Font size
WorksheetsAP Asian/World History
Total questions: 100
Worksheet time: 51mins
Ang kabundukang sinasabing hangganan ng Asya at Europe.
Himalayas
Sierra Madre
Olympus Mons
Ural Mountains
Ang salitang “Asya” ay nagmula sa wikang Aegean na asu na ang ibig sabihin ay ano?
tanghaling tapat
dapithapon
bukang-liwayway
paglubog ng araw
Ito ang itinuturing na pinakamalalim na lawa sa mundo at ito makikita sa katimugang bahagi ng Siberia.
Lake Taal
Salt Lake
Baikal Lake
Lake Khalka
Ang _______ sa Pacific Ocean ay isang malawak na rehiyon na kung saan madalas nagaganap ang mga paggalaw ng lupa at pagputok ng bulkan.
Ring of Volcanoes
Ring of Fire
Kontinente ng Asya
Sphere of Fire
Ito ay tumutukoy sa tinatayang pagtaas ng populasyon sa bawat taon.
population growth rate
unemployment rate
gross domestic product
urbanisasyon
Ito ay ang pagkakabilang sa isang pangkat kung saan nakilala ang mga kasapi sa pagkakaroon ng magkatulad na wika, paniniwala, kaugalian, tradisyon at pinagmulang angkan.
etnisidad
pangkat-etniko
tribo
pamayanan
Ito ang uri ng wika kung saan ang pagbabago sa tono ng mga salita at pangungusap ay hindi nakapagpabago ng kahulugan nito. Ang halimbawa nito ang wikang Cham at Khmer sa Cambodia, gayundin ang mga wikang kabilang sa Malayo-Polynesian o Austronesian.
tonal
non-tonal
universal
non-stressed
Tinatawag na _________ ang mga katutubo sa India na gumagamit ng wikang Dravidian.
Dravidian
Ainu
Uzbek
Indian
Ito ay tumutukoy sa yugto ng mahabang nakaraan ng sangkatauhan na nag-uugat halos 2.5 milyong taon na ang nakalilipas o bago pa ang sistematikong paraan ng pagsusulat.
paleolitiko
historya
prehistorya
posthistorya
Ito ang transisyon na bahagi na patungo sa pamumuhay ng agrikultural ng tao.
hominid
mesolitiko
paleolitiko
neolitiko
Ito ay lunduyan ng unang kabihasnan.
China
Greece
Mesopotamia
Sumer
Matatagpuan ang sibilisasyong ito sa kanlurang bahagi ng Asia Minor. Sila ang unang nakaimbento at nakagamit ng chariot sa pakikidigma.
Lydian
Hittites
Romano
Chaldean
Bakit tinawag na Yellow River ang Huang He?
dahil unang naimbento ang pangkulay na dilaw sa China
dahil sa dilaw nitong tubig
dahil sa kulay ng buhanging loess na dala ng tubig ng ilog
dahil sa kulay ng mga batong natatagpuan sa ilalim ng ilog
Nagsimula ang linya ng mga dinastiya sa China sa dinastiyang ito.
Han
Chou
Zhou
Xia
Siya ay kinikilalang ama ng kasaysayan ng China.
Liu Bang
Xi Jinping
Shi Huangdi
Sima Qian
Ito ang pumalit sa dinastiyang Tang.
dinastiyang Han
dinastiyang Song
dinastiyang Zhou
dinastiyang Qin
Ang pilosopiyang ito ay isang reaksiyon sa malakas na impluwensiya ng Buddhism sa nakaraang dinastiyang Tang.
Confucianism
Buddhism
Shintoism
Neo-Confucianism
Itinatag nino ang dinastiyang Yuan noong 1271 at sumakop sa China noong 1278?
Julius Caesar
Alexander the Great
Genghis Khan
Kublai Khan
Itinatag niya ang sinasabing pinakaunang kaharian ng Korea, ang Gojoseon.
Jumong
Admiral Zhenghe
Ming
Dangun
Ang lipunan ng tatlong kaharian sa sinaunang Korea ay mga aristokratikong mandirigma na nakasakay ang katayuan sa mga ito. (dalawang sagot)
sa lugar kung saan ipinanganak
sa kabayo
sa hereditary
kung gaano kalapit sa hari
Tinatawag na panahon ng _________ ang yugtong prehistoriko ng Japan kung saan ang mga unang nanirahan sa lupain ay may kulturang pangangaso o pangangalap.
