NEW
Font size
WorksheetsAP 10 Q4 SPICT
Total questions: 51
Worksheet time: 51mins
Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay mas kilala bilang:
A. karapatang pantao.
B. pagkamamamayan.
C. gawaing pansibiko.
D. mabuting pamamahala.
2. Saang bahagi ng Saligang Batas ng 1987 ipinaliliwanag ang mga probisyon ukol sa mga tunay na mamamayang Pilipino?
A. Artikulo 7
B. Artikulo 6
C. Artikulo 5
D. Artikulo 4
3. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na Pilipino?
A. Mga naging mamamayan ayon sa batas
B. Ang ama ni Rachelle ay mamamayan ng Pilipinas.
C. Mamamayan ng Pilipinas si Abdul nang pagtibayin ang Saligang Batas ng 1987
D. Isinilang noong Enero 15, 1995 si Mich. Ang kaniyang ina ay Pilipino. Pinili niya ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang.
4. Ang ama at ina ni Mark ay kapwa Pilipino subalit ipinanganak at lumaki siya sa California. Si Mark ay:
A. walang pagkamamamayan.
B. mamamayang Pilipino lamang.
C. mamamayang Amerikano lamang.
D. parehong mamamayang Pilipino at Amerikano.
5. Nakapangasawa ng isang Australian si Via at nagdesisyon silang sa Australia na manirahan. Madalas pa rin siyang umuwi sa Pilipinas upang dalawin ang kaniyang mga magulang at kapatid sa Nueva Ecija at para na rin magbakasyon. Ano ang pagkamamamayan ni Via?
A. Australian, sapagkat sa Australia na siya naninirahan.
B. Australian, sapagkat nakapangasawa na siya sa Australia.
C. Pilipino, sapagkat hindi naman niya itinakwil ang kanyang pagkamamamayan.
D. Pilipino, sapagkat madalas pa rin naman siyang umuwi sa Pilipinas para dalawin ang kanyang pamilya at magbakasyon.
6. Binibigyan ng pagkakataon ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa na maging mamamayang Pilipino muli sa pamamagitan ng naturalisasyon. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship). Ang batas na ito ay kilala bilang:
A. Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 1993
B. Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 1998
C. Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003
D. Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2008
7. Likas o katutubong Pilipino si Chris dahil:
A. siya ay ipinanganak sa Pilipinas
B. dumaan siya sa proseso ng naturalisasyon.
C. pareho sa kanyang mga magulang ay Pilipino.
D. pinagkalooban siya ng hukuman ng pagkamamamayang Pilipino.
8. Dahil ang ama ni Marlon ay Pilipino, Pilipino rin siyang maituturing. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:
A. jus soli.
B. jus civile.
C. jus naturale.
D. jus sanguinis.
9. Dahil sa United States of America ipinanganak si Diego, lumalabas na siya ay mamamayang Amerikano. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:
A. jus soli.
B. jus civile.
C. jus naturale.
D. jus sanguinis
10. Isa sa pinakamahalagang aspekto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan ay ang:
A. pagkakabit-bisig upang isulong ang mga pansariling interes.
B. pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan.
C. pagsasama-sama ng mga indibiduwal upang ipagtanggol ang interes ng pangulo.
D. pagkakaisa ng mga mamamayan upang magkaroon ng isang malakas na pamahalaan.
11. Ang aktibong pagkamamamayan ay:
A. nakakahon lamang sa pagsunod sa mga batas.
B. pakikialam sa mga isyung direkta lamang na nakaaapekto sa kanila.
C. maipakita sa pagsunod lamang sa lahat ng mga ipinag-uutos ng pamahalaan.
D. maaaring isagawa ng mga indibiduwal sa kani-kanilang mga pamayanan sa iba’t ibang mga paraan.
12. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pagpapahalagang nakaugat sa aktibong pagkamamamayan maliban sa:
A. pagpaparaya o tolerance.
B. paninidigan para sa sariling kapakanan
C. lakas ng loob na ipagtanggol ang isang pananaw.
D. paggalang sa katarungan, demokrasya at rule of law.
13. Nagpalabas si Pangulong Manuel L. Quezon noong 1939 ng mga panuntunang sibiko at etika na ituturo sa lahat ng mga paaralan sa bisa ng Executive Order No. 217. Ito ay kilala sa tawag na:
A. Kodigo ng Pagka-Pilipino at Kabutihang Asal.
B. Kodigo ng Pagkamamamayan at Kabutihang Asal.
C. Kodigo ng Pagkamakabayan at Kagandahang Asal
D. Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal.
14. Ang pinakamahalagang asal na dapat nananatiling buhay at mahalaga sa kasalukuyang panahon ayon kay Pangulong Quezon ay:
A. mahalin at igalang ang iyong mga magulang.
B. magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa.
C. tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan.
D. mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao.
15. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging aktibong mamamayan maliban sa:
A. pananagutan at gampanin natin bilang mamamayan ng bansa.
B. pagpapabuti at pagpapa-angat ng antas ng ating pamumuhay
C. pagtugon sa mga tuntunin at tungkuling inaasahan mula sa atin ay lubhang mahalaga tungo sa kabutihang panlahat.
D. pagsunod at pagtalima sa mga utos ng pamahalaan ang pinakakongkretong manipestasyon ng aktibong pagkamamamayan.
16. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatan?
