wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 8 2nd Quarter Reviewer

Total questions: 50

Worksheet time: 34mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na kabihasnan ang may malaking kontribusyon sa kasaysayan ng Greece?

a)

Klasiko at Romano

b)

Minoan at Romano

c)

Mycenean at Klasiko

d)

Minoan at Mycenean

2.

Saan umusbong ang Kabihasnang Minoan?

a)

Athens

b)

Crete

c)

Sparta

d)

Corinth

3.

Dahil sa heograpiya ng Greece na watak-watak na mga pulo, ang mga tao dito ay nakabuo ng maliliit

              na malayang lungsod-estado. Ano ang tawag sa mga lungsod na ito?

a)

Polis

b)

Población

c)

Siyudad

d)

Agora

4.

Ano ang pangalan ng polis na nagpairal ng Oligarkiyang pamahalaan at kinilalang estadong militar?

a)

Thrace

b)

Sparta

c)

Phrygia

d)

Laconia

5.

Sino ang kinilalang “Ama ng Kasaysayan”?

a)

Euclid

b)

Pythagoras

c)

Herodotus

d)

Socrates

6.

Ano ang pinaka-unang labanan sa pagitan ng mga Persians at Greeks na pinamunuan ni Darius
              at Miltiades?

a)

Labanan sa Thermophlae

b)

Labanan sa Salamis

c)

Labanan sa Marathon

7.

Sa simula ang Rome ay pinamumunuan ng mga hari ngunit dahil sa pagmamalabis at pang-aabuso
              ng mga ito sa kapangyarihan ay nag-alsa si Lucius Junius Brutus. Mula sa pangyayaring ito napalitan ang unang pamahalaan. Alin sa mga sumusunod ang pumalit na pamahalaan?

a)

Komunista

b)

Republika

c)

Demokrasya

d)

Monarkiya

8.

Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon at ang

              pinaka-natatanging ebidensya sa katangiang ito ay ang nilikha nilang Law of Twelve Tables.

              Ano ang nilalaman ng batas?

a)

Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at tantiyahin ang kaukulang parusa.

b)

Ito ay batas para sa lahat, patrician o plebeian man.

c)

Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas.

d)

Lahat ng nabanggit

9.

Ang triumvirate ay alyansa ng talong katao. Bakit karaniwang nagkakahidwaan ang mga
              magkakaalyansa?

a)

Dahil sa pagkatalo sa mga labanan.

b)

Dahil sa pag-aagawan sa kapangyarihan.

c)

Dahil sa inggit kung may umaangat na mas mahusay mula sa alyansa.

d)

Dahil sa pagiging diktador ng ibang pinuno.

10.

Ano ang umiiral na sistema ng pamahalaan kung saan ang mga pinuno ay may kapangyarihang
                tulad ng hari, nanunungkulan sa loob lamang ng isang taon, at bawat isa sa kanila ay may

                kakayahan na pigilin ang pasya ng isa?

a)

Konsul

b)

Emperador

c)

Plebeian

d)

Diktador

11.

Ano ang tawag sa isang lugar na madalas pagdarausan ng mga labanan ng mga gladiator?

a)

Appian Way

b)

Parthenon

c)

Basilica

d)

Colosseum     

12.

Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasulat na batas para sa mga plebeian at maging

                sa kasalukuyan?

a)

Kinapapalooban ng mga karapatan at responsibilidad.

b)

Tatak ng pagiging malayang kumilos alinsunod sa isinasaad ng batas.

c)

Nagdidikta kung anong dapat ikilos ng mamamayan.

d)

Nagsilbing pundasyon ng mamamayan.

13.

Sa anong rehiyon ng Sudan umusbong ang mga estado na may yaman dulot ng kanilang
                kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara?

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnang Rome

d)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

14.

Alin sa mga sumusunod ang bumuo ng lungsod-estado na nakapagtatag ng sarili nilang
                kabihasnan?

a)

Kabihasnang Greece

b)

Kabihasnan sa Pulo sa Pacific

c)

Kabihasnang America

d)

Kabihasnang Africa

15.

Alin sa mga sumusunod napapaloob ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.

a)

Kabihasnang America

b)

Kabihasnang Africa

c)

Kabihasnang Rome

d)

Kabihasnan sa Pulo sa Pacific

16.

