WorksheetsAP 3Q
Total questions: 53
Worksheet time: 1hrs 20mins
Grade and Section:
Name:
Sa paanong paraan nalulugi ang mga nagpapautang sa panahon ng implasyon?
Hindi na sila binabayaran
Sobra ang perang natatanggap
Ang bayad na tinanggap ay bumababa sa tunay na halaga nito.
Tumataas ang halaga ng salapi kaya dapat mataas din ang ibabayad sa kanya.
Ito ang tawag sa pangkalahatang pagtaas sa presyo ng mga produkto at mga serbisyo sa pamilihan?
implasyon
hyperinflation
deplasyon
hyperdeflation
Layunin nito itaguyod ang pagpaptupad ng reporma sa lupa. May kinalaman ito sa pagsasaayos ng pondo ng pamahalaan ukol sa reporma sa lupa.
Land Bank of the Philippines
Development Bank of the Philippines
Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines
Government Service Insurance System
Sila ang tumatanggap ng ipon at nagpapautang ng pondo.
bahay-kalakal
sambahayan
pamahalaan
Institusyong Pinansyal
Ito ay tumatanggap ng iba't ibang ng uri ng deposito gaya ng savings, demand at time deposits at nagpapautang ng iba't ibang uri ng utang gaya ng puhunan, housing, auto, at iba pa.
Bangko
Pamahalaan
Bangko Sentral
Institusyong di- bangko
Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagsukat ng pambansang kita?
GNI at GDP
kita at utang
export at import
implasyon at deplasyon
Ito ay ang halaga ng kabuuang produksyon ng mamayan ng isang bansa sa loob at labas ng pambansang ekonomiya
Gross Domestic Product
Gross National Income
Income Approach
walang katapusan
May naipon kang pera at nais mo itong palaguin, ano ang iyong nararapat na gawin?
Ideposito ito sa bangko at mamuhunan sa iba't ibang negosyo.
Ipahiram ito sa kakilala at hayaan kung kalian ito ibabalik.
Ibili ng mga gadgets at mag-ipon na lang ulit.
Itago na lamang ito sa iyong lagayan upang hindi magamit.
Sa paanong paraan nalulugi ang mga nagpapautang sa panahon ng implasyon?
Hindi na sila binabayaran
Sobra ang perang natatanggap
Tumataas ang halaga ng salapi kaya dapat mataas din ang ibabayad sa kanya.
Ang bayad na tinanggap ay bumababa sa tunay na halaga nito.
Sa expansionary fiscal policy, ano ang isinasagawa ng pamahalaan?
Mapasigla ang matamlay na ekonomiya
Magkakaroon ng implasyon
Pagtaas ng pangkalahatang presyo
Magdudulot ng overhead economy
May iba't ibang uri ng buwis, isa na rito ang tuwirang buwis, ano ang layunin nito?
Upang mabawasan ang kalabisan ng isang negosyo
Makalikom para magamit sa operasyon ng pamahalaan.
Para sa kalakal at paglilingkod
Para sa indibidwal o bahay kalakal
Bakit mahalaga ang paghahanda ng pambansang badyet sa isang taon?
Para matukoy kung magkano ang babayarang utang ng bansa.
Maipakita kung gaano kahusay sa pamumuno ang ating Pangulo
Upang makita ang ilalaang pondo ng pamahalaan sa bawat sektor ng ekonomiya
Maunawaan ang mga gawain ng mga namumuno sa pagpapatakbo ng ating bansa.
Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa mga suliraning dulot ng implasyon?
magtago ng mga produkto para hindi maubusan
siguraduhing galing sa ibang bansa lahat ng produktong ginagamit
mag-imbak ng sapat na suplay ng mga produkto at iwasan ang paghoarding
kontrolin ang presyo sa pamilihan
Ito ay tawag sa bahagi ng kita na hindi ginastos ng sambahayan.
savings
investment
utang
kita
Ano ang hindi naglalarawan sa Gross National Income?
Tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
Sinusukat ito gamit ang salapi ng isang bansa.
Sinasali sa pagsukat sa produksiyon maging ito man ay gawa ng mga dayuhan.
Hindi isinasali sa pagsukat ang mga hindi pampamilihang gawain.
Layunin nito na mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin at ng ating pananalapi at ito ang namamahala sa mga patakaran ng pamahalaan tungkol sa pananalapi, pagbabangko at pagpapautang.