A. Kakambal ito ng ating mga tungkulin.
B. Proteksiyon natin ito laban sa pang-aabuso.
C. Kailangan nating tuparin ang Saligang Batas.
D. Sinisiguro nitong makapamumuhay tayo nang maayos at maligaya.
17. Ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang ay kilala
bilang:
A. karapatang sibil.
B. karapatang pantao.
C. karapatang politikal.
D. karapatang sosyo-ekonomik
18. Pinagtibay ang dokumentong ito noong 1948 upang kilalanin ng mga
pamahalaan ang kanilang obligasyon na siguraduhing lahat ng mga tao:
mayaman at mahirap, lalaki o babae, at mula sa anumang lahi at relihiyon,
ay tatratuhin nang pantay.
A. Optional Protocols
B. International Bill of Rights
C. Universal Declaration of Human Rights
D. Bill of Rights, 1987 Philippine Constitution
19. Mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao sapagkat:
A. iniiwasan nito ang diskriminasyon.
B. itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
C. pinangangalagaan nito ang maliliit na bansang tulad ng Pilipinas.
D. sinisiguro nitong walang nagaganap na paglabag sa karapatang
pantao.
20. Ang Universal Declaration of Human Rights ay binubuo ng __ karapatang
pantao.
A. 20
B. 30
C. 40
D. 50
21. Nakaranas ng torture si Alex dahil isa siya sa mga suspek sa pambobomba sa
kanilang lalawigan. Bukod pa rito, dumanas siya ng ‘di makataong mga
kaparusahan. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
A. karapatan sa buhay
B. kalayaan mula sa pagpapahirap
C. kalayaan mula sa di makatuwirang pagdakip
D. karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis
Dahil sa kalagayang pinansiyal, ayaw nang pag-aralin si Irish ng kanyang mga
magulang. Bukod pa rito, siya ang inaasahan ng kanyang ina na mag-aalaga
sa nakababatang kapatid habang ito ay tumutulong sa kanyang asawa sa
paghahanap-buhay. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
A. karapatan sa edukasyon
B. kalayaan mula sa pang-aalipin
C. kalayaan mula sa diskriminasyon
D. karapatan sa pamamahinga at paglilibang
Saang probisyon ng Saligang-Batas ng 1987 nakasulat ang Katipunan ng mga
Karapatan (Bill of Rights)?
A. Artikulo II
B. Artikulo III
C. Artikulo IV
D. Artikulo V
Ang sumusunod ay mga uri ng karapatan sa Pilipinas maliban sa:
A. natural rights.
B. political rights.
C. statutory rights.
D. constitutional rights
Ang sumusunod ay halimbawa ng constitutional rights maliban sa:
A. kalayaan sa relihiyon.
B. karapatan sa minimum wage.
C. karapatan sa wastong kabayaran.
D. malayang pagdulog sa mga hukuman.
Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Bill of Rights sa Saligang
Batas ng 1987?
A. Ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
B. Nakasaad dito ang karamihan sa ating mga karapatan.
C. Ang lalabag sa mga nakasaad dito ay mapaparusahan ayon sa batas.
D. Nakasaad dito ang mga karapatan natin bilang malayang mamamayan
ng isang demokratikong Estado.
Ang mga akusado o nasasakdal sa isang kaso ay may mga karapatan pa rin
dahil:
A. ito ay nakatadhana sa Saligang Batas.
B. ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
C. sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa.
D. sila ay itinuturing na inosente hanggang hindi napapatunayang
nagkasala.
Ang ahensiya ng pamahalaan na pangunahing nangangalaga sa mga
karapatang pantao ng mga mamamayan sa Pilipinas ay ang:
A. Supreme Court.
B. Department of Justice.
C. Philippine National Police.
D. Commission on Human Rights.
Alin sa sumusunod ang hindi responsibilidad at pananagutan ng Estado at
mga taong nanumpa sa tungkulin bilang mga duty bearers ng karapatang
pantao ng mga mamamayan?
A. Tuparin ang mga ito.
B. I-respeto ang mga ito.
C. Angkinin ang mga ito
D. Proteksiyonan ang mga ito.
Kanino ka dapat magrereklamo kapag bahagi ng gobyerno ang mismong
nang-abuso sa mga karapatan mo?
A. CHR
B. korte
C. militar
D. pulis
Ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan ay kilala rin sa tawag na:
A. Estado.
B. indibiduwal.
C. kagalingan.
D. sibiko.
Alin sa sumusunod ang hindi layunin ng mga social enterprises?
