NEW
Font size
WorksheetsAraling Panlipunan 9 Mid-Kwarter
Total questions: 60
Worksheet time: 30mins
Ano ang ekonomiks?
pag-aaral sa wastong paggamit ng mga limitadong likas na yaman ng isang bansa
isang sangay ng pag-aaral ng paggawa ng impraestruktura
pag-aaral ng pagsukat ng inilago ng pera sa bangko
Ano ang nararanasan kapag ang lahat ng palatandaan ng kakapusan ay nangyayari sa isang bansa?
Kakulangan
kakapusan
Sa anong salita nagmula ang "ekonomiks"?
oykonomy
oikonomia
eikunomia
Sino ang kinikilalang Ama ng Classical Economics?
Adam Smith
Karl Marx
Robert Malthus
Ayon kay David Ricardo, dapat magpokus ang mga bansa sa paggamit at pagpapalaganap ng sarili nilang kakayahan sa produksyon. Ano ang tawag dito?
Diminishing return
Malthusian catastrophe
Comparative advantage
Sa aling sitwasyon magagamit ang kaalaman sa ekonomiks?
pamamasyal sa mall o pamilihan
pagbili ng bagong sapatos
pagtitipid ng perang kinita sa isang buwan
Aling tanong ang maaaring sagutin sa pamamagitan ng ekonomiks?
Paano matutugunan ang mataas na pangangailangan sa bigas?
Paano mababayaran ang utang ni Mang Pedro?
Bakit palaging walang pera si Aling Tinay?
Sino-sino ang dapat matuto sa mga kaalamang nasasaklawan ng ekonomiks?
mga tindera sa palengke lamang
mga mamamayan na tulad mo
mga pulis lamang
Kailan magagamit ang kaalaman sa ekonomiks?
minsan sa isang buwan
minsan sa isang linggo
araw-araw
Ayon sa prinsipyo ng diminishing returns, ano ang nangyayari sa kapag lumalaki ang populasyon?
tumataas ang produksyon
bumababa ang produksyon
yumayaman ang bansa
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng yaman na pinangangasiwaan sa pamamagitan ng ekonomiks?
mga isdang nahuhuli sa dagat
mga mall
mga pabrika at pagawaan
Ano ang maykroekonomiks?
pag-aaral ng paghahati ng kita at yamang pambansa o paghahati ng halaga ng produksyon
pag-aaral ng paglikha o paggawa ng isang produkto sa pamamagitan ng isang proseso
pag-aaral ng mga indibidwal na bahagi ng ekonomiya tulad ng sambahayan at mga negosyo
Ano ang tawag sa paghahati-hati ng kita at yamang-pambansa?
distribusyon
produksyon
pagkonsumo
Ano ang ibig sabihin ng efficiency?
paglalaan ng mas maraming oras sa paggawa kaysa sa pahinga
mahusay na paggamit ng mga pinagkukunang-yaman nang walang nasasayang
paggamit sa limitadong pinagkukunang-yaman upang hindi ito maubos
Ano ang tawag sa dami ng produktong ginagawa ng isang prodyuser?
kalakalan
demand
suplay
Alin sa sumusunod ang isang magandang halimbawa ng opportunity cost?
Ang oras na nawala sa pag-aaral dahil naglaro ng games si Gino.
Ang perang ni Maria na nasa bangko mula sa kaniyang pagtatrabaho.
Ang burger na kinain ni Tracy sa isang sikat na kainan.
Alin sa sumusunod ang isang magandang halimbawa ng division of labor?
Ang nanay lamang ang gumagawa ng lahat gawaing bahay.
Binigyan ng lider ng isang pangkat ang lahat ng miyembro ng kani-kanilang gawain batay sa kanilang mga talento.
Inako ng isang mag-aaral ang responsibilidad sa paggawa ng mga props.
Si Marlon Flores ay isang negosyante. Mayroon siyang pagawaan ng mga muwebles at kasangkapang gawa sa kahoy. Ano ang tawag sa kaniya?
maykroekonomiks
konsumer
prodyuser
Taong 1973 nang simulang ipakilala ang cellphone sa publiko. Ipinakilala ito bilang mahalagang gamit na madadala kahit saan upang makausap ang iyong kapamilya, kaibigan, o kakilala. Simula noon ay tinangkilik na ito ng mga tao. Dahil sa patuloy na pagpapaganda ng mga serbisyong naibibigay ng cellphone, halos lahat ng tao ay mayroon nito ngayon. Ano ang nilikha nito?
demand
suplay
implasyon
Si Arnel Ramos ay isang manggagawa. Bumibili siya ng bigas tuwing dalawang linggo para sa pagkain ng kaniyang pamilya. Ano ang tawag sa kaniya?
demand
prodyuser
konsumer
Si Aling Portia ay tindera ng isda sa palengke. Sariwa ang kaniyang mga ipinagbibiling isda na mula sa huli ng kaniyang asawa sa dagat. Tuwing Martes ay bumibili ng isang kilong bangus at dalawang kilong tulingan ang suki niyang si Marites. Ano ang nangyayari sa pagitan ng dalawang babae?
kalakalan
produksyon
distribusyon
Ano ang tawag sa permanenteng pagkaubos ng pinagkukunang yaman?
kakapusan
kakulangan
produkto
Ano ang tawag sa pansamantalang pagkaubos ng pinagkukunang yaman o produkto?
ekonomiya
kakapusan
kakulangan
Ano ang tawag sa pagkakaroon ng limitadong dami ng pinagkukunang yaman para sa paggawa ng produkto na hindi sapat para matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng tao?