Alin sa sumusunod na pangkat ng mga pulo sa Pacific ang may pinakamalawak na nasasakupang
                teritoryo?

a)

Polynesia

b)

Micronesia

c)

Melanesia

d)

Australia

17.

Alin sa mga sumusunod na klasikong kabihasnan ng daigdig nagawa ang istrukturang tulad ng

                Pyramid of Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu?

a)

Kabihasnan sa Pulo sa Pacific

b)

Kabihasnang Africa

c)

Kabihasnang America

d)

Kabihasnang Greece

18.

Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo”. Kaugnay nito, nagawa ng mga Inca na

                mapalawak ang kanilang sakop sa Timog na bahagi ng America. Bakit sa huling bahagi ng
                kanilang kasaysayan ay bumagsak din ang imperyong Inca?

a)

Nagkaroon ng epidemya na kumutil ng maraming buhay.

b)

Nagkaroon ng mga rebelyon sa nasakop nilang mga pamayanan.

c)

Nagkaroon ng mahihinang pinuno ang imperyo.

d)

Dumating ang mga Espanyol at sinakop ang imperyo ng Inca.

19.

Sinasabing ang Mali ay tagapagmana ng Ghana. Ito ay isang dating mahalagang outpost ng Ghana
                na bumagsak matapos salakayin silang salakayin nito. Sinong pinuno ng Mali ang nagpabagsak

                ng Ghana?

a)

Sundiata Keita

b)

Mansa Musa

c)

Haring Al-Barki           

d)

Haring Sunni Ali

20.

Ano ang pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga pamayanan ng mga pulo sa Pacific?

a)

Industriyal

b)

Pagmimina

c)

Turismo

d)

Pangingisda at pagsasaka

21.

Sinasabing mayroon nang mataas na kaalaman ang mga Mayan tungkol sa arkitektura, inhenyerya at matematika. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito?

a)

Nakapagtayo sila ng mga piramide para sa kanilang mga diyos.

b)

Nakapagtala sila ng mahahalagang pangyayari sa kanilang kasaysayan.

c)

Nagkaroon ng epidemya na kumutil ng maraming buhay.

d)

Mayroong maayos na pamumuhay ang mga Mayan.

22.

Ang Islam ang pinakamalaganap na relihiyon sa kalakhan ng Africa. Ano ang dahilan nito?

a)

Dahil sa kalakalan, napadpad ang mga Muslim sa Africa.

b)

Dahil sa Africa lumipat ang ilang Arabe mula sa Asya.

c)

Dahil angkop ang lugar ng Africa sa mga Muslim.

d)

Dahil nagmula ang relihiyong Islam sa Africa.

23.

Alin sa sumusunod na mga pulo ang nabibilang sa pangkat ng pulo na Melanesia?

a)

New Zealand

b)

Papua New Guinea

c)

Samoa

d)

Solomon Island

24.

Mayroong paniniwala ang mga pamayanan sa mga pulo sa Pacific tungkol sa konsepto ng Alin
                sa sumusunod ang konsepto ng relihiyon mayroon sila?

                1. Animismo

                2. Buddhismo

                3. Kristiyano

         4. Mana

a)

2 at 4

b)

1 at 2

c)

1 at 3

d)

3 at 4

25.

Sa pamumuno ni Mansa Musa sa Imperyong Mali, hinikayat niya ang pagpunta ng mga iskolar at
                ang paniniwlang Islam. Ano ang naging mabuting epekto nito sa Imperyo?

a)

Dumami ang bilang ng mga iskolar.

b)

Dumami ang tao sa imperyo.

c)

Lumaganap ang kalakalan.

d)

Lumaganap ang karunungan sa Imperyo.

26.

Socrates, Plato, Aristotle

a)

Arkitektura

b)

Pilosopiya

c)

Agham

d)

Iskultura

e)

Inhinyera

27.

Discobolus o Discus Throw ni Myron, Venus de Milo, Estatwa ni Athena

a)

Arkitektura

b)

Pilosopiya

c)

Agham

d)

Iskultura

e)

Inhinyera

28.

Pythagoras, Archimedes, Aristarchus, Eratosthenes

a)

Arkitektura

b)

Pilosopiya

c)

Agham

d)

Iskultura

e)

Inhinyera

29.

