wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPIKNOW

Total questions: 35

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang salin sa Filipino ng Fall in Line?

a)

Mahulog ka sa linya

b)

Hulog sa linya

c)

Pumila nang maayos

d)

Lahat ng nabanggit

2.

Ano ang salin sa Filipino ng Take a bath?

a)

Kumuha ng paliguan

b)

maligo

c)

Kuhain ang banyo

d)

wala sa nabanggit

3.

Dapat na may sapat na kaalaman sa dalawang wika ang isang tagapagsalin.

a)

Tama

b)

Walang kasiguraduhan

c)

Mali

d)

Depende sa tagapagsalin

4.

Ang isang tagapagsalin ay kailangang may sapat na kaalaman sa sumusunod maliban sa _______.

a)

gramatika ng wikang pagsasalinan

b)

kultura ng pinagmulan ng wikang isasalin

c)

paksa ng tekstong isasalin

d)

paglalahad ng opinyon

5.

Alin ang hindi kabilang sa itinuturing na mga paraan sa pagsasalin?

a)

Pagtutumbas

b)

Panghihiram

c)

Pagkakaltas

d)

Paglikha

6.

Ano ang salin sa Filipino ng idiomatikong ekspresyon na “In a nutshell”?

a)

sa loob ng man

b)

kung tutuusin

c)

kung iisipin

d)

sa madaling salita

7.

Alin sa sumusunod ang angkop na salin ng station?

a)


hintayan

b)

himpilan

c)

hintuan

d)

tambayan

8.

Ano ang salin sa Filipino ng alphabet?

a)

letra

b)

titik

c)

palatitikan

d)

talahuluganan

9.

Isalin sa Filipino ang Department of Justice.

a)

Departamento ng Hustisya

b)

Kagawaran ng Hustisya

c)

Departamento ng Katarungan

d)

Kagawaran ng Katarungan

10.

Alin ang angkop na salin ng "Take a seat."

a)

Maupo ka.

b)

Kumuha ng uupuan.

c)

Kumuha ng upuan.

d)

Ayusin ang mga upuan.

11.

Ilang wika ang sangkot sa pagsasalin?

a)

Isa

b)

Dalawa

c)

Tatlo

d)

Apat

12.

Ano ang unang hakbang sa pagsasalin?

a)

Basahin ang ginawang salin.

b)

Unawain ang orihinal na salin.

c)

Kumunsulta sa talahuluganan o diksyunaryo.

d)

Isagawa ang pagsasalin.

13.

Isalin ang salitang Spaghetti sa Filipino.

a)


Ispageti

b)

Pansit na kulay Pula

c)


Spaghetti

d)

Pasta

14.

Isalin ang salitang Kastila na “Cocina” sa Filipino.

a)

Kusina

b)


Cocina

c)

Lutuan

d)

Cucina

15.

Isalin ang akronim na cm (centimeter) sa Filipino.

a)

cm

b)

sentimetro

c)

sm

d)

inch

16.

Ano ang salin sa Filipino ng idyomang "Once in a Blue Moon"?

a)

Palagi

b)

Bibihira

c)

Isang beses tuwing asul ang buwan

d)

suntok sa buwan

17.

Isalin sa Filipino ang salitang Magic.

a)

Madyik

b)

Mahika

c)

Magic

d)

Majika

18.

Isalin sa Filipino ang pangungusap na “Instruct the students to fall in line.”

a)

Papilahin mo ang mga mag-aaral.

b)

Sabihan mo ang mga mag-aaral na pumila ng diretso.

19.

Isalin sa Filipino ang pangungusap na “Jose watered the Plants.”

a)

Diniligan ni Jose ang mga halaman.

b)

Ang mga halaman ay diniligan ni Jose.

c)

Ang A at B ay tama.

d)

Ang A at B ay mali.

20.

Isalin sa Filipino ang nakasalungguhit na parirala: Her heart is as white as snow.

a)

simputi ng niyebe

b)

Ang A at B ay tama

c)

busilak

d)

Ang A at B ay mali

21.

Tama o Mali

Sa isasaling bersyon ng korido ang sukat ay nararapat na wawaluhin sa bawat taludtod.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Tama o Mali

Sa pagsasalin mula sa Filipino patungong Ingles, maaaring mauna ang panag-uri kaysa sa simuno.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Ang mga ito ay dapat tandaan ng isang tagapagsalin maliban sa __________.

a)

May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot

b)

Eksaktong-eksakto at walang labis o kulang sa pagsasalin

c)

Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot

d)

Malawak ang kaalaman sa kulturang pinagmulan ng dalawang wikang kasangko

24.

Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap o pagpapaunawa ng pinakamalapit o katumbas na kahulugan ng isang mensahe ng isang wika mula sa ibang wika?

a)

Metodo

b)

Teorya

c)

Pagsasaling-wika

d)

Wika

25.

Ano ang ibig sabihin ng SL o Simulaang Lenggwahe?

a)

Pagbasa sa teksto

b)

Orihinal na wika

c)

Pagpili ng teksto

d)


Wikang Pagsasalinan

26.

Ano ang tawag sa pagbubuo ng bagong salita, katawagan o parirala na nilikha upang ipahayag ang isang bagong konsepto, ipangalan sa isang bagay, o kaya’y bigyan ng bagong tunog ang isang dati nang katawagan.

a)

Idyoma

b)


Tayutay

c)

Neologismo

d)


Simbolismo

27.

Anong uri ng neologismo ang tumutukoy sa mga salitang hiniram sa wikang Ingles at dumaan sa pag-aangkop sa katutubong bigkas?

a)

Kombinasyon ng mga dating salita

b)

Panghihiram at pagpapaikli

c)

Paggamit ng mga panlapi

d)

Lumang salita, bagong kahulugan

28.

Banana Cue – Bananaque. Ang halimbawang ito’y tumutukoy sa anong uri ng Neologismo?

a)

Pagdadaglat o akronim

b)

Paggamit ng tatak ng produkto

c)

Paggamit ng mga panlapi

d)

Pagpapalit ng isang bahagi ng salita

29.

“The man had heart attack and kicked the bucket.” Ano ang katumbas sa wikang Filipino ng idyomatikong pahayag ng italisadong salita?

a)

Nabuwal

b)

Sinipa ang balde

c)

Namatay

d)

Nasipa

30.

“You’re a sitting duck if you do not know who your enemies are.” Ano ang katumbas sa wikang Filipino ng idyomatikong pahayag ng italisadong salita?

a)


Kakaning itik

b)

Taong duwag

c)

Nakaupong itik

d)

Taong madaling mahuli o mapahamak

31.

“Ang buhay nila’y isang kahig isang tuka” Ano ang katumbas ng idyomatikong pahayag sa Ingles ng nakasalungguhit na salita sa pahayag?

a)

Hand to mouth existence

b)

Poor

c)

One scratch one peck

d)

Unlucky in life

32.

Tama o Mali

Isinasang-alang alang sa pagsasalin na ang pag-iingat sa mga gagamiting salita upang mapanatili ang kagandahan ng teksto.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Tama o Mali

Ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na salita.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Tama o Mali

Mahalaga na mapanatili ang mensahe o diwa ng tekstong sinasalin.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Tama o Mali

Sa pagsasalin ng wika, hindi mahalaga kung maalam sa dalawang wika basta't kayang magsalin.

a)

Tama

b)

Mali