WorksheetsReviewer #2-4th Quarter-Ekon
Total questions: 25
Worksheet time: 16mins
Ano ang kahalagahan ng sektor ng industriya at mga patakarang pang-ekonomiya sa pagpapalago ng ekonomiya?
Nagpapalawak ng internasyonal na kalakalan at nagpapataas ng ekspor ng produkto.
Naglalayong mapangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman ng bansa.
Nagbibigay ng oportunidad sa mga mamamayan na magkaroon ng sapat na kita at trabaho.
Lahat ng nabanggit
Ano ang epekto ng pag-unlad ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa pambansang ekonomiya?
Pagtaas ng kita ng mga negosyo.
Pag-unlad ng mga industriya ng teknolohiya.
Paglikha ng mga oportunidad sa edukasyon.
Pagbaba ng antas ng kahirapan.
Ano ang mga potensyal na dahilan ng suliranin sa sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat?
Kakulangan ng pamahalaang suporta
Pagbaba ng presyo ng mga produkto
Paglakas ng sektor ng edukasyon
Pag-usbong ng industriya ng turismo
Alin sa mga sumusunod ang kontribusyon ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa?
Paglilikha ng mga elektronikong produkto
Pagpapaunlad ng sektor ng edukasyon
Paglikha ng mga serbisyong pangkalusugan
Pagtustos ng pangangailangan sa pagkain
Ano ang papel ng mamamayang Pilipino sa pagpapahalaga at pangangalaga sa kultura at tradisyon ng bansa?
sintesis at pagpapahayag
Mahahalagang Gampanin
kakayahan sa kamalayan
pagsusuri at pagtukoy
Ano ang pinakamahalagang dahilan bakit kailangan ng isang bansa ang kalakalang panlabas?
Bawat bansa ay nangangailangan ng tulong ng ibang bansa.
Ang bansa ay nagiging dalubhasa sa paggawa ng produkto at serbisyo.
Hindi lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan ay kayang matugunan ng kanilang bansa.
May mga kagustuhan ang tao na sadyang matutugunan lamang ng ibang bansa.
Ano ang isa sa mga palatandaan ng pambansang kaunlaran na maaaring gamitin upang masukat ang antas ng pag-unlad ng isang bansa?
Bilang ng mga kriminalidad sa isang taon.
Mataas na antas ng kahirapan.
Lahat ng nabanggit.
Gross Domestic Product (GDP) per capita.
May makabagong paraan ng pagbibiyahe ng isda na natuklasan. Sa paraang ito, maaring umabot ng buhay ang mga isda sa pamilihan. Paano makakatulong ang teknolohiyang ito?
Mapaparami ang isdang nahuhuli ng mga mangingisda.
Mapapabilis ang panghuhuli ng isda.
Bababa ang halaga ng isda sa pamilihan.
Mapabubuti ang kalidad ng isda sa pamilihan.
Ano ang pangunahing dahilan bakit ipinagbabawal ang paggamit ng dinamita sa
pangingisda?
Sinisira nito ang tirahan ng mga isda.
Delikado para sa mga mangingisda ang paggamit ng dinamita.
Hindi nagbabayad ng buwis ang mga prodyuser ng dinamita.
Iligal ang paggawa at pagbebenta ng dinamita.
Sa panahon ngayon, ang agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa taunang kita ng ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan nito?
Patuloy na pag-angkat ng bigas mula sa China, Vietnam, at Thailand.
Kulang ang suporta ng pamahalaan sa mga magsasaka.
Pagliit ng mga lupang sakahan.
Maraming kabataan ang nahihikayat na magsaka.
Alin sa mga sumusunod na salaysay ang pinakawasto tungkol sa pambansang kaunlaran?
Ang kaunlaran ay nakasalalay sa mga dayuhang bansa tulad ng US at China.
Malabo nang makamit ng Pilipinas ang pambansang kaunlaran.
Tungkulin lamang ng pamahalaan ang pambansang kaunlarin.
Lahat ng Pilipino ay may mga tungkulin upang makamit ang pambansang kaunlaran.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng tamang konsepto ng kaunlaran?
Hindi ganap na naipakikita ang paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
Sa mga OFW lamang nakasalalay ang pag-unlad ng bansa.