Talong istilo ng haligi: Doric na pinakapayak na disenyo, walang salalayan at simple ang
       kapital; Ionic, makitid at Corinthian, may disenyong dahon ng acanthus

a)

Arkitektura

b)

Pilosopiya

c)

Agham

d)

Iskultura

e)

Inhinyera

30.

Aqueduct, daang yari sa bato, Appian way

a)

Arkitektura

b)

Pilosopiya

c)

Agham

d)

Iskultura

e)

Inhinyera

31.

Colosseum – isa itong bukas na teatro (ampitheater) na disenyong Griyego ang mga
    kolumna. Basilica, Arko.

a)

Arkitektura

b)

Pilosopiya

c)

Agham

d)

Iskultura

e)

Inhinyera

32.

Naging malaganap noong Gitnang Panahon ang paggamit ng salapi at ang pagpapalitan nito na
                naging daan sa sistema ng pagbabangko. Ano ang naging kahalagahan ng sistema ng 
                pagbabangko sa mga mangangalakal?

a)

Nagkaroon ng maraming uri ng salapi ang mga mangangalakal.

b)

Dumami ang salapi ng mga mangangalakal.

c)

Naging ligtas ang paglilipat ng salapi.

d)

Sumigla ang kalakalan.

33.

Noong ika-25 ng Disyembre taong 800 ay kinoronahan si Charlemagne bilang Emperador ng Banal
                na Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Ano ang naging bunga ng pagkakatatag ng
                Imperyong ito?

a)

Bumagsak ang pamumuno ng Simbahan.

b)

Dumami ang kalabang barbaro ang Rome.

c)

Binuhay muli nito ang Imperyong Romano.

d)

Sinikap bawiin ng mga obispo ang pamumuno kay Charlemagne.

34.

Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang tungkulin ng mga monghe noong Gitnang Panahon?

a)

Sila ang naging pinuno ng mga pamayanan.

b)

Sila ang tagapagpalaganap ng relihiyon sa utos ng Papa.

c)

Sila ang nagsisilbing tagapagdasal ng mga tao.

d)

Sila ang tagapag-ingat ng mga itinayong Simbahan.

35.

Malaking bahagi ng mga mamamayan noong Panahong Medieval ay nakatali sa lupang kanilang
                sinasaka at naglilingkod sa kanilang panginoong may lupa. Ano ang tawag sa pangkat na ito

                ng mga tao?

a)

Baron

b)

Lord

c)

Serf

d)

Vassal

36.

Isang magandang ala-ala ng Piyudalismo ang sistemang Kabalyero o Knighthood na kung saan ay
                itinuro sa kanila ang mga kagandahang asal. Ano ano ang mga kaasalang ito?

 

               1. Katapangan         2. Kahinahunan          3. Maginoo                  4. Marangal

a)

1, 2 at 3          

b)

2, 3 at 4

c)

1, 3 at 4

d)

1, 2, 3 at 4

37.

"Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe.
                 Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo".

                 Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?

a)

  Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro.

b)

Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksiyon.

c)

Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.

d)

Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro.

38.

Mahalagang anyo ng yaman sa Europe ang lupa. Ang hari ang pangunahing nagmamay-ari ng
                lupain ngunit ibinahagi ito sa mga tinaguriang “dugong bughaw” noong Gitnang Panahon.

                Bakit ito ginawa?

a)

 Dahil nagrerebelde ang mga mamamayan laban sa kanila.

b)

Dahil malaki ang tiwala ng hari sa mga panginoon ng lupa.

c)

Dahil hindi kayang ipagtanggol ng Hari ang kanyang lupain.

d)

Dahil labis na malaki ang lupain upang maging kanyang pag-aari.

39.

Naging matagumpay ang Simbahan na makapagtatag ng mabisang organisasyon noong Gitnang
                Panahon sa Europe. Sino ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahan noong Gitnang
                Panahon?

a)

 Kardinal

b)

Obispo

c)

Obispo sa Roma

d)

Papa

40.

