NEW
Font size
WorksheetsEPP V: AgriFishery Assessment Test
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Ang __________ ay proseso ng pagbubulok ng basura upang gawing pataba.
basket composting
di-organikong pataba
organikong pataba
recycling
Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang unang ginagawa?
Pagsama-samahin ang mga tuyong dahon, bulok na prutas, gulay, tira-tirang pagkain, at
iba pang nabubulok na mga bagay.
Araw-araw itong diligan. Takpan ito ng kahit anong pantakip.
Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.
Sa hukay ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang sa umabot ito ng 12
o 30 sentemetro ang taas.
Ang mga sumusunod na mga bagay ay hindi lubusang nabubulok, maliban sa isa. Ano ito?
balat ng prutas
tira-tirang pagkain
maliliit na bato
dayami
Mahalagang gumamit ng ___________________ sa pagpapataba ng mga halamang gulay.
Abonong organiko
Personal Protective Equipment
peste
maliliit na bato
Ginagamit ito sa pagdidilig ng halaman sa pamamagitan ng dahan-dahan na pagbuhos ng tubig sa tanim. Kailangan iwasang biglain dahil natatapon ang lupa na siyang sinisipsipan ng mga ugat.
rake
Personal Protective Equipment
regadera
maliliit na bato
Ano ang tawag sa isang hukay o isang lalagyan kung saan pinagsama-sama ang mga nabubulok na mga dahon, prutas at gulay at mga tira-tirang pagkain?
Compost
soil holder
nitrogen
rainwater collector
Isa sa mga paraan ng paggawa ng abonong organiko ay tinatawag na fermented fruit juice. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan dito?
Ito ay mula sa pinaghalong muscovado sugar o kalamay at hinog na mga prutas na hindi
maasim.
Ito ay mula sa mga nabubulok na mga dahon, tirang pagkain at dumi ng mga hayop.
Ito ay mula sa pinaghalong suka at sabon
Ito ay mula sa pinaghalong softdrinks at tinapay.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa abonong organiko?
Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong urea at sabon.
Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong asin, asukal at gatas.
Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong nabubulok na dahon, tirang pagkain,
balat ng prutas, gulay at dumi ng hayop.
Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong karne ng baboy at gulay.
Alin dito sa mga sumusunod ay katangian ng lupang taglay ang abonong organiko?
Malambot
Maputik
Mabuhangin
Matigas
Ito ay isang hayop na may dalawang paa na maaaring alagaan sa kahit saang lugar at sa kahit anong klima.
Si Hannah ay may alagang manok sa likod bahay nila, ano ang kabutihang dulot nito sa kanyang pamilya?
dagdag kita sa pamilya
nakapagdulot ng kalat sa bakuran
dagdag gastos wala namang pera
aksaya ng panahon
Ilang watts ng bombilya ang kailangan sa mga bagong pisang sisiw?
5 watts
10 watts
15 watts
50 watts
Ang kulungan ng isdang ito ay nangangailangan ng kawayan, lambat o nylon net at fish pen.
kitong
Bangus
Tilapia
Hito
Ang hayop na ito ay kailangan ang kulungan nito ay mataas para hindi maabot ng mga daga, pusa at ahas at dapat lagyan din ito ng tuyong dahon sa loob ng kulungan at painuman.
Alin ang iyong gagamitin upang matukoy na ikaw ay kumita o nalugi?
Talaan ng ginastos at kinita
Talaan ng materyales
Talaan ng utang
Talaan ng budget
Ang squab o batang kalapati ay maaari nang ipagbili pagkaraan ng _____.
15 hanggang 25 na araw
25 hanggang 30 na araw
40 hanggang 50 na araw
5 hanggang 10 araw
Sa pagsasapamilihan ng iyong alagang manok, kailangan ito ay:
Malusog
Payat
Sakitin
maraming balahibo
Mahalaga ang pagtatala at pagtutuos ng mga _____,pinuhunan at kinita ng napagbintahang gulay at iba pang produkto.
kinita
ginastos
pagtatala
produkto
Ang compost ay isang uri ng organikong pataba mula sa nabulok na basura.Ito ay hinahaluan ng_____.
komersyal na pataba
plastic na basura
dumi ng tao
dumi ng hayop
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?
Napabubuti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko.
Kailangang bumili ng abonong komersiyal.
Pinapatigas ang kapasidad ng lupa
Payat ang tanim
Ang paggamit ng _______________ o PPE ay malaking tulong upang maiwasan ang anumang aksidente sa paggawa.
Protective Personal Equipment
Pest Personal Equipment
Personal Protective Equipment
Personal Prevention Equipment
Isa itong pakinabang na idudulot ng pagtatanim ng gulay sa bakuran.
pagkain ng hayop
palamuti
pagkain/ulam
abono
Alin sa mga sumusunod ang organikong paraan ng pagsugpo ng mga kulisap o peste?
pagpapa-usok
pagbubungkal
pag-abono
pagdidilig
May palaisdaan ang iyong pamilya, ano ang kabutihang dulot nito sa pamilya?
Ulam ng pamilya
Dagdag gastos
Palamuti sa bahay
Aksaya ng panahon
Ang kulungan nito ay gawa sa kawayan, nipa o pawid na nagpapanatili sa temperatura at konkretong lapag upang madaling linisin at ligtas sa parasitiko at sakit.
Itik
baka
Baboy
Kambing
Ano ang dapat gawin sa mga pananim na gulay?
Lagyan ng maraming kemikal na abono.
Hayaang lumaki ang mga gulay na hindi binibisita.
Bigyan ng wastong pagdidilig at pagbubungkal sa lupa
Patubuin ang maraming damo sa paligid ng mga pananim.
Sa paanong paraan ipinagsasapamilihan o ibinibenta ng mga produkto?
Pagpapautang
Tingian/pakyawan
Barter
Ipamimigay
Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang dagdagan ng abonong organiko ang lupang taniman, maliban sa isa.
Upang bigyan ng pagkain at sustansiya ang mga halaman.
Upang lumaking malusog at mamunga ng husto ang mga gulay.
Upang mapalitan ang mga nawawalang sustansiya ng lupa.
Upang dumami ang mga insekto sa lupa.
Ano-ano ang mga kasangkapan na dapat ihanda sa pag-aalaga ng manok na broiler?
Kulungan na mataas para hindi maabot ng mga daga, pusa at ahas
Ilaw o bombilyang may 50 watts para mailawan ang bagong pisang sisiw
Lambat o nylon net at Fish pen
Lubid pantali.
Bakit mahalaga ang pagtatala ng puhunan,gastos at kita ?
Upang malaman ang kabuuang kita
Upang malaman ang kabuuang puhunan
Upang malaman ang kabuuang timbang
Upang malaman na ubos na ang kita
