Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan 6 Ikalawang Markahang Pagsusulit

Total questions: 41

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang unang pamahalaan na itinatag ng Estados Unidos sa Pilipinas?

a)

Pamahalaang Sibil

b)

Pamahalaang Diktaturya

c)

Pamahalaang Militar

d)

Pamahalaang Rebolusyunaryo

2.

Alin sa mga sumusunod ang naging batayan ng mga programang isinulong at hakbanging tinahak ng pamahalaang militar?

a)

Pilipinisasyon

b)

Spooner Amendment

c)

Konstabularyo ng Pilipinas

d)

Proklamasyong ng Makataong Asimilasyon

3.

Ano ang tawag sa pagpapadala ng mga mahuhusay na Pilipino sa Estados Unidos upang makamit ang inaasam na pagsasarili?

a)

Asambleya Filipina

b)

Misyong Pangkalayaan

c)

Komisyon ng Pilipinas

d)

Makataong Asimilasyon

4.

Dahil sa Batas Cooper, nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong mamahala sa mataas na katungkulan kagaya ni Cayetano Arellano. Ano ang kanyang naging posisyon?

a)

Pangulo ng Senado

b)

Punong Mahistrado

c)

Ispiker ng Kongreso

d)

Lider ng Kapulungan ng Mayorya

5.

Anong batas ang nagtadhana ng pagtatatag ng Pamahalaang Komonwelt?

a)

Batas Jones

b)

Batas Pilipinas ng 1902

c)

Batas Tydings-McDuffie

d)

Saligang Batas ng 1935

6.

Anong karapatan ang naibigay sa mga kababaihang Pilipino sa pangangasiwa ni Quezon? Karapatang __________________________.

a)

bumoto

b)

magsalita

c)

magtrabaho

d)

lumabas ng bahay

7.

Ano ang tawag sa buwis na ipinapataw sa mga iniluluwas o inaangkat na produkto?

a)

Freetrade

b)

Quota

c)

Stateside

d)

Taripa

8.

Nagkaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at United States. Ano ang tawag dito?

a)

Komunikasyon

b)

Freetrade

c)

Transportasyon

d)

Colonial mentality

9.

Sinong heneral ang nagtanggol sa Bataan laban sa mga Hapones?

a)

Hen. Edward P. King

b)

Hen. Douglas MacArthur

c)

Hen. Masaharu Homma

d)

Hen. Tomoyuki Yamashita

10.

Ang Philippine Executive Commision (PEC) ay itinatag bilang pansamantalang katiwalang pamahalaan ng Maynila, at nang lumaon ay ng buong Pilipinas. Sino ang itinalagang pangulo dito?

a)

Benigno Aquino Sr.

b)

Claro M. Recto

c)

Jose P. Laurel

d)

Jorge B. Vargas

11.

Siya ang gumanap ng tungkulin ng Pangulo ng ilikas si Quezon upang hindi madakip ng mga Hapones. Sino siya?

a)

Luis Taruc

b)

Douglas Mac Arthur

c)

Jose Abad Santos

d)

Josefa Llanes Escoda

12.

Anong pagpapahalaga ang ipinakita ng mga Pilipinong nakasama sa Death March?

a)

Kagitingan

b)

Katapangan

c)

Pagkakaisa

d)

Katatagan ng Kalooban

13.

Bakit hindi gaanong nakinabang ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa mga Amerikano?

a)

Hindi naibigan ng mga Amerikano ang produkto ng mga Pilipino

b)

Kontrolado ng Amerikano ang pamamalakad sa ekonomiya ng Pilipinas.

c)

Mataas ang buwis na ipinataw ng Amerikano sa kalakal ng mga Pilipino.

d)

Dahil tumanggi ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa mga Amerikano.

14.

Bakit napalapit sa damdamin ng mga mamamayang Pilipino si William Howard Taft?

a)

Pinag-aral niya lahat ng kabataan.

b)

Makatao ang kanyang naging pamumuno.

c)

Binigyan niya ng pabahay ang mga mahihirap.

d)

Hindi niya ipinapahuli ang mga nagkakasala sa lipunan.

15.

May mga batas na napagtibay sa Pamahalaang Komonwelt, isa na dito ang Eight-Hour Labor Act. Bakit pinagtibay ang Eight-Hour Labor Act para sa mga manggagawa?

a)

mabigyan sila ng malaking sahod

b)

masiguro ang maayos na pagtratrabaho nila

c)

masiguro na hindi malugi ang mga employer sa kanila

d)

maipatupad na hindi sobra-sobra ang pinapagawa ng mga employer

16.

