wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARALING PANLIPUNAN 6-Q3-EMERALD

Total questions: 45

Worksheet time: 1hrs 29mins

Name
Class
Date
1.

1.  Ang bansa ay nakaranas ng iba’t ibang suliranin pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin sa pahayag ang hindi suliranin ng bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

A.   Kakulangan sa pagkakaisa ng mga Pilipino.

b)

B.    Mababang produksiyon ng mga magsasaka.

c)

C. Mataas ang bilang ng mga nasirang imprastruktura.

d)

D.  Malaki ang bahagdan ng mga dayuhang mamumuhunan.

2.

Upang mapaunlad ang industriya at pagsasaka binigyan pansin ni Pangulong Manuel A. Roxas ang pagtatag ng mga korporasyon o Samahan upang pangalagaan ang kapakanan ng mga magsasaka. Itinayo din niya ang Rehabilitation Finance Corporation (RFC). Alin sa sumusunod ang layunin nito?

 

a)

A.   Layunin nitong magkaroon ng malayang pakikipagkalakan ng Amerika sa Pilipinas.

b)

B. Layunin nitong makabili ang mga magsasaka ng sariling kagamitan sa pagsasaka.

c)

C. Layunin nitong magbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano sa paggamit ng mga likas na yaman ng bansa.

d)

D. Layunin nitong magpautang sa mga maliliit na mangangalakal at korporasyon na nais makabangon muli mula sa pinsala ng digmaan.

3.

3. Maraming suliranin ang hinarap ni Pangulong Manuel Roxas dulot ng

Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Lubos na naapektuhan ang ekonomiya ng bansa dulot ng digmaan. Alin sa mga programang ito ang inilunsad ni Pangulong Roxas?

I. Filipino First Policy               III. Philippine Rehabilitation Act

II. Bell Trade Relations Act       IV. Rehabilitation Finance Corporation

 

a)

A. I, II at III    

b)

B.  II, III at IV

c)

C. I, II at IV

d)

D. I , III at IV

4.

Napakalaking hamon sa Pamunuang Quirino ang kalagayan ng bansa dahil hindi natapos na panunungkulan ni Pangulong Manuel Roxas. Ang sumusunod ay mga suliraning kinaharap niya maliban sa isa. Ano ito?

a)

A.   Pagdami ng walang trabaho.

b)

B.Paggamit ng dinamita sa pangingisda.

c)

C. Paglaganap at panliligalig ng samahang Huk.

d)

D. Paglaganap ng katiwalian at kabuktutan sa pamahalaan.

5.

Naniwala si Pangulong Qurino na ang pagbabalik sa mga Huk sa buhay na matahimik ay makatutulong sa pangangalaga ng katahimikan at kaayusan ng bansa at makatutulong din ito sa pagbabalik ng tiwala ng tao sa pamahalaan. Alin sa sumusunod ang ginawang hakbang ng pamahalaan upang matugunan ang suliraning ito?

a)

A.   Pagbibigay ng mlaking halagang pera sa mga Huk.

b)

B. Pagpapatapon sa mga kasapi ng Huk sa ibang bansa.

c)

C. Pagluklok sa mga lider ng Huk sa mataas na posisyon sa pamahalaan.

d)

D. Pagbibigay ng amnestiya o pagpapatawad sa mga lider at kasapi ng Huk.

6.

Nang lumala ang kaguluhan sa pagitan ng Huk at pamahalaan, itinatag ni Pangulong Quirino ang President’s Action Committee on Social Amelioration (PACSA). Paano nito natugunan ang suliranin ng mga tao?

a)

A.   Tungkulin nito na taasan ang sahod ng mga manggagawa.

b)

B. Nagkaroon ng benepisyo ang mga nagkakasakit, naaksidento at namatay na miyembro ng HUK.

c)

C. Nagbukas ito ng bangkong rural sa mga lalawigan para mapautang ang mga Pilipino sa nayon.

d)

D. Tungkulin nito ang puntahan ang mga biktima ng Huk at biktima ng

kalamidad upang mabigyan ng pagkain, gamot at damit.

7.

Sa pamumuno ni Ramon F. Magsaysay bilang pangulo, kaakibat ang mga suliranin at hamon na kinaharap ng bansa, nilinang niya ang sumusunod maliban sa isa. Ano ito?

a)

A.   Kalagayang pang-ekonomiya.

b)

B. Kalagayang pangseguridad ng bansa.

c)

C. Patakarang Pilipino First o Pilipino Muna.

d)

D. Malapit na pakikipag-ugnayan sa mamamayang Pilipino.

8.

