wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd PERIODICAL TEST IN EPP 5 (Home Economics)

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.
1. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin bago labhan ang mga maruruming damit?
a)
Basain lahat ang mga damit
b)
Ihiwalay ang puti sa may kulay na damit
c)
Ibabad sa tubig ang lahat ng lalabhan
d)
Ikula ang mga puting damit kasabay ng may kulay
2.
Naglalaro si Luis sa kanilang paaralan. Bigla siyang napaupo sa isang silyang puno ng kalawang. Hindi niya inaasahan ay namantsahan ang kanyang bagong uniporme. Dapat tanggalin ang mantsa ng kalawang sa damit kapag __________.
a)
nalabhan na ang damit
b)
sariwa pa ang mantsa ng damit
c)
medyo nangungupas na ang damit
d)
matagal ng namantsahan ang damit
3.
Saan dapat isampay ang mga may kulay na kasuotan?
a)
damuhan
b)

labas ng bahay

c)
mainit na lugar
d)
malilim na lugar
4.
Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pag-alis ng pintura sa damit?
a)
labhan sa mainit na tubig
b)
lagyan ng mantika ang damit
c)
gumamit ng gaas o thinner
d)
lagyan ng katas ng kalamansi
5.
Anong kagamitan ang gagamitin sa pagtanggal ng kalawang sa damit?
a)
asin at katas ng kalamansi
b)
alkohol
c)
malamig na tubig
d)
yelo
6.
Bt ginagawa ang pag-aalmirol sa mga damit na yari sa bulak o cotton? Upang __________.
a)
upang lalong pumuti ang damit
b)
madaling madumihan ang damit
c)
madaling matapos sa paglalaba
d)
hindi madaling kumapit ang dumi sa damit
7.
Ang mga sumusunod ay mga dapat gawin bago labhan ang maruming damit, MALIBAN sa isa.
a)
Hayaan na lang ang mga may mantsa
b)
Ihiwalay ang may kulay sa mga puting damit
c)
Sulsihan ang may sira/punit na damit
d)
Ihiwalay ang maruming-marumi sa di-gaanong marumi
8.

Sa mga pangungusap sa ibaba, alin ang mauuna sa paglalaba ng damit

a)

isampay gamit ang sipit o hanger sa nasisikatan ng araw ang mga puting damit at ang mga de-kolor sa di-gaanong nasisikatan ng araw upang hindi kaagad mangupas.

b)

ihanda ang sabon, palanggana, tubig at eskoba.

c)

maunang sabunin ang mga puti at bigyan pansin ang kwelyo, kilikili, busa, at mga laylayin.

9.

Alin ang magiging kasunod sa paglalaba ng damit

a)

isampay gamit ang sipit o hanger sa nasisikatan ng araw ang mga puting damit at ang mga de-kolor sa di-gaanong nasisikatan ng araw upang hindi kaagad mangupas.

b)

ihanda ang sabon, palanggana, tubig at eskoba.

c)

maunang sabunin ang mga puti at bigyan pansin ang kwelyo, kilikili, busa, at mga laylayin.

10.

Alin ang huling gagawin sa paglalaba ng damit

a)

isampay gamit ang sipit o hanger sa nasisikatan ng araw ang mga puting damit at ang mga de-kolor sa di-gaanong nasisikatan ng araw upang hindi kaagad mangupas.

b)

ihanda ang sabon, palanggana, tubig at eskoba.

c)

maunang sabunin ang mga puti at bigyan pansin ang kwelyo, kilikili, busa, at mga laylayin.

