wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

#426C 💯QUIZZIZ-REVIEWER💯 PRE-PAYNAL NA PAGSUSULIT

Total questions: 58

Worksheet time: 24mins

Name
Class
Date
1.
Ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal ay _______.
a)
Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda
b)
Jose Rizal Mercado Realonda
c)
Jose Rizal
d)
Jose Protacio Rizal
2.
Ang kapanganakan ni Dr. Jose Rizal ay _______.
a)
Hunyo 19, 1862
b)
Hunyo 19,1861
c)
Hunyo 19, 1962
d)
Hunyo 19 1896
3.
Ang kauna-unahang guro ni Dr. Jose Rizal ay si _______.
a)
Paciano
b)
Maestro Justiniano
c)
Teodora Alonzo
d)
Saturnina Hidalgo
4.
Saang bayan sa Laguna nanirahan ang pamilya ni Rizal?
a)
Calamba
b)
Laguna
c)
Lipa
d)
Batangas
5.
Ang Bagumbayan ay kilala sa kasalukuyang Luneta kung saan binaril si Jose Rizal noong _______.
a)
Disyembre 30, 1889
b)
Disyembre 30, 1896
c)
Disyembre 30, 1988
d)
Disyembre 30, 1989
6.

Si Rizal ay isang halimbawa ng isang henyo sa maraming larangan, ang sumusunod ay kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit MALIBAN SA _______.

a)

Matalino

b)

Magaling

c)

Masigasig

d)

Mahusay

7.
Ang Noli Me Tangere ay ipinahayag sa Latin na ang ibig sabihin ay _______.
a)
Huwag mo akong salingin
b)
Huwag mo akong basahin
c)
Ako ang makapangyarihan
d)
Huwag mo akong gisingin
8.
Ang sumusunod ay naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere MALIBAN SA _______.
a)
The Wondering Jew
b)
Mi Ultimo Adios
c)
Uncle Tom’s Cabin
d)
Bibliya
9.
Ang ebanghelyong pinaghanguan ni Jose Rizal ng pamagat na Noli Me Tangere ay kay _______.
a)
San Lucas
b)
San Juan
c)
San Jose
d)
San Mateo
10.
Ang _______ ay ang dahilan ng pagkakaantala sa pagpapalimbag ng Noli Me Tangere.
a)
Kakulangan ng pera
b)
Tinutulan ng mga Pilipino
c)
Nasunog ang orihinal na Manuskrito
d)
Abala sa panggagamot
11.
Anong uri ng nobela ang Noli Me Tangere?
a)
Panrelihiyon
b)
Pampulitika
c)
Panlipunan
d)
Pambansa
12.
Sino ang pangunahing tauhan sa nobelang Noli Me Tangere?
a)
Padre Damaso
b)
Crisostomo Ibarra
c)
Kapitan Tiyago
d)
Sisa
13.
Anong uri ng akdang tuluyan ang halos katulad ng nobela na ipinapalabas sa telebisyon?
a)
Dula
b)
Telenobela
c)
Epiko
d)
Tula
14.
Alin sa sumusunod ang pinapaksa ng Noli Me Tangere?
a)
Tungkol sa paghahanap ni Sisa sa kanyang dalawang anak
b)
Tungkol sa pag-iibigan nina Ibarra at Maria Clara
c)
Tungkol sa kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng mga Kastila.
d)
Tungkol sa tunay na pagkatao ni Maria Clara
15.
Inihandog ni Jose Rizal ang kanyang obrang Noli Me Tangere sa _______.
a)
kanyang ina
b)
Inang bayan
c)
kabataan
d)
simbahan
16.

Makisig na binatang kumakatawan at nangangarap para sa kinabukasan ng San Diego.

(a)  

17.

Magandang dalaga na laging laman ng puso’t isipan ni Crisostomo Ibarra.

(a)  

18.

Pransiskanong pari na may lihim na pagtingin kay Maria Clara, kilalang mapanlinlang at ginagamit ang posisyon sa lipunan.

(a)  

19.

Pransiskanong may magaspang na pag-uugali at lumapastangan sa bangkay ni Don Rafael.

(a)  

20.

Pilipinang mapagpanggap na naging kabiyak ng puso ni Don Tiburcio.

(a)  

21.

Magalang na Tenyente na nagsalaysay kay Ibarra sa tunay na nangyari kay Don Rafael.

(a)  

22.

Masigasig na ipinaglalaban ang mga prinsipyo para sa bayan, naging kaibigan ni Ibarra.

(a)  

23.

Mapagmahal na ina ngunit martir na asawa.

(a)  

24.

Matandang pantas na inaakalang baliw dahil sa kanyang taglay na katalinuhan.

(a)  

25.

Mayamang mangangalakal buhat sa Malabon na kinikilalang ama ni Maria Clara.

(a)  

26.

