NEW
Font size
S
M
L
XL
WorksheetsREVIEW ACTIVITY IN AP 3 (4TH QUARTER)
Total questions: 29
Worksheet time: 15mins
Name
Class
Date
1.
1. Ano ang isa sa mga pangunahing produkto ng mga pagsasaka sa ating bansa?
a)
A. mais
b)
B. palay
c)
C. saging
d)
D. mangga
2.
2. Ito ay pangunahing sangkap sa paggawa ng pagkain ng hayop, cornflakes, gawgaw, pampatamis o corn syrup, mantika, mga inumin, alcohol para sa mga pagawaan, at fuel ethanol. Ano ito?
a)
A. mais
b)
B. niyog
c)
C. saging
d)
D. mangga
3.
3. Saan pangunahing nagmumula ang produktong asukal?
a)
A. tubo
b)
B. pinya
c)
C. saging
d)
D. mangga
4.
4. Ang punong niyog ay tinatawag ding_____________dahil sa napakaraming kapakinabangang nagmumula sa lahat ng bahagi nito mula sa laman, dahon, puno, bao, balat, sabaw, ugat, at maging ubod nito.
a)
A. buko
b)
B. niyog
c)
C. puno ng buhay
d)
D. puno ng bahay
5.
5. Sila ang mga manggagawang nakapagtapos ng kursong bokasyonal o teknikal at nakapagsanay nang mahabang panahon upang mahasa at mapaghusay pa lalo ang kakayahan.
a)
A. magsasaka
b)
B. mga negosyante o namumuhunan
c)
C. mga manggagawang sanay o skilled workers
d)
D. mga manggagawang di-sanay o non-skilled workers
6.
6. Ano ang tawag sa mga kalsadang nag-uugnay sa taniman o bukirin at pamilihan?
a)
A. tulay
b)
B. kalsada
c)
C. paliparan
d)
D. farm to market roads
7.
7. Ano ang pinakamabilis na paraan ng pagdadala tulad ng mga turista, lokal man o banyaga?
a)
A. roro
b)
B. paliparan
c)
C. kalsada at mga tulay
d)
D. farm to market roads
8.
8. Maaari itong magamit para sa pagsisimula ng bagong negosyo o pagpapalawak ng negosyong nasimulan na.
a)
A. SME Loan
b)
B. Trade Fair
c)
C. Go Negosyo Act
d)
D. Weekend Market
9.
9. Anong grupo ang nag oorganisa ng isang trade fair na kung saan ito ay idinadaos bago mag-pasko sa SM Megatrade Hall kung saan ipinapakilala at ipinagbibili ang mga produkto ng iba’t ibang lalawigan sa rehiyon sa bansa?
a)
A. SME Loan
b)
B. Trade Fair
c)
C. Programang One Town, One Product (OTOP) ng DTI
d)
D. Kabuhayan Trade Fair ng Congressional Spouses Foundation Inc.
10.
10. Bago magtayo ng isang negosyo ang isang mangangalakal o magtanim ng mga pananim ang isang magsasaka ay kailangan munang mag-obserba at pag-aralan ang lagay ng mga produkto sa mga _________.
a)
A. pamilihan
b)
B. kapaligiran
c)
C. pamahalaan
d)
D. taniman o sakahan
11.
11. Sino ang katuwang o katulong ng gobernador sa pamamahala sa lalawigan?
a)
A. gobernador
b)
B. bise-gobernador
c)
C. lupon ng mga kagawad
d)
D. sangguniang panlalawigan
12.
12. Ano ang tawag sa tagapagbatas o tagagawa ng batas sa lalawigan?
a)
A. gobernador
b)
B. bise-gobernador
c)
C. lupon ng mga kagawad
d)
D. sangguniang panlalawigan
13.
13. Sa isang lalawigan, sino ang nagsisilbing pinakaama o inang nangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan?
a)
A. gobernador
b)
B. bise-gobernador
c)
C. lupon ng mga kagawad
d)
D. sangguniang panlalawigan
14.
14. Ano ang tawag sa isang espesyal na araw kung saan lumalabas ang mga rehistradong botante at nagpupunta sa kani-kanilang voting precinct na karaniwang mga pampublikong paaralan?
a)
A. holiday
b)
B. pagpupulong
c)
C. mga pagdiriwang
d)
D. eleksiyon o halalan
15.
