WorksheetsDIAGNOSTIC FIL 23-24
Total questions: 40
Worksheet time: 24mins
Ano ang tawag sa salitang tumutukoy sa ngalan ng tao,bagay, hayop, pook o lugar?
panghalip
panlapi
pangngalan
pandiwa
Si Aling Tina ay nagtitinda ng gulay sa palengke. Piliin ang pangngalan sa pangungusap.
Aling Tina
pulo
nagtitinda
ay
Ito ay ang nasa harapan at hulihan ng isang aklat at nagbibigay ng proteksyon sa aklat. Naglalaman ito ng larawan at titulo ng isinulat na aklat.
Bibliyograpiya
Pabalat
a. Pahina ng Pamagat
Paunang Salita
Ang pinakamahalagang bahagi ng aklat. Dito mababasa ang lahat na nilalaman ng aklat.
Katawan ng Aklat
Glosari
Paunang Salita
Indeks
Aling salita ang halimbawa ng klaster?
gripo
sugat
hikaw
beywang
Ilang pantig mayroon ang salitang kasapi?
1
2
3
4
Sina King at Liam ay sabay na naglakad palabas ng eskwelahan.
Siya
Sila
Kami
Tayo
Alin sa mga salita ang may wastong baybay?
kamates
kumain
riyna
palingki
Ang ________ ay nagtuturo ng aralin sa ikatlong baitang.
guro
nars
doktor
drayber
Saan ka pupunta mamaya ___
!
.
?
"
Naglilinis ng bakuran si Niel bago pumasok sa eskwelahan. Ano ang angkop na wakas?
Nagalit ang kanyang nanay.
Natuwa ang kanyang Nanay.
Nagtampo ang kanyang guro.
Marami pa ring kalat sa bahay.
Si Aby ay matiyaga sa pag-aaral. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
tamad
mayabang
mabait
masinop
Ang sapatos ni Marie ay malinis. Ano ang kasalungat ng salitang malinis ?
marumi
Kaaya-aya
makintab
madulas
Nais mong magpabili ng bagong bag sa iyong nanay. Ano ang dapat mong sabihin?
Bibili ako ng bag.
Bigyan niyo ako ng pambili ng bag.
Maaari po ba akong magpabili ng bagong bag?
Kung ayaw ninyo akong bilhan ay hindi ako mag-aaral..
Nasalubong mo si Gng. Bernabe na iyong guro isang umaga. Ano ang sasabihin mo?
Kumusta ka?
Kumain ka na?
Ano ang ginagawa mo?
Magandang umaga po Gng. Bernabe
Ito ay isang bagay o _______ na kumakatawan sa kahalagan o kahulugan ng buhay
simbolo
sembolo
sembolo
simbolu
Napagod sila sa pag-akyat sa _______ na hagdan.
malayo
matangkad
mababa
mataas
Pinaka _______ ang lipad ng saranggola ni Don.
malaki
maluwang
mahina
mataas
Panuto: Bilugan ang salitang magkatugma sa bawat bilang..
bagay
gulay
malaya
mahal
damit
Panuto: Bilugan ang salitang magkatugma sa bawat bilang.
madulas
malalim
madalas
masikip
maliwanag
Kapit-bisig na tinapos ng Ikatlong Baitang ang kanilang proyekto sa Filipino. Ano ang nagbibigay kahulugan sa salitang may salungguhit?
Walang pakialam
Nang-api
Nag-away
Nagtulungan
Si Zach ay kutis-labanos. Ano ang nagbibigay kahulugan sa salitang may salungguhit?
maitim
magaspang
malabo
maputi
_______ mga dentista kinakailangang magsipilyo tatlong beses sa isang araw.
Ayon kay
Ayon sa
Para sa
Ukol sa
____________ pang-ukol ang aralin ng ikatlong baitang ngayon.
Ukol sa
Laban sa
Para sa
Tungkol sa
Ang mga bata ay nagdidilig. Ano ang pandiwa sa pangungusap?
mga
nagdadalig
bata
ay
Si Moises ay tumatakbo. Ano ang pandiwa sa pangungusap?
tumatakbo
Moises
Si
ay
Bawasan ang tunog ng salitang maysalungguhit upang makabuo ng bagong salita.
Maraming balat ng saging ang nagkalat sa sahig.
alat
lata
tala
taal
Palitan ang unang titik ng salitang bala para makabuo ng isang uri ng bagay na ginagamit sa pagbubungkal ng lupa.
araro
itak
pala
palakol
Hindi nag-aral ng mga aralin si Perla kaya mababa ang nakuha niyang marka. Ito ang naging resulta ng ginawa ni Perla.
bunga
sanhi
Pang-ukol
Parirala
Mahal kong kaibigan, ang bahaging ito ay makikita sa ______.
Pamuhatan
Bating Panimula
Katawan ng Liham
Bating Pangwakas
Masarap pagmasdan ang bukang-liwayway. Ano ang kahulugan ng nasalungguhitang salita.
hapon
gabi
madilim
papataas ang araw sa umaga
Bilang pakikilahok sa Brigada Eskwela 2023, ang mga magulang ay tulong-tulong na naglilinis sa silid-aralan ng kanilang mga anak. Ano ang salitang kilos sa pangungusap?
Brigada
naglilinis
magulang
silid-aralan
Natapunan ng toyo ang _________ ni Mina. Piliin ang salitang klaster na angkop sa pangungusap.
damit
blusa
palda
sando
Naiwang bukas ni Mario ang ________ pagkatapos niyang maghugas ng pinggan. Piliin ang salitang klaster na angkop sa pangungusap.
TV
kompyuter
selpon
gripo
Ang mga sisiw ay nagsitakbuhan nang habulin sila ng aso. Piliin ang salitang diptonggo sa pangungusap.
ang
sisiw
aso
nang
Masarap tumira sa bahay kubo. Piliin ang salitang diptonggo sa pangungusap.
tumira
kubo
bahay
masarap
Punung-puno ng mga prutas at gulay ang _____ ni Aling Fe. Hanapin ang tamang baybay ng mga salitang hiram upang mabuo ang pangungusap.
basket
busket
bascket
baskit
Maganda ang __________ na regalo ng nanay at tatay ni Ben para sa kanyang ika-siyam na kaarawan. Hanapin ang tamang baybay ng mga salitang hiram upang mabuo ang pangungusap.
selpon
silpon
cellphone
cellpon
Si Roy ay batang magalang. Magaan din ang loob ng lahat ng taong nakakakilala sa kaniya. Sinuman ang kausap, kakilala man o hindi ay laging gumagamit ng po at opo. May ngiti sa labi na sumusunod sa payo at utos ng mga nakatatanda sa kaniya. Kung may pupuntahan o papasok sa paaralan ay hindi ito umaalis nang hindi muna nagpapaalam. Humahalik pa nga ito sa kamay nila bago ito lumabas at maging sa kaniyang pag-uwi.
Ano ang paksa ng kuwentong nabasa ?
Kay Roy
Batang magalang
Batang masunurin
Si Roy, Ang Batang Magalang
Ano ang mararamdaman ng mga magulang ni Roy sa magandang ugali niya?
Ang mga magulang ni Roy ay matutuwa.
Walang papansin sa kaniya.
HIndi siya ipagmamalaki.
SIla ay magagalit.