Kakapusan
kakulangan
Ano ang uri ng kakapusan na nangyayari dahil hindi pantay-pantay ang pagkakataon ng mga tao na makuha ang mga pinagkukunang-yaman?
Structural
Supply-induced
Demand-induced
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagkakaiba ng kakulangan at kakapusan?
Ang kakapusan ay dulot sa pagnanais ng merkado na baguhin ang antas ng produksyon habang ang kakulangan ay dulot ng iniatas ng pamahalaan.
Ang kakapusan ay dulot ng tiyak na sitwasyon o pangangailangan sa merkado habang ang kakulangan ay dulot ng limitasyon ng pinagkukunang yaman.
Ang kakapusan ay dulot ng limitasyon ng pinagkukunang yaman habang kakulangan ay dulot ng tiyak na sitwasyon o pangangailangan sa merkado.
Alin sa sumusunod ang nangyayari dahil may kakapusan?
Kaunlaran
Karangyaan
Kompetisyon
Ano ang maaaring dahilan sa pagkakaroon ng kakulangan?
hoarding
pagdami ng suplay
pagkaubos ng pinagkukunang-yaman
Ano ang tawag sa sitwasyong naranasan sa Tacloban pagkatapos itong masalanta ng bagyong Yolanda?
likas na yaman
kakulangan
kakapusan
Ano ang tawag sa pagkawala ng malinis na tubig na maiinom sa mga bansa sa Aprika at Gitnang Silangan?
kakapusan
kakulangan
produkto
Tumaas ang presyo ng bawang sa loob ng ilang linggo dahil sa kaunting suplay nito sa mga pamilihan. Anong konsepto ang ipinakikita ng sitwasyong ito?
kakulangan
kakapusan
serbisyo
Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng kakapusan?
Pagmahal ng presyo ng sapatos
Pagkawala ng kuryente dahil sa bagyo
Pagkaubos ng puno sa kagubatan
Ano ang isa sa mga dahilan kung bakit nauubos ang yamang tao?
Hindi magandang kalusugan
Kawalang ng kagustuhang magtrabaho
Katamaran
Ito ay palatandaan ng kakapusan dahil mas maraming tao ang nasa edad na nangangailangan ng suporta kaysa sa mga nagtatrabaho.
Brain-drain
Extinction
Age dependency ratio
Ano ang tawag sa pagbili ng produkto mula sa ibang bansa para matugunan ang kakapusan ng isang bansa?
Pag-aangkat
Pagbenta ng produkto sa ibang bansa
Pagpapalitan ng kalakal
Ano ang nararanasan kapag isa o dalawang palatandaan ng kakapusan lamang ang nararanasan ng isang bansa?
Kakapusan
Kakulangan
Ano ang ipinakikitang palatandaan kapag mahaba na ang pila ng mga mamimili sa isang tindahan?
Nag-aangkat na ng produkto mula sa ibang bansa.
Mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Wala nang mabiling produkto sa pamilihan.
Ano ang maaaring maging epekto kapag nagsimula nang mag-angkat ng produkto ang isang bansa dahil sa kakapusan?
Tataas ang presyo ng produktong inaangkat.
Mabilis na mabibili at mauubos ang produkto sa pamilihan.
Mas marami ang bibili ng produkto.
Ano ang epekto kapag patuloy na tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin?
Magsasaya ang mga tao.
Mahirap na itong bilihin ng mga pangkaraniwang tao.
Dadami ang bibili ng produkto.
Alin sa sumusunod ang maaaring gawin upang malabanan ang kakapusan sa likas na yaman?
Paggamit ng solar panels bilang suplay ng kuryente
Pagbili ng organic na prutas
Pagturo ng mga bata sa lansangan
Ano ang epekto kapag naubos na ang suplay ng produkto sa mga pamilihan?
Tataas ang presyo ng produktong naubos.
Magdiriwang ang mga mamamayan.
Alin sa sumusunod ang kailangang paunlarin upang malabanan ang kakapusan sa yamang tao?
Hukbong sandatahan
Edukasyon
Impraestruktura
Ano ang magagawa ng pamahalaan upang matugunan ang kapusan?
Gumawa ng mga batas at polisiya
Magkaroon ng ugnayan at usapan sa ibang bansa upang tayo ay mapautang
Mag-angkat sa ibang bansa
Ano ang kaugnayan ng pagkakaroon ng wastong alokasyon ng mga likas na yaman sa pagkakaroon ng kakapusan?
Ito ay solusyon sa pagkakaroon ng kakapusan.
