wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 7 Q4 Summative

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

“Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi”, ito ang unang linya ng sikat na awiting Mangarap ka. Ano ang ibig sabihin ng linyang ito?

a)
  1. A. Ang lahat ay nagsisimula sa pangarap.

b)
  1. B. Kung may pangarap ka simulan mo na.

c)

C. Kapag may pangarap ka, may mararating ka.

d)

D. Pagplanuhan na ang pangarap upang ito ay maisakatuparan.

2.

Ang pangarap ay hindi dapat mananatiling pangarap na lamang habambuhay. Ano ang iyong gagawin upang maisakatuparan mo ang iyong pangarap?

a)

A. Handang kumilos upang maabot ito.

b)

B. Susunod palagi sa kagustuhan ng magulang.

c)

C. Laging magdarasal upang gabayan ng panginoon.

d)

D. Sasama sa mga kaibigan na may pangarap sa buhay.

3.

Ano ang pinakamakatuwirang gawin kung hindi sinusuportahan ng mga magulang ang pangarap ng anak?

a)

A.   Kausapin ang mga magulang at sabihing itutuloy mo ang iyong pangarap kahit hindi nila sinusuportahan ang iyong pangarap.

b)

B.   Ipagpatuloy ang pangarap dahil ito ang magbibigay sa iyo ng kasiyahan at kaganapan.

c)

C. Gawin ang mga bagay na makapagbibigay sa iyo ng kaligayahan

d)

D. Makiusap sa magulang na suportahan ang iyong pangarap.

4.

Ang mithiin ay kailangang malinaw at makatotohanan. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang wastong pagtatakda ng mithiin?

a)

A. Ipagpapasa-Diyos ang mga itinakdang mithiin.

b)

B. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa pitaka.

c)

C. Isulat ang takdang panahon sa pagtupad ng mithiin.

d)

D. Sabihin ang mga itinakdang mithiin sa mga kaibigan.

5.

Isa sa mga hakbang upang matupad ang pangarap ay ang pagtukoy sa mga maaaring balakid o hadlang sa pagtupad ng iyong mga mithiin. Karaniwan ng gagawin sa hadlang o balakid na ito na maaaring makaapekto upang hindi mo maabot ang iyong pangarap?

a)

A.   Maghahanap ng maaaring pagkakitaan na magagamit sa pag-aaral.

b)

B. Lalapit sa mga tao na maaaring makatulong sa aking pag-aaral.

c)

C. Lalayo muna sa mga barkada para makapagpokus sa pag-aaral.

d)

D. Maghihinto muna sa pag-aaral upang makaipon ng pera.

6.

Ang pagkakaroon ng pangarap ay garantiya na ang tao ay maaaring maging matagumpay sa buhay. Ang pahayag ay: _______________

a)

A.   Tama, dahil sa pangarap maaaring yumaman ang tao.

b)

B.   Tama, dahil sa pangarap maraming magandang oportunidad ang naghihintay sa buhay ng tao.

c)

C.   Mali, dahil hindi lahat ng nangarap ay nagtagumpay sa buhay.

d)

D.  Mali, dahil ang mga ipinanganak na mayaman lang ang maaaring magtagumpay.

7.

Ang mga sumusunod ay mga benepisyo ng pagkakaroon ng plano para sa pagkamit ng mithiin o pangarap sa buhay MALIBAN sa: _________________.

a)

A. magiging maligaya ka at ang iyong mga mahal sa buhay.

b)

B. maisasabuhay mo ang mga moral na pagpapahalaga.

c)

C. magkakaroon ka ng tiwala sa iyong sarili.

d)

D. magiging mapagmataas ka sa kapwa.

8.

Ang pagkamit sa pangarap ay hindi madaling maisakatuparan, maraming hadlang o balakid ang maaari mong pagdaanan. Isa na diyan ay ang hindi magandang impluwensiya ng barkada. Ano ang iyong gagawin upang malampasan ang balakid na ito?

a)

A. Hindi muna makikipagkaibigan kahit kanino habang hindi pa tapos sa pag-aaral.

b)

B. Sasama sa mga kaibigan na may mabuting impluwensiya.

c)

C. Makikipagkaibigan sa mga taong may pangarap.

d)

D. Pipiliin lamang ang mga taong kakaibiganin.

9.