15. Ang sumusunod ay ang taong puwedeng magparehistro at maging botante MALIBAN SA ISA. Sino ito?
a)
A. Hindi siya inalisan ng karapatan ng batas para bumoto.
b)
B. Hindi isang mamamayang Pilipino at hindi nakatira sa Pilipinas.
c)
C. Labingwalong (18) taong gulang o higit pa sa araw ng eleksiyon o halalan.
d)
D. Mamamayang Pilipinong naninirahan sa Pilipinas ng isang taon man lang at anim na buwan naman sa lugar kung saan siya nagparehistro bilang botante.
16.
16. Anong ahensiya ng gobyerno ang nangunguna sa pangangalaga, pagbibigay-impormasyon, at pagbibigay pansin sa mga isyung pangkalusugan ng mga mamamayan ng Pilipinas?
a)
A. Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health)
b)
B. Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education)
c)
C. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (Department of National Defense o DND)
d)
D. Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (Department of Social Welfare and Development (DSWD)
17.
17. Anong ahensiya ng gobyerno ang nangangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka?
a)
A. Kagawaran ng Agrikultura (Department of Agriculture)
b)
B. Philippine Overseas Employment Administration o POEA
c)
C. Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry)
d)
D. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (Department of Labor and Employment)
18.
18. Ito ay tulad ng isang magulang na may tungkuling mangalaga sa mga mamamayan.
a)
A. pamahalaan
b)
B. mga mamamayan
c)
C. eleksiyon o halalan
d)
D. mga voting precinct
19.
19. Ito ang kagawarang namamahala sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines o AFP.
a)
A. Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health)
b)
B. Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education)
c)
C. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (Department of National Defense o DND)
d)
D. Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (Department of Social Welfare and Development (DSWD)
20.
20. Ang komisyong ito ang nangangalaga at nagbibigay-serbisyo para sa mga mag-aaral sa mga kolehiyo at unibersidad.
a)
A. ESC Scholar
b)
B. Commision on Higher Education (CHED)
c)
C. Educational Service Contracting (ESC) Scholarship
d)
D. Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education)
21.
21. Ito ay ang paglalaan ng halaga para sa bawat pagkakagastusan.
a)
A. badyet
b)
B. buwis
c)
C. katahimikan at kaayusan
d)
D. pagtulong sa pamahalaan
22.
22. Pagsasagawa ng 3Rs o Reduce, Reuse, at Recycle para mabawasan ang itinatapong basura. Anong paraan ng pagtulong o pakikiisa ito?
a)
A. pagbabayad ng tamang buwis
b)
B. pangangalaga sa ating mga katubigan
c)
C. pagtatapon nang maayos sa mga basura
d)
D. pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan
23.
23. Pagbabawal sa pag-inom ng alak sa labas ng bakuran o sa mga kalsada. Anong paraan ng pagtulong o pakikiisa ito?
a)
A. pagbabayad ng tamang buwis
b)
B. pangangalaga sa ating mga katubigan
c)
C. pagtatapon nang maayos sa mga basura
d)
D. pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan
24.
24. Huwag sirain ang mga korales at mga punong bakawan sapagkat ang mga ito ay tirahan at pangitlugan ng mga isda. Anong paraan ng pagtulong o pakikiisa ito?
a)
A. pagbabayad ng tamang buwis
b)
B. pangangalaga sa ating mga katubigan
c)
C. pagtatapon nang maayos sa mga basura
d)
D. pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan
25.
25. Ang sumusunod ay mga paraan ng pagtulong at pakikiisa sa pamahalan MALIBAN SA ISA. Ano ito?
a)
A. Pagboboluntaryo Para sa Ikakabuti ng Bayan at Lalawigan
b)
B. Pagtatapon ng mga basura sa kapaligiran at pagsira sa mga bagay.
c)
C. Pagtangkilik sa mga Bagay na Gawa Msimo sa Ating Bayan at Lalalawigan o mga Gawang Sariling Atin
d)
D. Pagsuporta at Pagdalo sa mga Programa at Gawaing Inoorganisa ng Pamahalaang Lokal
26.
26. Ang mga taniman o sakahan sa bansa ay karaniwang matatagpuan sa mga kapatagan, lambak at talampas.
a)
TAMA
b)
MALI
27.
27. Ang hanapbuhay ng mga propesyonal ay mga manggagawang naglilingkod at minsan ay nagpoproseso sa mga produktong nagmumula sa mga pamayanan.
a)
TAMA
b)
MALI
28.
28. Ang bise-gobernador ang nagsisilbing pinakaama o inang nangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan.
a)
TAMA
b)
MALI
29.
29. Ang AFP ay binubuo ng:
-Hukbong Dagat (Philippine Navy)
-Hukbong Katihan (Philippine Army)
-Hukbong Panghimpapawid (Philippine Air Force)
a)
TAMA
b)
MALI
Reset
