WorksheetsREVIEWER 1 - INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG
Total questions: 81
Worksheet time: 1hrs 21mins
Kailangan ang pangyayari’y kagaganap o katutuklas lamang.
(a)
Ang balita kung ang pangyayari ay matagal nang naganap ngunit ngayon lamang nabunyag o natuklasan.
(a)
Higit na kinagigiliwan ng karaniwang mambabasa ang mga pangyayari sa kanilang paligid kaysa mga pangyayaring nagaganap sa malalayong pook.
(a)
Maaaring tumukoy rin sa kalapitang heograpiya (geographical nearness), kaangkan (kinship), kapakanan (interest) atb.
(a)
Kung ang paksa ng balita ay bantog o tanyag, ito ay nakaaakit at nakatatawag pansin.
(a)
Maaaring ito’y ukol sa isang pinuno ng pamahalaan, lider ng purok, mga taong kilala o dakila o tanyag sa lipunan.
(a)
Maaari ring paksain ang isang matulaing pook.
(a)
Ano mang pangyayaring naglalarawan ng paglalaban, pagpapaligsahan at pagsasapalaran ay balitang interesante.
(a)
Ito’y maaaring pagtutunggali ng katawang pisikal at mental; tao laban sa kapwa tao; tao laban sa hayop; tao laban sa kalikasan; tao laban sa kanyang sarili.
(a)
Kung ang isang pangyayari o bagay ay may ibubungang kabutihan o kasamaan ay nakatawag-pansin, ano ang kahulugan o kalalabasan kung ang Kumunismo ay ating tatangkilikin?
(a)
Mga bagay na pambihirang mangyari gaya ng isang lalaking napabalitang nagdalantao, o ng isang taong patay na nabuhay at nang nakita niyang nasa loob siya ng ataol, siya’y namatay uli dahil sa takot.
(a)
Ano mang pagbabago, maging sa pag-unlad o sa pagsama ay nakakatawag-pansin.
(a)
Ito’y umaantig ng damdamin at kaukulang reaksyon ng mambabasa upang siya’y paiyakin, patawarin, pagalitan, pahangain atb.
(a)
Ang romansa ay hindi nauukol sa pag-iibigan lamang. Isang halimbawa nito ay ang romansa ni Hemingway at ng karagatan; mga astronauts at ng kalawakan.
(a)
Magandang paksa sa balita ng mga hayop na may katalinuhan.
(a)
Kung marami ang mga pangalang nakalathala na nasasangkot sa balita, dumarami rin ang mga mambabasa.
(a)
Ang daigdig ay isang dulaan at ang mga tao ay nagsisiganap sa pamamagitan ng dula ng tunay na buhay.
(a)
Ang misteryo, pag-aalinlangan (suspense) o komedya ay nagbibigay ng kulay sa isang kuwento.
(a)
Ito’y nagbibigay ng kawilihan na karaniwang natutunghayan sa romansa, pag-aasawa, paghihiwalay at pagdidiborsiyo.
(a)
Nailalarawan din ang (a) , halimbawa kung ang isang babase ang pinuno ng mga bandido o kung ang naihalal na pangulo ng isang bansa ay babae gaya ni Gloria M. Arroyo.
Magandang paksa ang mga ito sa balita.
(a)
Marami ang mahilig magbasa ng mga estatistiks tulad ng ulat sa pananalapi, kinalabasan ng eleksyon, panalong numero sa sweepstakes, vital statistics ng dalaga, atb.
(a)
Ito’y sumasagot sa mga tanong Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?
(a)
Kahit na nakagawian nang simulan ang pamatnubay sa pinakatampok na pangyayari ay maaari pa ring simulan ito sa ibang paraan kung naaangkop.
(a)
May iba’t ibang kayariang pambalarila na maaaring magbigay ng pagbabago at lalong maging mabisa ang panimula.
(a)
Ito’y ang paggamit ng iba’t ibang uri ng sugnay at parirala.
(a)
Sa ganitong paraan, ang sugnay na makapag-isa ay ang nagtataglay ng Sino at ng Ano at ang parirala ay ang ginagamit na pang-uri.
(a)
Ito ay ginagamit ng mga manunulat sa pamamaraang inaakala niyang madaling makatawag o makapukaw ng pansin o kawilihan at pananabik.
(a)
Hindi ito nagsasaad ng buod kundi nagsisilbing panimula lamang.
(a)
Hindi ginagamit ito sa tuwirang balita (straight news) kundi sa balitang lathalain (news features).
(a)
Kalimitang ito’y isang pangungusap na maikli, hiwalay sa talata na sinusundan ng buod ng ibang impormasyon.
(a)
Ginagamit ito kung ang tala ay lubhang mahalaga, nakakagulat, nakakagulantang o nakakasindak.
(a)
Ito’y mga pangungusap na naglalarawan ng pangyayari, at ang pook na pinangyarihan ay higit na nakakatawag ng pansin kaysa sa mga taong kasangkot.
(a)
Ito’y karaniwang ginagamit sa mga salaysay tungkol sa karnabal, sayawan, eksibisyon, pistahan, atb.
(a)
Ito’y makabuluhang pangungusap ng tagapagsalita o kaya, ito’y hango sa isang aklat na sinipi at ginamit na panimula sa isang balita.
(a)
Ginagamit ito kung ang sinabi o sinipi ay higit na nakakatawag ng pansin o mas mahalaga kaysa taong nagsabi.
(a)
Karaniwang ginagamit ito sa mga balitang tungkol sa talumpati (speech story).
(a)
- Ito’y ginagamit kung ang tanong ay may malaking bahagi sa salaysay at kung ang tanong ay wala pang kasagutan.
