wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT

Total questions: 39

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Paano nagkakaroon ng ugnayan ang kulturang Kanluranin at kulturang Asyano?

a)

Sa pamamagitan pagdaloy ng kultura.

b)

Ang Asya ay naging pamilihan ng mga kalakal na gawa ng mga dayuhan.

c)

Ang mga mangangalakal ay nagdala ng kani-kanilang mga produkto sa mga pamilihan.

d)

Sa pananakop nagkaroon ang mga Kanluranin at mga Asyano ng ugnayan dala dala ang iba’t-ibang kultura.

2.

Ang India ay nakararanas ng sistemang kolonyalismong pananakop sa bansang Great Britain. Ano naman ang sistema ng pananakop na nararanasan ng Kanlurang Asya?

a)

Protectorate

b)

Charter

c)

Kapitalismo

d)

National Congress

3.

Alin sa sumusunod ang ginamit na paraan ni Gandhi sa pakikipaglaban para makamit ang kalayaan sa bansang India?

a)

Violence

b)

Non - Violence

c)

Boycott

d)

Hunger strike

4.

Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?

a)

Pagkaroron ng magandang relasyon sa ibang bansa

b)

Lalong lumubha ang katayuan ng mga Asyano.

c)

Paggamit ng likas na yaman

d)

Napaunlad ang kalakalan

5.

Isa sa mga kilalang manunulat ng India ay si Rabindranath Tagore na nagwagi ng 1913 Gawad Nobel sa panitikan. Paano pinahahahalagahan ng kanyang mga akda ang mga Asyano?

a)

Nagpapakita ng repleksyon ng kultura ng mga mamamayan.

b)

Inilalarawan sa kanyang mga akda ang kagandahan ng kabihasnan.

c)

Tungkol sa ordinaryong pamumuhay at dinaranas na paghihirap ng mga tao.

d)

Naghihikayat sa kanyang mga kapwa Indian na ipagmalaki ang lahing Indian.

6.

Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop?

a)

Ang pananakop ng Roma ang may magandang intensiyon sa mga sinakop.

b)

Ang pananakop ng Europe ang nagbigay ng lakas sa ibang bansa na maging matatag.

c)

Ang pananakop ng United states ay may dalang tulong sa mga bansang sinakop at hindi marahas ang kanilang pagsakop.

d)

Walang naidulot ng maganda ang mga mananakop, nagdudulot lang ito ng kaguluhan at paglayo ng relasyon ng karatig-bansa.

7.

Paano nagkaroon ng interes ang ibang bansa lalo na ang ibang adbenturerong manlalakbay tulad ni Marco Polo na mahikayat at puntahan ang sinasabing rehiyon ng Asya?

a)

Maraming kaibigan si Marco Polo dahil isa rin siyang adbenturero kaya hinikayat niya ang kanyang kasamahan na pumunta sa mga lugar na namanghaan ni Marco Polo.

b)

Pinuntahan sila ni Marco Polo at ipinaliwanag niya lahat ang kanyang nakita sa kanyang paglalakbay

c)

Dahil sa aklat na isinulat ni Marco Polo na pinamagatang “The Travels of Marco Polo” (1477)

d)

Isinulat ni Marco Polo sa lahat ng diyaryo at nagbigay siya ng flyers para makita ito sa lahat.

8.

Bilang isang babae, paano mo mapapahalagahan ang pagiging pinuno mo sa isang samahang pangkababaihan?

a)

Maisulong ang karapatang pang-ekonomiko.

b)

Ang marinig ang hinaing at maisulong ang mga karapatan ng mga kababaihan.

c)

Maisulong ang karapatan ng kanilang sariling pamilya laban sa pang-aabuso.

d)

Mabigyan nang karapatan sa edukasyon ang mga piling kababaihan sa inyong lugar.

9.