Isang mabisang paraan sa pagsukat ng kaunlaran ng bansa ang pagtaas ng GNP.
Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan din ng pagtaas ng kalidad ng
pamumuhay ng mga mamamayan.
Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang naitutulong ng pagluluwas (export) sa
ekonomiya ng bansa?
Nakatutulong ito sa paglilipat ng teknolohiya.
Pinatataas nito ang kalidad ng kalakal sa bansa.
Pinabubuti nito ang seguridad ng bansa.
Pinatataas nito ang produksyon ng ekonomiya.
Dahil laganap ang computer at internet, anong uri ng industriya sa bansa ang
nangunguna at nagbibigay hanapbuhay sa maraming mga Pilipino ngayon?
Turismo
Business Process Outsourcing (BPO)
Transportasyon
import at export
Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang makatulong paunlarin ang ekonomiya?
Tangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino.
Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran.
Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa lipunan.
Lahat ng nabanggit
Alin ang dahilan bakit patuloy ang pagliit ng mga lupang sakahan sa ating bansa?
Paglipat ng mga magsasaka sa ibang trabaho.
Ginagawang mga subdivision ang mga dating sakahan.
Paglala ng problema ng desertipikasyon.
Lahat ng nabanggit
Ang madaling pagkasira ng mga produktong agrikultural ang isa sa mga suliranin ng mga
magsasaka. Ano ang pinakamalaking dahilan nito?
Kawalan ng mga konsyumer sa mga produktong agrikultural.
Kawalan nang maayos na daan patungo sa mga pamilihan.
Hindi marunong mag-imbak ng kalakal ang mga magsasaka.
Likas sa mga magsasaka ang pagiging pabaya.
Bilang konsyumer, alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa?
Pagbili sa mga tindahang smuggled.
Pagbili ng mga produktong mula sa Pilipinas
Pagbili ng mga pekeng produkto.
Pagbili ng mga kalakal na dayuhan.
Alin ang dapat gawin ng Pilipinas kung gusto nitong isulong ang malayang kalakalan?
dagdagan ang taripa
walang babaguhin sa taripa
magpataw ng bagong taripa
bawasan ang taripa
Isa sa tinuturong dahilan ng kahirapan ng bansa ay ang paglaganap ng korapsyon sa pamahalaan. Ano ang pinakamainam na gawin upang labanan ang korapsyon?
Ipagsawalang kibo na lamang ang napapansing korapsyon sa paligid.
Idaan sa mga rally at protesta ang mga nagaganap na korapsiyon sa bansa.
Hayaan ang pamahalaan na umusig sa mga tiwaling opisyal nito.
Sikaping gawin kung ano ang tama at nararapat.
Alin sa mga sumusunod na salik ang HINDI maaring makatulong upang umangat ang ekonomiya ng bansa?
yamang-tao
teknolohiya
yamang-likas
karahasan
Umabot sa 10.5 milyong mamamayan ang kabilang sa impormal na sektor noong 2017.
Batay sa impormasyong ito, alin sa mga sumusunod ang HINDI totoo?
Maliit lamang ang kabilang sa impormal na sektor.
Nakapagbibigay ng trabaho sa maraming tao ang impormal na sektor.
Malaki ang nawawalang buwis sa pamahalaan.
Walang kontribusyon sa GNP ang impormal na sektor.
Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na itinatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
agrikultura
paglilingkod
industriya
impormal na sektor
Noong 2018, nalagpasan ng Pilipinas ang India bilang pangunahing destinasyon ng call center BPO sa daigdig. Alin ang pangunahing dahilan nito?
Mas mabait ang mga Pilipino kung ihahambing sa mga Indian.
Mas mataas ang pinag-aralan ng mga Pilipino.
Mas mababa ang sahod ng mga Pilipino.
Mas mataas ang kakayahan ng mga Pilipino sa pagsasalita ng Ingles.
Alin sa mga sumusunod na lupain ang HINDI sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)?
Lahat ng lupang agrikultural anuman ang tanim o tenyur.
Mga pribadong lupa anuman ang nakatanim dito.
Mga lupain na pagmamay-ari ng gobyerno na maaaring sakahin.
Lahat ng lupaing ideneklara bilang National Park.
