wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

aktibong pakikilahok

Total questions: 10

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

1. Sa paanong paraan naisasabuhay ang demokrasya sa aktibong pakikilahok sa gawaing panlipunan o politikal?

a)

A. Sa pamamagitan ng pagboto at pagpili ng mga pinuno ng ating bansa.

b)

B. Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng mga personal na hangarin.

c)

C. Sa pamamagitan ng pagpapakulong sa mga kawani ng pamahalaan.

d)

D. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing panlipunan para sa personal na agenda para sa paparating na halalan.

2.

2. Ano ang civil society?

a)

A. Mga organisasyong inilunsad upang tugunan ang problema sa kabataang hindi nag-aaral.

b)

B. Mga organisasyong nagbibigay-daan sa pagpaparami ng mga produktong agrikultura at teknolohiya

c)

. C. Mga mamamayang nakikipaglaban sa pamahalaan gamit ang terorismo.

d)

D. Mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organizations/People’s Organizations.

3.

3. Ang sumusunod ay epekto ng aktibong pakikilahok maliban sa isa. Alin ito?

a)

A. Maisakatuparan ang layunin sa pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng gawaing panlipunan.

b)

B. Magdudulot sa mga pinuno ng pamahalaan na mas pagbutihin ang paglilingkod sa bansa.

c)

C. Magdudulot ito ng pagkakawatak-watak ng mga mamamayan sapagkat ang bawat isa ay may iba’t ibang layunin at hinahangad.

d)

D. Magiging paraan upang mas maunawaan na ang aktibong pakikilahok ay tunay na daan para sa pagkamit ng kaunlaran at pagbabago.

4.

4. Bilang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipakikita ang pakikilahok sa gawaing panlipunan at politikal?

a)

A. Sa pamamagitan ng pagpapataas ng level sa mobile legend.

b)

B. Sa pamamagitan ng pagtulong para sa personal na hangaring sumikat.

c)

C. Sa pamamagitan ng pagsunod sa ordinansa ng barangay at pagpaparehistro para sa Sangguniang Kabataan.

d)

D. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tirang pagkain, lumang kasuotan sa mga nasalanta ng kalamidad.

5.

5. Bakit mahalaga na mamulat sa isyung panlipunan ng ating bansa?

a)

A. Upang mapangalagaan ang sariling kayamanan.

b)

B. Upang lubos na maunawaan ang gampanin bilang isang mamamayan.

c)

C. Upang mahikayat ang ibang kabataan sa paglahok sa gawaing pang-sports.

d)

D. Upang mas maging responsibleng mamamayan at maunawaan ang kahalagahan ng pagiging bahagi ng solusyon sa mga isyung panlipunan.

6.

Ang sumusunod ay nagpapakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing pampamahalaan at lipunan, maliban sa isa. Alin ito?

a)

A. Pakikilahok sa paglilinis ng barangay.

b)

B. Pagsunod at paggalang sa mga health protocol at ordinansa.

c)

C. Pagpaparehistro upang makaboto sa darating na halalan.

d)

D. Pag-iwas sa pagtanggap ng tungkulin at pagsasawalang-bahala sa mga health protocol.

7.

Si Wilson ay isang mag-aaral na interesado sa pangangalaga ng kapaligiran at pagtataguyod ng gawaing pangkalikasan. Ang sumusunod ay mga organisasyong maaari niyang salihan maliban sa isa. Ano ito?

a)

A. Clean and Green Foundation Organization

b)

B. Mother Earth Foundation

c)

C. People’s Park

d)

D. Bantay Kalikasan

8.

Bakit mahalagang makilahok ang mga mamamayan sa gawaing pampahalaan at panlipunan?

a)

A. Sapagkat ito ay bahagi ng pananagutan at obligasyon sa bayan.

b)

B. Sapagkat ito ay makapagbibigay ng malaking puhunan sa negosyo.

c)

C. Sapagkat ito ay makabubuti upang maging mabuting indibidwal.

d)

D. Sapagkat ito ay makatutulong upang maabot ang kanilang mga personal na pangarap.

9.

Paano nakatutulong sa kaunlaran ng bansa ang pagiging aktibo sa pakikilahok sa gawaing pampamahalaan at lipunan?

a)

A. Makatutulong ito sa pagpapayabong ng negosyo at turismo sa bansa.

b)

B. Magiging daan ito sa kaunlaran dahil ito ang susi upang masakatuparan ang mga personal na hangarin at layunin

c)

C. Makatutulong ito dahil magiging daan ito upang masolusyunan ang problema sa maagang pagbubuntis at pagtaas ng krimen.

d)

D. Makatutulong ito dahil ito ay magiging susi sa lubos na pagkaunawa ng mga mamamayan sa kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin at magiging daan sa pagkakaroon ng bukas na kamalayan sa mga pangyayari sa bansa

10.

Bilang mag-aral, paano mo maipakikita ang iyong aktibong pakikilahok sa gawaing pampaaralan lalo na sa panahon ng pandemya?

a)

A. Maglaro sa loob ng tahanan upang matiyak ang kaligtasan.

b)

B. Maglakwatsa kasama ang mga kaibigan at tumakas upang hindi mahuli kapag inabutan ng curfew sa kalsada.

c)

C. Huwag lumabas, magpuyat kalalaro, matulog buong maghapon at ipagsawalang bahala ang mga atang na gawain.

d)

D. Iwasan ang paglabas sa tahanan at magbasa ng mga module at anumang aritkulo o libro may kinalaman sa pag-aaral, sumagot at magpasa sa itinakdang oras.