Yayoi
Jomon
Kofun
Kyushu
Tinangkilik ng prinsipeng ito ang paglaganap ng kaisipang Chinese sa Japan. Siya rin ang sumulat ng saligang-batas na Seventeen Articles ukol sa prinsipyong moral at politikal na may impluwensiya ng Buddhism at Confucianism.
Nakatomi no Kamatari
Kotoku
Yamato
Shotoku
Noong 710, itinatag ang kauna-unahang kabisera ng Japan sa lalawigang ito na itinulad muli sa kabisera ng China.
Nakatomi
Tokyo
Kyoto
Heijo-kyo
Noong 1274 ay sinalakay ng mga Mongol ang isla ng Kyushu subalit napilitan silang umatras dahil sa masungit na panahon na dulot ng bagyo. Tinawag itong ________ ng mga Japanese o “sagradong hangin” na sumagip sa Japan mula sa mga kaaway.
origami
hirohito
kamikaze
nagasaki
Ang imperyong Mongol ay tinawag na khanato at ang pinakapinuno ay tinatawag na ano na pinipili ng kuriltai?
xiao
khan
kublai
guru
Matatagpuan sa India, bumagsak ang sibilisasyong ito dahil sa kalamidad at pagsalakay ng mga Aryan.
Phoenician
Indus
Sumer
Aryan
Itinatag ng Indo-Aryan ang sistemang ito upang mapanatili ang paghihiwalay nila sa mga Dravidian.
maharlika-timawa-alipin
dinastiya
piramide
caste
Ang _________ ang pinakamaagang panitikang Indo-Aryan na nakasulat sa Sanskrit.
Bibliya
Vegas
Qur'an
Vedas
Idineklara ni Jayavarman II ang sarili bilang _________ na nangangahulugang “Hari ng mga Hari”.
raja
devaraja
dharman
chakravartin
Sa pagkamatay ni Suyavarman II ay inilibing siya sa Angkor Wat at sinamba bilang sinong pangunahing diyos ng Cambodia?
Brahman
Bathala
Shiva
Vishnu
Ayon sa kasaysayan ng Cambodia, siya ang itinuturing na tagapagtatag ng Pagan na nasakop ang timog na bahagi ng Burma na nagbigay-daan sa pakikipag-ugnayan sa Sri Lanka.
Haring Kyanzitha
Ramkhamhaeng
Haring Anawratha
Jayavarman VII
Tinatawag ng mga Tsino ang mga mangangalakal sa Pilipinas bilang _____________.
indio
taga-Han
taga-Filipinas
taga-Mai
Sa timog ng Pilipinas ay may naitatag nang ano bunga ng paglaganap ng Islam?
balangay
pamayanan
sultanato
barangay
Ang kauna-unahang sultanato ay itinatag sa Sulu sa pamamagitan ni _____________ noong 1450.
Sharif ul-Hashim
Muhammad
Lakan Dula
Shariff Kabungsuwan
Ito ang pinakamatandang monoteistikong relihiyon sa daigdig.
Judaism
Paganismo
Kristiyanismo
Zoroastrianismo
Ayon sa Hinduism, ito ay reinkarnasyon o siklo ng buhay, kamatayan at muling pagkabuhay na kinakailangan matupad ang dharma (ang obligasyong moral at panlipunan).
atman
vedas
ayurveda
samsara
Ang relihiyong ito ay itinatag ni Guru Nanak Dev bilang reaksiyon laban sa sistemang caste ng Hinduism at nagtataguyod ng paniniwala sa isang unibersal na diyos.
Sikhism
Buddhism
Jainism
Confucianism
Nang mamatay si Confucius ay tinipon at inilathala ng kaniyang mga tagasunod ang kanyang mga sulatin at pinamagatan itong __________.
Bibliya
Analects
Vedas
Analytics
Ang __________ ay koleksiyon ng mga aral ng Taoism.
Tao Te Ching
Analects
Vedas
Qur'an
Ang ibig sabihin ng salitang Shinto ay ano?
Daan ng mga Diyos
Pagdarasal nang Taimtim
Makalumang Panggagamot
Payapang Kapiligiran
Sila ay nagsisilbing mga lider espirituwal na siyang namumuno sa pakikipag-ugnayan sa diyos. Sila rin ay mga manggagamot at tagapagtaboy ng masasamang espiritu.
shaman
babaylan
imam
rabbi
Tinawag na ano ng mga Espanyol ang mga Pilipinong naniniwala sa animismo?
babaylan
pagano
indio
ilustrado
Ito ang kauna-unahang epiko sa daigdig.
