wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP Ekonomiks

Total questions: 55

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Naiiba ang kakulangan sa kakapusan sa paanong paraan?

a)

Pansamantala lamang ang kakulangan.

b)

Mas nakaapekto sa marami ang kakulangan.

c)

Wala silang pagkakaiba

d)

Mga third world country lamang ang naaapektuhan ng kakapusan.

2.

Ano ang inilalarawan ng sitwasyong ito?

Dahil hindi mabenta ang mais na nakalata ay naisipan ng may-ari na magbenta ng nilagang mais upang hindi malugi ang negosyo nila. Hindi niya kayang magpundar ng iba pang makinarya para makagawa ng ibang produkto sa mais maliban sa dalawang nabanggit. Hindi rin niya kayang bumili ng ibang produkto bukod sa mais dahil ang mais ay ang kanyang fixed resource.

a)

Law of Supply and Demand

b)

Inflation

c)

Production Possibility Frontier

d)

Allocation

3.

Ang pagkain, tubig at damit ay ilan sa halimbawa ng aling pangangailangan, ayon kay Abraham Maslow?

a)

pisyolohikal

b)

panlipunan

c)

pagkilala at respeto

d)

pangkaligtasan

4.

Ito ang mekanismo ng pamamahagi ng mga likas na yaman at kalakal.

a)

alokasyon

b)

implasyon

c)

batas ng suplay at demand

d)

kakapusan

5.

Sa sistemang pang-ekonomiyang ito, lahat ng pagpapasya ay ginagawa ng isang grupo na namamahala sa ekonomiya ng bansa.

a)

sistemang tradisyonal

b)

sistemang pampamillihan

c)

sistemang ipinag-uutos

d)

sistemang pinaghalo

6.

Bukod kay Francis Quesnay, sila ang nagpasimula sa konsepto ng kapitalismo.

a)

Adam Smith

b)

Adolph Hitler

c)

Karl Marx

d)

Benito Mussolini

7.

Sa ilalim ng batas na ito ng Pilipinas, pananagutan ng prodyuser kung mayroong depekto ang kanyang kalakal.

a)

Batas Republika 1556

b)

Artikulo 1547 ng Kodigo Sibil

c)

Artikulo 2187 ng Kodigo Sibil

d)

Artikulo 188, 189 ng Binagong Kodigo Penal

8.

Ang salik ng produksyon na tumutukoy sa yamang natural na ginagamit upang makapagbigay o makagawa ng kalakal (hal. talino, galing, at oras na gamit ng tao).

a)

lupa

b)

lakas paggawa

c)

kapital

d)

entrepreneur

9.

Ano ang inilalarawan ng sitwasyong ito?

Mas tinatangkilik ng mga tao ngayon ang Nintendo Switch kaysa Gameboy dahil sa kalumaan ng huli.

a)

depreciation

b)

appreciation

c)

devaluation

d)

brain drain

10.

Dahil bawat isa sa direktor na namumuno sa isang korporasyon ay mayrong ibinabahaging puhunan sa pagpapatayo at pamamalakad ng negosyo, binansagan silang ________.

a)

mga kapitalista

b)

stockholders

c)

shareholders

d)

feudal lords

11.

Ang lahat ng ito ay maituturing na complement na related goods ng kanin MALIBAN SA ISA.

a)

tinolang manok

b)

delatang sardinas

c)

sapatos

d)

bawang

12.

Ito ay bunga ng pagbabago sa presyo ng produkto, na siya namang nagdudulot ng pagbabago sa dami ng demand.

a)

paggalaw ng kurba ng demand

b)

paggalaw ng kurba ng suplay

c)

pagtaas ng mga bilihin

d)

deflation

13.

Ito ang uri ng elastisidad ng demand kung saan mas maliit ang pagbabago sa dami ng demand kaysa sa pagbabago sa presyo. Hindi gaanong isyu ang presyo upang magbago rin ang dami ng demand.

Hal. Hindi naapektuhan ang dami ng mamimili ng banana cue sa Paaralan B kahit na nagtaas ito ng presyo.

a)

perfectly elastic

b)

inelastic

c)

elastic

d)

perfectly inelastic

14.

Anong uri ng elastisidad ng demand ang ipinapakita sa larawan?

a)

unitary elastic

b)

perfectly inelastic

c)

inelastic

d)

elastic

15.