11.
Piliin ang tamang pagkakasunod-sunod sa pamamalantsa ng palda. 1. Plantsahin ito mula laylayan pataas 2. Ihanger ng maayos 3. Ayusin ang pleats ayon sa tupi/tiklop nito 4. Wisikan ng tubig kung kinakailangan 5. Baliktarin para plantsahin ang bulsa
a)
1 2 3 4 5
b)
4 5 3 1 2
c)
3 4 5 1 2
d)
1 5 3 4 2
12.
Alin ang hindi ginagamit sa pamamalantsa?
a)
hanger
b)
kabayo/plantsahan
c)
plantsa
d)
timba
13.
Ano ang dapat gawin kung ang isusuot na damit ay gusut-gusot?
a)
baliktarin
b)
kusutin
c)
plantsahin
d)
wisikan ng tubig
14.
Inimbitahan kang dumalo sa isang pagdiriwang at kailangan mong magsuot ng malinis, maayos at plantsadong damit ngunit nagkataong nasira ang inyong plantsa, ano ang iyong gagawin?
a)
Hindi na lang dadalo
b)
Manghihiram ng damit sa iba
c)
Dadalo pa rin kahit hindi maayos ang suot na damit
d)
Gagawa ng paraan upang makahanap ng plantsa para maisuot nang maayos ang damit
15.
Sa pamamalantsa ng polo/blusa, ano ang pinakahuling gagawin?
a)
Plantsahin ang kwelyo sa likuran at unahan
b)
Ihanger nang maayos at isara ang unang dalawang butones
c)
Wisikan ng tubig tubig bago plantsahin
d)
Plantsahin ang harapang bahagi mula sa butones at ituloy hanggang makaikot sa buong katawan
16.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kagamitang pambahay na kayang-kayang gawin ng isang batang tulad mo, MALIBAN sa isa.
a)
apron
b)
kurtina
c)
potholder
d)
window blinds
17.
Ano ang tawag sa malaking gulong na pang-ilalim ng isang makinang de-padyak?
a)
belt guide
b)
drive wheel
c)
stitch regulator
d)
treadle
18.
Kung ang Bobbin Winder ay kidkiran ng sinulid sa bobina, ano naman ang tawag sa bahaging nagpapaikli o nagpapahaba sa tahi?
a)
Bobbin Case
b)
feed dog
c)
needle clamp
d)
stitch regulator
19.
Ano ang tawag sa kaha na lalagyan ng bobina?
a)
Bobbin Case
b)
balance wheel
c)
belt
d)
drive wheel
20.
Ito ang pinaglalagyan ng karayom ng makina.
a)
needle clamp
b)
presser
c)
stitch regulator
d)
treadle
21.
ito ang tawag sa gulong sa ibabaw na hinahawakan kung sisimulan ang pagpapaandar o ihihinto ang pananahi.
a)
balance wheel
b)
Bobbin case
c)
belt
d)
drive wheel
22.

Ang presser foot ay ang __________ sa tela habang tinatahi ito.

a)
humahawak
b)
nanahi
c)
patungan
d)
umiipit
23.

Ang nanay ni Lea ay nananahi ng kurtina. Sa anong bahagi ng makinang de-padyak niya ipapatong ang tela habang siya ay nananahi?

a)
bed o kama
b)
kabinet
c)
kulindang
d)
slide plate
24.

Maraming mga boteng plastik sa tindahan ni Aling Maria. Ano ang maaaring gawin sa mga ito para madagdagan ang kita ng pamilya ni Aling Maria?

a)
ibenta
b)
itapon
c)
ipamigay
d)
i-recycle at gawing alkansya
25.

Maraming retaso sa patahian ng damit si Carlo. Alin sa mga ito ang kagamitang pambahay ang maaari niyang buuin at ibenta?

a)
apron
b)
kurtina
c)
mantel
d)
potholder
26.

Alin sa mga ito ang dapat gawin upang siguraduhing kikita sa ipinagbibiling produktong pambahay?

a)
gumamit ng mahal na materyales
b)
bumuo ng proyekto kahit walang plano
c)
bumili sa mga tindahang mahal ang presyo
d)
maglista ng materyales, piliin at bilhin ang may pinakamurang presyo
27.

Dito makikita ang kumpletong listahan ng materyales at halaga sa pagbuo ng plano.

a)
layunin
b)
hakbang sa paggawa
c)
sketch
d)
talaan ng materyales
28.

Ang mgasumusunod ay mga bahagi ng plano para sa paraan ng paggawa ng kagamitang pambahay, MALIBAN sa isa...

a)

hakbang sa paggawa

b)

sketch

c)

layunin

d)

talaan ng pagbibigyan

29.
  1. Alin sa mga sumusunod na pagkain ang dapat na ihanda tuwing umaga?

a)

kanin at hotdog

b)

kape at tinapay

c)

noodles

d)

sinangag, itlog at mainit na gatas

30.
  1. Inutusan ka ng iyong tatay na magluto, ano ang dapat mong gawin upang hindi malaglag ang hibla ng buhok sa iyong niluluto?

a)

maglagay ng langis

b)

maglagay ng laso sa buhok

c)

gumamit ng ipit o palamuti sa buhok

d)

ayusin ang buhok at maglagay ng hair net

31.

Masama ang pakiramdam ni Boyet dahil siya ay nilalagnat. Anong pagkain ang nararapat niyang gawin upang bumuti ang kanyang pakiramdam?

a)

instant noodles

b)

sopas na may malunggay

c)

powdered mushroom

d)

sopas na binili sa fastfood

32.

