wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KASARIAN

Total questions: 25

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?

a)

Bi-sexual

b)

Transgender

c)

Gender

d)

Sex

2.

Tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

a)

Sex

b)

Gender

c)

Bi-sexual

d)

Transgender

3.

Bi-sexual ay taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawa at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag na:  

a)

Bakla

b)

Transgender

c)

Lesbian

d)

Homosexual

4.

Taong nakararamdam ng atraksyon sa kapwa lalaki, nagdadamit at kumikilos na parang isang babae ay __.

a)

Bakla

b)

Transgender

c)

Lesbian

d)

Homosexual

5.

    Taong nakararamdam ng pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae na kumikilos at may damdaming lalaki ay

a)

Bakla

b)

Transgender

c)

Lesbian

d)

Homosexual

6.

 Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang ibinigay na pribilehiyo ng mga Amerikano sa mga Pilipina sa panahon ng kanilang pananakop?

a)

   Pagbibigay karapatan sa pagboto ng mga kababaihan

b)

Pinapayagan na hiwalayan ng babae ang kanyang asawang lalaki

c)

Ang mga Pilipina ay lumalaking tinitignan bilang siyang pinagmulan ng kapangyarihan ng pamilya

d)

   Ang mga kababaihan ay dapat sa bahay lamang at pagsilbihan ang kanyang asawa

7.

Maraming pagbabagong naganap sa katayuan at gampanin ng babae at lalaki sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng bansa. Anong panahon sa kasaysayan ang nagbukas sa mga kababaihan at kalalakihan sa ideyang mahirap man o mayaman ay bukas ang pampublikong paaralan upang makapag-aral?

a)

Panahon ng Espanyol

b)

Panahon ng Amertikano

c)

Panahon ng Hapones

d)

Panahong Pre-kolonyal

8.

 Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.    

____ A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.

_____ B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos.

_____ C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapon.

        ____ D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng kababaihan tulad ng Magna Carta of Women.

 _____E. Ang kababaihan sa Pilipinas, kabilang sa pinakamataas na uri/timawa ay pagmamay-ari ng lalaki.    

a)

A, B,C,D,E

b)

C,B,D,E,A        

c)

 E.B.A.C.D       

d)

D.E.A.C.B

9.

Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito? 

a)

May pantay na karapatan ang lalaki at babae

b)

Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa

c)

   Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa

d)

  Ipinapakita nito na mas malaki ang karapatanng tinatamasa ng lalaki noon kaysa sa kababaihan

10.

May magandang katayuan sa lipunan ang mga kababaihan bago pa aman dumating ang mga Kastila. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang?

a)

Pagkakaroon ng maraming asawa

b)

Itinuturing silang Prinsesa

c)

Pagbibigay ng Bigay-Kaya

d)

Hindi pinapayagan Makita ng lalaki hanggang sa magdalaga

11.

Siya ang sumulat ng akdang “Position of Women in the Philippines na tumatalakay sa posisyon ng mga kababaihan sa Pilipinas noong Panahon ng Espanyol.

a)

Emelina Ragaza Garcia

b)

Emelda Driscoll          

c)

Dr. Lordez Lapuz         

d)

Aziza Al Yousef

12.

Primitibong pangkat ng mga tao sa Papua New Gunea kung saan kapwa ang babae at lalaki ay maalaga at mapag-aruga sa kanilang anak. Sila rin ay matulungin, mapayapa, at kooperatibo sa kanilang pamilya.

a)

Arapesh

b)

Mundugumur

c)

Tchambuli

d)

Tadasay

13.

Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti- Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?

a)

South Africa

b)

Uganda

c)

Pakistan

d)

UAE

14.

Iba’t iba ang gampanin ng babae at lalaki sa 3 primitibong pangkat sa New Guinea. Para sa mga Arapesh ang babae at lalaki ay maalaga/mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa mga Tchambuli ay:  

a)

Parehas ang babae at lalaki na matapang, aggresibo, at bayolente

b)

Babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kwento samantalang ang mga kalalakihan ay dominante at naghahanap ng makakain

c)

   Parehas ang mga lalaki at babae na masinop, maalaga, at matulungin

d)

Babae ang dominante at naghahanap ng makakain samantalang ang mga kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kwento

15.

    Siya ang kauna-unahang transgender na miyembro ng Kongreso.

a)

Marillyn A. Hewson

b)

Geraldine Roman

c)

Aziza Al Yousef

d)

Malala Yousafzai

16.

 Nakilala ng barilin siya sa ulo ng isang Taliban dahil sa kanyang paglaban sa edukasyon sa Pakistan.

a)

Aziza Al Yousef

b)

Malala Yousafzai

c)

Eman Al Nafjan

d)

Margarette Mead

17.

Siya ay isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat at mamamahayag. Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.

a)

Tim Cook

b)

Danton Remoto

c)

Anderson Cooper

d)

Parker Gundersen

18.

   Isa siyang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging sa ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Whinfrey na “The Talented Girl in the World” ngunit nagging maugong ang kanyang personalidad ng ipakilala niya ang kanyang sarili sa mundo bilang Jake Cyrus.

a)

Aiza Seguerra

b)

Charice Pempengco

c)

Ellen Degeneres

d)

DJ Chacha

19.

  Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa. 

a)

  Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago

b)

Magseselos at palagi kang pinagdududahan may ibang kalaguyo

c)

Sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyong nararapat lamang sa iyo ang ginagawa niya sa iyo

d)

  Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop

20.

  Sa sinaunang China, Isinasagawa ito sa mga kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa nang hanggang tatlong pulgado gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ano ito?

a)

Suttee

b)

Purdah

c)

Lotus Feet

d)

Dowry

21.

   Isinasagawa ang pagbayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. Anong tawag sa kaugaliang ito?

a)

Breast Flattening

b)

Suttee

c)

Lotus Feet

d)

Purdah

22.

  Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong daigdig. Upang ipaalala ito, Kailan itinakda ang International Day for Elimination of Violence Against Women?

a)

November 5

b)

November 15

c)

November 25

d)

November 20

23.

Marami ng karahasan ang nararanasan ng mga kababaihan. Alin sa mga sumusunod na istadistika ang hindi kabilang dito?

a)

6% ng mga babaeng 15-49 ang nakararanas ng pananakit na sekswal

b)

Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakararanas ng emosyonal, pisikal, at pananakit na sekswal mula sa kanilang mga asawa

c)

Isa sa bawat 5 babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal simula edad 15

d)

Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal/sekswal nang pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang sarbey, 60% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit

24.

Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme at United States Agency for International Development na may titulong “Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report. Ang mga Lgbt ay nakararanas ng mga sumusunod maliban sa isa.

a)

Oportunidad sa trabaho

b)

Biktima sa pagpatay

c)

Diskriminasyon

d)

Pang-aabuso

25.

   Ito ay anumang pag-uuri, ekskusyon o retriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

a)

Pang-aabuso

b)

Diskriminasyon

c)

Taboo

d)

Pananakit