wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

karapatang pantao

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ang natural na karapatang pantao ay tumutukoy sa mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?

a)

Karapatang Sibil

b)

Karapatang Politikal

c)

Karapatan ng Akusado

d)

Karapatang Mabuhay

2.

Anong uri ng karapatang pantao ang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado?

a)

Natural na karapatan

b)

Constitutional na karapatan

c)

Statutory na karapatan

d)

Karapatang Mabuhay

3.

Mayroong apat na klase ang constitutional rights, ang karapatang politikal, kaparatang sibil, karapatang sosyo-ekonomik at karapatan ng akusado. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng karapatang sosyo-ekonomik?

a)

Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto si Lito sa kasong pagpatay, siya ay nadakip sa kaniyang sariling bahay na tinutuluyan. Binasahan siya ng Miranda rights upang malaman niya ang kanyang karapatan bilang akusado.

b)

Nagpalabas ng anunsyo ang COMELEC na maaari ng magparehistro ang mga kabataang edad 15 pataas na lalahok sa SK election.

c)

Si Laila ay sangkop sa kasong pagnanakaw at pagpatay sa pamilya Soriano. Dahil kapos sa pera, pinagkalooban siya ng pamahalaan ng abugado mula sa Public Attorneys Office na siyang magtatagol sa kanya sa panahon ng paglilitis ng kanyang kaso.

d)

Ang pamahalaang bayan ng Marilao ay naglunsad ng programang Schoolar ng Bayan bilang tulong sa mga mag-aaral na magpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa senior high school.

4.

Mayroong apat na klase ang constitutional rights, ang karapatang politikal, kaparatang sibil, karapatang sosyo-ekonomik at karapatan ng akusado. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng karapatang sibil?

a)

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Mother's day, nagsagawa ng livelihood program ang barangay Loma de Gato para sa mga ina ng tahanan na nais kumita at makatulong sa kalagayang pang-ekonomiko ng kanilang pamilya.

b)

Tiniyak ng gobyerno na ligtas ang mga turista na magbabakasyon sa Baguio nitong long weekend.

c)

Nagpamahagi ng libreng foodcart at sampung libong piso si Mayor bilang panimulang negosyo sa mga piling residente ng Marilao.

d)

Ang pamahalaang bayan ng Marilao ay naglunsad ng programang Schoolar ng Bayan bilang tulong sa mga mag-aaral na magpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa senior high school.

5.

Ang Statutory rights ay uri ng karapatang pantao na tumutukoy sa karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng statutory rights?

a)

Magna Carta of Women

b)

K to 12 curriculum

c)

Karapatan ng Akusado

d)

Karapatang Mabuhay

6.

Sino ang nagtakda ng pangkalahatang pamantayan ng karapatang pantao para sa lahat ng bansa?

a)

UDHR

b)

United Nations

c)

Philippine Constitution

d)

Commission on Human Rights

7.

Sa isang bansa, sino ang may tunkulin na siguraduhing ang pagkakapantaypantay sa lahat ng mamamayan?

a)

Armed Forces of the Philippines

b)

Philippine National Police

c)

Pamahalaan

d)

Commission on Human Rights

8.

Nakapaloob sa UDHR ang iba't ibang karapatan tulad ng karapatang sibil, karapatang politikal, karapatang ekonomiko, karapatang sosyal, at karapatang kultural. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa karapatang kultural?

a)

Inanunsyo ng pangulo na walang pasok ang araw ng Biyernes bilang pagbibigay daan sa Ramadan.

b)

Pinaigting ng pamahalaan ang programa kontra droga.

c)

Mahigpit ang ginawang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan sa mga sementeryo bilang seguridad sa araw ng mga kaluluwa.

d)

Nagsawa ng Job Fair sa KB Gym sa Lungsod ng Malolos nitong nagdaang May 1.

9.

Sa anong bahagi ng 1987 Philippine Constitution nasasaad ang Katipunan ng mga Karapatang Pantao?

a)

Article XIV

Education, Science, Technology, Arts, Culture, and Sports

b)

Article V

Suffrage

c)

Article IV

Citizenship

d)

Article III

Bill of Rights

10.