Naniniwala ang Pangulong Magsaysay na ang kapangyarihan ay nasa sambayanang Pilipino kung kaya’t binuksan niya ang pinto ng Malacañang sa mga tao. Alin sa sumusunod na programa sa pamunuang Magsaysay ang tumutugon sa suliranin ng mga karaniwang mamamayang Pilipino kung saan ay direkta silang makapagsusumbong ng kanilang hinaing?

a)

A.   Economic Development Corporation.

b)

B. Farmers’ Cooperative Marketing Association

c)

C. Presidential Complaints and Action Committee.

d)

D. Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration.

9.

Dahil sa nais ng Pangulong Magsaysay na higit pang mapabuti ang kalagayan ng mga pangkaraniwang tao ay hinikayat niya ang Kongreso na pagtibayin ang batas na Social Security Act (Bastas sa Katatagang Lipunan).Ang sumusunod ay layunin ng batas na ito maliban sa isa. Alin ito?

a)

A.   Maaaring humiram o umutang ang mga magsasakang kasapi.

b)

B. Pagkakaroon ng 3% benepisyong ambag o kontribusyon sa buwanang sweldo.

c)

C. Pagkakaroon ng benepisyo sa mga nagkakasakit, naaksidento at namatay na miyembro.

d)

A.   Paghimok sa mga korporasyong gawing kasapi ng Social Security Office ang lahat ng kawani at mga manggagawa.

 

10.

Noong Mayo 17, 1954, ganap na napasuko ni Magsaysay si Luis Taruc, ang pinuno ng grupong HUK. Alin sa sumusunod na programa ng pamahalaang Magsaysay ang tuluyang nagpasuko at naghikayat sa mga kasapi ng HUK na magbalik-loob sa pamahalaan?

 

a)

A.   Economic Development Corporation ( EDCOR)

b)

B. Presidential Complaints and Action Committee ( PCAC)

c)

C. Farmers’ Cooperative Marketing Association ( FACOMA)

d)

D. Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration ( ACCFA)

11.

Naging mahusay sa pamamahala si Pangulong Garcia sa pangangasiwa sa mga programang ipinatupad niya. Sa kabila nito ay naharap pa rin sa mga suliranin si Pangulong Garcia na namana mula sa mga nakaraang pamunuan. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng suliraning ito?

a)

A. Maraming mayayaman ang naghirap.

b)

B. Pangingikil ng mga rebelde sa mayayaman.

c)

C. Maraming mahihirap ang nangibang bayan.

d)

D. Patuloy ang pagtaas ng presyo at katiwalian sa pamahalaan.

12.

Hindi lingid sa kaalaman ni Pangulong Garcia ang lumalalang suliranin sa kabuhayan ng bansa kung kaya’t binigyan niya ng pansin at isinentro

niya ang lahat ng programa ng kaniyang administrasyon sa Austerity Program. Ang sumusunod ay layunin ng programa maliban sa isa. Alin ito?

a)

A.  Pagtangkilik sa mga produktong sariling atin.

b)

B.  Ang pamahalaan ay maging matalino sa paggasta

c)

C. Maglunsad ng pamumuhunang kapaki-pakinabang sa mga tao.

d)

Ang magkaroon ng maayos at matipid na pamumuhay ang mga Pilipino.

13.

Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Garcia ay nagkaroon ng pinakamaka-Pilipinong administrasyon sa larangan ng patakarang pang-ekonomiko sa bansa. Ano ang naging magandang epekto ng Patakarang Filipino First o Pilipino Muna?

a)

A.   Lumaki din ang produksiyon ng bigas na naging sapat sa pangangailangan ng bansa.

b)

B. Pagpapatibay ng pakikiisa at pagtugon sa mga prinsipyo ng pagkapantay-pantay sa lupang sakahan.   

c)

C. Nagkaroon ng limitasyon sa mga iniluluwas na produktong Pilipino papasok sa Estados Unidos.

d)

D. Umasenso ang kabuhayan ng bansa dahil          pagbibigay prayoridad sa mga Pilipino upang paunlarin ang kayamanan ng bansa.        

14.

Ang tagumpay sa ugnayang panlabas (1959) ay nagbigay ng mataas na reputasyon sa bansa. Gumawa rin siya ng opisyal na pagdalaw sa bansang ito  noong 1959 at itinatag ang ugnayan ng dalawang bansa. Sa aling bansa ito nakipag-ugnayan?