A. kumita ng malaki
B. lumikha ng trabaho
C. mapababa ang antas ng kahirapan
D. mapabuti at mapalakas ang mga lokal na marginalized na mga pamayanan
Ang mga negosyong gumagawa ng produkto at nagbibigay ng mga serbisyo upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap na tao ay maaaring uriin bilang:
A. social businesses
B. social enterprises
C. social organization.
D. corporate social responsibility
Batay sa Social Reform and Poverty Alleviation Act, ang sumusunod ay halimbawa ng disadvantaged sectors maliban sa:
A. magsasaka.
B. persons with disabilities
C. mga maralitang taga-lungsod
D. mga taong ang kita ay mas mababa sa poverty threshold
Nakapaloob sa konsepto ng kamalayang pansibiko na:
A. ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang lipunan.
B. ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapwa
C. ang lipunan ay may pananagutan sa kaniyang mga mamamayan.
D. ang mga mamamayan ay may pananagutan sa kaniyang lipunan
Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino?
A. pagboto
B. laging pagsunod sa batas
C. wastong pagbabayad ng buwis
D. pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan
Bakit mahalaga ang pagboto?
A. Naitatakda ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan.
B. Nagagampanan ng mamamayan ang kanyang tungkulin bilang Pilipino.
C. Nakapipili ang mamamayan ng mga matitino at mahuhusay na opisyal ng pamahalaan.
D. Naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal.
Ito ay tumutukoy sa interaksiyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan
sa corporate sector, civil society organizations at mga partido politikal.
A. administrasyon
B. gobyerno
C. pamahalaan
D. pamamahala
Upang mapag-aralan ang estado ng demokrasya sa 167 na bansa sa mundo,
ginagamit ang panukat na ito.
A. political index
B. democracy index
C. consumer price index
D. corruption perceptions index
Sa isinagawang 2019 Democracy Index, ang Pilipinas ay lumabas na nasa:
A. 49th sa buong mundo.
B. 54th sa buong mundo.
C. 59th sa buong mundo.
D. 64th sa buong mundo
Sa kabila ng pagkakaroon ng demokrasya sa Pilipinas, itinuturing na flawed
democracy ang umiiral sa bansa dahil sa:
A. hindi nagkakaroon ng malayang halalan.
B. mahinang politikal na pakikilahok ng mga tao.
C. hindi matalinong pagboto ng mga mamamayan.
C.
D. mababang pagpapahalaga sa karapatan ng mga tao
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng posisyon sa pamahalaaan upang
palaganapin ang pansariling interes.
A. korapsiyon
B. pagnanakaw
C. pandarambong
D. pang-aabuso
Sa isinagawang Corruption Perception Index noong 2019, lumabas na ang
bansang may pinakamababang marka sa buong mundo pagdating sa
pamamahala ng katiwalian ay ang:
A. Kenya.
B. Pilipinas.
C. Senegal.
D. Somalia.
Noong 2019, nakakuha ang Pilipinas ng markang 34/100 sa Corruption
Perception Index. Sa buong mundo, tayo ay nasa:
A. 103rd na puwesto.
B. 113rd na puwesto
C. 123rd na puwesto
D. 133rd na puwesto.
Ang sumusunod ay maituturing na dahilan ng mababang ranggo ng mga
bansa sa Asya-Pasipiko pagdating sa laganap na katiwalian maliban sa:
A. lumiliit na espasyo para sa civil society.
B. hindi pagiging accountable ng pamahalaan.
C. hindi pagiging transparent ng pamahalaan.
D. kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng pamahalaan.
Ito ay tumutukoy sa isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga
ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbabalangkas at
pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
A. governance
B. civic governance
C. good governance
D. participatory governance
Ang sumusunod ay bunga nangg maayos na ugnayan at interaksiyon ng
pamahalaan, civil society organizations at corporate sector maliban sa:
A. mahusay na makagawa ng mga polisiya.
B. matukoy ang mga nararapat na prayoridad
C. mailaan nang mabuti ang mga pinagkukunang-yaman.
D. makalikom ng sapat na pondo para sa iba’t ibang proyekto.
Ito ay isang pandaigdigang institusyong pinansiyal na nagpapautang sa mga
papaunlad na bansa o developing countries kagaya ng Pilipinas.
A. World Bank
B. Asian Dvelopment Bank
C. International Monetary Fund
D. Development Bank of the Philippines
Ang mabuting pamamahala ang isa sa mga salik na nakaaapekto sa mabuting
paggamit ng mga resources upang mabawasan ang antas ng kahirapan sa
isang bansa. Ang sumusunod ay indikasyon ng good governance maliban sa:
A. partisipasyon ng mga civil society
B. pagkakaroon ng financial accountability
C. paggalang sa mga karapatang pantao
D. transparency sa mga prosesong pampamahalaan
Isa ito sa mga katangian ng mabuting pamamahala na nakaugat sa malayang
pagdaloy ng mga impormasyon para sa mga tao.
A. accountability
B. participation
C. responsiveness
D. transparency
Alin sa sumusunod ang hindi responsibilidad at pananagutan ng Estado at
mga taong nanumpa sa tungkulin bilang mga duty bearers ng karapatang
pantao ng mga mamamayan?
A. Tuparin ang mga ito.
B. I-respeto ang mga ito.
C. Angkinin ang mga ito
D. Proteksiyonan ang mga ito.
