wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GRADE 10 BETA PAGSUSULIT 1: KARAPATANG PANTAO

Total questions: 25

Worksheet time: 39mins

Name
Class
Date
1.

Ano tawag sa mga karapatang likas sa mga tao, anuman ang lahi, kasarian, pnagmulan, kulay, relihiyon, wika at iba pang kalagayan ?

a)

Saligang karapatan

b)

Katutubong karapatan

c)

Karapatang pantao

d)

Karapatang politikal

2.

Anong karapatang pantao ang tumatalakay sa buhay, kalayaan, at seguridad ng isang indibidwal?

a)

Karapatang Sibil

b)

Karapatang Politikal

c)

Karapatang Ekonomiko

d)

Karapatang Kultural

3.

Ito ang tawag sa Karapatan ng isang indibidwal na makabahagi sa buhay kultural ng kaniyang komunidad?

a)

Karapatang Sibil

b)

Karapatang Politikal

c)

Karapatang Ekonomiko

d)

Karapatang Kultural

4.

Nang sumali sa unyon ng kanilang opisina si Mang Ben, tinanggal siya sa kanyang trabaho. Anong karapatang pantao ang nalabag?

a)

Karapatang Sibil

b)

Karapatang Kultural

c)

Karapatang Politikal

d)

Karapatang Pangkabuhayan

5.

Dahil sa kalagayang pinansiyal, ayaw nang pag-aralin si Irish ng kanyang mga magulang. Bukod pa rito, siya ang inaasahan ng kanyang ina na mag-aalaga sa nakababatang kapatid habang ito ay tumutulong sa kanyang asawa sa paghahanap-buhay. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?

a)

A. Karapatan sa Edukasyon

b)

B. Kalayaan mula sa Pang-aalipin

c)

C. Karapatang Mabuhay

d)

D. Karapatan sa Pamamahinga at Paglilibang

6.

Mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao sapagkat:

a)

A. Iniiwasan nito ang diskriminasyon

b)

B. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.

c)

C. Pinangangalagaan nito ang maliliit na bansang tulad ng Pilipinas.

d)

D. Sinisiguro nitong walang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao.

7.

Nakaranas ng torture si Alex dahil isa siya sa mga suspek sa pambobomba sa kanilang lalawigan. Bukod pa rito, dumanas siya ng ‘di makataong mga kaparusahan. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?

a)

A. Karapatan sa Buhay

b)

B. Kalayaan mula sa Pagpapahirap

c)

C. Kalayaan mula sa di Makatuwirang Pagdakip

d)

D. Karapatan sa isang Makatarungan at Hayag na Paglilitis

8.

Ang mga akusado o nasasakdal sa isang kaso ay may mga karapatan pa rin dahil:

a)

A. ito ay nakatadhana sa Saligang Batas.

b)

B. ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.

c)

C. sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa.

d)

D. sila ay itinuturing na inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala.

9.

Karapatan ng bawat tao na mabuhay nang may dignidad.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Saan nagmumula ang mga Karapatang Pantao?

a)

Binibigay ito sa atin ng ating mga gobyerno.

b)

Binigay ito sa atin ng United Nations nang sinulat nila ang Declaration of Human Rights.

c)

Hindi ito nagmumula sa iba. Mayroon tayo nito dahil tayo ay tao.

d)

Matatanggap natin ito kapag tayo'y naging 18 taong gulang na.

11.

Lahat ng tao, saan man sa mundo, ay may mga karapatan. Inilalarawan nito ang pagiging __________ ng mga karapatan.

a)

Accountable

b)

Inalienable

c)

Participative

d)

Universal

12.

Hindi maaaring ipamigay o ihiwalay sa sarili ang iyong mga karapatan. Ang mga karapatan ay __________.

a)

Inalienable

b)

Inclusive

c)

Indivisible

d)

Interdependent

13.

Ang edukasyon ay isang karapatan na isa sa mga susi upang magkaroon ka ng kaalaman sa mundong iyong ginagalawan.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Ipinatuppad ang kalipunan ng mga karapatan na ito sa England noong 1628 na kung saan ay hindi maaaring makulang ang isang indibidwal na walang sapat na dahilan at hindi pagkuha ng buwis ng walang desisyon ng Parliament.

a)

Petition of Rights

b)

Declaration of the rights of man and of the Citizen

c)

Bill of Rights

d)

Constitutional Rights

15.

Tinagurian itong "World's First Charter of Human Rights"

a)

Magna Carta

b)

Bill of Rights

c)

Cyrus Cylinder

d)

Petition of Rights

16.

Kailan opisyal na nagkaroon ng kaganapan ang Universal Declaration of Human Rights?

a)

December 10, 1948

b)

December 11, 1948

c)

December 12, 1948

d)

December 13, 1948

17.

Tumutukoy ito na ang karapatang pantao hindi ipinagkaloob ng sinumang tao o awtoridad?

a)

Likas sa Tao

b)

Pandaigdigan

c)

Di-mahahati

d)

Di-maiaalis

18.

Ang pangunahing prinsipyo ng Universal Declaration of Human Rights ay pagkakapantay-pantay at pagbabawal sa diskriminasyon upang matamasa ang karapatang pantao at pangunahing kalayaan ng tao.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Saan sa apat na litrato ang nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao?

a)
b)
c)
d)
20.

Si Juan ay basta na lamang dinakip ng mga pulis nang walang “warrant of arrest”. Litong-lito si Juan dahil wala syang natatandaan na may ginawa syang krimen. Anong karapatang pantao ang nilabag ng mga pulis?

a)

Karapatang Sibil

b)

Karapatang Pulitikal

c)

Karapatang Panlipunan

d)

Karapatang Pangkabuhayan

21.

Ito ang nagbigay- proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.

a)

Bill of Rights

b)

The First Geneva Convention

c)

Declaration of the Rights of Man and of the Citizen

d)

Cyrus’ Cylinder

22.

Sino sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahalaga sa karapatan sa edukasyon?

a)

Si Jun sa nag-aaral mabuti.

b)

Si Ella na nagsusumikap makapasok sa paaralan kahit kulang ang baon.

c)

Si Bb. Santos na nagpupunta sa bahay ng kanyang estudyante upang tulungan pag ito ay lumiban sa klase.

d)

Si Tatay Francis na di pinag-aral ang kanyang bunso dahil ito ay mag-aaasawa lamang daw.

23.

Alin ang HINDI nagpapakita ng pagrespeto sa karapatang pantao?

a)

Pagbabahagi ng opinyon

b)

Pagsuporta sa libreng edukasyon

c)

Pagtukso sa mga taong kabilang sa LGBTQ+ Community

d)

Pambabastos sa mga nakatatanda

24.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa karapatang pantao?

a)

Pananakit sa kapwa

b)

Pagmumura sa nakatatanda

c)

Pagrespeto sa LGBT

d)

Pagnanakaw

25.

Ano ang iyong natutunan sa ating aralin tungkol sa KARAPATANG PANTAO BILANG TUGON SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN?

4 lines