Ur-Nammu
Bhagavad-Gita
Epiko ni Gilgamesh
Makura no soshi
Ito ay isang uri ng maikling tulang may taludturang 5-7-5 na karaniwang nagbibigay ng malinaw na paglalarawan sa kalikasan o isang sandali sa buhay ng makata.
Cinquain
Limerick
Haiku
Sonnet
Ang United States ay nagmungkahi sa China ng polisiyang ito na kung saan nagbigay ng karapatan sa iba pang mga bansa na makipagkalakal sa mga teritoryong nasa ilalim ng sphere of influence ng mga Europeo.
Communist Policy
One-Child Policy
Open Door Policy
Liberal Policy
Sinakop ng mga Ottoman Turk ang _________ noong 1453 upang mapalawak ang Islam at ang kanilang teritoryo.
Greece
Rome
India
Constantinople
Sa mga huling taon ng dekada 1920s , naglunsad ang mga Pilipino ng Independence Missions sa United States upang ikampanya ang ganap na Kalayaan ng Pilipinas. Napagtagumpayan ito nang maipasa ang batas na ito noong 1934.
Jones Act
Gabaldon Act
Tydings-McDuffie Act
Hare-Hawes-Cutting Act
Ang bansang tanging hindi nasakop ng mga bansang Kanluranin.
Myanmar
Thailand
China
Korea
Sa bansang ito nabuo ang pinakamaagang kilusang nasyonalista sa Asya.
Vietnam
Pilipinas
Thailand
Singapore
Itinatag niya ang Goumindang (Nationalist Party) upang magsilbing partido politikal na magsusulong ng kalayaan sa China.
Chian Kaishek
Xi Jinping
Sun Yat-Sen
Mao Zedong
Ang Australopithecines na natuklasan sa Ethiopia.
Doug
Peking Man
Lucy
Taong Tabon
Si ____________ ang kinikilalang pinakamahusay na hari ng Assyria. Siya ang tagapagtatag ng imperyong Assyrian.
Ur-Nammu
Tiglath-Pileser II
Naram-Sin
Tiglath-Pileser I
Sa pagsapit ng 800 BCE ay nagsimulang mahubog ang isang kabihasnang sa Greece na tinawag na _______. Nakilala si Homer, manunulat ng Odyssey at The Iliad, sa kabihasnang ito.
Hellenic
Mycenean
Minoan
Roman
Isa ito sa pinakamahalagang lungsod-estado ng Greece na matatagpuan sa katimugang Greece na tinatawag na Laconia. Ang isang batang lalaki na may edad na pitong taon na nakatira sa sibilisasyong ito ay kinakailangang sumailalim sa pag-aaral at pagsasanay sa aspektong militar na tinatawag na agoge.
Sparta
Minoan
Mycenean
Athens
Ang mga ito ay ang mga umusbong na malalayang lungsod-estado sa Greece, tulad ng Athens, Thebes at Megara sa mainland Greece.
civitas
barangay
polis
metropolis
Sila ang tumatayong tagapayo at habambuhay ang kanilang panunungkulan sa kabihasnang Griyego.
senado
kongreso
taumbayan
alipin
Ang mga _______ ay ang mga malalayang Roman na hindi kabilang sa mga patrician (mga naghaharing uri).
Spartan
plebeian
timawa
legion
Siya ang humalili kay Claudius at nakatuon ang pansin niya sa diplomasya, kalakalan at paglinang ng kultura sa imperyong Romano.
Nero
Vespasian
Tiberius
Titus
Gawa ng imperyong Rome, ito ay isang maagang porma ng pahayagan na nakasulat at nakaukit sa bakal o bato at inilalagay sa dinaraanan ng maraming tao.
Acta Senatus
Sundial
Acta Diurna
Diario
Tinatawag bilang ____ Dinastiya ang panandaliang pagbabalik ng Persia sa kapangyarihan na pinamunuan Artaxerxes III.
Ika-31
Bagong
Ika-20
Mongolian
Ang ____________ ay nahahati sa limang heograpikal na rehiyon: Rehiyon ng mga Mayan, Rehiyon ng Oaxacan, Central Highlands, Kanlurang Mexico, at Gulf Region.
American
Mesoamerica
Mesopotamia
Mesolithic
Sila ang nagtatag ng kauna-unahang kabihasnan American bandang 1200 BCE sa baybayin ng Gulf of Mexico.
Maya
Aztec
Olmec
Teotihuacan
Siya ang isa sa mga pinahahalagahang diyos ng mga Mayan at naniniwala sila na siya nangangalaga sa mga kagubatan at mga kabukiran.
Itzcoatl
Moctezuma
Yum Kaax
Halach Uinic
Ang opisyal na wika ng kabihasnang Inca ay ano?