Ang mga kahinaan natin sa buhay ang siyang nagiging dahilan ng ating pagkabigo at hindi pag-abot sa ating pangarap. Kailangan nating labanan ang ating kahinaan upang magtagumpay sa buhay. Sino sa mga tauhan sa iyong palagay ang siyang nagpapakita ng kalakasan?

a)

A. Si Marisol na masipag sa kanilang tahanan.

b)

B. Si Marites ay nagsisikap na makatapos ng pag-aaral.

c)

C. Si Mars na nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya.

d)

D. Si Marichu na madalas mapuri dahil sa maayos na paggawa.

10.

Si Amar ay masipag sa pag-aaral, magaling sa bilang at pagguhit. Ang mga magulang niya ay parehong doktor. Ang gusto niya ay maging inhinyero. Nais ng kaniyang mga magulang na maging doktor din ang kanilang anak.   Makatuwiran ba ang nais ng mga magulang ni Amar?

a)

A.   Opo, dahil sila naman ang magulang ni Amar, at alam nila kung ano ang mas makabubuti para sa kanilang anak.

b)

B.   Opo, dahil naisip ng kaniyang magulang na mas makatitipid sila sa mga librong gagamitin ng kanilang anak.

c)

C.   Hindi po, dahil hindi dapat ang magulang ang nasusunod sa pangarap ng anak.

d)

D.  Hindi po, dahil may sariling buhay at pangarap si Amar na dapat tahakin.

11.

Paano ka nakatitiyak na nasa tamang direksiyon ang iyong buhay at handa nang bumuo ng personal na misyon sa buhay?

a)

A.   Nakatuon ang aking isipan sa aking pag-aaral at pangarap.

b)

B.   Hindi muna ako sumasama sa mga gimikan ng aking mga kaibigan.

c)

C.   Nag-iipon na ng pera para may panggastos sa pag-aaral sa kolehiyo.

d)

D.  Nagtatanong-tanong sa mga nakatatanda hinggil sa aking pangarap.

12.

Makatutulong ang pagbuo ng personal na misyon sa buhay upang makasigurado na tamang landas ang tatahakin at maabot ang pangarap, nang sa gayon, tagumpay sa buhay ay makakamit. Ano ang kahalagahan ng pagbuo ng personal na misyon sa buhay?

a)

A. Nagsisilbing gabay sa mga pagpapasiyang ginagawa.

b)

B. Lumalawak ang kaalaman sa mga bagay-bagay.

c)

C. Napahahalagahan ang integridad ng tao.

d)

D. Lumalalim ang pagkakilala sa Diyos.

13.

Ano ang pinaka epektibong dulot sa mga kabataan ng pagkakaroon ng personal na misyon sa buhay?

a)

A. Nagkakaroon na ng direksiyon sa buhay kahit sa murang edad pa lamang.

b)

B. Magiging responsable at mapagmahal na anak.

c)

C. Maagang mamumulat sa hirap ng buhay.

d)

D. Nalalayo sa mga masasamang bisyo.

14.

Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga katanungan sa aytem 14 hanggang 18.

Nagvolunteer sa isang simbahan ang tatlong magkakaibigan na Hanna, Steffi at Rabbi nong una ay masaya at giliw na giliw silang tatlo sa mga kakulitan at paglalambing ng mga batang kanilang inaalagaan at tinuturuang magbasa at sumulat. Ngunit makalipas ang ilang buwan ay si Rabbi na lamang ang mag-isa at nakikita na matiyagang bumabalik doon upang mapaglingkuran at makasama muli ang mga bata bagamat siya ay pagod mula sa paaralan at hindi na kasama ang mga kaibigan.

Batay sa kuwento, saan nagkulang sila Hanna at Steffi?

        

a)

A. Kawalan ng tuon sa nais gawin sa buhay.

b)

B. Malasakit sa mga batang kanilang tinuturuan. 

c)

C. Sa motibasyon na ipagpatuloy ang magandang gawain.

d)

D. Sa inspirasyon na magbibigay kasiyahan sa kanilang ginagawa.

15.

Kung ikaw si Rabbi, paano mo hihikayatin ang iyong mga kaibigan na muling

         bumalik sa pag volunteer sa simbahan?

a)

A. Kumbinsihin sila na bumalik sa pag volunteer.

b)

B. Hahayaan na lamang silang gawin kung ano ang nais nilang gawin.

c)

C. Kukuwentuhan sila ng mga masasayang karanasan nila habang nag-bovolunteer.

d)

D. Sasabihin sa kanila na namimiss na sila ng mga bata na kanilang tinuturuan.

16.

