wika sa Pilipinas.
(a)
Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041. Nagpapahayag sa taunang pagdiriwang ng BUWAN NG WIKANG PAMBANSA tuwing Agosto 1-31.
(a)
Bantog na iskolar sa Inglatera. Ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang phenomenon. Naging malaking ambag niya sa mundo ang linguwistika ang systematic functional linguistics.
(a)
Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. Ang paggawa ng liham pangangalakal,liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.
(a)
Ito ang gamit ng wikang tumutukoy sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto ng ulam,direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba.
(a)
Ang tungkulin ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;pakikipagbiruan; pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari; paggawa ng liham pangkaibigan; at iba pa.
(a)
Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsusulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
(a)
Ang tungkulin ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
(a)
Ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, tesis,panayam, at pagtuturo.
(a)
Tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
(a)
Si (a) ay isa sa mga pinakamagaling na dalubwika ng ikadalawampung siglo. Isa siya sa mga nagtatag ng Linguistic Circle of New York. Ang kanyang bantog na functions of language ang kanyang naging ambag sa larangan ng semiotics.
Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon.
(a)
upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
(a)
Upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
(a)
Ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
(a)
Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
(a)
Masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
(a)
Paggamit ng wika upang impluwensyahin ang kilos o damdamin ng iba- pag-uutos, pakiusap, pagbababa, pagpuna, pagpapalakas ng loob at iba pa.
(a)
Kaugnay ang ugali at damdamin “Pagkausap sa sarili” nang tahimik o mag-isa, pagpaparating sa iba ng ating naiisip, pagbibigay ng opinyon.
(a)
Tawag sa gamit ng wika sa pagbuo ng salitang walang katuturan o pagbibiro
(a)
paggamit ng wika sa pagpaparating ng bagong impormasyon at kasanayan
(a)
Gamit sa wika sa panitikan.
(a)
Paggamit ng wika sa pagtatalakay.
(a)
