wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Panitikan at Literatura - Group 1

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang nagwika na "Ang panitikan ay isang bunga ng malikhaing guniguni?"

a)

Salazar

b)

Panginiban

c)

Arrogante

d)

Villafuerte

2.

Ang ___________ ay isang halimbawa ng panitikan sa larangan ng pakikibaka na kung saan ito ay nagsilbing inspirasyon sa mga Amerikanong itim.

a)

Social Contract

b)

Uncle Tom’s Cabin

c)

Book of the Dead

d)

Dekada '70s

3.

Sino ang dalagang may palayaw na "Pepita" ang nagsilbing sagisag ng kagandahan ng ating bayan?

a)

Josefa Tiongson y Lara

b)

Lualhati Bautista

c)

Segunda Katigbak

d)

Leonor Rivera

4.

Sa buhay na ito’y hindi mga salarin ang lalong lumilikha ng poot kundi ang mga taong (a)  

- Elias (Noli Me Tangere)

5.

Sino ang nagsulat ng kantang "Bayan Ko" na siyang nagsilbing awit ng protesta at panawagan upang mapalaya ang bansa?

a)

Jose Rizal

b)

Aurelio Tolentino

c)

Jose Corazon De Jesus

d)

Nicanor Abelardo

6.

Anong uri ng panitikan ang siyang nagpapalipat-lipat sa pamamagitan ng bibig ng tao?

a)

Pasalin-dila

b)

Pasulat

c)

Pasalin-troniko

7.

Isang uri ng panitikan na nakasulat sa paraang pangungusap at patalata.

a)

Tuluyan

b)

Patula

c)

Pasulat

8.

Isang halimbawa ng panitikan na binubuo ng kawing-kawing na mga pangyayari na naganap sa mahabang panahon, kinasasangkutan ito ng mga tauhan at nahahati sa mga kabanata.

a)

Maikling Kwento

b)

Salaysay

c)

Nobela

d)

Dula

9.

Isang halimbawa ng panitikan na Isinulat hindi lamang para mabasa kundi upang mapanood sa tanghalan na may karaniwang hati batay sa yugto.

a)

Nobela

b)

Dula

c)

Alamat

d)

Pabula

10.

Kuwentong hango sa banal na kasulatan. Layunin nito na magbigay aral para mapanuto ang mga kabataan.

a)

Pabula

b)

Alamat

c)

Nobela

d)

Parabula

11.

Ito ay maikling salaysayin na ang layunin ay magbigay aliw o magbigay aral sa mga mambabasa.

a)

Salaysay

b)

Salaysayin

c)

Anekdota

d)

Talambhay

12.

Ito ang pinakamababang anyo ng organisasyon ng lipunan. Dito’y walang pribadong pag-aari sa lupa. Nabubuhay ang mga tao sa pamamagitan ng pangingisda, pangangalap ng pagkain at pangangaso sa gubat.

a)

Primitibo Komunal

b)

Sistemang Alipin

c)

Kapitalismo

d)

Pyudalismo

13.

Isang sistema ng pangkasunduang relasyon ng mga miyembro ng upper class kung saan pinagkakalooban o binibigyan ng lupa ang isang tao kapalit ng kanilang serbisyo.

a)

Pyudalismo

b)

Kapitalismo

c)

Sosyalismo

d)

Sistemang Alipin

14.

Ito ay biyograpiya na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, at impormasyon.

a)

Anekdota

b)

Sanaysay

c)

Nobela

d)

Talambuhay

15.

Isang halimbawa ng panitikan na may melodiya at damdamin na nagpapakita hindi lang ng pag-ibig sa isang babae kundi ng pag-ibig din sa bayan.

a)

Jocelynang Baliuag

b)

Bayan ko

c)

Pepita

d)

Josefanang Baliuag