wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quiz 1: Agrikultura

Total questions: 20

Worksheet time: 55mins

Name
Class
Date
1.

Ang AGRIKULTURA ay nagmula sa Latin na ______ ang ibig sabihin ay "pagsasaka sa bukirin".

a)

agerkultur

b)

agerculture

c)

agercultura

d)

agrecultura

2.

Ang agrikultura ay tumutukoy sa agham at sining ng pangangalaga at produksiyon ng mga tanim at _____.

a)

halaman

b)

hayop

c)

hanap-buhay

d)

hinaharap

3.

Ang pagkakatuklas sa agrikultura ng mga tao ay itinuturing na isang mahalagang pangyayari na nagbigay-daan sa pag-unlad ng _____.

a)

sibilisasyon

b)

mundo

c)

bansa

d)

mamamayan

4.

Ang gawain ng mga tao ay nakatuon sa mga gawaung dulot ng _____.

a)

kapaligiran

b)

kalikasan

c)

kakahuyan

d)

kapakinabangan

5.

Nahahati ang sector ng agrikultura sa _____.

a)

paghahalaman

paghahayupan

pangingisda

pagtrotroso

b)

panggugubat

paglalambat

pagtatanim

pagbubungkal

c)

paghahayupan

pagsasaka

panggugubat

pangingisda

d)

pangingisda

paghahayupan

paghahalaman

panggugubat

6.

Si Mang Kanor ay payak na namumuhay sa malawak na bukirin niya sa Mindoro. Siya ay gumigising ng umaga upang magbungkal ng lupa, magtanim ng mga binhi, at diligan ito pagkatapos. Anong antas ng pagpapaunlad ng agrikultura ang ginagawa ni Mang Kanor?

a)

Tradisyonal

b)

Pagpapaunlad

c)

Makabago

7.

Galing sa pobreng pamilya si Maria ngunit nang mamasukan siya bilang kahera sa tindahan ng mga tinapa ni Don Simon, napagtanto niyang hindi lamang asin ang sangkap sa tinapa upang ito ay sumarap kung hindi nilalagyan pa ng ibang pampalasa at pampakulay. Anong antas ng pagpapaunlad ng agrikultura ang ginagawa ni Don Simon?

a)

Tradisyonal

b)

Papaunlad

c)

Makabago

8.

Si Aloy ay pinamanahan ng kanyang magulang ng isang maliit na rancho na kung saan meron lamang apat na pares ng baka at limang pares ng kambing. Dahil hindi alam ni Aloy ang gagawin, nagsimula siyang manguha ng mga halamang ipapakain sa mga alagang hayop at ipinaayos ang kanilang sinisilungan. Anong antas ng pagpapaunlad ng agrikultura ang naisip ni Aloy?

a)

Tradisyonal

b)

Papaunlad

c)

Makabago

9.

Mananahi na si Aling Roda mula nang siyang magdalaga. Ngayon lamang niya nalaman na may masmabilis palang paraan upang makapanahi ng damit at iyon ay ang paggamit ng sewing machine. Kaya ang dating isang pares ng unipormeng natatahi niya ay halos maging triple na sa ngayon. Anong antas ng pagpapaunlad ng agrikultura ang ipinapakita ni Aling Roda?

a)

Tradisyonal

b)

Papaunlad

c)

Makabago

10.

Namasukan si Manuel bilang taga-ani ng mga mani sa bukirin ni Donya Suelo. Napagalaman niyang hindi pala siya magbubungkal ng lupa bagkus ipagmamaneho niya ang isang traktor na kung saan ay siyang magbubungkal at aani sa mga mani na pananim. Pagkatapos noon ay ipupunta ang mga ani sa pagbrika. Pagkaraan lamang ng ilang oras ay peanut butter na itong inihahatid sa mga tindahan. Anong uri ng pagpapaunlad ng agrikultura ang mayroon si Donya Suelo?

a)

Tradisyonal

b)

Pagpapaunlad

c)

Makabago

11.

Bata palang si Edwardo ay namulatan na niya ang negosyong sardinas ng kaniyang pamilya. Kaya noong ipinamana sa kanya ay nagisip siya ng paraan upang masdumami at tangkilikin pa rin ang kanilang sardinas. Pinagaralan at pinagawa niya ang "easy to open can" sa sardinas upang hindi na gagamit ng kutsilyo upang buksan ito. Anong antas ng pagpapaunlad ng agrikultura ang ipinamalas ni Edwardo?

a)

Tradisyonal

b)

Papaunlad

c)

Makabago

12.

Aling kahalagahan ng agrikultura ang ipinapakita sa sitwasyon?