Dahil sa panawagan ng Simbahan sa pamumuno ni Papa Urban II ay nailunsad ang Krusada ng
                mga relihiyosong European laban sa mga Turkong Muslim. Bakit inilunsad ng simbahan ang
                Krusada?

a)

Dahil nais palawakin ng Simbahan ang kanyang nasasakupan.

b)

Dahil nais ipalaganap ng Simbahan ang Kristiyanismo sa mga Muslim

c)

Dahil maraming European ang nabihag ng mga Muslim na nais nilang palayain.

d)

Dahil nais bawiin ng Simbahan ang Jerusalem na isang banal na lugar sa mga Kristiyano sa
                    kamay ng mga Turkong Muslim.

41.

Ano ang naging halaga ng pagkakatatag ng Holy Roman Empire noong Gitnang Panahon sa
                aspektong kultural?

a)

Ito ang nagbago ng kultura ng mga Romano.

b)

Ito ang nagsama-sama ng mga kultura ng Europe at Asia.

c)

Ito ang nagsilbing tagapangalaga ng kulturang Greco-Roman.

d)

Ito ang nagsilbing tulay sa pagpasok ng kulturang Silangan sa Europe.

42.

Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi
                nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na
                naglalarawan sa Kapapahan sa Papacy?

a)

Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng Vatican.

b)

Itinuturing ang Papa bilang AMA ng mga Kristiyano na siya ring tawag hanggang sa kasalukuyan.

c)

Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong panahong

                     Medieval.

d)

Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng
                    Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.

43.

Bakit sinasabing kaawa-awa ang buhay ng mga serf sa Panahong Medieval?

a)

Dahil walang maaaring gawin ang mga serf na hindi nalalaman ng kaniyang panginoon.

b)

Dahil pinarurusahan sila araw-araw ng panginoon ng lupa.

c)

Dahil lahat ng kanilang ani ay para sa basalyo.

d)

Dahil walang tiyak na tahanan ang mga serf.

44.

"Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe.
                 Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo". Ano ang

                 ipinapahiwatig ng pahayag?

 

a)

Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro.

b)

Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksiyon.

c)

Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.

d)

Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro.

45.

Ang “Holy Roman Empire” ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman. Sino ang naging
                emperador ng imperyo noong 800 C.E.?

a)

Charlemagne 

b)

Charles Martel

c)

Clovis

d)

Peppin the Short

46.

Ano ang isa sa mga pangunahing pagbabagong naganap sa politika ng Europa sa Gitnang
                Panahon?

a)

Pagsasagawa ng Krusada

b)

Pag-usbong ng Pyudalismo

c)

Paglakas ng Simbahang Katoliko

d)

Pagkakatatag ng Holy Roman Empire

47.

Ano ang isa sa mga impuwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon sa sosyo-
                kultural na aspeto ng Europa?

a)

Pagsasagawa ng Krusada

b)

Pag-unlad ng Manoryalismo

c)

Paglakas ng Simbahang Katoliko

d)

Pagkakatatag ng Holy Roman Empire

48.

Ano ang naging epekto ng paglakas ng Simbahang Katoliko sa Europa sa Gitnang Panahon?

a)

Paglaganap ng mga pag-aalsa ng mga layko laban sa Simbahang Katoliko

b)

Pagsulong ng mga krusada upang mabawi ang Banal na Lupa mula sa mga Muslim.

c)

Pagkakaroon ng malawakang impluwensiya at kapangyarihan ng Simbahang Katoliko.

d)

Paglinang ng mga institusyong edukasyonal na pinamamahalaan ng Simbahang Katoliko.

49.

Paano nakaimpluwensiya ang mga krusada sa mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon?

a)

Pagpalaganap ng mga kaalaman at teknolohiya mula sa mga Muslim.

b)

Pagpapalawak ng pag-unawa sa iba't ibang kultura at relihiyon sa Europa.

c)

Pagdulot ng pagkabahala at pagdududa sa mga turo ng Simbahang Katoliko.

d)

Pagpapalakas ng ugnayan at kalakalan sa mga bansa sa Silangan at Kanluran.

50.

Aling mga pagbabagong politikal, pang-ekonomiya, at sosyo-kultural ang maaaring idagdag sa

                larawan ng Gitnang Panahon sa Europa?

a)

Pag-usbong ng komersyo at kalakalan sa mga baybayin.

b)

Pag-unlad ng arkitekturang Romanesko sa mga simbahang Katoliko.

c)

Paglawak ng kapangyarihan ng Ottoman Empire sa Silangang Europa.

d)

Paglakas ng mga monarkiya at pagbaba ng kapangyarihan ng mga nobya.