Ang presyo ng dinorado ay nagbago mula Php. 50.00 at naging Php. 52.00. Sa pagbabagong ito ng presyo, ang dating dami ng demand dito na 50 kg sa isang araw ay bumaba at naging 40 kg. Ano ang Q2 sa sitwasyong ito?

a)

Php. 50.00

b)

50 kg

c)

40 kg

d)

Php. 52.00

16.

Ang presyo ng dinorado ay nagbago mula Php. 50.00 at naging Php. 52.00. Sa pagbabagong ito ng presyo, ang dating dami ng demand dito na 50 kg sa isang araw ay bumaba at naging 40 kg.

Kompyutin ang midpoint formula at alamin ang elastisidad ng demand.

a)

elastic

b)

inelastic

c)

perfectly elastic

d)

perfectly inelastic

17.

Kapag nagkaroon ng paggalaw sa kurba ng suplay, ano ang maaaring nagdulot nito?

a)

pagbabago sa dami ng demand

b)

pagbabago sa dami ng suplay

c)

pagbagsak ng pambansang ekonomiya

d)

implasyon

18.

Ito ang uri ng elastisidad ng suplay kung saan permanenteng nakasunod sa presyo ng suplay ang kurba. Kapag mataas ang presyo ng kalakal, mataas din ang suplay nito.

Hal. Marami pa rin ang bumibili ng banana cue sa Paaralan B kahit taon-taon silang nagtataas ng presyo.

a)

unitary elastic

b)

elastic

c)

perfectly inelastic

d)

inelastic

19.

Sa pagkompyut ng elastisidad ng suplay, kung ang sagot ay katumbas ng 0, ito ay may anong elastisidad?

a)

perfectly inelastic

b)

inelastic

c)

elastic

d)

unitary elastic

20.

Ito ang pinakamababang presyo na maaaring ibigay ng negosyante para sa kanyang kalakal.

a)

price ceiling

b)

price floor

c)

ekilibriyo

d)

alokasyon

21.

Sa estruktura ng pamilihang ito, nag-iisa lamang ang konsyumer ng kalakal samantalang marami ang prodyuser. Sa ganito, may direktang kontrol ang konsyumer sa pagtatakda ng presyong kanyang ipapalit sa kalakal na ibabahagi ng prodyuser nito.

a)

monopolyo

b)

monopsonyo

c)

sosyohan

d)

perfect competition

22.

Ang lahat ng ito ay masasabi tungkol sa circular model na ito MALIBAN SA ISA.

a)

Sa modelong ito, isinasaalang-alang ang ekonomiya kung saan may papel ang pamahalaan sa mga gawaing ekonomiko.

b)

Ipinapakita nito na parehong sambahayan at bahay-kalakal ay nagbabayad ng buwis.

c)

Ang modelong ito ay nagpapakita ng ugnayan ng apat na ekonomikong sektor: sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at sektor panlabas.

d)

Ang ekonomiya ng nakararaming bansa, kasama ang Pilipinas, ay tinatawag na mixed economy.

23.

Ito ang kabuoang estadistika (statistics) na kumakalkula sa halaga ng mga kalakal na ginagawa ng isang bansa sa isang partikular na panahon.

a)

GNP

b)

GTV

c)

GDP

d)

SSS

24.

Ipagpalagay na tatlong produkto lamang ang kayang gawin, kompyutin ang GDP ng kunwaring bansang ito.

a)

Php. 2570.00

b)

Php. 1270.00

c)

Php. 2245.00

d)

Php. 2270.00

25.

Alin sa mga ito ang HINDI maaaring isama sa pagkompyut ng GDP ng Pilipinas?

a)

Nintendo Switch

b)

motorsiklo na gawa ng Pilipino

c)

pan de sal

d)

baro at saya

26.

Ito uri ng GDP kung saan ang pambansang kita ay base sa pagtaas ng antas ng mga nagagawang kalakal at serbisyo sa ekonomiya ng bansa.

a)

Nominal GDP

b)

Real GDP

c)

Irregular GDP

d)

GNP

27.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nag-iimprenta ng maraming salapi sa panahon ng implasyon?

a)

Sa pagtaas ng presyo ng mga kalakal, wala ring nagiging silbi ang pagdami ng salapi.

b)

Mahal ang pagpapagawa ng salapi.

c)

Nalulugi ang maliliit na negosyo.

d)

Wala sa mga nabanggit

28.