Expansionary Money Policy
Bangko Sentral ng Pilipinas
Contractionary Money Policy
wala sa mga pagpipiliang sagot
Ano ang pagkakapareho ng GNI at GDP?
sinusukat bawat quarter o sa loob ng isang taon.
kasali sa pagsukat ang kinikita ng mga dayuhan
kabilang sa pagsukat ang mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa
ginagamit upang masukat ang pambansang kita ng isang bansa
Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan maliban sa?
nagiging indikasyon ito ng malusog na ekonomiya
makatutulong sa paglikha ng mga bagong negosyo
mayroong magagamit kung sakaling kakailanganin sa hinaharap
nakadaragdag ng gastusin sa sambahayan
Ito ang tawag sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo bawat oras, araw, lingo o buwan na kabilang sa basket of goods sa pamilihan.
implasyon
hyperinflation
deplasyon
hyperdeflation
Ito ay binubuo ng mga konsyumer. Sila ang may-ari ng salik ng produksyon at gumagamit ng kalakal at serbisyo.
bahay-kalakal
sambahayan
pamahalaan
pamilihan
Ito ang tawag sa pagbaba sa presyo ng mga produkto at mga serbisyo sa pamilihan?
implasyon
hyperinflation
deplasyon
hyperdeflation
Bilang mamamayan, bakit kailangang malaman natin ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita?
Nakapagbibigay ito ng ideya tungkol sa antas ng produksyon ng ekonomiya at maipapaliwanag ang dahilan ng paglaki o pagliit ng produksyon.
Nakapagbibigay ng di konkretong basehan.
Nakapaglalahad malabong sistema ng paraan ng pagsukat ng pambansang kita
Naihahambing ang kita ng bansa sa kita ng ibang bansa.
Sila ang taga-gawa ng kalakal at serbisyo at nagbabayad sa sambahayan.
bahay-kalakal
pamilihan
pamahalaan
Intitusyong Pinansyal
Ano ang tawag sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng pamahalaan?
Patakarang Piskal
Patakarang sa Pananalapi
Patakarang Pinansyal
Patakarang Pang Ekonomiya
Paano nagsisimula bilang gawaing pang- ekonomiya ang pag-iimpok at pamumuhunan?
Walang mautangan ang mga tao sa panahon ng kagipitan.
Natutugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
Nagkaroon ng pagpaplano sa hinaharap na pangangailangan at kagustuhan ang sambahayan.
Walang maisip na gawin ang sambahayan sa kanyang sobrang pinagkukunang-yaman.
Saan ginagamit ng pamahalaan ang mga ibinabayad na buwis ng sambahayan?
sa mga pampublikong paglilingkod
itinatago sa bangko upang di magamit
itinutulong sa mga mahihirap
ginagamit na investment upang lumago
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagiging kahalagan ng salapi?
ginagamit sa pagbili ng mga produkto at serbisyo
ginagamit upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan
pamantayan panukat at iisang denominasyon ng kalakal
nababago nito ang pag-uugali ng mga tao
Bakit inilalarawan bilang simple o payak ang Unang Modelo ng ekonomiya?
dahil hindi maluho at walang kagustuhan ang sambahayan
sapagkat natutugunan ng sambahayan lahat ng kaniyang pangangailangan at kagustuhan gamit ang mga yamang nasa kaniyang kapaligiran
dahil wala itong iba't ibang uri ng pamilihan
sapagkat mayaman ang mga tao dahil sa kalikasan
Bakit mahalaga ang partisipasyon ng pamahalaan sa ekonomiya ng bansa?
Ito ang nagtatakda ng mga alituntunin at sumisingil ng buwis na siyang ginagamit sa paglikha ng mga pasilidad at serbisyo para sa mga mamamayan
Ito ang nagpapatupad ng parusa sa mga di sumusunod sa batas
Ito ang pinakamatas na institusyon ng isang bansa
Ito ang nagbibigay ng mga ayuda sa mga mahihirap na mamamayan
Ito ang halaga ng kabuuang produksyon ng mga mamamayan kasama ng mga dayuhang aktor sa loob ng pambansang ekonomiya.
Gross Domestic Product
Gross National Income
Eksternal na Sektor
Panloob na Sektor
Paano mailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya?
ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
kita at gastusin ng pamahalaan
kalakalan sa loob at labas ng bansa
transaksyon ng mga institusyong pampinansyal
Ito ay ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto.
GNI
GDP
CPI
PPP
Ano ang bunga ng pagtaas ng suplay ng salapi?
Tataas ang suplay ng mga produkto kaya bababa ang presyo ng bilihin
Tataas ang demand o ang paggasta kung kaya tataas ang presyo ng bilihin
Bababa ang suplay ng produkto kaya tataas ang presyo
Bababa ang demand kung saan bababa din ang presyo
Kung ikaw ay magiging pinuno sa inyong lugar, ano ang iyong gagawin upang makatulong sa financial literacy ng iyong nasasakupan?
magsagawa ng mga symposium upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa mabisang pananalapi
magpakilala ng mga bagong produkto para ibenta sa kanila
magtayo ng iba't ibang kooperatiba
magpautang na may patas na interes
Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang napupunta sa pambayad-utang" Ito ba ay Bunga o Dahilan ng Implasyon?