Ang mga pagkaing sagana sa protina tulad ng isda, karne at itlog ay nabibilang sa pangkat ng __________ foods.

a)

carbohydrates

b)

Go

c)

Glow

d)

Grow

33.

Ang madahon at maberdeng glay tulad ng kangkong at talbos ng kamote ay nakatutulong sa pagsasaayos ng sistema ng katawan. Sa anong pangkat ng pagkain ito nabibilang?

a)

Go Foods

b)

Glow Foods

c)

Grow Foods

d)

Junk Foods

34.

Ang tsokolate at matatamis na pagkain ay nasa tuktok o dulong bahagi ng Food Pyramid Guide. Dapat bang malaking sukat at uri nito ang kakainin sa bawat paghahain?

a)

ewan

b)

hindi

c)

oo

d)

siguro

35.

Bakit mahalaga ang pagkain ng almusal?

a)

nakakapanghina ng katawan

b)

utom pagkagising sa umaga

c)

hindi na kakain sa maghapon

d)

simula ng araw na nangangailangan ng higit na lakas para sa maghapong gawain

36.

Ang potholder ay ginagamit upang __________.

a)

hindi mapaso

b)

magamit sa pagluluto

c)

mahawakan ang mainit na kaldero

d)

lahat ng nabanggit

37.

Bakit kailangan suriin ang mga paninda bago bilhin ang mga ito?

a)

gusto lang hawakan ang mga paninda

b)

para makalibre ng tikim

c)

para makita kung totoo o plastik ang mga paninda

d)

upang malaman na sariwa at ligtas kainin bago lutuin o kainin

38.

Bakit kailangan bilangin ang sukli sa harap ng nag-abot na tindera?

a)

para makahingi ng diskwento

b)

upang ipakita na marami kang pera

c)

para makahingi ng dagdag sa pinamili

d)

upang malaman ng tindera at mamimili kung tama o mali ang sukli

39.

Sa pagmamadali ng pamimili, ano ang maaaring mangyari sa mga bibilhin?

a)

may makaligtaan bilhin

b)

matapilok

c)

maiwanan ang sukli

d)

maiwan ng sasakyan

40.

Bakit dapat mong matutunan ang mga paraan sa wastong pamimili sa palengke/

a)

para pag-aralan lang

b)

upang magbenta sa palengke

c)

para ipagmalaki sa mga kaibigan na may alam ka

d)

angat ang may alam sa wastong pamamalengke at upang makatulong sa pamilya

41.

Paano natin maiiwasan ang pag-aaksaya ng oras, pera at lakas sa pamimili?

a)

huwag na mamili para iwas gastos

b)

magpabili na lang sa iba para iwas pagod

c)

gawan ng listahan ang mga kailangang bilhin lamang

d)

mamalengke lang sa iyong malayang oras kahit dis-oras na

42.

Paano malalaman na sariwa ang binibiling itlog?

a)

umaalog

b)

magaspang ang balat

c)

maliwanag ang kulay

d)

makinis ang balat

43.

Ang kaalaman sa matalinong pamimili kahit bata pa lamang ay isang kahigitan sa iba.

a)

hindi

b)

mali

c)

minsan

d)

tama

44.

Sa pagpili ng sariwang isda, kailangang ito ay __________.

a)

mapula ang hasang

b)

malinaw ang mata

c)

makintab ang kaliskis

d)

lahat ng nabanggit

45.

Maghugas ng __________ bago at pagkatapos magluto.

a)

kamay

b)

kuko

c)

mukha

d)

paa

46.

Magsuot ng __________ upang di marumihan ang ang damit habang nagluluto.

a)

apron

b)

damit pambahay

c)

lumang damit

d)

shorts

47.

Panatilihing __________ ang lugar na paglulutuan.

a)

malinis at maayos

b)

makalat at mabaho

c)

marumi

d)

walang espasyo

48.

Ang mga sangkap ay dapat __________ tulad ng prutas at gulay.

a)

alisin

b)

hatiin

c)

hugasan

d)

itapon

49.

Bakit hindi dapat iwanan ang nilulutong pagkain? Para maiwasan ang __________.

a)

pagkalito

b)

pagkasunog

c)

pagkaluto

d)

paghahanda

50.

Magluluto ng almusal si Aling Nena para sa kaniyang tatlong anak, ano ang una niyang dapat gawin?

a)

maghanda ng maraming pagkain

b)

maglinis ng bahay habang nagluluto

c)

utusang magluto ang ama ng tahanan

d)

maghugas ng mga kamay bago magluto