"Napabalitang may salu-salo sa tahanan ni Kapitan Tiyago para sa pagdating ni Crisostomo Ibarra, agad itong nakarating sa mga linta, bangaw at kantanod ng bayan ng San Diego kung kaya’t maraming nagpuntahan upang saksihan ang isang pagtitipon." Anong antas ng pormalidad ng wika ang ginamit ng salitang sinalungguhitan?

a)

Pampanitikan

b)

Pambansa

c)

Pandamdamin

d)

Panrehiyon

27.
Ano ang ibig sabihin ng salitang LINTA?
a)
Negosyanteng nagpapautang
b)
Isang taong manggagamit
c)
Hayop na sumisipsip ng dugo
d)
Negosyanteng mapanlamang sa kapwa
28.

"Namangha ang lahat sa pagdating ni Crisostomo Ibarra sa tahanan ni Kapitan Tiyago, namutla naman si Padre Damaso at itinanggi na hindi niya naging matalik na kaibigan si Don Rafael." Anong uri ng tunggalian ang lumulutang sa pahayag?

a)

Tao laban sa tao

b)

Tao laban sa panlipunan

c)

Tao laban sa sarili

d)

Tao laban sa kalikasan

29.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa tao?
a)
Napaluhod si Padre Salvi sa bigat ng kamay ni Ibarra na nakadagan sa kanyang balikat.
b)
Malakas ang kabog ng dibdib ni Maria Clara subalit pinili niyang makita ang kanyang kasintahan.
c)
Dahil masama ang panahon kaya itinapon na lang ng sepulturero ang bangkay sa lawa.
d)
Ipinaglalaban ni Elias ang pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at guardia civil.
30.

“Ipagpaumanhin ninyong malabag ko ang tuntunin sa pakikipagkapwa, pitong taon ako sa ibang bansa at sa pagbabalik ko ay hindi ko matiis ang batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking bayan, ang mga babae.” Anong antas ng pormalidad sa paggamit ng wika ang salitang hiyas?

a)

Pampanitikan

b)

Di pormal

c)

Pambansa

d)

Pormal

31.
Aling kaugalian tuwing pista ang ginagawa pa rin sa kasalukuyan?
a)
Paghahanda ng masasarap na pagkain
b)
Pagsisimba at prusisyon
c)
Masasayang palabas
d)
Lahat ng nabanggit
32.
Ang pagdiriwang ng kapistahan ay bahagi ng kulturang Pilipino. Bakit kailangan itong pahalagahan?
a)
Dahil ito’y nakatatak sa ating pagka-Pilipino
b)
Pamana ito ng ating ninuno
c)
Nakatutulong ito sa paghubog ng pagkatao o pagka-Pilipino
d)
Lahat ng nabanggit
33.
“Sa kabila ng pagmamakaawa ni Crispin ay nagpatuloy ang Sakristan Mayor sa pagbugbog.” Aling katotohanang masasalamin sa pahayag ang maiuugnay maging sa kasalukuyan?
a)
Maging ang mga tagasilbi sa loob ng simbahan ay gumagawa ng hindi tama sa kanilang kapwa
b)
Sampal, tadyak ang madalas na paraan sa pagdidisiplina sa mga bata
c)
Mga bata ang kadalasang pinagagalitan o nakakatikim ng parusa sa panahon ngayon
d)
Patuloy na karahasan at pang-aabusong nararanasan ng mga bata
34.
Naging buto’t balat na lamang ang pangangatawan ni Sisa dahil nag-iisang bumubuhay sa kanyang dalawang anak at sa labis na pagmamahal na iniuukol sa asawang pabaya, mapanakit at makasarili. Alin ang makatotohanang pangyayari mula sa binasa ang totoo pa rin sa kasalukuyan?
a)
Pagiging iresponsableng magulang
b)
Karahasang nagaganap sa loob ng tahanan
c)
Pagiging martir dahil sa pag-ibig
d)
Lahat ng nabanggit
35.

"Naging buto’t balat na lamang ang pangangatawan ni Sisa dahil nag-iisang bumubuhay sa kanyang dalawang anak." Ang salitang buto’t balat mula sa pahayag ay isang paraan ng pagpapahiwatig, alin sa sumusunod ang kahulugan nito?

a)

Patpatin

b)

Maliit na pangangatawan

c)

Payat na payat

d)

manipis na katawan

36.