"Ang ani ng tatay na bigas at gulay ay siyang nagiging pagkain namin sa hapag."

a)

Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.

b)

Pinagkukunan ito ng pagkain at materyal ng mga industriya.

c)

Nagsisilbi itong market o pamilihan ng mga produkto sa industriya.

d)

pinagkukunan ito ng kitang panlabas.

e)

Pinagkukunan ito ng karagdagang tulong ng ibang sektor ng ekonomiya.

13.

Aling kahalagahan ng agrikultura ang ipinapakita sa sitwasyon?

"Nagbebenta ang mga pilipino ng mga gulay, prutas, tubo, trigo, mineral, at iba pang raw materials sa ibang bansa."

a)

Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.

b)

Pinagkukunan ito ng pagkain at materyal ng mga industriya.

c)

Nagsisilbi itong market o pamilihan ng mga produkto sa industriya.

d)

pinagkukunan ito ng kitang panlabas.

e)

Pinagkukunan ito ng karagdagang tulong ng ibang sektor ng ekonomiya.

14.

Aling kahalagahan ng agrikultura ang ipinapakita sa sitwasyon?

"Ang mga magsasaka ay nagkakasundo sa presyo ng kanilang produkto upang maiwasan ang pagkalugi at pagkasira ng kanilang mga ani."

a)

Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.

b)

Pinagkukunan ito ng pagkain at materyal ng mga industriya.

c)

Nagsisilbi itong market o pamilihan ng mga produkto sa industriya.

d)

pinagkukunan ito ng kitang panlabas.

e)

Pinagkukunan ito ng karagdagang tulong ng ibang sektor ng ekonomiya.

15.

Aling kahalagahan ng agrikultura ang ipinapakita sa sitwasyon?

"Ang mga langis na nakukuha nila sa kopra ay siyang ginagamit na krudo sa mga makinarya o langis sa mga lampara."

a)

Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.

b)

Pinagkukunan ito ng pagkain at materyal ng mga industriya.

c)

Nagsisilbi itong market o pamilihan ng mga produkto sa industriya.

d)

pinagkukunan ito ng kitang panlabas.

e)

Pinagkukunan ito ng karagdagang tulong ng ibang sektor ng ekonomiya.

16.

Anong dahilan at epekto sa suliranin sa sektor ng agrikultura ang ipinapakita sa sitwasyon sa ibaba?

"Ang mga magsasaka sa kabundukan ay hirap sa patubig."

a)

Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman.

b)

Pangangailangan sa paggamit ng teknolohiya.

c)

Kakulangan ng mga pasilidad at impraestruktura sa kabukiran.

d)

Hindi pantay-pantay na pagmamay-ari ng lupang pansakahan.

17.

Anong dahilan at epekto sa suliranin sa sektor ng agrikultura ang ipinapakita sa sitwasyon sa ibaba?

"Dahil sa pagdaan ng malakas na bagyo ay walang naani ang mga magsasaka kaya nainganyo silang tangkilikin ang libreng binhi na ipinamimihgay ng grobyerno."

a)

Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman.

b)

Kakulangan sa pondo.

c)

Kakulangan ng mga pasilidad at impraestruktura sa kabukiran.

d)

Hindi pantay-pantay na pagmamay-ari ng lupang pansakahan.

18.

Anong dahilan at epekto sa suliranin sa sektor ng agrikultura ang ipinapakita sa sitwasyon sa ibaba?

"Sa madalas na kaingin ang naiisip ng mga tao kung bakit tuwing uulan ay lumalambot at lupa at hindi na mainam na tamnan."

a)

Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman.

b)

Kakulangan sa pondo.

c)

Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.

d)

Pagbibigay priyoridad sa sektor ng industriya.

19.

Anong dahilan at epekto sa suliranin sa sektor ng agrikultura ang ipinapakita sa sitwasyon sa ibaba?

"Minabuti ng pamahalahan na mag-import ng bigas dahil sa kakulanagn ng suplay ng bigas sa ating bansa."

a)

Kakulangan ng pasilidad at impraestruktura.

b)

Kakulangan sa pondo.

c)

Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.

d)

Pagbibigay priyoridad sa sektor ng industriya.

20.

Anong dahilan at epekto sa suliranin sa sektor ng agrikultura ang ipinapakita sa sitwasyon sa ibaba?

"Dahil mabato ang namanang lupain ni Joselito ay minarapat niyang ipinagbili ito sa Intsik na nagmamay-ari ng mga pinapatayong bording house at mga apartment."

a)

Kakulangan ng pasilidad at impraestruktura.

b)

Pangangailangan sa paggamit ng teknologiya.

c)

Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.

d)

Pagbibigay priyoridad sa sektor ng industriya.