Bakit pinagtibay ang Eight-Hour Labor Act para sa mga manggagawa?

a)

mabigyan sila ng malaking sahod

b)

masiguro ang maayos na pagtratrabaho nila

c)

masiguro na hindi malugi ang mga employer sa kanila

d)

maipatupad na hindi sobra-sobra ang pinapagawa ng mga employer

17.

Ang dating naglipanang kalesa, karomata at kariton ay nadagdagan ng tren, kotse, trambiya at trak. Ano ang naging resulta nito sa ating pamumuhay?

a)

Bumagal ang sistema ng agrikultura

b)

Naglaho ang mga mababagal na sasakyan

c)

Nagkaroon ng pagkakataong makapaglakbay sa labas ng bansa

d)

Bumilis ang paglalakbay ng mga tao at pagluwas ng mga kalakal

18.

Unang binomba ang Pearl Harbor ng Amerika bago sumalakay ang mga Hapones sa Pilipinas. Bakit ito ang una nilang ginawa?

a)

Malapit lamang ito kaysa sa Pilipinas.

b)

Mas madali itong pabagsakin kaysa sa Pilipinas.

c)

Pigilan ang Pacific Fleet ng Amerika sa paghihimasok sa aksiyong militar ng Imperyo ng Hapon sa Timog Silangang Asya.

d)

Lahat ng mga nabanggit.

19.

Bakit nilikha ng KALIBAPI ang Preparatory Commission for Philippine Independence?

a)

Mailigtas sa trahedya ng digmaan ang Pilipinas.

b)

Magsanay sa sariling pamamahala ang mga Pilipino.

c)

Ito ang initasang maghanda ng isang Saligang Batas para sa Republikang tatangkilikin ng Pilipino.

d)

Maging mahirap ang kalagayan ng mga Pilipino dahil sa sunud-sunod na problema na kanilang naranasan sa kamay ng mga Hapones.

20.

Paano nakatulong ang mga samahang gerilya sa paglaya ng Pilipinas mula sa Hapon?

a)

Naging alipin ng mga Hapon ang mga ito.

b)

Nagpatuloy sa pagtatago matapos bumagsak ang Bataan at Corrigedor.

c)

Madaling nanalo ang mga Hapones sa ikalawang pakikidigma nito sa Amerika.

d)

Tumayong hukbong sandatahan ng Pilipinas habang wala pa ang mga Amerikano.

21.

Bakit tinawag na 'Ang Bato' ang Corregidor? Dahil sa ______________.

a)

mabatong lupain nito

b)

magigiting na mamamayang nakatira dito

c)

dito makikita ang pinakamalaking bato sa bansa

d)

may lumitaw na malaking bato sa bahaging pinaglibingan sa mga namatay na Pilipino sa digmaan

22.

Nagkaroon din ng pagbabago sa pananamit, pagkain at pangalan sa panahon ng mga Amerikano. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagbabagong ito?

a)

Kumain ng nilagang kamote sina Pedro at Teryo.

b)

Si Maria at Mario ay kambal na anak ni Aling Juaning.

c)

Si Juana ay may suot na abaniko papunta sa paaralan.

d)

May pupuntahang pagtitipon sina John at Mary Ann. Si John ay nagsuot ng Amerikana at si Mary Ann ay nakabestida na may kasamang handbag.

23.

Kompletuhin ang pahayag. Upang maipakita ng mga Pilipino ang kanilang kakayahan at pagsisikap tungo sa pagsasarili sa pamamahala kaya _________.

a)

pinagtuunan ng pansin ang kalakal

b)

pinairal nila ang kumpetisyon sa pulitika

c)

pinaghusayan ang pamumuno sa pamahalaan

d)

pinairal nila ang kaugalian ng mga Amerikano sa bansa

24.

Kompletuhin ang pahayag. Naglabas ng Kautusan Bilang 134 Si Pangulong Quezon na Tagalog ang saligan ng wikang Pambansa upang _________________.

a)

magbigay-daan sa pagkakaisa ng mga Pilipino

b)

hindi tuluyang makalimutan ang wikang tagalog

c)

kilalanin ng mga Amerikano ang wikang tagalog

d)

matuto ang mga pilipinong magsalita ng wikang tagalog

25.