Bunga ng Implasyon
Dahilan ng Implasyon
Dahilan at Bunga ng Implasyon
Wala sa nabanggit
Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang pera
bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga
bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan
Bakit ang mga produktong tulad ng sigarilyo at alak ay pinatawan ng karagdagang buwis ng tinatawag na Sin Tax?
Maisulong ang kalusugan sa pamamagitan ng pagpigil sa mga bisyo.
Lahat ng nabanggit
Makalikom ng kita na magsusulong sa tulong-pangkalusugan.
Mabawasan ang pagtangkilik sa mga produktong mapanganib sa kalusugan.
Bilang mag-aaral, ano ang mas mabisa mong gawin upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?
Siguraduhing bumili palagi ng mga bagong produkto at serbisyo sa pamilihan.
Piliin ang mga imported na produkto na iniindorso ng ating mga idolo.
Gumawa ng mga produktong lokal para ibenta at siguraduhing tangkilin ang sariling atin.
Mag-ipon ng maraming pera at iwasan ang paggasta nito.
Kapag naabot ng ekonomiya ang pinakamataas na antas ng empleyo(overheated economy), ano ang nararapat gawin ng pamahalaan?
magpatupad ng mataas na paggastos ang pamahalaan.
magpatupad ng pagtataas ng buwis ang pamahalaan.
wala sa nabanggit
magpatupad ng mababang paggastos ng pamahalaan
Kung ang implasyon ay demand-pull inflation sa paanong paraan ito malulutas?
Ang suplay ng salapi sa merkado ay dapat limitahan upang makontrol ang labis na paggasta.
Pagpapataas sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.
Maghikayat ng pautang sa mababang interes upang mapasigla ang paggasta.
Pagdaragdag ng maraming trabaho upang mapasigla ang ekonomiya.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng hyperinflation?
Mula 68.00 per litro noong isang araw, nagtaas sa 76.00 ang gasolina. Ngayong araw naman ay pumalo ito sa 89.00 bawat litro.
Naging 180.00 ang kilo ng karne ng baboy dahil sa African Swine Fever Virus mula 250.00 bawat kilo.
Pagtaas ng presyo ng bigas mula 1700 ang isang sako ay naging 2000 na sa loob lamang ng anim na buwan.
Ang pagbaba ng presyo ng sibuyas mula 600 ay naging 150 per kilo nalang sa kasalukuyan.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga halimbawa ng mga institusyong di - bangko?
Landbank
Philippine Deposit Insurance Corp.
Kooperatiba
Pawnshop
Sino ang maaaring makinabang kapag tumataas ang antas ng implasyon?
nag-iimpok
umuutang
consumer
prodyuser
Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho
kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal
kapag may pag-angat sa gross domestic product ng bansa
kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa
Ang mga sumusunod ay mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapatupad ng Patakarang Pananalapi MALIBAN sa____
BSP
DBM
DSWD
DoF
Paano mo mapapangasiwaan ng epektibo ang iyong salapi?
itatago sa aking alkansya
maghanap ng paggagastahan
mag-impok at mamuhunan
ubusin sa pagbili ng mga kagustuhan
Ang dinepositong Php 100, 000.00 ni Tina sa bangko ay nagpapakita ng paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy?
Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok
Ipapautang ng bangko ang pera upang magamit na panibagong kapital sa negosyo
Ibaba ang interes upang madagdagan ang paggastos ng tao
Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumalik ang reserba ng mga bangko.
Kung ikaw ay magkakaroon na ng trabaho at kumikita, paano mo ito gagamiti?
ibibili ng mga bagay na matagal ko ng ninanais
itatago ang malaking bahagi nito sa bangko upang may magamit sa hinaharap
ipanlilibre ko sa aking mga kaibigan na nagbigay tulong at suporta sa akin
gagamitin ko upang mabili ang lahat ng aking mga pangangailangan at kagustuhan
Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan ng implasyon?
pagtaas ng suplay ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan
pagdedepende sa importasyon para sa hilaw na sangkap
pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
wala sa nabangit
Bakit nagkakaroon ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at serbisyo ang isang bansa?
dahil mas gusto ng mga tao ang imported na mga produkto
dahil mas maganda ang kalidad ng mga inaangkat na mga produkto
dahil kilala ang mga produkto at serbisyo ng mga Pilipino sa buong mundo
dahil nagkakaroon ng kakapusan at kalabisan ng mga produkto at serbisyo
Bakit hindi maiiwasan ang implasyon?
a. Maaaring magkaroon ng pangkalahatang pagtaas sa presyo ng mga sangkap at materyales sa paggawa ng mga produkto at serbisyo
b. Ginugusto ng mga prodyuser na pataasin ang presyo
c. Marami sa ating mga pinagkukunang yaman ay paubos na
d. Mas makatutulong sa ekonomiya kapag mas mataas ang kinikita ng mga negosyante.