Sa pamumuno ni Zulfigar Ali Bhutto ng Pakistan ay naipagtanggol ang proseso ng demokrasya sa kanilang bansa. Sa Jordan naman ay namuno si Reyna Rania Al-Abdulla laban sa pang-aabuso sa kababaihan. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Ang kababaihan ay kumilos bunga ng Kilusang Nasyonalista.

b)

Ang mga kababaihan ay nakipaglaban upang patuloy na mabuhay.

c)

Ang partisipasyon sa politika ng kababaihan ay halos walang pagbabago.

d)

May kapasidad ang samahang pangkababaihan upang maimulat ang publiko sa mga kontrobersya at magkaroon ng pagbabago.

10.

Ang nasyonalismo ay isang damdamin sa paghahangad ng pambansang kaunlaran, kalayaan at isinaalang-alang din ang kapakanan ng bansa. Ano ang kaugnayan nito sa ideolohiyang demokrasya?

a)

Hwag makialam sa kilusang karapatang pantao.

b)

Walang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin o saloobin

c)

Paglabag sa kalayaang makapamili ng mga opisyales sa pamahalaan.

d)

Pagkakaroon ng kalayaan at karapatang bumoto

11.

Paano pinahahalagahan ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang kanilang kultura batay sa disenyo ng kanilang mga arkitektura?

a)

Ang mga istruktura ay disenyo ng mga kilalang arkitekto sa Asya.

b)

Sa mga istrukturang ito ginaganap ang maraming mga pagtitipon.

c)

Ang mga istruktura na itinayo ay pawang may kinalaman sa relihiyon.

d)

Ang mga entrada ng mga gusali ay nagpapakita ng maraming mga palamuti.

12.

Ang 1973 na Saligang Batas na pinamumunuan ni Zulfiqar Ali Bhutto ay isa sa mga resulta sa malakas na kilusang kababaihan sa India. Ano ang magandang bunga nito sa kilusan?

a)

Pagbabawal sa Child Labor

b)

Pagkakaroon ng pantay na sahod sa mga kalalakihan

c)

Pagkakaroon ng benepisyo sa mga buntis na kababaihan

d)

Paghirang sa mga kababaihan sa mataas na posisyon sa pamahalaan

13.

Bago pa man ang pagtuklas ay may ugnayan ng nagaganap sa pagitan ng Europa at mga Asyano. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay rito?

a)

Nagsimula ang ugnayang ito sa pamamagitan ng pagsakop ng mga Europeo sa Asya.

b)

Ito ay sa pamamagitan ng paglalakbay ng mga Tsino patungong Europa.

c)

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo ng mga Europeo sa Asya.

d)

Pagkakaroon ng kalakalan sa pagitan ng mga Asyano at Europeong mangangalakal.

14.

Anong ideolohiya ang higit na nakaimpluwensiya sa mga kilusang nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya?

a)

Pasismo

b)

Sosyalismo

c)

Komunismo

d)

Demokrasya

15.

Madalas na nakakaranas ng Neokolonyalismo ang mga bansang kabilang sa Third World, ito ay sa dahilang:

a)

Mahina ang kanilang ekonomiya.

b)

Kinontrol ang mga gawaing panlabas ng kanilang bansa.

c)

Nag-uunahan ang mga kanluraning bansa na manakop sa Asya.

d)

Umaasa ang kanilang bansa sa kung anumang tulong mula sa kalapit na bansa.

16.

Pinamunuan ni Sarojini Naidu ang palatuntunang Women’s India Association na nagpapakita ng kanilang karapatan. Ano ang positibong resulta nito sa kababaihang Indians?

a)

Magkaroon nang maayos na tahanan

b)

Pagbibigay ng tamang oras sa pagtatrabaho

c)

Pagbabago sa batas ukol sa maagang pagpapakasal

d)

Nagbigay ito sa kanila ng kompulsaryong maternity leave.

e)

Pagbibigay ng karapatang makapagboto

17.

Ano ang tawag sa kasunduan na naglalaman ng pormal na pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig kung saan natalo ang Central Powers.

a)

Kasunduang Zaragoza

b)

Kasunduan sa Paris

c)

Kasunduang Tordesillas

d)

Kasunduang Versailles

18.