 

a)

A. China

b)

B. Hong Kong

c)

C. Japan    

d)

         D. Vietnam

15.

Ang Kulturang Pilipino tulad na lamang ng sikat na grupong “Bayanihan” na kaniyang ipinadala sa ibang bansa upang ipamalas ang iba’t ibang katutubong sayaw ng mga Pilipino ay binigyan ng gantimpla at parangal sa pamamagitan ng programang ito. Alin sa sumusunod na programa ng pamunuang Garcia ang nagbigay ng parangal sa mahuhusay na Pilipino?

a)

A. Republic Act No.1700

b)

B. Ugnayang panlabas 1959

c)

C. Republic Cultural Heritage Award

d)

D. Jose Rizal Centennial Commission

16.

Nakipag-ugnayan din ang Pilipinas sa United States (US) sa pakikipagkasundo sa pananatili ng base militar nito sa bansa. Ang kanilang mga napagkasunduan sa base militar ng US ay paikliin ang pananatili ng mga base militar sa ating bansa. Ilang taon ang napagkasunduang pananatili nito sa Pilipinas?

a)

A. Mula 99 taon patungong 25 na taon.

b)

B. Mula 99 taon patungong 35 na taon.

c)

C. Mula 101 taon  patungong 25 na taon.

d)

D. Mula 101 taon  patungong 35 na taon.

17.

May mga pangunahing suliranin na kinaharap ang administrasyon ni Pangulong Diosdado Macapagal. Isa sa mga ito ay ang suliraning pangkabuhayan. Ang sumusunod ay mga hamong kinaharap niya maliban sa isa. Alin ito?

a)

 

A.   Suliranin sa hanapbuhay

b)

B Pagtulong sa mga magsasaka

c)

C. Pagdami ng mga sakit sa pamayanan

d)

D. Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa

18.

Sa panahon ni Pangulong Macapagal, gumawa rin siya ng aksiyon upang malutas ang pagkawala ng trabaho sa ating bansa. Alin sa sumusunod ang aksiyon na ito?

 

a)

A.   Pagbabahagi ng kapangyarihan sa mga lokal at probinsiyal na pamahalaan.

b)

B. Pagbabahagi ng kapangyarihan sa mga dayuhan at ibang bansang pamahalaan.

c)

C. Pagbabahagi ng kapangyarihan sa mga pinuno ng mga programa ng pamahalaan.

d)

D. Pagbabahagi ng kapangyarihan sa mga negosyante na pamunuan ang pamahalaan. 

 

19.

Dahil sa kakulangan sa pagkain, ang administrasyon ni Pangulong Macapagal ay nagsimula ring magtanim nito. Ito ay isang uri ng palay na maramihan kung mamunga na ipinalaganap sa kaniyang administrasyon. Anong tawag sa palay na ito?

a)

A. Miracle Rice

b)

B. Miracle Seed

c)

C. Miracle Fruit

d)

D. Miracle Flower

20.

Pinagtibay ni Pangulong Macapagal  ang Kodigo ng Reporma sa Lupa o ang Agricultural Land Reform Code (RA 3844) na may layuning mailipat sa mga magsasaka ang mga lupang kanilang sinasaka. Ano ang naging epekto ng programang ito sa buhay ng mga magsasaka?

a)

A. Dumami ang aning palay ng mga magsasaka.

b)

B. Lumaki ang utang ng mga magsasaka sa pamahalaan

c)

C. Dumami ang lupa ng pamahalaan at pribadong may ari nito.

d)

D. Naging maayos ang buhay at lumaki ang kita ng mga magsasaka.

21.

Ipinagdiriwang ng bansa ang Hulyo 4 bilang “Araw ng Kalayaan” mula 1946 hanggang 1961. Ito ang araw ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng United States. Ito ay pinalitan ni Pangulong Macapagal at ginawang _________.

 

a)

A. Hunyo 2

b)

B. Hunyo 4

c)

         C. Hunyo 12       

d)

D. Hulyo 12

22.

Ang MAPHILINDO ay isang kasunduan na nilagdaan  ng tatlong bansa sa Asya. Layunin nito na magkaroon ng matibay na pag-uugnayan, pagkakaisa at pagtutulungan para sa pagkamit ng kaunlarang panlipunan, pangkultura at pang-ekonomiya. Ito ay binubuo ng sumusunod na bansa maliban sa isa. Alin ito?

a)

A. Indonesia        

b)

B. Pilipinas

c)

C. Malaysia

d)

         D. Vietnam

23.