Ito ay epekto ng pagkakaroon ng kakapusan.
Ito ay dahilan sa pagkakaroon ng kakapusan.
Ano ang kaugnayan ng kahirapan sa pagkakaroon ng kakapusan?
Ito ay dahilan sa pagkakaroon ng kakapusan.
Ito ay epekto ng pagkakaroon ng kakapusan.
Ito ay solusyon sa kakapusan.
Ang lumalaking populasyon ng Pilipinas ay isang suliranin. Ano ang maaaring gawin para mapigilan ito?
Bigyan ng libreng sakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga mamamayan.
Bigyan ng makakain ang mga mamamayan.
Bigyan ng wasto at sapat na kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa family planning.
Ano ang isang paraan para mapangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa?
Iulat sa awtoridad ang mga mangingisdang gumagamit ng dinamita.
Iulat ang mga taong nagtatanim ng puno sa mga kalbong bahagi ng kabundukan.
Suportahan ang pagtatayo ng mga subdibisyon sa mga pinatag na bahagi ng bundok.
Ang pagbabago ng panahon o climate change ay isa sa mga dahilan ng kakapusan. Ano ang dapat gawin para malabanan ito?
Alamin ang mga paraan para sa adaptation at mitigation ng climate change.
Magpagawa ng maraming sea wall upang hindi mapinsala ng storm surge ang mga pamayanang malapit sa dalampasigan.
Iwasan ang madalas na paglabas ng bahay para maiwasan ang labis na init ng panahon.
Paano makatitiyak na wasto ang paggamit ng mga likas na yaman ng bansa?
Hinahayaan ng pamahalaan ang mga negosyante na gamitin ang mga likas na yaman ng bansa kahit kailan nila gusto.
May regulasyon ang pamahalaan sa dalas ng paggamit at dami ng ginagamit na likas na yaman ng bansa.
Binibigyan ng pamahalaan ang mga negosyante ng kalayaang kuhanin ang mga likas na yaman ng bansa kahit gaano pa ito karami.
Paano masasabi na may tamang alokasyon ang mga likas na yaman ng bansa?
Ang produktong ginagawa ay napakarami at napakababa ng presyo ngunit hindi nabibili sa pamilihan.
Ang produktong ginagawa ay kaunti lamang, mataas ang presyo, at madaling maubos sa pamilihan.
Ang produktong ginagawa ay sapat, may tamang presyo, at napapanahon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Ano ang tawag sa mga bagay na hindi kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay ngunit gustong makamit ng tao upang makaramdam ng kasiyahan?
pangangailangan
kagustuhan
kakapusan
Ano ang tawag sa mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay?
pangangailangan
kagustuhan
pagkain
Ang damit, pagkain, at tirahan ay mga halimbawa ng ano?
kakapusan
kagustuhan
pangangailangan
Ang play station ay isang halimbawa ng ano?
kagustuhan
pangangailangan
kakapusan
May _______ na damit para sa bawat panahon at okasyon.
angkop
maganda
komportable
Alin sa sumusunod na pangungusap ang totoo?
Lahat ng tao ay may magkakaparehong kagustuhan ngunit magkakaibang pangangailangan.
Lahat ng tao ay may magkakaparehong pangangailangan ngunit magkakaibang kagustuhan.
Lahat ng tao ay may magkakaparehong pangangailangan at kagustuhan.
Si Marina ay isang guro samantalang isang inhinyero naman ang asawa niyang si Ronald. Isang araw, kumain sila sa isang mamahaling restawrant para ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang nag-iisang anak na si Andrew. Ito ay halimbawa ng ano?
Ito ay isang kagustuhan dahil higit pa sa kailangan nilang pagkain ang kinonsumo nila Marina mula sa mamahaling restawrant.
Ito ay isang pangangailangan dahil kailangan ng pamilya ni Marina ng pagkain.
Ito ay isang pangangailangan dahil kaarawan naman ng nag-iisang anak nina Marina at Ronald.
Sina Rosie at Mario ay parehong empleyado sa isang pribadong kumpanya. Mayroon silang dalawang anak, sina Daisy at Paolo. Nang makaipon ng sapat na pera, bumili sila ng bahay na may tatlong silid at sapat na espasyo para makagalaw nang maayos at komportable sa kanilang bahay. Ito ay halimbawa ng ano?
Ito ay isang pangangailangan dahil sapat lamang ang laki ng bahay para maging komportable ang buong pamilya sa loob ng kanilang bahay.
Ito ay isang kagustuhan dahil bumili sila ng bahay na may tig-iisang kuwarto.
Ito ay isang kagustuhan dahil maaari namang mangupahan na lang sila ng bahay.
Ang tahanan ay dapat na _______ at _______ upang mabigyan ng proteksiyon mula sa init ng araw at malakas na ulan ang mga naninirahan dito.
makulay at mahangin
malaki at maluwang
matatag at matibay
Anong uri ng pagkain ang dapat makamit ng isang tao?
sapat at masustansiya
sapat at masarap
marami at masarap