Hay naku! Ang daming tao. Napakagulo! Kayong mga Indio, hindi man lamang ba kayo magbibigay galang sa akin?” Anong uri ng pagpapahayag ng damdamin ang ginamit sa nakasalungguhit?

a)

Maikling Sambitla

b)

Pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin

c)

Pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin

d)

Pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin

37.
Nagtungo si Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang isangguni ang balak na pagpapatayo ng paaralan sa San Diego. Alin sa sumusunod ang makakatulong sa pagpapayaman ng kulturang Asyano?
a)
Pakikiusap sa mga matatanda
b)
Pagsangguni sa mga matatanda
c)
Pagpapaumanhin sa mga matanda
d)
Pakikipagkaibigan sa mga matanda
38.
Taliwas kina Don Pedro Eibarramendia at Don Saturnino, Si Don Rafael na ama ni Crisostomo ay naging isang mabuting puno. Ano ang ipinahihiwatig ng nakasalungguhit na salita?
a)
Lahi
b)
Magulang
c)
Kaibigan
d)
Angkan
39.
Sinabi ni Elias ang hinaing ng mga api, kabilang dito ang pang-aabuso ng mga guardia civil at pamamalakad ng simbahan. Ayon kay Elias, ang nakakapasong amut ay pansamantalang lunas lamang sa ugat ng karamdaman katulad ng labis na pamamalo at pagpapakulong. Ano ang nais ipahiwatig ng mga obserbasyon ni Elias tungkol sa bayan?
a)
Mahirap pamahalaan ang bayan
b)
May sakit ang bayan
c)
May kinikilingan ang bayan
d)
May malalang problema ang bayan
40.
Kanino ipinatutungkol ang mga hinaing ng mga api?
a)
Pamahalaan at simbahan
b)
Alperes
c)
Padre Damaso
d)
Ibarra
41.
Ang balete ay halaman na kinatatakutan noong Panahon ng Kastila.
a)
TAMA
b)
MALI
42.
Ipinahukay ni Padre Damaso ang bangkay ni Don Rafael Ibarra.
a)
TAMA
b)
MALI
43.
Si Pilosopo Tasyo ang nagsalaysay kay Ibarra tungkol sa nangyari kay Don Rafael.
a)
TAMA
b)
MALI
44.
Iniutos ni Elias kay Crispin na sunugin ang bangkay nila ni Sisa.
a)
TAMA
b)
MALI
45.
Ang tanging alaala ni Ibarra na iniingatan ni Maria Clara ay isang sulat.
a)
TAMA
b)
MALI
46.
Ayon kay Ibarra, ang nakakapasong gamot ay pansamantalang lunas lang sa ugat ng sakit.
a)
TAMA
b)
MALI
47.
Si Padre Salvi ang unang Kura Paroko ng bayan ng San Diego na naglingkod ng 20 taon.
a)
TAMA
b)
MALI
48.
Sa bahay ni Kapitan Tiyago ginanap ang pagtitipon para sa pagdating ni Crisostomo Ibarra.
a)
TAMA
b)
MALI
49.
Sa pagbabasbas ng unang bato sa itatayong paaralan ay niligtas ni Elias si Crisostomo.
a)
TAMA
b)
MALI
50.
Sa Pananghalian, hindi na nakapagtimpi si Crisostomo sa muling pagyurak ni Padre Damaso sa alaala ng kanyang ama, kung hind napigilan ni Maria Clara ay nasaksak niya ang Kura.
a)
TAMA
b)
MALI
51.
“Mamamatay akong hindi man lamang nasisilayan ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan, kayong makakakita nito ay salubungin siya’t wag kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi.”
a)
Basilio
b)
Elias
c)
Ibarra
d)
Crispin
52.
“Ang umilag sa punglo ay hindi karuwagan, ang masama ay sumagupa dito at malugmok sa huli.”
a)
Elias
b)
Pilosopo Tasyo
c)
Padre Damaso
d)
Alcalde
53.
“Nay, sabihin ninyong nahulog ako sa puno, sinuma’y di dapat makaalam na tinutugis ako ng mga sibil.”
a)
Crispin
b)
Basilio
c)
Elias
d)
Ibarra
54.
“Iniibig ko ang aking bayan sapagkat utang ko sa kanya ang aking buhay at magiging kaligayahan.”
a)

Maria Clara

b)

Crisostomo Ibarra

c)

Elias

d)

Basilio

55.
Mayamang mangangalakal buhat sa Malabon na sunud-sunoran sa simbahan at pamahalaan.
a)
Don Rafael Ibarra
b)
Pilosopong Tasyo
c)
Kapitan Tiyago
d)
Don Filipo
56.
Paraluman ng mga sibil, ambisyosa’t nagtataglay ng maruming pag-iisip bunga ng kasawian sa buhay.
a)
Donya Consolacion
b)
Donya Victorina
c)
Tiya Isabel
d)
Donya Pia Alba
57.
“Dapat ko bang unahin ang aking pag-ibig o ang dangal ng aking amang-turing at banal na pangalan ng aking amang tunay.”
a)
Maria Clara
b)
Salome
c)
Tiya Isabel
d)
Sinang
58.
“Ang bayan ay hindi dumadaing sapagkat siya’y piping tagasunod, hindi kumikilos sapagkat natutulog.”
a)
Padre Damaso
b)
Kapitan Heneral
c)
Pilosopo Tasyo
d)
Don Filipo