wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP10_REVIEWER_1ST QTR_PERIODICAL TEST

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa isang kakayahang makita ang koneksyon ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kaniyang ginagalawan?

a)

isyung personal

b)

isyung lipunan

c)

sociological imagination

2.

Anong isyu o temang tumutukoy sa mga pangyayari o suliraning bumabagabag at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan sa kasalukuyang panahon?

a)

Kontemporaryong Pandaigdig

b)

Kontemporaryong Kasaysayan

c)

Kontemporaryong Isyu

3.

May isinasagawang approach ang Community Based Disaster Risk Management upang ihanda ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian ng mga tao. Alin sa sumusunod na approach ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Bottom – Up Approach     

b)

Top – Down Approach

4.

Alin sa sumusunod na hakbang ng Community-Based Disaster Risk Reduction Management Plan ang tumutukoy sa pagbibigay ng babala sa mga mamamayan sa pagharap ng iba’t ibang kalamidad?

a)

Disaster Response

b)

Disaster Preparedness

c)

Disaster Rehabilitation and Recovery

5.

Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework sa pagbuo ng resilience na mga mamamayan sa oras ng kalamidad o hazard?

a)

Pagbuo ng isang pamayanang handa at ang lahat ay matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran.

b)

Ang maayos na ugnayan ng pambansang pamahalaan at lokal na pamahalaan.

c)

Nasisigurong naipapatupad  ang plano mula sa pambansang  pamahalaan upang maging ligtas ang mamamayan.

6.

Alin sa sumusunod ang tamang pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran para sa ating komunidad?

a)

AAng paghahanda at pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay tungkulin lamang ng mga mamamayan

b)

Ang paghahanda at pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay tungkulin ng pamahalaan at mamamayan

c)

Ang paghahanda at pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay depende sa lugar na maaapektuhan ng mga suliraning ito

7.

May dalawang uri ng hazard at isa mga halimbawa nito ay hindi pagtapon ng mga tao ng basura sa tamang tapunan.  Alin sa sumusunod na uri ng hazard nabibilang ang nabanggit na pahayag?

a)

Human-Induced Hazard

b)

Natural Hazard

8.

Alin sa sumusunod na resulta ang posibleng mangyari kung mayroong hindi pagkakasundo ng pambansang pamahalaan at ng lokal na pamahalaan tungkol sa mga hakbangin na dapat gawin sa panahon o pagkatapos ng sakuna?

a)

Mabagal na pagtugon sa mga pangangailangan ng taong naapektuhan ng sakuna.

b)

Walang katiyakang tulong na manggagaling sa pambansa at lokal na pamahalaan

c)

Mabilisang aksyon mula sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang pagkapanalo sa alitan.

9.

Tanyag ang katagang “Ligtas ang may alam” mula sa isang disaster management program ng GMA 7. Ano ang dapat mong gawin kapag itinaas ng PAG ASA ang tropical cyclone warning signals sa bilang na apat (4) sa inyong lugar?

a)

Magdasal nang taimtim dahil lahat ng unos ay matatapos din.

b)

Manatili sa loob ng bahay at huwag umalis kahit anong mangyari.

c)

Lumikas sa ligtas na lugar tulad ng matataas at matitibay na gusali.

10.

Mahalaga ang social media awareness sa para mabawasan ang pinsala dulot ng sakuna.
      Alin sa sumusunod ang ang angkop na maging slogan na nagpapakita ng suwestyon
      para sa matugunan sa malaking pinsala dulot ng sakuna?

a)

 “ Kalusugan Ay Alagaan,  Isa Itong Kayamanan”

b)

“ Kung Tayo Ay Handa , Sakuna ay Walang Panama”

c)

“Mahal ng Diyos ang Bayang sumusunod sa Kanyang Kautusan"

11.

Alin sa sumusunod ang pinakamainam na gawin upang tugunan ang problema sa Climate Change?

a)

I-segragate ang basura sa nabubulok, di-nabubulok at muling nagagamit.

b)

         Iwasan ang paggamit ng mga produktong naglalabas ng malaking bilang ng carbon dioxide.

c)

Iwasan ang paggamit ng maliliit na pagitan na lambat upang hindi makahuli ng maliliit na isda.

12.

Alin sa programa ng Lungsod ng Makati ang nagpapamalas sa paghahanda ng mamamayan nito sa pagharap ng mga sakuna sa pagbuo ng isang trak na naglalaman ng impormasyon, edukasyon at komunikasyon sa tamang paghahanda sa pagharap ng sakuna?

a)

DRMM Academy  

b)

Mobile Knowledge Resource Center

c)

Makati City Mobile Truck

13.

Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng pang-unawa sa kalakasan at kahinaan ng ating sariling komunidad?

a)

Makakapagpahayag tayo ng sariling perspektibo at pang-unawa sa disaster at epekto nito

b)

Maging lagi tayong handa sa anumang parating na sakuna o kalamidad.

c)

Maililigtas natin ang ating sarili at pamilya sa darating na sakuna at kalamidad.

14.

Bilang bahagi ng  mamamayan paano mo matutugunan ang iba’t ibang hamong pangkapaligiran sa
  kasalukuyan?

a)

Paglahok sa rally sa lansangan upang maipabatid ang isyung pangkalikasan.

b)

Maging aktibo sa paglahok sa iba’t ibang NGO na nangangalaga sa kalikasan.

c)

Mangibang bansa upang hindi maapektuhan ng problema sa kalikasan.

15.

Paano nakaaapekto sa mundo ang pagdami ng greenhouse gases sa atmospera?

a)

Magpapatuloy na isyung pandaigdig ang pagdami ng greenhouse gases.

b)

Madalas ang pagbaba ng polusyon sa hangin patungo sa mga komunidad.

c)

Nananatili ang sobrang init sa mundo na nagpapataas ng temperatura sa lupa.

16.

Madalas ang hindi pagkakaunawaan ng mga magulang ni Tanggol dahil sa kawalan ng trabaho ng kaniyang ama dahil sa pagsasara ng pinapasukang kompanya. Alin sa mga sumusunod ang maipapayo mo kay Tanggol na apektado na ang pag-aaral sa isyung ito ng kaniyang pamilya?

a)

Maglabas ng sama ng loob sa social media.

b)

Tumigil sa pag-aaral at maghanap ng trabaho sa online.

c)

Tulungan ang ama sa paghahanap ng trabaho sa online.

17.

Ang pamahalaan ay masigasig na matugunan ang suliranin ng pagbaha sa National Capital Region, maraming lugar pa rin ang lumulubog sa baha sa tuwing malakas ang ulan. Alin sa sumusunod na pangyayari ang nagpapalala sa problemang ito?

a)

Mababa ang karamihan sa mga lugar sa Kamaynilaan.

b)

Dumarami ang mga tao na tumitira malapit sa mga estero.

c)

Walang pakundangan ang pagtatapon ng basura kahit saan.

18.

Ang Earth Island Institute ay isang Non-Government Organization (NGO) na ang layunin ay pangalagaan ang kalikasan ng bansa. Bakit mahalaga ang papel ng bawat sektor gaya ng NGO sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran ng bansa?

a)

Ang pagtutulungan ay magreresulta sa piling solusyon sa problemang  kinakaharap ng bansa.

b)

Malawak ang suliraning pangkapaligiran kaya higit na kailangan ang bawat isa upang makiisa sa pagtugon nito.

c)

 Hindi kaya nang pamahalaan na tugunan ang suliraning pangkapaligiran.  

19.

Matindi ang paghahangad ng pambansa at lokal na pamahalaan at iba pang sektor na nagsasagawa ng mga disaster management plan gaya ng CBDRRM plan. Alin sa sumusunod na paraan makalilikha ang pamayanan ng isang epektibong CBDRRM Plan?

a)

Magkaroon nang sapat na kaalaman ang pambansa at lokal ba pamahalaan at
                
partisipasyon ng mamamayan, mga NGOs at iba pang sektor.

b)

Gumamit nang kahit anong approach para makuha ang suporta at kooperasyon

     ng mga pinuno ng pamahalaan.

c)

Ilihim ang mga impormasyon o pangyayaring maaaring magdulot ng takot at

    pangamba sa pamayanan.

20.

Ang Green Peace Philippines ay isang Non-Government Organization (NGO) na tumutulong sa pagreserba ng ating biodiversity.  Bakit mahalaga na pangalagaan natin ang biodiversity?

a)

Nakatutulong sa pagkakaroon ng mas malinis na hangin.

b)

Nakababawas sa dami ng solid waste dahil sa waste segregation.

c)

 Nakatutulong ito upang maging maayos ang daloy ng ating ecosystem.

21.

Paano nakatutulong ang disaster plan gaya ng CBDRRM Plan sa paglilimita ng pinsala sa panahon ng kalamidad o sakuna?

a)

Sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng mga datos at iba’t ibang sanggunian

b)

Sa pamamagitan ng pangangalap ng mga donasyon para sa mga naapektuhan ng kalamidad.

c)

Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga plano, pagbuo ng mga desisyon at implementasyon ng mga gawain na may kaugnayan sa paghahanda sa kalamidad.