Kompletuhin ang pahayag. Ang pinakamahalagang naituro ng mga Amerikano sa mga Pilipino sa larangan ng pamumuhay ay ______________________________.

a)

pagiging praktikal sa buhay

b)

demokratikong paraan ng pamumuhay

c)

magandang pakikitungo ng mga Amerikano

d)

pagiging masunurin sa pamamahala ng Amerika

26.

"Ang mga prisoners of war o POW ng mga Hapones ay sapilitang pinalakad mula Bataan hanggang Kampo ng O'Donnell". Ipaliwanag ang pahayag?

a)

Kinaladkad sila ng kanilang mga sasakyang pandigma.

b)

Kalayaan ang gantimpala sa mga nais maglakad nang sapilitan.

c)

Tinulak-tulak sila para makapaglakad patungo sa kanilang piitan.

d)

Kahit nanghihina na ang karamihan ay pilit pa rin silang pinalakad na may kaakibat na pagpapahirap.

27.

Kompletuhin ang pahayag. Tinaguriang "Republikang Puppet" ang Ikalawang Republika na itinatag ng mga Hapones sa bansa dahil sa ____________________.

a)

mga Pilipino ang namuno dito

b)

nailigtas ang mga Pilipino sa trahedya ng digmaan

c)

naging sunud-sunuran ang mga pinuno sa mga Hapones

d)

mga Pilipino ay malaya sa kanilang kagustuhang makapagsarili

28.

Piliin sa mga sumusunod ang mga isinagawa ng mga Huk sa pakikidigmang gerilya nila laban sa mga Hapones.

I. pagsira sa mga armas ng mga hapones

II. Magsasaka sa umaga ngunit sa gabi ay mga gerilya

III. ginamit ang estratehiyang lusub-takbo sa mga Hapones

IV. nakipag-ubusan ng bala, lakas at sundalo sa minsanang labanan

a)

I at II

b)

I at III

c)

II at III

d)

III at IV

29.

"Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa." Anong maaaring ipahiwatig ng linyang ito na hango sa "Panatang Makabayan" na binibigkas ninyo tuwing "Flag Ceremony" sa paaralan?

a)

Pagkakaisa

b)

Pagkamakabayan

c)

Pagkamagiting

d)

Pagkamasinop

30.

Ang pagmamano at paghalik sa kamay ng mga nakatatanda, ang pagiging mapagpakumbaba sa pakikipag-usap at pagiging magalang ay mga sinaunang kaugalian ng mga Pilipino ngunit sa pagdating ng mga Amerikano, ito na unti- unting nabago. Paano nito nabago ng impluwensiya ng kulturang Amerika?

a)

pagiging maka-Diyos, makakalikasan, at makabansa

b)

pagiging mapanghusga at mapanglait sa mga nakatatanda

c)

paghalik sa pisngi, pagiging prangka, bibo at pagiging palabiro

d)

pagiging madaldal, mapang-asar at mapang-api sa mga hindi kakilala

31.

Mahina ba ang Estados Unidos kaya nasakop ng Hapon ang Pilipinas?

a)

Oo, dahil sira sira naman ang gamit pandigma nila dito sa Pilipinas.

b)

Hindi, dahil nakatsamba lang ang mga Hapones sa mga Amerikano.

c)

Oo, dahil mas angat ang teknolohiya ng mga Hapones kasya sa mga Amerikano.

d)

Hindi, dahil pataksil na sumalakay ang mga Hapones sa mga base militar ng US.

32.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pagbabagong naganap sa ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, Alin dito ang HINDI kabilang?

a)

Kawalan sa kalakalang panlabas.

b)

Dumami ang trabaho para sa mga Pilipino.

c)

Dumami ang nagutom dahil sa kakulangan sa pagkain.

d)

Bumagsak ang produksiyon sa mga sektor ng agrikultura.

33.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng malayang kalakalan sa kabuhayan ng Pilipinas?

a)

Kumita nang malaki ang mga Pilipinong mangangalakal.

b)

Maraming produktong Pilipino ang nailuwas sa Estados Unidos.

c)

Natuto ang mga Pilipino ng paggamit ng mga makinarya at teknolohiya.

d)

Naging palaasa ang mga Pilipino sa mga kalakal na galing sa Estados Unidos sapagkat nalimitahan ang pamilihang Pilipino sa pamilihang Amerikano.