(a)
Ito’y paglalarawan ng tao, lunan o pangyayari.
(a)
Ginagamit kung sa pamamagitan ng ilang salita ay makakabuo ng malinaw na larawan sa isipan ng bumabasa.
(a)
Ginagamit ito upang maipakita o mapalitaw ang pagkakaiba ng dalawang bagay sa unang pangungusap ng balita.
(a)
Karaniwang hango sa tanyag na awit, tula, sipi, aklat, o pamagat ng pelikula
(a)
Ginagamit lamang ito kung angkop, madaling makilala, ngunit hindi lubhang palasak.
(a)
Isang napakaikli ngunit mabisang pamatnubay.
(a)
Sinisimulan ang pamatnubay ng mga kilalang kasabihan o taludtod.
(a)
Sugod! Ito ang utos ni G. Rene Romero sa mga batang iskaut nang tinatangka nilang akyatin ang Bundok Arayat.
(a)
Lipon ng mga salita o pariral na naghahatid sa bumabasa ng lagay ng kalooban sa mga nagaganap.
(a)
Ito’y ginagamit lamang kung ang lagay ng kalooban ukol sa pangyayaring inilalarawan ay kawili-wili at mahalaga.
(a)
Ginagamit lamang kung ang pagbanggit ay natural o angkop.
(a)
Krimen, demonstrasyon, adiksyon, polusyon! Pagsama-samahin ang mga ito ay mababatid mo kung anong uring lungsod ang Maynila.
(a)
Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan o kahulugan ng isang mahalagang pangyayari.
(a)
Ito’y nagbibigay kaalaman o linaw sa ilang pangyayaring hindi gaanong maunawaan.
(a)
Pumupuna ito sa isang kalagayan ng isang tao, o ng isang paraan ng pag-iisip sa layuning makakuha ng mga kapanig sa paniniwala at kung mangyayari’y makapagbunso ng pagbabago.
(a)
Pumupuna ito sa isang kalagayan ng isang tao, o ng isang paraan ng pag-iisip sa layuning makakuha ng mga kapanig sa paniniwala at kung mangyayari’y makapagbunso ng pagbabago.
(a)
Ito’y nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo at namumuna. Subalit ang binibigyang-diin ay ang mabisang panghihikayat.
(a)
Nagbibigay ito ng papuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa, nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na may nagawang pambihirang kabutihan.
(a)
Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng mga tanging araw o okasyon.
(a)
Isang uri ng natatanging balita ukol sa iba't ibang uri ng laro na salig sa tuwirang balita subalit karaniwa'y nasusulat sa pamaraang action story.
(a)
Nagbabalita ng napipintong labanan.
(a)
Ito ay naglalaman ng mga nakaraang paglalaban ng bawat koponan at mga manlalaro, ang kanilang kakayahan at kahinaan na maaaring gawing saligan upang hulaan ang magiging kalalabasan ng laban.
(a)
Ito'y naglalahad ng nagaganap na laro.
(a)
Sino ang nanalo? Ilan ang iskor ng bawat koponan? Nagkaroon ba ng kaguluhan, o nahinto ba ang laro dahil sa ulan? Nagkaroon ba ng patas (tie)? Lubhang mahalaga ang kinalabasan.
(a)
Ano ang nakalaan? Isang kampeonato? Ligiran? Torneo? Eksibisyon o isang tampok na laro? Nagkaroon ba ng see-sawing iskor? Sinong nagkamit ng tropeo?
(a)
Bakit nagwagi ang koponan? Banggitin ang huling sandali ng garambolahan.
(a)
Suriin ang kanilang taas, timbang, kahusayan at karanasan.
(a)
Sa anong bahagi ng paglalaro nakalamang ang mga nagwagi? Saang bagay naman mahina ang natalo?
(a)
SIno ang nagdala ng koponan upang manalo? Paano niya ginawa ito? Sino-sino ang mga tampok na manlalaro? Matatag ba ang kamay ng pitcher sa sopbol o beisbol?
(a)
Umuulan ba? Matindi ba ang sikat ng araw? Maputik ba o maalikabok?
(a)
Magulo ba ang mga manonood? Gaano sila karami?
(a)
Maaaring magbigay ng buod ng pangyayari.
(a)
Karaniwang sumasagot ito sa mga tanong na ano? sino? kailan? bakit?, at paano?
(a)
Huwag ilagay kaagad ang lahat ng ito. Piliin lamang yaong sa iyong palagay ang pinakamahalaga.
(a)
Naglalahad ng mga detalye at iba pang sangkap ng hindi gaanong naipaliwanag sa unang talata.
(a)
Nagdudulot ng kapanabikan sa mga manonood na naging daan sa pagwawagi o pagkatalo ng koponan.
(a)
Dapat magtaglay n g tampok na bahagi ng laro, koponang naglaban, natatanging manlalaro, iskor o kinalabasan at pook na pinagdausan ng laro.
(a)
Ulat sa isang pangyayari, maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay na naganap na, nagaganap o magaganap pa lamang.
(a)
Pagpapakahulugan o opinyon sa isang pangyayari o sa isang isyu.
(a)
Isang sanaysay batay sa tunay na pangyayaring nagaganap.
(a)
Kaakit-akit na libangang pang-araw-araw na nagtataglay ng katotohanan ng buhay sa kasalukuyan.
(a)
Kawili-wiling gawaing pampaaralan ng mga kaanib sa patnugutan gaya ng pangangalap, tungo sa hangaring majapagpalabas ng isang pampaaralang pahayagan.
(a)
Pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ang unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa mambabasa dahil ityo ang buod.
(a)
