wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagbasa at Pagsusuri Q4 (Long Quiz 1)

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.
Ito ay isinasagawa upang tumuklas ng mga bágong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.
a)
Layunin
b)
Gamit
c)
Metodo
d)
Etika
2.
Ito ay tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbiyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon, at iba pa. Iba't ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng datos na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa
a)
Layunin
b)
Gamit
c)
Metodo
d)
Etika
3.
Ito ay isinasaad ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo sa pananaliksik. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa
a)
Layunin
b)
Gamit
c)
Metodo
d)
Etika
4.

Ito ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa anumang larangan

a)

Layunin

b)

Gamit

c)

Metodo

d)

Etika

5.
Ang iskeleton ng anumang sulatin, hinahati-hati ang mga kaisipan na isasama ang pagsulat mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakapangunahing kaisipan na dapat isulat.
a)
Pagpili at paglilimita ng paksa
b)
Pagbuo ng konseptong papel
c)
Pagbuo ng balangkas
d)
Pagsulat ng burador
6.
Kailangan kumpidensiyal at kinukubli ang pagkakakilanlan ng Kalahok.
a)
Tutugon sa layunin
b)
Sanayan sa gamit
c)
Maging sanay sa metodo
d)
Tugon sa Etika
7.
Paghikayat sa mga guro na ugaliin o sanayin ang pagdalo sa mga webinar upang maging dalubhasa sa kakayahan sa pagtuturo.
a)
Gamit
b)
Etika
c)
Layunin
d)
Metodo
8.
Ang boluntaryong pakikilahok ng mga respondent.
a)
Gamit
b)
Etika
c)
Layunin
d)
Metodo
9.
Ibalik at gamitin ang resulta ng pananaliksik.
a)
Nakasaad sa layunin
b)
Mithiin ng gamit
c)
Paliwanag ng metodo
d)
Tandaan ng etika
10.
Sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa paggamit ng halamang gamot.
a)
metodo
b)
Layunin
c)
Gamit
d)
Etika
11.
Ito ang unang gawain ng mga mananaliksik sa kanilang gawain
a)
Paghahanda
b)
Proseso
c)
Resulta
d)
Feedback
12.
Ito ang pamamaraan ng pananaliksik
a)
Paghahanda
b)
Proseso
c)
Resulta
d)
Feedback
13.
Ito ang paraan upang balikan at malaman ang pagkakamali sa mga ginawa sa pananaliksik.
a)
Paghahanda
b)
Proseso
c)
Resulta
d)
Feedback
14.
Ito ang kinalabasan ng pananaliksik at pag-aaral ng mga mananaliksik.
a)
Paghahanda
b)
Proseso
c)
Resulta
d)
Feedback
15.
Ipinapahayag sa bahagi ng metodolohiya ang iba’t ibang isinasagawang hakbang ng mananaliksik sa paghahanap ng datos.
a)
Paraan ng pangangalap ng datos
b)
Pagpapayaman ng datos
c)
Pangongopya ng datos
d)
Pagsusuri ng datos
16.
Inilalarawan sa bahaging ito ng metodolohiya ang bawat hakbang sa pag aanalisa ng mga datos na nakalap.
a)
Pagsusuri ng Datos
b)
Pagrerebisa ng datos
c)
Pangangalap ng datos
d)
Pagpaparami ng datos
17.
Ito ay ginagamit sa ikalawang bahagi ng sulating pananalisik na latutunghayan ng pamamaraan at paraan, gayundin ng mga bilang ng responte na gagamitin o ginagamit sa pag-aaral.
a)
Introduksyon
b)
Diskusyon
c)
Metodolohiya
d)
Result
18.
Napakaraming taglay na impormasyon ang internet at kung magiging mapanuri ka bakâ nandiyan lang at naghihintay ang isang kakaiba at bágong paksang maaari mong gamitin para sa iyong pananaliksik
a)
Diyaryo at Magasin
b)
Internet at Social Media
c)
Telebisyon
d)
Sarili
19.
Ang mga ito’y pag-uukulan ng pansin ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinyon, editoryal, at mga artikulo. Suriin at bakâ naririto lang ang paksang aakit sa iyo ng atensiyon
a)
Diyaryo at Magasin
b)
Internet at Social Media
c)
Telebisyon
d)
Sarili
20.
Ang mga ito ay nagmula sa bagay na interesado ang mananaliksik ay karaniwang humahantong sa isang matagumpay na sulating pananaliksik sapagkat nalalagay niya hindi lámang ang kaniyang isipan kundi ang buong puso at damdamin para sa gawaing sa una pa lang ay gusto niya o interesado siya.
a)
Diyaryo at Magasin
b)
Internet at Social Media
c)
Telebisyon
d)
Sarili
21.
Sa bahaging ito, inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta ng datos na kinakailangan o ginagamit upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral. Maaaring gumamit ng sarbey, talatanungan(questionnaire-checklist), at pakikipanayam
a)
Paraan ng Paglikom ng Datos
b)
Paraan sa Pagsusuri ng Datos
c)
. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
d)
. Kasangkapan sa Pagsusuri ng Datos
22.
Ito ay paglilipat ng idea mula sa isang wika tungo sa iba pang wika. Kinakailangang maging maingat ang mananaliksik sa gawaing ito.
a)
Kopya
b)
Paraphrase
c)
Buod ng tala
d)
Sarilin Salin
23.
Ang gawain na nabanggit ang nagpapakita ng plagiarism
a)
Hindi man kilala ang awtor ng pinagkunan ay binibigyan pa rin ito ng pagkilala
b)
Hindi paglalagay nang maayos na panipi sa mga siniping pahayag.
c)
Humihingi ng pahintulot sa may-akda ng mga gagamiting talâ
d)
Pagbanggit sa awtor ng mga pinagkunang sanggunian
24.
Ang sumusunod ay mga paraang ginagamit sa pananaliksik upang makakalap ng impormasyon maliban sa______
a)
Debate
b)
Eksperemento
c)
Interbiyu
d)
Sarbey
25.
Ito ay isang paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga particular na katanungan ng tao tunkol sa kaniyang lipunang ginagalawan.
a)
karanasan
b)
komunikasyon
c)
pagpapaunlad
d)
pananaliksik
26.
Nakasaad dito ang lawak at limitasyon ng pinag-aaralan.
a)
disenyo
b)
Instrumento
c)
saklaw at limitasyon
d)
tritment ng mga datos
27.
Ipinapaliwanag dito ang pansariling implikasyon at resulta ng pananaliksik
a)
interpretasyon
b)
kahulugan ng katawagan
c)
pagsusuri
d)
tritment ng datos
28.
Inilalahad dito ang eksaktong bílang ng mga sumagot sa inihandang kuwestiyonaryo-sarbey.
a)
instrumento
b)
interpretasyon
c)
rasyonal
d)
respondent
29.
Sa bahaging ito inilalahad nang malinaw ang naging kasagutan sa bawat suliranin, tanong, o layunin na ibinigay sa simula ng pananaliksik
a)
kabanata I
b)
kabanata II
c)
kabanata III
d)
kabanata IV
30.
Ang kategorya ng questionnaire ang hindi kabilang.
a)
Disenyo
b)
Kaangkupan
c)
Kalinawan
d)
Kasanayan