Nagwagi si Pangulong Ferdinand E. Marcos bilang ikaanim na pangulo ng Ikatlong Republika. Ilan ito sa mga pagbabagong nangyari sa bansa sa unang termino ni Pangulong Marcos maliban sa isa. Alin ito?

a)

A. Paglulunsad ng Green Revolution.

b)

B . Pagtaas ng bilang ng kriminalidad.

c)

C. Paglaki ng produksiyon ng bigas at mais.

d)

D. Pagpapatibay ng Agricultural Land Reform Act.

24.

Ang ikalawang termino ni Pangulong Marcos ay nagkaroon ng pagbabago sa kalagayan ng Pilipinas. Humarap ang pamunuang Marcos sa iba’t ibang hamon tulad ng kahirapan, kalamidad, at paglakas ng mga makakaliwang pangkat o (NPA). Alin sa sumusnod ang ibig sabihin ng NPA?

a)

A.  New People’s Army

b)

B.  National Policy Act

c)

     C.  New Politician Association

d)

D.  National People’s Army

25.

Ilan sa mga programang itinaguyod ni Pangulong Marcos ay ang Green Revolution. Alin sa sumusunod ang layunin ng programang ito?

 

a)

A.   Layunin nitong maparami ang aanihing palay.

b)

B.   Layunin nitong maparami ang aanihing gulay.

c)

C.   Layunin nitong maparami ang kita ng magsasaka.

d)

D.  Layunin nitong maparami ang lupa ng magsasaka.

26.

Ilan sa mga nagawa ng Pamunuang Marcos sa una at pangalawang termino nito ay ang sumusunod maliban sa isa. Alin ito?

a)

A. Programang Sosyo-Ekonomiko

b)

B. Pakikipag-ugnayan sa Labas ng Bansa

c)

C. Programang Pang-agrikultura at Pang-ekonomiya

d)

D. Programang Pang-impraestruktura at Pagpapatayo ng mga Gusali

27.

Nakapagpagawa ng maraming daan, tulay at highway. Ipinagawa rin ang mga gusaling tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, Philippine International Convention Center, at Manila Coconut Palace. Sa mga impraestruktura ay ipinagawa ang San Juanico Bridge na nagdurugtong sa dalawang lalawigan. Alin sa  sumusunod ang dalawang lalawigang ito?

a)

A. Leyte at Cebu

b)

B. Leyte at Samar

c)

C. Leyte at Ilo-Ilo

d)

D. Leyte at Sorsogon

28.

Tulad ng mga naunang pangulo ng bansa, maraming suliranin ang minana at kinaharap ni Pangulong Marcos sa panahon ng kaniyang panunungkulan. Ngunit sa ilalim ng programang pang-impraestruktura at pagpapatayo ng mga Gusali, nakapagpagawa ng maraming daan, tulay at highway. Dahil dito, siya ay pinangalanan bilang ________.

a)

A.  Great Man

b)

B.  Infrastructure Man

c)

C.  Ama ng Reporma sa Lupa

d)

    D. Ama ng Wikang Pambansa

29.

Ang pagtatanggol ng ating mga bayani upang makamit ang kalayaan ay isang kahanga-hangang aksiyon. Kasabay sa pagtatanggol sa kasarinlan ay kabalikat din ang pagtatanggol sa pambansang teritoryo ng ating bansa. . Bakit dapat ipagtanggol ang teritoryo ng bansa?

a)

A. Upang maparami ang kaalyadong bansa ng Piipinas.

b)

B. Upang pangalagaan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.

c)

C. Upang lalo mapahamak ang pambansang interes ng mga Pilipino.

d)

D. Upang mapadali ang pag-angkin ng mga dayuhan sa ating teritoryo.

30.

Mayroon iba’t ibang ahensiya o kagawaran ng pamahalaan  na nangangalaga sa katahimikan, kaayusan at kalayaan ng ating estado. Alin sa sumusunod ang hindi ahensiya/tanggapan ng pamahalaan na nangangalaga at nagbibigay ng proteksiyon sa teritoryong sakop ng Pilipinas?

a)

A. Department of Health

b)

B. Department of Foreign Affairs

c)

C. Department of National Defense

d)

D. Armed Forces of the Philippines

31.