Alin sa mga sumusunod ang obligasyon ng estado bilang isang duty bearers?

a)

Irespeto ang karapatang pantao

b)

Proteksiyunan ang mga mamamayan mula sa pang-aabuso.

c)

Tuparin ang karapatang pantao ng mamamayan.

d)

Lahat ng nabanggit

11.

Sino ang dalawang partidong sangkot sa realisasyon at katuparan ng mga

karapatang pantao?

a)

Right holders and duty bearers

b)

UDHR at UN

c)

R.A. 9710 at R.A. 9262

d)

CHR at PNP

12.

Kanino ka dapat magrereklamo kung bahagi ng gobyerno ang nang-abuso ng

tao?

a)

CHR

b)

AFP

c)

PNP

d)

LGU

13.

Ayaw pag-aralin si Margarett ng kanyang mga magulang dahil walang mag-aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?

a)

karapatan sa edukasyon

b)

kalayaan mula sa pang-aalipin

c)

kalayaan mula sa diskriminasyon

d)

karapatan sa pamamahinga at paglilibang

14.

Sa pamamagitan ng dokumentong ito, kinikilala ng mga pamahalaan ang kanilang obligasyon na siguraduhing lahat ng mga tao, mayaman at mahirap, lalaki o babae, at mula sa anomang lahi at relihiyon, ay tatratuhin nang pantay.

a)

Optional Protocols

b)

International Bill of Rights

c)

Universal Declaration of Human Rights

d)

Bill of Rights, 1987 Philippine Constitution

15.

Ito ay tumutukoy sa mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang.

a)

karapatang sibil

b)

karapatang pantao

c)

karapatang politikal

d)

karapatang sosyo-ekonomik

16.

Tukuyin kung anong karapatan ang nalabag sa mga sitwasyon. Pinadalhan ka ng sulat ng pinsan mo. Bukas na nang ibinigay sa iyo.

a)

privacy of communication

b)

right to a free press

c)

right to information

d)

rights of the accused

17.

Ipinasara ang lahat ng estasyon ng telebisyon at radyo, gayun din ang mga pahayagan na tumutuligsa ang pamahalaan at sa mga programa nito.

a)

privacy of communication

b)

right to a free press

c)

right to information

d)

rights of the accused

18.

Sa anong bahagi ng UDHR nasasaad ang probisyon tungkol sa tungkulin ng tao sa pamayanan?

a)

probisyon bilang 1

b)

probisyon bilang 10

c)

probisyon bilang 20

d)

probisyon bilang 29

19.

(1)Hindi sapat na batid mo lamang ang iyong mga karapatan. (2)Hindi dapat ito nagwawakas o tumitigil sa ating pagtukoy lamang sa mga ito. (3)Tungkulin at responsibilidad natin bilang mga mamamayang Pilipino na isulong at pangalagaan ang mga karapatang pantao. (4) Ang ating pag-alam, pag-aangkin, at pagtatanggol sa mga karapatang ito ang mga tunay na manipestasyon ng isang aktibong mamamayan ng Pilipinas. Sa anong bahagi ng talata nasasaad ang gampanin ng mamamayan sa karapatang pantao?

a)

1

b)

2

c)

3

d)

4

20.

(1)Hindi sapat na batid mo lamang ang iyong mga karapatan. (2)Hindi dapat ito nagwawakas o tumitigil sa ating pagtukoy lamang sa mga ito. (3)Tungkulin at responsibilidad natin bilang mga mamamayang Pilipino na isulong at pangalagaan ang mga karapatang pantao. (4) Ang ating pag-alam, pag-aangkin, at pagtatanggol sa mga karapatang ito ang mga tunay na manipestasyon ng isang aktibong mamamayan ng Pilipinas. Sa anong bahagi ng talata inilarawan ang katangian ng aktibong mamamayan ng Pilipinas?

a)

1

b)

2

c)

3

d)

4