Ang pag-volunteer sa isang gawain ay kusang loob na ginagawa nang may kasiyahan. Paano mapananatili ang kagustuhan na makagawa ng isang

mabuting gawain sa kabila ng mga tukso o hamon na kinakaharap?

a)

A. Huwag pansinin ang mga nanunukso.

b)

B. Sundin kung ano ang nais ng damdamin.

c)

C. Ilihim na lamang ang mabuting ginagawa.

d)

D. Huwag ikahiya ang mga magagandang ginagawa.

17.

Anong katangian mayroon kay Rabbi, bakit nagpatuloy pa rin siya sa pag-volunteer sa gawaing simbahan kahit hindi na sumasama ang kaniyang dalawang kaibigan?

a)

A.   Alam niya kung anong gawain ang makapagbibigay sa kaniya ng kaganapan.

b)

B.   Gusto niyang maging iba sa kaniyang dalawang kaibigan.

c)

C.   Hilig niya ang magturo sa mga bata.

d)

D.  Masaya siya sa ginagawa niya.

18.

Sang-ayon ka ba sa ginawang pagpapasiya ng dalawang kaibigan ni Rabbi na huwag nang bumalik sa boluntaryong gawain?

a)

A. Hindi po, dahil iniwan nilang mag-isa ang kanilang kaibigan.

b)

B. Hindi po, dahil kawawa naman ang mga batang tinuturuan nila.

c)

C. Hindi po, dahil baka mapasama sila sa mga masasamang barkada.

d)

D. Hindi po, dahil hindi masama ang kanilang ginagawang boluntaryong pagtuturo sa mga bata.

19.

Sa paggawa ng Personal na Misyon sa Buhay kinakailangan na gamitan mo ito ng mga pamantayan sa pagtakda ng mithiin. Isa sa mga pamantayang ito ay ang pagsukat sa iyong kakayahan at kahinaan. Paano mo maisasabuhay ang pamantayang nabanggit?

a)

A. Sinusuri ang mga kahinaan at kalakasan.

b)

B. Ginagawa agad ang mga bagay na naisip gawin.

c)

C. Kinikilala ang mga taong maaaring makatulong.

d)

D. Pinag-iisipang mabuti ang mga bagay na gagawin.

20.

Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan. Ang pahayag          ay _______________________________.

        

a)

A. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.

b)

B. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.

c)

C. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga situwasyon sa buhay.

d)

D.   Mali, sapagkat ito na ang iyong batayan sa buhay. Maaaring magkaroon ng  

problema kung ito ay babaguhin pa.

21.

Nagsisimula sa kamalayan sa sarili ang pagkamulat sa pagkakaroon ng talento at mga kasanayan na hakbang sa pagtupad sa misyon sa buhay. Ang pagtupad ba sa misyon sa buhay ay nararapat na may kaakibat na mga moral na pagpapahalaga?

a)

A.   Opo, dahil hindi mabubuo ng tao ang kaniyang sarili kung isasabuhay niya

ang mga moral na pagpapahalaga.

b)

B.   Opo, dahil ang mga moral na pagpapahalaga ay gabay sa pagtupad ng

misyon sa buhay.

c)

C.   Hindi, dahil huhubugin pa niya ang mga ito bago niya maisabuhay.

d)

D. Hindi, dahil ang pagtugon ng misyon sa buhay ay likas na sa tao.

22.

Anong misyon sa buhay ang mas matutugunan ng tao kung napauunlad niya ang kaniyang mga talento, hilig, at mga kasanayan sa pamamagitan ng pag-aaral?

a)

A. Pag-angat ng kalidad ng buhay ng pamilya.

b)

B. Pagkakawang-gawa sa kapuwa lalo na sa mga kapus-palad.

c)

C. Paggamit ng kaalaman, talento at mga kasanayan sa trabaho.

d)

D. Paglilingkod at pagmamahal sa kapwa, sa bansa at sa Diyos.

23.

Anong mga pagpapasiya ang iyong isinasagawa upang maisakatuparan ang iyong misyon sa buhay?

a)

  A. Ginagaya kung ano ang ginagawa ng nakararami.

b)

B. Ginagawa kung ano ang makakasaya sa akin.

c)

C. Iniisip na ang kapakanan ng mas nakararami.

d)

D. Sinusunod ang kagustuhan ng magulang.

24.

Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng ugnayan ng mabuting pagpapasiya at ng personal na pahayag ng misyon sa buhay MALIBAN sa ______________________________.

a)

A.   Natutulungan ang tao na maging mapanuri sa pagpapasiyang ginagawa

dahil mahalaga ito sa pagkamit ng misyon sa buhay.

b)

B.   Ang pagkakaroon ng mabuting pagpapasiya ay nakatutulong upang

makamit ang personal na misyon sa buhay.

c)

C.   Nagsisilbing gabay ang personal na misyon sa buhay kaya nagiging mabuti

ang pasiyang ginagawa.

d)

D.  Karaniwan nang hindi nagtutugma ang misyon sa buhay at mabuting pagpapasiya.

25.

Ang mabuting pagpapasiya ay maituturing na tama kung _________________.

a)

A. natupad ang iyong mithiin.

b)

B. naabot ang iyong pangarap.

c)

C. nakakamit ang kabutihang panlahat.

d)

D. masaya ang lahat sa ginawang pasiya.

26.

Ang pagpapasiya ay mahalaga kaya nararapat lamang na isipin ng tao ang magiging _____________ at ______________ ng kaniyang pasiya.

a)

A.   binhi, ani 

b)

B.   puno, bunga

c)

C. sanhi, binhi

d)

D. sanhi, bunga

27.

Iniimbitahan ka ng iyong kamag-aral at matalik na kaibigan sa kaniyang birthday party na gaganapin pagkatapos ng inyong klase, halos lahat ng inyong kamag-aral ay pupunta sa nasabing pagdiriwang. Nais mong sumama ngunit hindi ka pa nakapagpapaalam sa iyong mga magulang. Anong pagpapasiya ang pinakamabuti mong pipiliin?

a)

A.   Sasama dahil minsan lang makadalo sa mga party.

b)

B.   Hindi na lang sasama dahil magagalit ang mga magulang.

c)

C. Magpapasama sa kaibigan upang ipagpaalam sa magulang.

d)

D.  Kakausapin ang kaibigan na susunod na lamang upang makapagpaalam ng maayos sa magulang.

28.

Ang paglalaro ng chess ay inihahalintulad sa pagpapasiya ng tao sa buhay. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasiya?

a)

A. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng

     gagawing tira.

b)

B. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.

c)

C. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.

d)

D. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin.

29.
  1. Ang pagpapasiya ay isang kasanayang nararapat malinang sa isang tao. Mahalaga ang pagpapasiya dahil ______________________________.

a)

A.   ito ang ating pinipiling gawin sa araw-araw na pamumuhay.

b)

B.   mahirap na maitama ang mga maling nagawa sa buhay.

c)

C.   dito nakasalalay ang ating magiging kinabukasan.

d)

D.  hindi na maibabalik ang nakaraan.

30.
  1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang sa paggawa ng makabuluhang pagpapasiya?

a)

A.   Mangalap ng kaalaman.

b)

B.   Magnilay sa mismong aksiyon.

c)

C.   Isangguni sa mga kakilala ang gagawing pasiya.

d)

D.  Hingin ang gabay ng Diyos sa gagawing pagpapasiya.

31.
  1. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong _______________________.

a)

A.   pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.

b)

B.   huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.

c)

C.   gawin na lamang ang magpapasaya sa mas nakararami.

d)

D.  gawin na lamang kung ano ang magpapasaya sa iyo.

32.
  1. Gusto ng iyong ama na magkaroon ng anak na sundalo sa kadahilanang pangarap niya ito noong siya ay bata pa. Dahil sa hindi niya ito natupad, ikaw ang pinipilit ng iyong ama na magpatuloy ng kaniyang pangarap kahit nasabi mo na sa iyong ama na pagmemedisina o doktor ang iyong pangarap. Batay sa sitwasyon na iyong binasa, anong hakbang sa paggawa ng makabuluhang pagpapasiya ang nararapat sa ganitong sitwasyon?

a)

A. Mangalap ng kaalaman.

b)

B. Pag-aralang muli ang pasiya.

c)

C. Hingin ang gabay ng Diyos sa gagawing pagpapasiya.

d)

D. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasiya.

33.
  1. Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip”, sa mga mahalagang pagpapasiyang ginagawa.  Ipinapakita sa kataga na ___________________________.

a)

A. mahirap talaga ang gumawa ng pasiya

b)

B. kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya

c)

C. mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon

d)

D. ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon

34.
  1. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig

sabihin nito na ________________________

a)

A. ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting   pagpapasiya.

b)

B. kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.

c)

C.   ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.

d)

D.   ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.

35.

