wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 10 3rd quarter review quiz

Total questions: 30

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Siya ay malakas, mataas tulad ng higante, at nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.

a)

A. Ahmad

b)

B. Liongo

c)

C. Sarah

d)

D. Toby

2.

Ito ay akdang pampanitikang tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha.

a)

A. alamat

b)

B. epiko

c)

C. mito/mitolohiya

d)

D. parabula

3.

Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin.

a)

A. pagkiklino

b)

B. pagpapakahulugan

c)

C. pagsasaling-wika

d)

D. pagsusuring-wika

4.

Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya. Ang pahayag na ito ay nagpapatunay na ________.

a)

A. nalaman ng anak ni Liongo ang sikreto niya

b)

B. ang anak ni Liongo ang nakapatay sa kaniya

c)

C. walang galang sa magulang ang anak ni Liongo

d)

D. sa agawan ng kapangyarihan, walang kinikilala kahit kadugo

5.

Ang sumusunod ay mga pamantayan o gabay sa pagsasaling-wika maliban sa isa

a)

A. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin

b)

B. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.

c)

C. Manirahan sa bansang pinagmulan ng wikang isasalin o pagsasalinan.

d)

D. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.

6.

Ano ang damdaming namamayani sa nagsasalita sa pahayag na: “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin”?

a)

A. pagkadismaya

b)

B. pagkalito

c)

C. pagkasiya

d)

D. pagkatuwa

7.

Anong katangian ni Mullah Nassreddin ang naibigan ng mga tao?

a)

A. pinakamagaling na hari

b)

B. pinakamabuting komedyante

c)

C. pinakamahusay sa pagkukuwento

d)

D. pinakamahusay sa pagsulat ng kuwento

8.

Tungkol saan ang paksa ng anekdotang Mullah Nassreddin?

a)

A. pananampalataya

b)

B. karanasan sa buhay

c)

C. kuwento ng kaibigan

d)

D. paninindigan sa buhay

9.

Kapag nilagyan ng mga panlaping sa- at -in ang salitang-ugat na “sambit”, ano ang magiging bagong kahulugan nito?

a)

A. sasabihin

b)

B. sinabi

c)

C. sinasabi

d)

D. sinasabihan

10.

Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamasidhi o pinakamatinding antas ng damdamin?

a)

A. inalagaan

b)

B. kinalinga

c)

C. kinupkop

d)

D. tinangkilik

11.

Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang tumutukoy o nagpapakita ng kaluluwa ng akda?

a)

A. kariktan

b)

B. sukat

c)

C. talinghaga

d)

D. tugma

12.

Kailangang maging mapili sa mga salitang gagamitin sa pagbuo ng isang tula upang maging ____________.

a)

A. mabilis ang pagkakasulat ng tula

b)

B. mas madali ang paglalathala ng tulaB. mas madali ang paglalathala ng tula

c)

C. sakto ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod

d)

D. malikhain ang paraan ng pagpapahayag ng saloobin ng mayakda

13.

“Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta, mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata.” Anong damdamin ang mahihinuha mula sa pahayag?

a)

A. pagdurusa

b)

B. paghanga

c)

C. pagkamuhi

d)

D. pagmamahal

14.

Ito ang damdaming naramdaman ni Kibuka sa pagkamatay ng kaniyang alaga.

a)

A. pagkalungkot

b)

B. pagkasiya

c)

C. pagkadismaya

d)

D. pagkabagot

15.

Sa tingin ko, kamangha-mangha at tila kabalintunaan pa ang kabaitang ipinakita ni Jasmine sa lahat ng uri ng tao at maging sa hayop kaya’t masasabing tunay nga siyang iba. Anong pahayag na naglalahad ng opinyon ang ginamit sa pangungusap?

a)

A. tila

b)

B. tunay

c)

C. kamangha-mangha

d)

D. sa tingin ko

16.

Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko.

a)

A. dulaan

b)

B. salaysay

c)

C. talumpati

d)

D. tula

17.

Ito ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng mabisang talumpati.

a)

A. opinyon

b)

B. oras at panahon

c)

C. pagpili ng paksa

d)

D. pook at okasyon

18.

“Naintindihan ninyo ‘yan? Tinanggal ko na ang politiko. Puro na ito sa gobyerno. Mga military ito pero retired. Sibilyan na ‘yan.” Tukuyin kung anong uri ito ng pahayag.

a)

A. ‘di tuwirang pahayag

b)

B. diskursong pahayag

c)

C. Tuwirang Pahayag

d)

D. Matalinghagang Pahayag

19.

“Ang pera, dadating. Ang pagkain dadating, huwag lang kayong magulo.” Ibigay ang iyong reaksyon sa nasabing pahayag

a)

A. nananabik sa pera at pagkaing darating

b)

B. nagsasaya dahil may ibibigay pa ang gobyerno

c)

C. natatakot na hindi mabigyan ng pera at pagkain

d)

D. nawala ang pangambang wala nang mapagkukunan ng makakain

20.

Kinupkop ni Okonkwo si Ikemefuna, ang batang naging kabayaran sa tribo ng Umuofia. ‘Di naglaon ay unti-unti siyang napamahal dito gayon din ito sa kaniya at itinuring siyang pangalawang magulang. Ang teoryang pampanitikang masasalamin sa bahaging ito ng nobela ay _______________.

a)

A. Historikal

b)

B. Humanismo

c)

C. Pormalistiko

d)

D. Marxismo

21.

Isang kuwento ng nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.

(a)  

22.

Ano ang salin sa Ingles ng salitang "matatag"?

(a)  

23.

Ano ang nawawala sa listahan ng pahayag ng layon o damdamin?
Pagpapayo, Panghihikayat, Pag-aalala, Pagsalungat at Pagsang-ayon...

(a)  

24.

Isalin ang kasabihan na "Kapag may tiyaga may nilaga."

a)

If there is patience there is stew.

b)

If you have perseverance, it will bear fruit.

25.

Noong una ay sumasamba sa diyos-diyosan ang mga taga-Umuofian. Lumipas ang maraming panahon, dumating ang mga misyonero sa kanilang lupain at ipinakilala ang Kristiyanismo, dito unti-unting nabago ang paniniwala ng tribo. Anong teorya ng panitikan ang masasalamin sa bahaging ito ng nobela?

a)

A.eksistensyalismo                       

b)

B. historikal

c)

C. pormalismo

d)

D. marksismo

26.

Nagsanay nang mabuti si Liongo sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan sa pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Ang mga pahayag na ito ay nagpapatunay na si Liongo ay madaling magtiwala sa kaniyang kapuwa.

a)

TAMA

b)

MALI

27.

“Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin, na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.” Ang kaniyang anak ay _______.

a)

A. marangal

b)

B. mahina’t sakitin        

c)

C. magiging mandirigma

d)

D. malakas kahit na siya’y maliit

28.

Siya ang pangunahing tauhan sa “Ang Alaga” na nakita ang kagandahan ng buhay

(a)  

29.

Siya ang sumulat ng Thing Fall Apart.

(a)  

30.

Siya ay namuno sa Mali ng 250 taon dahil sa taglay niyang kalakasan.

(a)