NEW
Font size
WorksheetsAP10_1ST QTR_REVIEWER_SUMMATIVE TEST 1
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, paksa o suliranin na nagaganap isang lipunan, bansa o mundo na nagdudulot ng pagbabago sa kasalukuyang panahon.
Isyung Pangkalusugan
Kontemporaryong Isyu
Napapanahong Isyu
Mahalaga ang pagkakaroon ng kasanayan sa pag-aaral ng mga isyu. Alin sa mga sumusunod na kasanayan ang kabilang sa mga kasanayang malilinang sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
pagatatalaga sa mga tao ng kung ano ang nais ng namumuno
pagsusuri at pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari
paggamit ng mga pormula sa matematika upang masukat ang epekto ng mga suliranin
Mahalagang malaman ang mga bagay na may kaugnayan sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Paano makatutulong ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu sa araw-araw nating buhay?
nasusuri at natataya ang ugnayan ng mga pangyayari sa ating lipunan
lumawak ang kaalaman sa mga isyu na maaaring ibahagi sa iba at kapulutan ng aral
natututong makilahok sa mga pagtitipon na layong kalampagin ang pamahalaan sa pagkukulang nito
Ang pagkilala sa primarya at sekondaryang sanggunian ay kailangan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu. Paano nakakatulong ang sanggunian sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
Nagbibigay ng paglalahat ang mga manunulat o mananaliksik.
Nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan.
Nakatutulong ito sa paggawa ng mahalagang desisyon at sa pakikilahok sa iba’t ibang proyekyo ng pamayanan.
Ang mga isyu gaya ng suliranin sa basura, polusyon, pagnipis ng ozone layer, climate change at kalamidad ay isyung may kaugnayan sa _______________.
Ekonomiya
Kalusugan
Kapaligiran
Maraming pangyayari at suliranin ang kinakaharap ng ating komunidad, bansa at daigdig. Ano ang tawag sa mga pangyayari o suliraning bumabagabag at nagpapabago sa kalagayan ng ating bansa, mundo, at pamayanan sa kasalukuyan?
Kontemporaryong Isyu
Kontemporaryong Pandaigdig
Kontemporaryong Kasaysayan
Ang bawat tao ay may angking kakayahan na dapat malinang. Ano ang tawag sa kakayahan ng isang indibidwal na makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan sa lipunang kaniyang ginagalawan?
sociological issue
sociological imagination
social imagery
Ang paglaganap ng COVID-19 bilang isang pandemya sa iba’t ibang panig mundo ay maituturing na isang kontemporaryong isyu. Anong isyu ang sinasaklaw nito?
pangkalusugan
pambansa
seguridad
Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
organisasyon
lipunan
pamayanan
Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, mahalagang isinasaalang-alang ang _______ sa pagbuo ng isang matalinong desisyon. Ano ito?
kaisipan ng mga eksperto
katotohanan at ebidensiya
damdamin ng nakararami
Isyung nagaganap sa pagitan ng isyu ng isang tao at ilang malalapit sa kaniya.
Isyung Personal
Isyung Panlipunan
Sociological Imagination
Madalas ang pagtatalo ng mga magulang ni Tanggol dahil sa kawalan ng trabaho ng kaniyang ama dahil sa pagsasarado ng pinapasukang kompanya. Ano ang maipapayo mo kay Tanggol na apektado na ang pag-aaral sa isyung ito ng kaniyang pamilya?
Tumigil sa pag-aaral at maghanap ng trabaho.
Ipakilala ang ama sa nangangailangan ng manggagawa.
Makisali sa welga ng mga manggagawa.
Paano makatutulong ang kaalaman sa sociological imagination sa pagtugon sa mga isyung panlipunan?
Naiuugnay ang pagtugon sa personal na isyu sa mga solusyon sa mga isyung panlipunan.
Nailalapat ang personal na karanasan sa mga personal na isyu ng mga kakilala at kaibigan.
Nauunawaan na tanging ang pamahalaan lamang ang makatutugon sa mga isyung panlipunan.
Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nililinang nito ang pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-unawa at pag-iisip. Alin sa sumusunod ang WALANG kaugnayan sa pahayag?
Paggamit ng malinaw at makabuluhan na kaalaman tungkol sa iilan o piling kaganapan lamang sa mga tao, pamayanan, bansa at mundo
Malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdigang suliranin.
Ito ay isang pampublikong bagay na may mga kaugnay itong krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Nakaaapekto ang mga isyu o suliraning ito sa mas maraming tao o maging sa lipunan sa pangkalahatan.
Isyung Personal
Isyung Panlipunan
Sociological Imagination
TAMA o MALI. Maging aktibo sa pagbibigay suwestyon sa ikakaunlad ng bansa.
Tama
Mali
Tama o Mali. Isawalang kibo na lamang ang mga isyung panlipunan sa ating bansa.
Tama
Mali
TAMA o MALI. Mahalaga ang kakahayang matukoy ang kaugnayan at koneksyon ng isyung personal at isyung panlipunan
Tama
Mali
TAMA o MALI. Ang isyung panlipunan ay dapat bigyan ng pribadong solusyon.
Tama
Mali
TAMA o MALI. Ang isyung personal ay dapat bigyan ng lipunang solusyon.
Tama
Mali