Kinaharap ng malawak na bahagi ng mundo sa ngayon ang hindi kanais-nais na suliranin. Dahil dito karamihan sa mga tanggapan ay ipinagbawal muna ang pagpasok ng mga manggagawa at ang ilan sa mga manggagawa ay tuluyang nawalan ng hanapbuhay. Alin sa sumusunod na suliranin ang naranasan ng mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang digmaan na nararanasan  sa kasalukuyan?

a)

A. Suliraning Pangbansa        

b)

B. Suliraning Pangkabuhayan

c)

C.Suliraning Pangkapayapaan

d)

D. Suliraning Pangseguridad

32.

Suriing mabuti ang mga suliraning nakatala. Kung ikaw si Pangulong Roxas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ano ang mga suliranin ang dapat mong bigyang pansin?

 

        I. Pagpapahiram ng puhunan sa mga magsasaka.

        II. Pagsasaayos ng katahimikan at kaayusan ng bansa.

       III. Pagsasaayos ng lugmok na ekonomiya ng bansa.

       IV. Pagbibigay maraming pera sa bawat mamamayan.

a)

A.      I, II, at  IV

b)

B. II, III, at IV

c)

C. I, II, at III

d)

D. II, I,  atIV

33.

Ang bansa ay nasa kritikal na kalagayan sa kabuhayan, politika, at lipunan nang si Quirino ay umupo bilang kahaliling pangulo ni Roxas. Ang mabagal na paglikha ng mga industriya upang magkaloob ng mga trabaho ang isa sa mga suliranin ng pamunuang Quirino. Ano ang naging sanhi ng suliraning ito?

a)

A .   Dahil kontrolado ng iilang mayayaman ang malalaking kabuhayan ng

      bansa.

b)

B.  Dahil kontrolado ng mga pinuno ng bansa  ang malalaking kabuhayan ng

      bansa.

c)

C.  Dahil kontrolado ng mga pinuno ng Huk  ang malalaking kabuhayan ng

      bansa.

d)

D. Dahil kontrolado ng mamamayang Pilipino  ang malalaking kabuhayan ng

     bansa.

34.

Isang napakalaking hamon at suliranin ng pamunuang Quirino ang pagdami ng bilang ng mga kasapi ng Huk. Ayon sa pinuno nilang si Luis Taruc ang sumusunod ang pagbunsod ng pagdami ng mga kasapi maliban sa isa. Ano ito?

 

a)

A.  Patuloy pa ring pananakop ng Amerika sa bansa.

b)

B.  Ang paghahatian sa lupang sakahan ay hindi makatarungan.

c)

C.  Hindi paglalagay ng kinatawan ng Huk sa posisyong pam pamahalaan.

d)

D.  Ang pagpapatupad ng repormang pansakahan ay hindi binigyan ng

      aksiyon ng pamahalaan.

35.

Dahil sa karisma ng Pangulong Magsaysay at pagiging makamasa ay naging idolo siya ng sambayanang Pilipino. Paano tinugunan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino sa kaniyang pamunuan?

 

a)

A. Nagpatupad siya ng mga programang tumutugon sa mga pangangailangan

    ng mga Pilipino at buong husay na isinakatuparan ito.

b)

B. Hinayaan niya ang kaniyang mga nasasakupan ang gumawa ng paraan

    para matugunan ang mga pangangailangang ito.

c)

C. Tumungo siya sa ibang bansa upang humingi ng tulong para sa mga

     pangangailangan ng Pilipino.

d)

D. Nagpatupad siya ng mga batas na tanging mga mayayamang Pilipino

     lamang ang makikinabang.

36.

Maayos at matagumpay ang pamumuno ni Pangulong Magsaysay subalit sa hindi inaasahang angyayari ay hindi niya nagawang tapusin ang kaniyang panunungkulan dahil sa isang aksidente. Bakit ganoon na lamang ang pagdadalamhati ng sambayanang Pilipino nang pumanaw si Pangulong Ramon Magsaysay?

a)

A. Dahil malapit siya sa mga mayayamang mamamayang Pilipino.

b)

B. Dahil malapit siya sa mga karaniwang mamamayang Pilipino.

c)

C. Dahil malapit siya sa mga negosyanteng Amerikano.

d)

D. Dahil malapit siya sa mga pinuno ng pamahalaan.

37.

Noong Marso 18, 1957 agad na naluklok si Carlos Garcia bilang pangulo ng Pilipinas. Ano ang dahilan ng pagkaluklok kay Carlos Garcia bilang pangulo ng bansa?

a)

A.  Natalo sa halalan si Pangulong Magsaysay at pinalitan niya.

b)

B.  Unang naging pangulo si Garcia at sumunod si Magsaysay.

c)

C.  Sabay na naging pangulo ng bansa sina Garcia at Magsaysay.

d)

D.  Pinalitan niya si Pangulong Magsaysay dahil sa pagkasawi nito.

38.

