NEW
Font size
WorksheetsReviewer sa Filipino (1st Quarter)
Total questions: 35
Worksheet time: 34mins
Ang Si Usman, ang Alipin ay mula sa Kwentong Bayan ng mga ____________ ?
Luzon
Visayas
Mindanao
Mindoro
Ito'y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga uri nito at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.
Kuwentong Bayan
Pabula
Mito
Epiko
Ang Juan Tamad ay isang halimbawa ng __________
Kuwentong Bayan
Pabula
Mito
Epiko
Pangunahing layunin ng Kuwentong Bayan
manlibang
manakot
itanghal
magpakilos
Magiging mabisa ang pagpapatunay sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan tulad ng mga sumusunod MALIBAN SA ISA.
dokumento
batas
paghaharap ng mga taong edukado
ayon sa kamag-aral
Pang-ugnay na ginagamit sa paglalahad ng mahahalagang impormasyong nakalap upang mapatunayan ang mga pahayag na inilatag.
Ayon kay/ayon sa
Sa katunayan
Ang totoo
sa totoo
Alin sa mga sumusunod ang tamang salitang ginagamit sa paglalahad ng impormasyong nakalap upang mapatunayan ang mga pahayag na inilatag?
Ayon kay/ayon sa
Sa katunayan
Ang totoo
sa totoo
Ito ay pagpapatunay na ginagamit sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga pangalan ng mga dalubhasang tao na nagsabi ng pahayag.
Ayon kay/ayon sa
Sa katunayan
Ang totoo
sa totoo
Ito ay ginagamit bilang pagpapatunay sa ipinahahayag na paniniwala upang mahikayat ang nakikinig o kausap.
Ayon kay/ayon sa
Sa katunayan
Ang totoo
Ang mga ebidensiyang nagpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan, o naka-video.
Kapani-paniwala
Taglay ang matibay na kongklusyon
May dokumentaryong ebidensiya
Nagpapahiwatig
Ang pangunahing tauhan sa kuwentong ito ay mga hayop.
pabula
alamat
kuwentong bayan
epiko
Alin sa mga sumusunod na salita ang naghahayag ng posibilidad?
baka
sapagkat
sana
ngunit
Alin sa mga sumusunod na salita ang pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga?
siguro
dahil dito
sana
ngunit
May mga salita o ekspresiyong ginagamit sa mga tekstong nagsasaad ng mga posibilidad.
Maliban sa isa
maaari
tila
posible
oo
_________ kayang umulan mamayang hapon?
May posibilidad
Baka
Tila
Siguro
Epiko ng mga Manobo.
Usman
Pilandok
Juan
Tulalang
Isang mahabang tula o kuwento na naglalarawan sa mga pakikibaka at kabayanihan ng mga tauhan sa mga makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ng isang lugar o kultura.
Alamat
Parabula
Epiko
Kuwentong Bayan
Ang pakikipanayam o pag-i-interview ay mahalaga sapagkat ito'y isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha o pagkalap ng mga impormasyon na maaaring gamitin sa iba't ibang kadahilanan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?
Makipagkasundo sa taong kakapanayamin tungkol sa petsa, oras, at lugar kung saan gaganapin ang panayam
Maghanda ng balangkas ng mga itatanong.
Magsuot ng tamang kasuotan at maging magalang sa pagtatanong.
Itala sa pinakamabilis na paraan ang mga nakuhang impormasyon.
Wala sa nabanggit
Alin sa mga sumusunod na salita ang pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga?
dahil dito
siguro
sana
ngunit
Pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin
dahil/dahilan sa,
totoo,
sa palagay ko
bunga nito
Matulis na patalim na magkabilaan ang talim
baralaw
balaraw
labaraw
wabaraw
Alin sa mga sumusunod na elemento ng maikling kuwento ang nagtataglay ng maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
Tauhan
Tagpuan
Tema
Banghay
Ang panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling kuwento. Malalaman dito kung ang kuwento ay nangyari ba sa panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali, gabi; sa lungsod o lalawigan, sa bundok o sa ilog.
Tauhan
Tagpuan
Tema
Banghay
Alin sa mga uri ng tauhan ng maikling kuwento ang nagtataglay ng makatotohanang katangian na parang isang totoong tao na nagbabago ang katauhan sa kabuuang akda?
Tauhang Bilog
Tauhang Lapad
Bida
Kontrabida
Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda o nagpapadulas sa pagbigkas ng mga pariralang pinaggagamitan.
Pang-angkop
Pang-ukol
Pangatnig
Pang-ugnay
Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangalan sa iba pang mga salita sa pangungusap.
Pang-angkop
Pang-ukol
Pangatnig
Pang-ugnay
Mga halimbawa nito ay at, pati, o, ngunit, dahil sa, sapagkat, at palibhasa.
Pang-angkop
Pang-ukol
Pangatnig
Pang-ugnay
Sa pagsasagawa ng isang pananaliksik, kailangang isaalang-alang ang sumusunod na mga hakbang.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Pag-alam o Pagpili ng Paksa?
Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang pananaliksik
Ito ay naaayon sa iyong interes, may mga materyales na mapagkukunan, at yaong mayroon kang malawak na kaalaman
Binibigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang baybay, bantas, at wastong gamit ng mga salita.
Punahin at isiping mabuti ang kabuuan ng pananaliksik na gagawin.
Alin sa mga sumusunod ang dulang panlansangan at panrelihiyon kung saan ay may marangyang parada ng mga sagala at konsorte ang nagaganap at lumilibot sa mga kalye hanggang makarating sa simbahan?
Moriones
Senakulo
Panunuluyan
Santakrusan
ito ay dulang panrelihiyong ginaganap sa mga lansangan sa lalawigan ng Mindoro at Marinduque tuwing Mahal na Araw. Ang mga karakter na gumaganap ay nakasuot o naglalagay ng mga maskarang may iba’t ibang kulay at iba pang palamuti o guhit sa kanilang katawan.
Moriones
Senakulo
Panunuluyan
Santakrusan
Ito ay isinasagawa tuwing sasapit ang Pasko, Disyembre 24 ng gabi bago mag-misa de gallo. Sina Maria at Jose at naghahanap ng bahay na masisilungan at mapagsisilangan kay Hesus.nakasuot o naglalagay ng mga maskarang may iba’t ibang kulay at iba pang palamuti o guhit sa kanilang katawan.
Moriones
Senakulo
Panunuluyan
Santakrusan
Sa wikang Filipino ay may pangungusap na walang paksa. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pungusap na nagpapahayag ng pagkamayroon o ng kawalan.
Eksistensiyal
Modal
Padamdam
Maikling sambitla
Nagpapahayag ng matinding damdamin.
Eksistensiyal
Modal
Padamdam
Maikling sambitla
Ang mga ________ ay mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahawatig ng matinding damdamin.
Eksistensiyal
Modal
Padamdam
Maikling sambitla
May mga Hakbang at Panuntunan sa Pagsasagawa ng Makatotohanan at Mapanghikayat na Proyektong Panturismo (Travel Brochure). Ang _________ ay nang-aakit sa mga turista upang ang isang lugar ay pasyalan.
Pananaliksik at Pagsusulat ng Nilalaman ng Iyong Travel Brochure
Pagpili ng mga larawang isasama sa travel brochure
Pagbuo ng burador para sa iyong travel brochure
Pagbuo ng Aktuwal na Travel Brochure