Coricancha
Quechua
Topa Inca
Cuzco
Sila ay mga grupo ng taong naglayag mula Timog China at Formosa hanggang sa makarating sa mga pulo ng Pacific.
Austropithecines
Austronesyano
Amerikano
Pilipino
Tinawag na ano ni Wilhelm Solheim II ang mga Austronesyano?
Micronesian
Antiquatao
Malayo-Polynesian
Nusantao
Tinawag ang grupo ng mga bansang ito bilang “the forgotten zone of the Pacific”.
Melanesia
Austronesia
Micronesia
Polynesia
Ang pagiging _________ sa Melanesia ay mga yumaman dahil sa pagsisikap lalo na sa pagbebenta ng produktong ani. Ito ay walang politikal na kapangyarihan ngunit malakas lamang ang impluwensiya nito.
Melanesian Man
Big Man
Little Man
Democratic Man
Isang uri ng arkitekturang Griyego kung saan payak ang disenyo sa tuktok ng mga gusali at may mga patayong kolum. Halimbawa nito ang Parthenon sa Acropolis, Greece.
Doric
Ionic
Corinthian
Colosseum
Ang piramideng ito ay itinayo sa ibabaw ng kabundukang Andes na itinuturing na sagrado ng mga Incas.
Great Pyramid of Cholula
Angkor Wat
Machu Pichu
Pyramid of Giza
Naging angkop sa pagsasaka sa Egypt ang maitim at makapal na putik sa paligid ng ilog na tinawag na __________ o “Itim na Lupain”.
Komet
Loess
Mesopotamia
Kemet
Ang metodong ito ay ang paghahanap ng kasagutan at katotohanan sa pamamagitan ng pagtatanong hanggang sa makita ang mga kontradiksyon sa mga tanong.
Herodic Method
Aristocratic Method
Socratic Method
Platonic Method
Isinulat niya ang History of the Persian Wars.
Cicero
Herodotus
Thucydides
Ovid
Ang mga ito ang naging batayan ng batas Roman. Dito nakapaloob ang mga batas tungkol sa pag-aari, relihiyon at diborsyo. Nakasaad din dito ang kaparusahan sa iba’t ibang krimen o kasalanan.
Twelve Tables
Hammurabi Code
Twelve Swords
Twelve Scrolls
Ginamit niya ang geometry upang tantiyahin ang sukat ng daigdig.
Erastosthenes
Aristotle
Euclid
Pythagoras
Sa India, nakilala siya na tumalakay sa halaga ng pi (π).
Siddhartha Gautama
Aryabhata
Hammurabi
Archimedes
Ang imperyong ito ay unang gumamit ng pampublikong palikuran, paliguan at mga alkantarilya na nakabaon sa ilalim ng lupa.
Mesoamerican
Indian
Roman
Griyego
Ang mga vassal ay kadalasang mga dugong bughaw o kasapi ng nobilidad na pinagkalooban ng lupang tinatawag na ano?
squire
fief
serf
plebe
Ito ang nagsisilbing isang sistemang moral kung saan ang knight ay inaasahang maging handa sa pagtatanggol sa lord at sa nasasakupan nito sa oras ng matinding kaguluhang panlipunan.
Code of Kindness
Code of Archimedes
Code of Hammurabi
Code of Chivalry
Ito ang tawag sa sakit na lumaganap sa Europe, North America at Kanlurang Asya. Isang uri ng salot na nagmula sa hayop, galing sa kagat ng flea papunta sa mga daga at nagsasanhi ng kamatayan sa tao.
Bubonic plague
Influenza
COVID-19
Foot-and-mouth disease
Siya ay apo ni Charles Martel na isa sa mga naging pinakamatagumpay na hari ng Europe sa Gitnang Panahon.
Pepin
Chandragupta Maurya
Charlemagne
St. Benedict
Ang dalawang uri ng guilds ay ang ____ at ____.
merchants guild
crafts guild
knights guild
armorers guild
king's guild
Tinatawag na _______ ang sistema ng pagbibigay-proteksiyon sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtustos sa kanilang pangangailangan kapalit ng paglimita sa kanilang kalayaan para din sa diumano sa kanilang kapakanan.
bullionism
merkantilismo
kapitalismo
paternalismo
Dahil hindi natalo ng mga Katoliko ang mga Protestante sa Thirty Years War ay nagkaroon ng kasunduang tinawag na ano?
