WorksheetsHeograpiya ng Asya
Total questions: 25
Worksheet time: 57mins
Ang salitang Asya ay batay sa aklat na Histories na isinulat ni Herodotus, isang mananalaysay na itinuturing na "Ama ng Kasaysayan." Ayon sa nabanggit, saan lugar nagmula ang salitang Asya?
Anatolia
Griyego
Pylos
Assyria
Pinangunahan ng Amerikanong arkeologo na si Carl Blegen, natuklasan ng daan-daang piraso ng pinatuyong luwad. Isa sa mga luwad ay may nakasulat na salitang “aswiai” na nangangahulugang "kababaihan." Ayon sa nasabi, saang lugar nagmula ang salitang Asya?
Griyego
Assyria
Anatolia
Pylos
Matatagpuan ang Asya sa lokasyong 10o Timog hanggang 95o Hilagang latitud (latitude) at 11o hanggang 175o Silangang longhitud (longitude). Ang lupaing saklaw ng Asya ay umaabot mula sa ____________________ at lumalampas sa ____________________.
(a)
Ang rehiyong ito ay dating tinatawag na Asia Minor, Malapit na Silangan (Near East), at ang Gitnang Silangan (Middle East).
Hilaga/Gitnang Asya
Silangang Asya
Timog Asya
Kanlurang Asya
Timog-Silangang Asya
Kilala ito sa katawagang Subkontinenteng Indian dahil sa mga disyerto at kabundukan na nagsisilbing hangganan nito sa ibang kontinente ng Asya.
Timog Asya
Timog-Silangang Asya
Kanlurang Asya
Gitnang/Hilagang Asya
Silangang Asya
Karamihan ng mga bansa rito ay bahagi ng Union of Soviet Socialist Republics (USSR) katulad ng Kazakhstan, Armenia, Kyrgyzstan, Georgia, Tajikistan, Turkmenistan, at Uzbekistan. Ngunit nang mahati ang USSR ay nagpasiyang maging malayang republika ang mga naturang bansa.
Kanlurang Asya
Timog Silangang Asya
Silangang Asya
Timog Asya
Hilaga/Gitnang Asya
Ang malaking bahagi ng rehiyon na ito ay saklaw ng teritoryo ng Tsina (China). Bagama't nahahadlangan ng mga likas na hangganan, katulad ng Dagat Pasipiko sa Silangan, Dagat Kanlurang Pilipinas (West Philippine Sea) sa timog, Disyertong Sinkiang at Bulubundukin ng Himalayas sa kanluran, ay kilala ang rehiyon sa larangan ng kalakalan.
Silangang Asya
Timog-Silangang Asya
Timog Asya
Kanlurang Asya
Hilaga/Gitnang Asya
Ang peninsular o nasa peninsula at insular o mga kapuluan ang kategorya ng mga bansa sa Asya. Siyam (9) ang napapabilang sa peninsular at anim (6) ang napapabilang naman sa insular.
Timog Asya
Timog-Silangang Asya
Hilaga/Gitnang Asya
Kanlurang Asya
Silangang Asya
Sa klimang ito, mababa ang antas ng pag-ulan na umaabot lamang sa 250 mililetro (ml) sa loob ng isang taon. Ang mga bagyong nararanasan sa rehiyon ay tinatawag na desert storm. Sa halip na tubig, ang malakas na hangin ay nagdadala ng mga buhangin at alikabok na bumabagsak sa mga pamayanan sa rehiyon hanggang sa karagatang nakapalibot sa Kanlurang Asya.
Steppe
Shamal
Sharki
Klimang Arid
Sa Bhutan at Nepal umiiral ang klimang may katamtamang init at lamig. Bunga ito ng malapit na lokasyon ng mga nasabing bansa sa Bulubundukin ng Himalayas na may mayelong kapaligiran sa buong taon. Ang mga halamang mabagal ang paglaki na sanhi ng malamig na kapaligiran o tundra, shrubs, herbs at mga damo ang karaniwang tumutubo sa bulubundukin ng mga bansang ito. Gayundin ang mga pine tree, conifer, oak, walnut at punong evergreen.
Klimang Tropikal
Katamtamang Init at Lamig
Tropikal at Disyerto
Klimang Arid
Ang kabundukang bahagi ng rehiyon ay may vegetation na binubuo ng _____ o mabatong kagubatang may mga punong coniferous. Ang ilang halimbawa ng mga halamang conifer ay ang pino, spruce, fir, larch, birch, aspen, at willow na matatagpuan sa kabundukan ng Tien Shan.
Tundra
Steppe
Taiga
Klimang Arid
Ang Taiwan, Hilagang Korea, Timog Korea, Hapon, at Tsina ang mga bansang nakararanas ng ______________. Ang klimang ito ay may maalinsangan at mainit na panahon tuwing tag-araw at may malakas na pagbuhos ng ulan tuwing tag-ulan. Sa panahon ng taglamig ay nakararanas dito ng pagbuhos ng niyebe (snow) at malamig na simoy ng hangin.
Klimang Arid
Taiga
Klimang Gitnang Latitud
Klimang Highland
Ang Timog-Silangang Asya ay may klimang tropiko dahil malapit ito sa __________, ang rehiyon sa daigdig na matatagpuan sa pagitan ng 23 o 25'12" hilaga at timog longhitud.
Tropic of Capricorn
Tropic of Cancer
Klimang Arid
Tag-init
Magbigay ng mga Yamang Likas sa rehiyon ng Kanlurang Asya.
Magbigay ng Yamang Likas sa rehiyon ng Timog Asya.
Magbigay ng Yamang Likas sa rehiyon ng Hilaga/Gitnang Asya.
Magbigay ng Yamang Likas sa rehiyon ng Silangang Asya.
Magbigay ng Yamang Likas sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya.
Ano Spelling ng Pangalan ng guro niyo sa Araling Panlipunan,
(a)
What country Is This?
India
Mongolia
China
Thailand
What country is this?
India
China
Mongolia
Thailand
What country is this?
Myanmar
Maldives
North Korea
South Korea
What country is this?
North Korea
Maldives
South Korea
Myanmar
What country is this?
Philippines
Vietnam
Indonesia
Japan
What country is this?
Japan
Thailand
Vietnam
Philippines
