wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 10 Q2 Lesson 1 Quiz

Total questions: 15

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?

a)

Walang kusang- loob

b)

Di kusang-loob

c)

Kusang-loob

d)

Kilos ng tao

2.

Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin dahil katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan?

a)

Walang kusang- loob

b)

Di kusang-loob

c)

Kusang-loob

d)

Kilos ng tao

3.

Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?

a)

Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon

b)

Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan

c)

Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito

d)

Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya

4.

Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?

4 lines
5.

Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos?

a)

May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa kilos

b)

Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos

c)

Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa

d)

Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos

6.

Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawangaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng .

a)

Kilos ng tao

b)

Di kusang-loob

c)

Kusang-loob

d)

Nakasanayang kilos

7.

Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?

a)

Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera

b)

Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari

c)

Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari

d)

Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag

8.

Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?

4 lines
9.

Ano ang epekto ng kusang-loob na kilos sa lipunan?

a)

Nagpapakita ito ng kawalan ng kaalaman sa gawain

b)

Nagdudulot ito ng pagkakaisa at pagkakaroon ng disiplina

c)

Walang epekto ang kusang-loob na kilos sa lipunan

d)

Nagdudulot ito ng kaguluhan at hindi pagkakaintindihan

10.

Ano ang kaibahan ng kusang-loob na kilos at di kusang-loob na kilos?

a)

Ang kusang-loob na kilos ay may kaalaman at pagsang-ayon habang ang di kusang-loob ay walang kaalaman at pagsang-ayon

b)

Walang kaibahan sa dalawang uri ng kilos

c)

Ang kusang-loob na kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan habang ang di kusang-loob ay may kaalaman at pagsang-ayon

d)

Ang kusang-loob na kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito habang ang di kusang-loob ay may kaalaman at pagsang-ayon

11.

Ano ang tawag sa mga kilos ng tao na labas sa kanyang kontrol at ayon sa kalikasan bilang tao?

a)

Kilos-loob (Free will)

b)

Kilos ng tao (Acts of man)

c)

Makataong Kilos (Humane act)

d)

Kusang-loob (Voluntary)

12.

Saan maaaring mataguriang halimbawa ng Kilos ng Tao (Acts of man)?

a)

Pagnanakaw

b)

Pag-ihi

c)

Pagkakaroon ng kaalaman

d)

Pagpapasya nang may free will

13.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng Makataong Kilos (Humane act) mula sa Kilos ng Tao (Acts of man)?

a)

Ang Makataong Kilos ay may kaalaman, free, at voluntary.

b)

Ang Makataong Kilos ay walang pananagutan.

c)

Ang Kilos ng Tao ay ginagamitan ng isip at kilos-loob.

d)

Ang Kilos ng Tao ay isinasaagawang may pagsang-ayon.

14.

Ayon kay Aristotle, ano ang tawag sa kilos na isinasagawa nang may kaalaman at pagsang-ayon sa kahihinatnan nito?

a)

Walang Kusang-loob

b)

Kusang-loob

c)

Di Kusang-loob

d)

Kilos ng Tao

15.

Ano ang tinatawag na kilos na isinasagawa nang walang kaalaman at walang pagsang-ayon?

a)

Di Kusang-loob

b)

Kusang-loob

c)

Walang Kusang-loob

d)

Makataong Kilos