Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKALAWANG PAMANAHUNANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 6

Total questions: 26

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.
Pangalan:
4 lines
2.
Paano mo maipapakita ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa pasya ng grupo o pangkat?
a)
a. Sa pamamagitan ng pagpapatigil sa pasya ng nakararami.
b)
b. Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasya ng nakararami.
c)
c. Sa pamamagitan ng pakikipagtalo sa pasya ng nakararami.
d)
d. Sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa pasya ng nakararami.
3.
Bilang kasapi ng pamayanan, ano ang dapat gawin kung may mga itinakdang pagpupulong ang inyong lider o Barangay Kapitan?
a)
Umalis sa inyong lugar sa araw ng pagpupulong.
b)
Dadalo at makikibahagi sa araw ng pagpupulong.
c)
Manatili sa bahay habang ginaganap ang pagpupulong.
d)
Itaon sa araw ng pagpupulong ang pamamasyal at paliligo sa dagat.
4.
Ipinapatupad ng inyong lungsod ang pagpapanatili ng mga tao sa bahay sa araw ng Linggo dahil sa nararanasang pandemya. Alin ang dapat gawin ng mga mamamayan?
a)
Maagang pumunta sa dagat at doon magpalipas ng maghapon.
b)
Magpunta sa simbahan at doon manatili sa buong araw.
c)
Pumunta sa kamag-anak sa kabilang lungsod.
d)
Manatili sa loob ng bahay sa buong araw.
5.
Inutusan ka ng tatay at nanay mong dumalo sa pagpupulong ng inyong barangay bilang representante ng inyong pamilya.Napansin mong ang iyong mga katabi ay maingay at hindi nakikinig, ano ang gagawin mo?
a)
Sutsutan mo sila at sabihing makinig kayo upang may maunawaan sa pinag-uusapan.
b)
Magalang mo silang sasabihan na makinig upang maunawaan ang pinag-uusapan.
c)
Bubulungan mo ang tagapagsalita na hindi nakikinig ang mga katabi mo.
d)
Sisigawan mo sila at sabihing,”Hoy makinig naman kayo!
6.
Ito ay pagpapahalaga sa pananaw ng ibang tao
a)
paggalang sa opinyon
b)
pakikipag away
c)
pangangalaga
d)
isapuso
7.
Bakit kinakailangang pag-aralan o suriin ang iyong mga pasya?
a)
Upang malaman ang kasagutan.
b)
Upang mabigyan-diin ang desisyon.
c)
Upang maiwasan ang maling desisyon sa buhay at makita ang tama sa mali.
d)
Upang makamit ang kapayapaan.
8.
Bilang isang mabuting kasapi ng iyong pamilya, paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa pagpapasya sa iyong tahanan?
a)
Makinig lamang kung ano ang sasabihin ng iba at ipagpaliban ang sariling kapasyahan.
b)
Tutulong sa pag-iisip at sasang-ayon nalang sa iba.
c)
Pag-isipan ang bawat desisyon sa pamamagitan ng mapanuring pag-iisip.
d)
Pagsasapuso ng pasya at isagawa ito ng walang pag balanseng pag-iisip
9.
Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang masusing pagpapasya?
a)
Mahalaga ito dahil ito ang susi ng tagumpay.
b)
Mahalaga ang pagpapasya dahil dito mo nakuha ang kalakasan mo.
c)
Mahalaga ito dahil ito ang gabay ng iyong kaalaman sa desisyon.
d)
Mahalaga ito upang maiwasan ang kamalian at pagsisisi.
10.
Iginigiit mo ba ang pasyang ginawa mo kahit na hindi sumasang-ayon sa iyo ang iba pang miyembro ng pangkat? Bakit?
a)
Oo, dahil ito ang aking pansariling pasya at walang iba na magdesisyon.
b)
Oo, dahil alam ko ang ano ang tama sa mali.
c)
Hindi, maghihintay ako sa opinyon ng mga nakakatanda lamang.
d)
Hindi, dapat isaalang-alang ang opinyon ng iba at balansehin ito upang makita ang maaring bunga ng aking pasya.
11.
Pinag-aralan mo ba ang maaring maging resulta ng pasya sa iyong ginawa? Paano?
a)
Oo, sa pamamagitan ng pagtitimbang kung ano ang tama at mali sa maaring desisyon na aking gagawin.
b)
Oo, sa pagsunod ng mga sinasabi ng iba upang matugunan ang kanilang kailangan.
c)
Hindi, dapat hindi patagalin ang pagbibigay ng pasya.
d)
Hindi, dahil wala ng oras upang pag-isipan pa ang mga bagay-bagay.
12.
May meeting ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na sasama sa Clean up drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka.
4 lines
13.
Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng inyong lider na magdala ng matulis na bagay para madaling pumutok ang lobo sa magiging laro ninyo sa paaralan upang manalo ang inyong pangkat.
4 lines
14.
Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa paaralan. Isa ka sa napili ng nakararami na maging lider. Bagama’t labag sa kalooban ay tinanggap mo rin ang iyong pagkalider.
4 lines
15.
May nabasa kang isang private message mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng masama laban sa iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam kung ano ang pinagmulan nito.
4 lines
16.
Napansin mo na ang iyong kaibigan na nakaupo sa harapan mo ay nangongopya ng sagot sa katabi niya ngunit ito ay binalewala mo at ikaw ay nagbulag-bulagan lamang.
4 lines
17.
Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Sa araw na napagkasunduan, tumanggi ka at nanood ng sine.
4 lines
18.
Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinapag-aral siya ng Pamahalaan. Nang makatapos bilang iskolar sa pagiging doktor, nagdesisyon siya na magtatrabaho sa America dahil mas malaki ang sweldo doon.
4 lines
19.
Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna Ecocentrum. Nakarating ka na roon, subalit sumama ka pa rin.
4 lines
20.
May usapan kayong dadalo sa pulong ng “No to Drugs” sa Barangay Hall. Hindi ka sumama dahil natapat ito sa sinusubaybayan mong Telenovela.
4 lines
21.
Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa barkada. Lagi siyang pinagsasabihan at pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Gusto na lang ni Luisa na mag-asawa kahit walang trabaho ang lalaki para lang siya makaalis sa kanila.
4 lines
22.
Okey lang magsinungaling kung ang iyong gagawin ay para sa ikabubuti ng iyong kaibigan.
4 lines
23.
Pag-aralan lahat ang posibleng desisyon bago gumawa ng huling pagpapasya.
4 lines
24.
Pag-isipan at suriing mabuti ang maaaring kahinatnan o maging bunga o resulta ng isang gagawing desisyon o bibitawang pasya.
4 lines
25.
Kumonsulta sa mga nakakatanda upang mas matulungan ka sa pagpapasya.
4 lines
26.
Tanggapin agad ang pasya ng iba nang walang pagaalinlangan
4 lines