wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP Pag-usbong ng Liberal na Ideya

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang pag-unlad ng makabagong agham at rebolusyon ay epekto ng anong salik sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo?

a)

Pag-usbong ng Liberal na Ideya

b)

Pagbukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan

c)

Pagbukas ng Suez Canal

d)

Bagong Antas ng Lipunan

e)

Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon

2.

Ang karanasan ng mga Pilipino ng mahusay na patakaran, pagkakaroon ng malayang pamamahayag at kalayaan sa maikling panahon ay nag-usbong sa damdaming makabayan ay tumutukoy sa anong salik sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo?

a)

Pagpaptibay ng Dekretong Edukasyon

b)

Pagbukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan

c)

Pagbukas ng Suez Canal

d)

Mga ginawa ng mga Espanyol

3.

Sa kanyang pamumuno, naranasan ng mga Pilipino ang pantay na pagtrato, maayos na patakran at malayang pamamahayag kung saan naging salik ito sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo.

a)

Gobernador-Heneral Miguel Lopez de Legazpi

b)

Gobernador-Heneral Carlos Maria Dela Torre

c)

Gobernador-Heneral Rafael Izquierdo

d)

Gobernador-Heneral Gaspar Dela Torre y Ayala

4.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI epekto ng Pagbukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan?

a)

Nagdagsaan ang mga dayuhang mangangalakal mula sa kanluran at iba pang bahagi ng mundo

b)

Pumasok ang bagong kaalaman sa bansa

c)

Nakapagpatayo ng paaralang primarya para sa mga Pilipino na walang babayaran sa pag-aaral upang mabigyan ng pagsanay na mamumuno bilang isang opisyal sa bagong pamahalaang opisyal.

d)

Natuntunan ang konsepto ng kalayaan at pagmamahala sa bayan

5.

Ano ang tawag sa mga anak ng Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol o Tsino?

a)

Ilustrado

b)

Insulares

c)

Mestizo

d)

Principalia

6.

Ano ang tawag sa mga Espanyol na ipinanganak sa bansang kolonya ng Spain?

a)

Indio

b)

Insulares

c)

Mestizo

d)

Pricipalia

7.

Ano ang magandang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ?

a)

Umunlad ang ekonomiya ng bansa

b)

Lumaki ang populasyon ng bansa

c)

Umunlad ang kaisipan

d)

Naging malayang bansa

8.

Ang pagpapatayo ng Escuela Normal sa Pilipinas ay nagbukas sa mga Pilipinong nais maging guro.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Kailan nagbukas ang Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan?

a)

1874

b)

1869

c)

1834

d)

1801

10.

 

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa epekto ng pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan?

a)

Pagdami ng mga dayuhang pumunta sa bansa

b)

Pangingibang bansa ng mga Pilipino

c)

Pananatili lamang ng mga Pilipino sa bansa

d)

Lalong naghirap ang mga Pilipino at yumaman lang ang mga dayuhan at Espanyol

11.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa epekto ng pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan?

a)

Pagtaas ng presyon ng mga likas na yaman

b)

Mamahaling produkto lamang ang nabibili sa kalakalan

c)

Pag-ubos ng mga likas na yaman ng bansa

d)

Paglinang sa mga likas na yaman ng bansa

12.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa epekto ng pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan?

a)

Pagkawala ng tradisyong Pilipino

b)

Pagsisimula ng pagkaubos ng likas na yaman

c)

Pagpasok ng mga makabagong kaalaman sa bansa.

d)

Pagmahal ng mga bilihin

13.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa epekto ng pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigidgang kalakalan?

a)

Nagkaroon ng kolonyal na mentalidad ang mga PIlipino

b)

Pangingibang bansa ng mga Pilipino

c)

Nagkaroon ng ideya kung paano manakop sa ibang bansa

d)

Nabuo ang kamalayang Nasyonalismo

14.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI bunga ng pagkakaroon ng Bagong Antas sa Lipunan?

a)

Ang mga Pilipino ay nakapaglakbay at nag-aral sa ibang bansa

b)

Humiling ng pagbabago sa mga Espanyol sa pangunguna ng mga Ilustrados

c)

Dumagsa ang mga iba't ibang dayuhang pumunta sa bansa

d)

Namulat ang mga Pilipino sa kaisipang liberal at sa mapaniil na pamamalakad ng mga Espanyol sa bansa

15.

Ano ang pangunahing layunin ng Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863?

a)

Upang maparami ang mga dadagsang mangangalakal na dayuhan mula sa kanluran at iba pang bahagi ng mundo

b)

Upang mapaikli ang paglalakbay at mapabilis ang kalakalan at komunikasyon

c)

Upang mabigyan ng pagsasanay sa pamumuno upang maging kawani sa pamahalaan

d)

Upang magkaroon ng mga paaralan at makapag-aral ang mga mayayaman lamang.

16.

Anong wika ang kanilang ginamit na panturo?

a)
Wikang Espanyol
b)

Wikang Filipino

c)

Wikang Bisaya

d)

Wikang Ingles

17.

Ano ang magandang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ?

a)

Umunlad ang ekonomiya ng bansa

b)

Lumaki ang populasyon ng bansa

c)

Unti-unting pagka-ubos ng likas na yaman.

d)

Naging malayang bansa

18.

Ang pag-usbong liberal na ideya ay tinatawag ring?

a)

Panahon ng Paggalugad

b)

Panahon ng Pananakop

c)

Panahon ng Kaliwanagan

d)

Panahon ng Pandaigdigang Digmaan

19.

Alin ang Hindi naging salik sa pag usbong ng nasyonalismong Pilipino?

a)

Pagbukas ng Suez Canal

b)

Pagdating ng liberal na kaisipan sa Pilipinas

c)

Reduccion

d)

Mga ginawa ng mga Espanyol

20.

Alin ang pangunahing bunga ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Kanluran at Silangan sa mga Pilipino?

a)

Pumasok sa Pilipinas ang iba't ibang paniniwala at ideya mula sa Europa.

b)

Nakilala ang Pilipinas sa pagiging isang maunlad na bansa

c)

naging malawak ang impluwensya ng Pilipinas sa buong mundo pagdating sa larangan ng kalakalan

d)

Naging magaling na manlalakbay ang mga Pilipino