Gamit ang talahanayan, kompyutin ang Consumer Price Index sa taong 2019 (base year ay 2017).

a)

100%

b)

109.20%

c)

118.39%

d)

200%

29.

Ang mga ito ang epekto ng implasyon MALIBAN SA ISA.

a)

Panghihikayat na gumasta at mamuhunan

b)

Pagbaba ng employment rate

c)

Pagbaba ng purchasing power ng salapi

d)

Pagbaba ng unemployment rate

30.

Kapag mayroong recession o hindi maganda ang lagay ng ekonomiya ng bansa, nagsasagawa ang prodyuser ng _____________.

a)

pagfa-file ng bankruptcy o pagkalugi

b)

pagbabawas ng mga board of directors

c)

pagdadagdag ng kapital

d)

cost-cutting

31.

Ito ay tumutukoy sa kabuoang halaga ng mga kalakal at serbisyong binili sa bansa sa loob ng isang takdang panahon. Ipinapakita ito sa larawan.

a)

aggregate supply

b)

alokasyon

c)

aggregate demand

d)

devaluation

32.

Sa uri ng implasyong ito, tumaas na nang 10-49% ang antas ng implasyon, at madali nang mawala ang halaga ng salapi.

a)

galloping inflation

b)

hyperinflation

c)

walking inflation

d)

creeping inflation

33.

Paano nakakaapekto sa paggalaw ng kurba ng aggregate demand pakanan ang pagtaas ng antas ng kita ng mga mamimili?

a)

Bababa ang kita ng mga mangangalakal.

b)

Malaking bahagi ng kanilang kita ang kanilang gagamitin sa paggasta ng mga produkto.

c)

Malaking bahagi ng kanilang kita ang itatabi sa bangko

d)

Malaking bahagi ng kanilang kita ang ipupundar sa negosyo.

34.

Ito ang kurba na nagpapakita ng kabuoang dami ng produkto na handang ipagbili ng mga bahay-kalakal at ng buong ekonomiya sa bawat antas ng presyo.

a)

aggregate supply

b)

aggregate demand

c)

hyperinflation

d)

kurba ng dami ng suplay

35.

Kapag mas produktibo ang mga manggagawa, mas marami silang nagagawang kalakal. Ano ang paggalaw ng kurba ng Short-Run Aggregate Supply (SRAS) kung ang epekto ng pagdami ng nagagawang kalakal ay ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin?

a)

pakanan

b)

pakaliwa

c)

hindi gagalaw ang kurba

d)

pataas

36.

Tumutukoy ito sa paraan ng pagbubuwis at paggasta ng pamahalaan upang patakbuhin ang ekonomiya ng bansang kanyang nasasakupan.

a)

patakarang piskal

b)

patakarang pananalapi

c)

patakarang pang-negosyo

d)

patakarang pambansa

37.

Ito ang buwis na kinakaltas sa mga sahod ng mga manggagawa.

a)

Sin Tax

b)

Value-Added Tax

c)

Income Tax

d)

Excise Tax

38.

Ito ang ginagamit kapag sinasadya nitong alamin ang suliraning pang-ekonomiya ng bansa, gaya ng unemployment o implasyon. Tahasang gumagawa ang pamahalaan ng mga polisiya upang malutas ang nasabing suliranin. Sa madaling salita, derekta nitong itinataas o ibinababa ang paggasta o/at pagbubuwis upang magkaroon ng agarang solusyon.

a)

Contractionary fiscal policy

b)

Automatic fiscal policy

c)

Discretionary fiscal policy

d)

Expansionary fiscal policy

39.

Pumapatungkol sa kahit anong bagay na nagsisilbing panukat ng halaga ng mga bilihin.

a)

tseke

b)

barter

c)

ginto

d)

pera

40.

Isang gamit ng salapi kung saan gamit ito sa pag-iimpok para sa hinaharap. Sa madaling salita, bumaba man ito o tumaas, hindi nawawala ang halaga ng salapi.

a)

unit of account

b)

store of value

c)

medium of exchange

d)

wala sa mga nabanggit

41.