34.

Sa panahon ng pamamahala ng mga Amerikano, nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral ang lahat, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay. ang pahayag ay _____.

a)

imposible

b)

mali

c)

tama

d)

wala sa nabanggit

35.

Ang mga sumusunod ay mga naisagawa ng Komisyong Taft MALIBAN sa isa, alin

           sa mga ito?

a)

Ito ang nagtatag ng serbisyo sibil sa Pilipinas.

b)

Ito ang tagagawa at tagapagpaganap ng mga batas.

c)

Iminungkahi ang pangangalaga ng likas na yaman sa bansa.

d)

Nagpalabas ng patakaran para sa kabutihan ng mga Pilipino.

36.

Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng MALING pahayag?

a)

Nakipaglaban ang mga Huk gamit ang pagsusulat.

b)

Tumulong ang Estados Unidos sa pakikipaglaban laban sa mga Hapones.

c)

Ang mga gerilya ay nagsagawa ng pabigla-biglang pagsalakay sa mga Hapones.

d)

Layunin ng mga gerilya na salakayin ang mga Hapones upang kumuha ng mga armas na gagamitin para sa pakikipaglaban.

37.

Masasabi ba natin na may pagkakaisa ang mga sundalong Pilipino noon sa kanilang pakikipaglaban? Bakit?

a)

Oo, dahil sa kagustuhan mapabagsak ang mga Hapon

b)

oo, dahil sinunod nilang lahat ang kagustuhan ng mga Hapon

c)

hindi, dahil natalo naman sila sa mga labanang kinasangkutan nila

d)

siguro dahil wala naman silang napala sa kabila ng kanilang pakikipaglanan

38.

Bumuo ng konklusyon tungkol sa naging magandang resulta ng pagbagsak ng Corregidor mula sa mga Hapones. Piliin ang sagot mula sa ibaba.

a)

Umusbong ang matatapang na pangkat ng mga gerilya, tumindi ang pagnanasa ng mga Pilipino na makalaya ang Pilipinas at lumakas at tumatag na samahan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.

b)

Umusbong ang matatapang na pangkat ng mga gerilya, lumakas at tumatag na samahan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano at nakatakas sina Hen. Douglas MacArthur at Pang. Manuel Quezon at hindi na bumalik sa Pilipinas.

c)

Tumindi ang pagnanasa ng mga Pilipino na makalaya ang Pilipinas, lumakas at tumatag na samahan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano at nakatakas sina Hen. Douglas MacArthur at Pang. Manuel Quezon at hindi na bumalik sa Pilipinas.

d)

Umusbong ang matatapang na pangkat ng mga gerilya, tumindi ang pagnanasa ng mga Pilipino na makalaya ang Pilipinas, lumakas at tumatag na samahan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano at nakatakas sina Hen. Douglas MacArthur at Pang. Manuel Quezon at hindi na bumalik sa Pilipinas.

39.

Sumulat ng dahilan kung bakit naitatag ang Manila Newspaper Company. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa mga sumusunod.

a)

Dahil ito ang gumagawa ng Mickey Mouse Money.

b)

Dahil ito ang ipinag-utos ng pamahalaang Hapones.

c)

Upang kontrolin ang mga balitang inilalathala sa bawat pahayagan.

d)

Upang maglathala ng mga pahayagan na magbibigay aliw sa mga Pilipino.

40.

Bumuo ng pahayag kung paano nakilahok si Josefa Llanes Escoda sa digmaan laban sa mga Hapones. Piliin ang pinakaakmang sagot mula sa mga sumusunod.

a)

Sumama siya sa mga labanan.

b)

Gumawa siya ng mga akda laban sa mga Hapones.

c)

Binigyan niya ng pondong pandigma ang mga gerilya.

d)

Binigyan nila ng pagkain, damit at gamot ang mga sundalo.

41.

Bumuo ng pahayag kung paano mo maipamamalas ang buong pusong pakikipaglaban para sa kapakanan ng ating Inang Bayan?

a)

Magtatago na lang para hindi ako pahirapan ng mga kalaban

b)

Lalabagin ang mga utos ng pinunong namamahala sa pangkat

c)

Susundin ang mga utos ng pinunong namamahala sa pangkat

d)

Sasanib ako sa grupo ng mga rebelde upang kalabanin ang pamahalaan