Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 8- ACTIVITY

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

"Dito ko natikman ang lalong hinagpis,

higit sa dalitang naunang tiniis;

at binulaan ko ang lahat ng sakit

kung sa kahirapan mula sa pag-ibig.

    Si Florante ay nagpakita ng …

a)

Hinagpis dahil sa pagkabigo

b)

Panghihina dahil sa sakit

c)

Pagkainis dahil sa problema

d)

Pagtitiis alang-alang sa pag-ibig

2.

“Sinalubong kami ng haring dakila,

Kasama ang buong bayang natimawa;

Ang pasasalamat ay di maapula

Sa di magkawastong nagpupuring dila.

Ang Hari ay nagpakita ng …

a)

Pagtanaw ng utang na loob

b)

Pagkahinayang sa pagkatalo

c)

Hindi matapos-tapos na pagpapaliwanag

d)

Awa sa buong bayan

3.

Isang binibini ang gapos na taglay

na sa damdam nami'y tangkang pupugutan;

ang puso ko'y lalong naipit ng lumbay

sa gunitang baka si Laura kong buhay.

     Si Florante ay nakaramdam ng …

a)

galit sa mga gerero

b)

takot na baka siya ay hulihin

c)

takot na baka ang babaeng nahuli ay si Laura

d)

galit dahil sumama si Laura sa gerero

4.

Aking dali-daling binalag sa kamay

ang lubid na walang awa at pitagan;

ang daliri ko'y naaalang-alang

marampi sa balat na kagalang-galang.

     Si Florante ay nakadama ng …

a)

matinding galit kay Laura

b)

ibayong lakas upang makakalag

c)

pagka-inip dahil sa tagal

d)

pagkatakot dahil baka hindi niya masagip si Laura

5.

Labis ang ligayang kinamtan ng hari

At ng natimawang kamahalang pili;

Si Adolfo lamang ang nagdadalamhati,

Sa kapurihan kong tinamo ang sanhi.

    Si Adolfo ay nakaramdam ng …

a)

takot kay Florante

b)

matinding galit kay Florante

c)

matinding selos

d)

lungkot dahil nagtagumpay si Florante

6.

Matapos ang mahabang panahon ng pagkakalayo, muling nagkita ang magkakasintahan. Nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

a)

KAGALAKAN

b)

KAPANATAGAN

c)

KAUNTING INIS

d)

KAPAITAN

7.

Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.

a)

PANGUNGULILA

b)

PAG-AALALA

c)

PAGKASABIK

d)

PAGHIHIMUTOK

8.

Ipinadala ni Duke Briseo ang anak na si Florante sa Atenas upang mag-aral. Bagamat malalayo siya sa anak ay tiniis ito ni Duke Briseo dahil naniniwala siyang ang anak na pinalaki sa layaw ay kadalasang hubad sa bait. Mas pipiliin niyang mapalayo sa anak kaysa lumaki itong walang alam at laki sa layaw.

a)

PAGMAMAHAL

b)

PAG-AALALA

c)

PAGMAMALABIS

d)

PANGUNGULILA

9.

Noong siya’y bata pa at nang siya’y 11 taong gulang na ay ipinadala sa Atenas upang mag-aral. Dito niya nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde Sileno ay tampulan ng paghanga ng kanyang mga guro, sampu ng kanyang mga kamag-aral dahil sa katalinuhan ay kagandahang-asal. Subalit sa loob ng 6 na taong pag-aaral ni Florante ay nahigitan niya si Adolfo at dito na nahubdan ng balatkayo at lumabas ang tunay na pagkatao nito.

a)

PANIBUGHO

b)

PAGKA-INGGIT

c)

KALUNGKUTAN

d)

PAGDADALAMHATI

10.

Pagkatapos ni Florante ay si Aladin naman ang nagsalaysay ng kaniyang buhay. Anak siya ni Sultan Ali-Adab ng Persiya at kaya siya napadpad sa gubat na iyon ay dahil sa sama ng loob sa kanyang ama na umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Upang masarili ng Sultan ang dalaga ay humanap ito ng butas upang siya ay maparusahan. Hinatulan ng sultan ang sariling anak na pugutan ng ulo.

a)

PAGKADISMAYA

b)

PAG-AALALA

c)

PAGKAGULAT

d)

PAGDADALAMHATI