Maraming guro ang pumupuri sa husay ng inyong kamag-aral, sa katunayan nga, siya ang nangunguna sa inyong klase sa lahat ng asignatura. Nasaksihan mo ang iyong kamag-aral ay nagbubura ng sagot sa kaniyang papel habang kayo ay nagwawasto ng inyong pagsusulit. Nang lumabas na ang resulta ng pagsusulit siya ang nakakuha ng pinakamataas na iskor. Anong pasya ang pinaka nararapat mong isagawa?

a)

A.   Sasabihin sa buong klase ang nakita mong ginagawa ng inyong kamag-aral

habang nagtse ng papel.

b)

B.   Kakausapin ang kamag-aral at sasabihing alam mo ang kaniyang ginagawa.

c)

C.   Magsangguni sa mga kaibigan kung anong pasya ang gagawin.

d)

D.  Ipagbigay alam sa guro ang nasaksihan.

36.

Basahin ang Maikling Kuwento at sagutin ang mga katanungan sa aytem 33 hanggang 38.

 Si Judy ay labindalawang taong gulang. Nangako sa kaniya ang kaniyang ina na siya ay maaaring manood sa isang konsiyerto na magaganap sa kanilang lugar. Ngunit ito ay sa kondisyong mag-iipon siya sa pamamagitan ng pag-aalaga ng bata at sa pagtitipid mula sa kaniyang baon sa tanghalian sa paaralan nang may maipambili ng tiket sa konsiyerto. Nagawa ni Judy na maipon ang perang kinakailangan at nagkaroon pa ng sobra. Ngunit nagbago ang isip ng kaniyang ina at sinabi sa kaniya na mas makabubuti kung gagastusin niya ang kaniyang pera sa pagbili ng bagong damit para sa paaralan. Labis ang pagkabigo na naramdaman ni Judy. Ngunit sa kabila nito ay nagpasiya pa rin siya na ipagpatuloy ang panonood ng konsiyerto. Bumilisiya ng tiket at sinabi niya sa kaniyang ina na maliit na halaga lamang ang kaniyang naipon. Nang dumating ang araw ng konsiyerto, nanood siya at sinabi sa kaniyang ina na siya ay magpapalipas buong araw kasama ang isang kaibigan. Dumaan ang isang linggo at hindi nalaman ng kaniyang ina ang kaniyang ginawa. Sinabi ni Judy ang lahat sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Louise. Iniisip ni Louise kung ipararating ba niya sa kanilang ina ang ginawa ni Judy. 

Paano ipinakita ni Judy ang kaniyang kagustuhan na manood ng konsiyerto?

a)

A. Umalis siya ng bahay nang hindi nagpapaalam.

b)

 B. Ginawa niya pa rin ang kaniyang kagustuhan kahit ayaw ng kaniyang ina.

c)

C. Pinag-ipunan niya nang mabuti ang perang ipambibili niya ng tiket para sa konsiyerto.

d)

D. Sinunod niya ang utos ng kaniyang ina upang payagan siyang manood ng konsiyerto.

37.

Ayon sa kuwento na iyong binasa, makatuwiran ba ang naisip ng nanay ni Judy na ipambili na lang ng damit ang perang kaniyang inipon kahit ito ay ito ay inilaan niya para sa konsiyerto na gusto niyang panoorin?

a)

 A. Opo, dahil ang magulang ang laging nasusunod at mas nakakaalam kung

     ano ang makabubuti para sa kanilang anak.

b)

B. Opo, dahil mas mahalaga ang unipormeng susuotin sa paaralan kaysa

     panonood ng konsiyerto.

c)

C. Hindi po, dahil pera iyun ni Judy, siya lang ang may karapatan kung saan

     niya gagamitin ang pera.

d)

D. Hindi po, dahil si Judy ang naghirap para makaipon ng pera.

38.

Nararapat lang ba na ipaalam ng kapatid ni Judy ang ginawa niyang paglilihim sa kanilang ina?

a)

A. Opo, dahil bilang ina nararapat lamang na malaman ng magulang ang lahat nang ginagawa ng kanilang anak.

b)

B. Opo, dahil hindi mabuti ang ginawang paglilihim ng kaniyang kapatid.

c)

C. Hindi po, para sa susunod siya naman ang hihingi ng pabor kay Judy.

d)

D. Hindi po, dahil tapos na iyon hindi na mapapansin ng kanilang ina.

39.