Maraming nagawa si Pangulong Garcia  at binuo rin niya ang Association of Southeast Asia (ASA) noong Hulyo 1961. Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin nito?

a)

A. Layunin nitong makapagtayo ng gusali ng pamahalaan.

b)

B. Layunin nitong makalikom ng pondo para sa pamahalaan.

c)

C. Layunin nitong paghiwalayin ang mga kaanib na bansa sa pagtutulungang

     pangkabuhayan at pangkultura.

d)

D. Layunin nitong pag-isahin at pagbuklurin ang mga kaanib na bansa sa

     pagtutulungang pangkabuhayanat pangkultura.

 

39.

Dahil sa kawalan ng lupang matataniman sa panahon ni Diosdado Macapagal, inilunsad niya ang programang ito na may layuning mabigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka. Ano ito?

a)

A. MAPHILINDO  

b)

B. Decontrol Program   

c)

C. Rural Health Law

d)

D. Reporma sa Lupa

40.

Pinagtibay noong Agosto 4, 1964 bilang Batas Republika Blg. 4166  ang Pagbabago sa Pagdiriwang ng Kalayaan. Bakit higit na makabuluhan sa mga Pilipino ang petsang Hunyo 12 bilang Araw ng Kalayaan na itinakda ni Pangulong Macapagal?

a)

     A. Sapagkat si Emilio Aguinaldo ang nagpalaya sa bansa.

b)

     B. Sapagkat ang Pilipinas ay ganap na malaya sa mga Hapones.

c)

     C. Sapagkat naging malaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga Amerikano.

d)

D. Sapagkat binigyang halaga ni Pangulong Macapagal ang unang paglaya         ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol.

41.

Si Ferdinand Edralin Marcos ay nanungkulan bilang pangulo ng bansa para sa kaniyang unang termino mula 1965 hanggang 1969. Ano ang wastong paglalarawan sa unang termino ng Pamunuang Marcos?

a)

A. Hindi nakapanungkulan si Pangulong Marcos noong unang termino.

b)

B. Lalong dumami ang mga dayuhan na nanungkulan sa pamahalaan.

c)

C. Laging mahirap ang pamumuhay ng mga Pilipino noong unang termino ni

Pangulong Marcos.

d)

D. Naging mabuti ang sitwasyon ng bansa sa kabila ng ilang mga suliranin    at hamong kinaharap ni Pangulong Marcos.

42.

Sa ikalawang termino ng pamumuno ni Pangulong Marcos, ang Moro National Liberation Front (MNLF) ay sumiklab sa kabila ng kanyang pagnanais na mapabuklod at mapagkaisa ang mamamayang Pilipino. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagtatag ng MNLF?

a)

A. Dahil gusto nilang magkaroon ng sariling republika.

b)

B. Dahil gusto ng mga Muslim na mamuno sa Pilipinas.

c)

C. Dahil gusto ng mga Muslim na sakupin ang buong Pilipinas.

d)

D. Dahil inakala ng mga Muslim ay mabigyan sila ng mga lupang sakahan.

 

43.

Responsibilidad nila na ipagtanggol ang bansa sa panahon ng digmaan at misyon nila na magsagawa nang mabilis at tuloy-tuloy na operasyong panlupa. Sino sila?

a)

A. Government Arsenal

b)

B. Office of Civil Defense

c)

C. Philippine National Police

d)

D. Armed Forces of the Philippines

44.

Alin sa mga sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na tinitiyak nito na walang makapapasok sa pambansang teritoryo ng Pilipinas na mga sasakyang panghimpapawid ng ibang bansa nang walang pahintulot o may masamang pakay?

a)

A. Hukbong Dagat

b)

B. Hukbong Katihan

c)

C. Pambansang Pulisya

d)

D. Hukbong Himpapawid

45.

Ang Sandatahang lakas ng Pilipinas ay naatasan ng Saligang Batas 1987. Ano ang pinakamahalagang tungkulin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas?

 

a)

 

A. Suwayin ang isinasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas.

b)

B. Mangalaga sa soberanya at pambansang teritoryo ng Pilipinas.

c)

C. Makilahok sa mga rally at pairalin ang hindi makataong pagtrato.

d)

D. Hayaang masakop ang ilang bahagi ng ating pambansang Teritoryo.