Anong uri ng salapi ang checking deposits?

a)

M0

b)

M1

c)

M2

d)

M5

42.

Ang M0, M1, at M2 ay bahagi ng anong uri ng salapi?

a)

M3

b)

M4

c)

M5

d)

M0

43.

Ito ang tarhetang ibinibigay o ipinagbibili ng mga kompanya upang mas mapadali ang pamimili sa kanilang mga produkto o upang makakuha ng mga diskuwento sa kalakal. (hal. tarhetang ginagamit sa pagpasok sa LRT at MRT)

a)

debit card

b)

credit card

c)

SIM card

d)

smart card

44.

Ito ang uri ng security na nagpapakita ng bahagdan ng pagmamay-ari ng isang tao o grupo ng tao sa isang korporasyon.

a)

bond

b)

stock

c)

financial asset

d)

real asset

45.

Ang bangkong ito ay ang pangunahing institusyong nangangasiwa sa mga bagay na may kinalaman sa pananalapi. Ito ang nag-iimprenta ng salapi, kumokontrol sa suplay ng pera sa pambansang ekonomiya, at nagtatakda ng interest rates sa mga bangko.

a)

Bangko Sentral ng Pilipinas

b)

Banco De Oro

c)

Landbank of the Philippines

d)

Visa

46.

Ayon sa United Nations, ang tipo ng kaunlaran na pinakamainam isulong ay ang ______________. Dito, hindi lamang nakatuon sa materyal na bagay sa kasalukuyan ang konsepto ng kaunlaran.

a)

national development

b)

economic development

c)

sustainable development

d)

underdevelopment

47.

Paano nakakaapekto ang mababang antas ng edukasyon sa ekonomikong kaunlaran?

a)

Kapag hindi maganda ang mga paaralan sa isang bansa

b)

Kapag hindi gaanong nahahasa ang mga tao dahil sa mababang antas ng edukasyon

c)

Kapag nagkukulang ang dami ng mga guro sa bansa

d)

Kapag dumarami ang honor students sa Pilipinas

48.

Ang agrikultura, pangingisda at panggugubat ay bahagi ng anong sektor ng paggawa?

a)

pangunahin

b)

sekundarya

c)

tersiyaryo

d)

wala sa mga nabanggit

49.

Bakit itinuturing na sekundaryang sektor ng paggawa ang sektor ng industriya?

a)

Dahil may kinalaman sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyales mula sa pangunahing sektor

b)

Dahil may kinalaman sa pagbebenta ng mga hilaw na materyales mula sa pangunahing sektor

c)

Dahil malapit ang mga industriya sa gobyerno

d)

Dahil malapit sila sa mga konsumer

50.

Isang uri ng empleyo kung saan nahahawig sa serbisyong contractual, subalit, kumpara sa nauna, mas maikli ang panahong itinatagal ng serbisyong ito.

a)

regular

b)

casual

c)

probationary

d)

project

51.

Isang uri ng empleyadong kabilang ang lahat ng mga empleyadong hindi kasapi at napangangasiwaan ng mga kategoryang manegerial at supervisory at nabibilang dito.

a)

supervisory

b)

managerial

c)

rank-and-file

d)

contractual

52.

Ito ang hinaharap ng mga manggagawang contractual kapag natapos na ang kanilang kontrata.

a)

endo

b)

extro

c)

regular

d)

hamon sa pagpapanatili ng kalidad ng mga manggagawa

53.

Dito nabibilang ang mga nagtitinda sa mga palengke, naglalako ng mga pagkain, mga online seller na madalas nating nakikita sa social media, at iba pang nagsasagawa ng maliliit na negosyo kung saan-saan.

a)

sekundaryang sektor

b)

tersyaryong sektor

c)

pangunahing sektor

d)

informal na sektor

54.

Ito ang proseso ng pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa isa’t isa na nagdudulot ng palitan ng kalakal, kultura, at maging ideya.

a)

pagkakaisa

b)

implasyon

c)

industriyalisasyon

d)

globalisasyon

55.

Ito ay isang organisasyong binubuo ng sampung bansa sa Timog-Silangang Asya: Pilipinas, Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Vietnam.

a)

APEC

b)

ASEAN

c)

WTO

d)

JPEPA