Sa pagpapahayag ng personal na misyon sa buhay, Ano ang nais ipakahulugan ni Sean Covey sa kaniyang pahayag na “Begin with the end in mind”?

a)

A.   Kailangang tapusin kung ano man ang nasimulan.

b)

B.   Palaging simulan nang may kaayusan ang nais mong gawin. 

c)

C.   Sa simula pa lang ay alam mo na ang nais mong makamit sa iyong buhay.

d)

D.  Magiging madali ang anumang gawain kung ito ay sisimulan at tatapusin din agad.

40.

Paano maihahalintulad ang pahayag ng personal na misyon sa buhay sa isang puno na may malailm na ugat?

a)

A.  Ito ay nagbubunga ng mga bagay na ninanais gawin ng tao.

b)

B.  Ang personal na misyon sa buhay ay maaaring magbunga gaya ng sa puno.

c)

C.  Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago.

d)

D. Ang personal na misyon sa buhay ay parang puno na nagbibigay ng lilim sa buhay ng tao.

41.

Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring magbago o mapalitan

sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na  

nangyayari sa buhay. Ang pahayag ay: _________________________.

a)

A. Tama, dahil pabago-bago ang isip ng tao

b)

B. Mali, dahil hindi naman lahat ng tao ay gustong magbago

c)

 C. Mali, dahil ang misyon sa buhay ay hindi na dapat baguhin

d)

D. Tama, dahil walang permanenteng bagay sa mundo ang lahat ay nagbabago

42.

Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng kahalagahan ng pagkakaroon ng personal na misyon sa buhay MALIBAN sa: ________________________.

a)

 A. ito ang susi na makatutulong sa tao upang makamit ang layunin sa buhay

b)

B. ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao

c)

C. ito ay dapat na makabubuti sa sarili, sa kapuwa at sa lipunan

d)

D. ito ang tutulong sa atin upang maging masaya ang buhay

43.

Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga katanungan sa aytem 

            43 at 44.

Si Mario ay kaibigang matalik ni Annalyn, nagsimula ang kanilang pagkakaibigan noong sila ay nasa edad pito. Iisa lang ang paaralan na kanilang pinapasukan. Halos sabay silang pumapasok sa paaralan sa araw-araw. Naging malalim ang kanilang pagiging magkaibigan, pareho silang may pangarap na maging doktor ang layunin nila ay matulungan ang kanilang kababayan na walang kakayahang makapagpagamot. Ngunit habang tumatagal napapansin ni Annalyn na nag-iiba ang ugali at pananaw sa buhay ni Mario. Bihira na din itong sumama sa kaniya at napapadalas ang pagsama nito sa ibang mga barkada. Gayunpaman, ipinagpatuloy ni Annalyn ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Lumipas ang panahon si Annalyn ay isa ng ganap na doktor at ginagampanan ang kaniyang misyon sa buhay ang makatulong at manggamot sa mga maysakit. Si Mario naman ay patuloy ang pagtahak sa buhay na walang patutunguhan.

Kung ikaw si Annalyn, paano mo hihimukin ang iyong kaibigan na ipagpatuloy ang kaniyang pangarap at isabuhay ang kaniyang misyon sa buhay?

a)

A. Hahayaan ko na lang siya kung saan siya masaya.

b)

B. Ipapaalala ko sa kaniya ang naging pangarap namin noong bata pa.

c)

C. Hindi ko na lang siya kakausapin, kasi matagumpay naman na ang buhay ko.

d)

D. Ipauunawa ko sa kaniya ang kahalagahan ng may pangarap at misyon sa buhay.

44.

Paano ipinakita ni Annalyn ang kahalagahan ng pagkakaroon ng misyon sa  

          buhay?

a)

A.  Pinilit niyang abutin ang kaniyang pangarap.

b)

B.  Hindi siya sumuko sa mga pagsubok sa buhay.

c)

C. Hindi siya nakipagbarkada upang makapagpokus sa pag-aaral.

d)

D. Ginawa niya itong gabay upang maabot niya ang kaniyang pangarap.

45.