22.

Sa pagbuo ng CBRM Plan, alin sa sumusunod ang nararapat mong gawin bilang mamamayan sa isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t-ibang hazard at kalamidad?

a)

Makibahagi sa gawain pangrehabilitasyon at protektahan ang mga naapektuhan

b)

Magsagawa ng pansariling plano para matugunan ang mga pangangailangan

c)

Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng plano para sa buong pamayanan

23.

Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang iyong gampanin upang makatulong sa pagtugon sa mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng bansa?

a)

Sumali sa mga paligsahan sa barangay na makatutulong sa sariling pag-unlad.

b)

Sundin ang mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan sa pangangalaga sa kapaligiran.

c)

Suportahan lamang ang piling programa ng komunidad para sa pangangalaga ng kapaligiran.

24.

Bawat mag-aaral ay dapat may kamalayan sa mga ang nangyayari sa kapaligiran. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang tamang pamamaraan sa pag-iwas sa mga epekto ng climate change?

a)

Ang mga sako ng basura ay basta lang itinambak sa kanto ng General Luna.

b)

Pinaghiwa-hiwalay ni Aaron ang kaniyang basura at ginamit ang ibang mga plastik na bote bilang mga paso sa halaman.

c)

Hindi pinapaayos ni Prince ang kaniyang sasakyan na naglalabas ng sobrang maitim na usok sa tuwing ito ay pinapaandar.

25.

Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod na paraan ang makalilikha ng isang epektibong CBDRRM Plan?

a)

Ilihim ang mga impormasyon o pangyayaring maaring magdulot ng takot at pangamba sa pamayanan.

b)

Gumamit ng kahit anong approach para makuha ang suporta ng mga pinuno ng pamahalaan.

c)

Itaguyod ang Bottom-Up Approach para magkaroon ng isang komprehensibong panuntunan sa pagharap ng kalamidad.

26.

Alin sa sumusunod na layunin ng disaster preparedness ang nagbibigay ng mga impormasyong may kinalaman sa hazard, vulnerability, capability, risk, at maging sa katangiang pisikal ng isang pamayanan?

a)

To inform

b)

To advise

c)

To instruct

27.

Ang pagsunod sa alintuntunin ng pamahalaan ay mahalaga upang magkaroon ng maayos na daloy ng pamumuhay. Bakit mahalaga na maisagawa ang tamang pagkasunod-sunod ng CBDRRM Plan?

a)

Sapagkat ito ay nakatutulong sa pagkakaroon ng malinis na hangin at kaaya-ayang kapaligiran.

b)

Sapagkat ito ang magiging daan patungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa.

c)

Sapagkat ito ay isang paraan para maihanda ang mga mamamayan sa mag kalamidad upang maiwasan ang pagkakaroon ng malaking pinsala.

28.

Mahalaga ang pagpaplano sa mga sakuna o kalamidad upang mabawasan ang pinsalang dulot nito. Paano maituturing ang top-down approach na epektibong paraan sa pagbabawas ng pinsala sa panahon ng kalamidad?

a)

Nagliligtas ito ng mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may susunod sa plano.

b)

Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagharap ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran.

c)

Limitado lamang ang kapangyarihan ng tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan.

29.

Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nililinang nito ang pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-unawa at pag-iisip. Alin sa sumusunod na pahayag ang WALANG kaugnayan sa kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryung isyu?

a)
  1. Pagsusuri at pagtataya ng ugnayan ng sanhi at epekto ng piling sitwasyon.

b)
  1. Paggalang sa iba’t ibang paniniwala o pananaw kahit ito ay naiiba o salungat sa sariling paniniwala o pananaw.

c)
  1. Malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdigang suliranin.

30.

Ang maagang pagpaplano ay magdudulot ng kabawasan sa pinsala, alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nagsasaad ng  isang mahusay na disaster management?

a)

Hindi lamang nakasalalay sa kamay ng pamahalaan ang pagbabalangkas ng disaster management plan, kabilang din ditto ang mga pampublikong sektor lamang.

b)

Ito ay tumutukoy sa iba”t ibang gawain na dinesenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna

c)

Nakapaloob din dito ang mga plano at hakbang na dapat gawain ng komunidad upang maiwasan, maagapan at makabangon mula sa epekto ng kalamidad, sakuna at hazard.