Font size
WorksheetsPANI1 Quiz 01
Total questions: 21
Worksheet time: 23mins
Buong Pangalan-Kurso-Taon-Grupo
Ang katamaran ng mga Pilipino ay bunga ng kalagayang panlipunan sa Panahon ng mga Kastila. Ang pahayag ay______________.
kapani-paniwala
hindi kapani-paniwala
wala sa nabanggit
lahat na nabanggit
Ang mananakop sa Pilipinas na lubos nang-aabuso sa mga Pilipino na nagpapaigting sa himagsikan?
Amerikano
Espanyol
Hapon
Malay
Pinipinsala ng mga mananakop ang mga likas na yaman ng bansa. Ang salitang nakasalungguhit ay nangangahulugang____________.
inaalagaan
pinagyaman
kinukuha
sinisira
Ang pangunahing layunin ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay _____
a. pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyanismo
b. gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
c. Angkinin ang “spice island”
d. Pagpapalakas ng kapangyarihan.
a at c
b at d
a at d
a at b
Bago pa man dumating ang mga Kastila, mayroon nang sining at panitikan ang mga
sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila ay ____
Pasalindila
Patula
Katutubong Sayaw at Ritwal
Lahat ng nabanggit
Sila ang nagdala ng pananampalatayang pagano at mga awiting panrelihiyon. Sila
ang pinaniniwalang ninuno ng mga Ilocano
Negrito
Indones
Malay
Intsik
Isa itong aklat panrelihiyon noong panahon ng mga Kastila na naglalaman ng mga
dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang mortal, pangungumpisal
at katesismo
Tandang Bacio Macunat
Pasyon
Nuestra Senora del Rosario
Doctrina Cristiana
Naglalaman ito ng pagsusulatan ng dalawang magkapatid at pawang nauukol sa
kabutihang-asal
Barlaan at Josaphat
Urbana at Felisa
Noli at El Fili
Tandang Bacio Macunat
Uri ng panitikan na isinulat upang itanghal sa entablado
Balagtasan
Talumpati
Tula
dula
Ulo't paa lamang
Walang pagod sa pagsayaw.
Trumpo
Buwan
Agos ng Tubig
Bote
Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan?
Malaman natin ang ating kalinangan at mga minanang yaman ng isip
Matututuhan nating ipagmalaki ang mga bagay na tunay na atin
Mababatid natin ang mga kagalingang pampanitikan sa pana-panahon
Lahat ng nabanggit
Ang parabula ay tumutukoy sa mga salaysay na hinango sa bibliya; ang pabula
naman ay salaysay na karaniwang hayop ang mga tauhan. Tama/Mali
TAMA
MALI
Isang uri ng dulang ukol pagpapahayag ng dalamhati dahil sa nawalan ng mahal sa
buhay.
Elehiya
Dung-aw
Kasayatan
Karagatan
Ang pasyon at cenaculo ay nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo na binabasa
tuwing Mahal na Araw subalit nagkakaiba lamang ang dalawa dahil ang cenaculo ay
inaawit samantalang itinatanghal ang pasyon sa entablado. Tama/Mal
TAMA
MALI
Ang mga kantahing-bayan na “Kundiman” at “Pananapatan” ay patungkol sa
pagpapahiwatig ng pag-ibig sa dalagang iniirog. Tama/Mali
TAMA
MALI
Ang dulang ito ay nababatay sa isang alamat tungkol sa singsing ng isang dalaga na
ahulog sa dagat ang singsing at ang binatang makakakuha nito ay magiging mapalad
sa pag-ibig ng dalaga.
Duplo
Komedya
Saynete
Karagatan
Bugtong: Utusan kong walang paa’t bibig, sa lihim ko’y siyang maghahatid, pag
inutusay ‘di na babalik
Sobre
Panulat
Duyan
Alkansiya
Pormal ang edukasyon sa panahon ng katutubo, dahil wala pa itong tinatawag na paaralan, guro at kurikulum. TAMA/MALI
TAMA
MALI
Sila ay nagdala ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko, awiting bayan at liriko.
Negrito
Malay
Bumbay
Arabo
Isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng
matatanda noon upang mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting asal.
HALIMBAWA: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
Hindi makakarating sa pinaroroonan.
Bugtong
Palaisipan
Kawikaan
Salawikain