Paano mo maisasabuhay ang mga paraan sa pagsasagawa ng personal na misyon sa buhay?  

a)

A. Magsisikap sa pag-aaral.

b)

B. Gagawin lahat ng mga takdang-aralin.

c)

C. Idikit sa dingding ang motto sa buhay upang hindi makalimutan.

d)

D. Sumulat ng personal na pahayag ng misyon sa buhay at gawin itong inspirasyon.

46.

Isa sa paraan ng pagbuo ng personal na misyon sa buhay ay ang mangolekta

      ng kasabihan o motto. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng motto sa buhay?

a)

A.  May mga aral na nakukuha sa paggawa ng motto o kasabihan.

b)

B.  Nagsisilbing gabay ito sa pang-araw araw na pamumuhay.

c)

C.  Mas lalawak ang kaalaman sa mga motto o kasabihan.

d)

D.  Maaaring gawing inspirasyon ang motto sa buhay.

47.

Tagumpay at marangyang buhay man ang nararanasan ng isang sikat na Pilipinong doktor na si Dr. Rey Franco sa ibang bansa, hindi sya nagdalawang-isip na umuwi sa Pilipinas upang maibahagi ang kaniyang husay at talino, at makapag-patayo ng isang intensive coronary care unit na tutulong sa mga mahihirap na may sakit sa puso. Ano ang nag-udyok kay Dr. Rey Franco na bumalik sa Pilipinas sa kabila ng tagumpay na kaniyang nararanasan sa ibang bansa?

a)

A. Nais niyang maisagawa ang kaniyang misyon sa kaniyang mga kababayan na nangangailangan.

b)

B. Maganda na ang kaniyang buhay sa ibang bansa, nais niyang ipakita ito sa

mga kababayan.

c)

C. Mas magiging matagumpay ang kaniyang buhay sa Pilipinas.

d)

D. Mahal niya ang bansang kaniyang kinagisnan.

48.

Kung ikaw si Dr. Rey Franco, gagawin mo din ba ang kaniyang ginawa? Ang bumalik sa Pilipinas kahit nakaranas na nang magandang buhay sa ibang bansa.

a)

A. Opo, dahil mahal ko ang aking bansang sinilangan.

b)

B. Opo, dahil alam kong mas kailangan ako ng aking mga kababayan.

c)

C. Opo, dahil ito ang lupang aking sinilangan, tahanan ng aking lahi.

d)

D. Opo, dahil magiging ganap lang ang aking pagkatao kapag tumulong ako sa aking mga kapwa pilipino.

49.

Si Efren Bata Reyes, ay isa sa mga ipinagmamalaki ng Pilipinas sa larangan ng  palakasan. Siya ay nakilala sa larong bilyar bilang The Magician. Sa kaniyang husay sa paglalaro marami na siyang karangalan na naiuwi sa ating bansa. Halos kilala din siya sa buong mundo bilang isa sa pinakamagaling na manlalaro ng bilyar. Sa kaniyang edad na animnaput siyam kinatawan niya pa rin ang ating bansa sa nakaraang SEA Games sa Cambodia. Ano ang nais ipahiwatig ng kuwento?

a)

A. Nakikilala sa buong mundo ang magaling sa palakasan.

b)

B. Kung gusto mong makilala sa buong mundo mag-isports ka.

c)

C.  Hindi nasusukat sa edad ang pagtupad ng misyon sa buhay.

d)

D. Ayaw pang tumigil ni Efren “Bata” Reyes sa paglalaro ng bilyar.

50.

Para kay Hidilyn Diaz, kampeon sa larangan ng weightlifting, hindi pa tapos ang kaniyang misyon kahit na nabigyan niya ng kauna-unahang gintong medalya ang Pilipinas sa Olympics. Mahalaga para sa kaniya na nakikilala ang galing ng mga kababaihan sa palakasan na inakala ng lahat na para lamang sa mga kalalakihan. “Nakilala ang angking galing at kakayahan nating mga babae. Naniniwala ako na tayong mga Pilipina ay may angking lakas, talino, kagandahan at katapangan,” pahayag nito. Nararapat ba ang larong weightlifting o pagbubuhat ng mabigat para sa mga kababaihan?

a)

A. Hindi po, dahil ang pagbubuhat ng mabigat ay para sa mga lalaki lamang.

b)

B. Opo, dahil ipinapakita lamang ang pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae.

c)

C. Hindi po, dahil baka hindi na mabuntis ang babaeng nagbubuhat ng   mabigat.

d)

D. Opo, dahil mas marami pang kayang gawin ang mga babae kumpara sa mga lalaki.