Treaty of Catholics
Treaty of Westphalia
Treaty of Paris
Treaty of Tordesillas
Kakikitaan daw ang __________ ng pagtaliwas mula sa mga kaisipan na laganap noong Gitnang Panahon kung saan ang tuon ay sa papel ng Simbahan sa buhay ng tao. Nagsimula ito sa Italy at lumaganap ito sa Germany, France, England at Spain.
Mercantilism
Theology
Renaissance
Colonialism
Siya ang itinuturing na “Ama ng Humanism”. Pinag-aralan niya ang wika at panitikang Latin na ang tuon ay nasa iniisip at nararamdaman ng mga Roman.
Christine de Pizan
Leonardo da Vinci
Herodotus
Francesco Petrach
Anong aklat ang unang nilimbag ng unang printing press na ginawa ni Johann Gutenberg?
Acta Senatus
Vedas
Code of Hammurabi
Bibliya
Sila ay mga taong pinagbawalang tumanggap ng komunyong banal at iba pang serbisyo at pribilehiyong ibinibigay ng Simbahan.
excommunicado
ilustrado
filibustero
falla
Siya ang kinilala bilang tagapagtatag ng Simbahang Protestantismo pagsapit ng ika-16 na siglo. Tinutulan niya ang nakagawiang pagbili ng mga obispo sa kanilang posisyon, pagiging makamundo, kawalan ng kabanalan at kasakiman ng ilang kasapi ng ministeryo.
John Huss
Martin Luther King
Martin Luther
Chandragupta Maurya
Ang terminong ito ay nangangahulugang “pagsakop muli”. Ito ay isang yugto ng kulang-kulang na 700 taon kung saan ang ilang mga Kristiyanong kaharian sa Iberian Peninsula ay nagtagumpay sa pagbawi ng tangway mula sa Muslim.
krusada
reconquista
indulhensiya
mestizo
Ayon sa kanya, hindi daigdig ang sentro ng kalawakan kundi ang araw samantalang ang daigdig ay umiikot sa paligid nito (Heliocentric Model).
Galileo Galilei
Nicholas Copernicus
Plato
Isaac Newton
Nakapagtala si _________ ng mahigit na 1000 bituin at pinatunayang ang kometa ay representasyon ng pagbabago sa kalawakan. Ipinakita rin niya ang iregularidad sa orbit ng buwan at nakadiskubre ng bagong bituin sa Cassiopeia formation.
Rene Descartes
Brahe
Keppler
Isaac Newton
Ito ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-17 hanggang ika-18 siglo. Ito ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang akayin ang mga Europeo palayo sa mahabang panahon ng kawalang katuwiran, ng superstisyon o pamahiin at ng mapaniil na kondisyon tungo sa paggamit ng rason o katuwiran, kaalaman at edukasyon.
Liberalismo
Enlightenment
Renaissance
Reformation
Si ________ ay isang politico at entrepreneur na Briton ang nanguna sa pagpapalawak ng Britain sa Timog Africa. Sinakop niya ang Botswana at itinatag ang Rhodesia.
Johannes Kepler
Henry Stanley
David Livingstone
Cecil Rhodes
Sa ilalim ng mga imperyong Espanyol, sila lamang ang may karapatang humawak ng matataas na posisyon ng pamahalaang kolonyal.
Espanyol
peninsulares
insulares
creole
Noong 1860, siya ay nahalal na pangulo ng Amerika at nagdeklara ang pitong estado sa timog ng paghihiwalay sa United States at pagtatag ng Confederate States of America.
Richard Nixon
John F. Kennedy
Abraham Lincoln
Thomas Jefferson
Siya ang isa sa naging pangunahing tagapagtaguyod ng ideolohiyang liberalismo.
John Locke
Karl Marx
Martin Luther
Edmund Burke
Habang inilulunsad ng hukbong sandatahan ng Germany ang ________ sa karatig pook nito upang masukol ang Soviet Union, isinagawa naman ng Fascist Italy ang pagsalakay sa Malta noong ika-11 ng Hunyo 1940.
harakiri
kamikaze
blitzkrieg
pagsuko
Nakilala ang mga pinuno na sina _________ (Venezuela) at Jose de San Martin (Argentina) sa gitna ng pag-aaklas ng mga creole. Pinamunuan nila ang mga hukbo laban sa mga Espanyol at ipinangako ang pagpapalaya ng mga alipin.
Che Guevarra
Simon Bolivar
Miguel Hidalgo
Jean-Jacques Desalines
Nanguna ang bansang ito sa pananakop sa Hilagang Asya sa pamamagitan ng mga eksplorasyon sa Siberia simula noong ika-17 na siglo.
Russia
Amerika
India
Ukraine