Ang pag-oorganisa upang maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang boses ay napakahalaga sa samahang pangkababaihan sa Asya. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan ng adhikaing ito?

a)

Naniniwala silang sa pag-oorganisa ng samahan ang makapabago ng katayuan ng kanilang pamumuhay.

b)

Nakita nila sa pag-oorganisa lamang ng mga samahan ang magbibigay sa kanila ng mga karapatan.

c)

Minsan na nilang naranasan ang iba’t ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyon sa lipunan at sa kanilang pamilya.

d)

Ang pag-organisa ng mga samahang pangkababaihan ang magbibigay sa kanila ng mas higit na karapatan kaysa mga kalalakihan.

19.

Nagalit ang mga Indian, Hindu at Muslim sa paggamit ng langis ng hayop sa paglilinis ng mga ripple at cartridge na naging bunsod ng hiwalay na pagkilos ng mga taga Timog Asya dulot na din ng iba’t-ibang pananampalataya. Ano ang naging kabuluhan ng pangyayaring ito sa mga taga-Timog Asya?

a)

Nagkakaroon ng magkahiwalay na pamahalaan ang Muslim at Hindu.

b)

Natutong tumayo sa sariling paa ang mga lugar sa Timog Asya.

c)

Dumami ang mga Muslim sa India.

d)

Naghiwalay ang Pakistan at India.

20.

Alin sa mga sumusunod ang epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya?

a)

Kinilala ang mga bayani ng Asya.

b)

Mas umunlad ang mga bansang mananakop.

c)

Ipinakilala ng mga dayuhan ang kanilang kultura.

d)

Naitatag ang sentralisadong pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya.

21.

Ang ngaTurkong Ottoman ang huling nanakop sa mga bansa sa Kanlurang Asya. May malaking epekto ba ang naging pagsakop nito?

a)

Mayroon, dahil kontrolado na ng mga Turkong Ottoman ang lahat.

b)

Mayroon, dahil inaabuso ng mga Turkong Ottoman ang mga likas na yaman.

c)

Wala, dahil ang mga naiambag nila sa lipunan ay parte ng kasaysayan sa panankop.

d)

Wala, dahil ang pananakop ng Turkong Ottoman ay nagsisilbing aral sa lahat ng mga mananakop.

22.

Ilan sa mga halimbawa ng panitikan sa Kanlurang Asya ay ang mga akdang “Songs of Jerusalem”, “Arabian Nights” at “Rubaiyat”. Ano ang masasabi mo sa tema ng mga akdang ito?

a)

Binibigyang diin dito ang kulturang Asyano.

b)

Pinahahalagahan nila ang kanilang dedikasyon sa pag-aaral.

c)

Pinananatiling buo ang mga tradisyong lokal ng Kanlurang Asya.

d)

Ito ay may kaugnayan sa relihiyong Islam na kanilang paniniwala.

23.

Naniniwala ka ba na ang nasyonalismo ang nagbibigay ng kalayaan sa mga bansang nasakop?

a)

Oo, sapagkat iyon ang sinasabi ng kasaysayan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

b)

Oo, sapagkat ang lubos na pagmamahal sa sariling bayan ay nagbibigay ng inspirasyon sa bawat mamamayang Asyano para makamit ang tunay na kalayaan.

c)

Hindi, sapagkat madaling sabihin ang konsepto ng nasyonalismo ngunit mahirap gawin.

d)

Hindi, sapagkat makamtan lamang ang kalayaan kung ito ay dadaan sa digmaan.

24.

Sa pagbuo ng kabihasnang Asyano, naipakita rito ang maraming bagay na ating maipagmamalaki tulad ng Taj Mahal at mga moske sa Kanlurang Asya. Ano ang mahihinuha mo dito?

a)

Nananatiling buo ang mga tradisyong kinagisnan ng mga Asyano.

b)

Ang sentro ng paggawa ng mga Asyano ay nakapaloob sa relihiyong niyakap at kinagisnan.

c)

Hindi natinag ang kulturang nabuo sa pagkakakilanlan bilang isang mayamang rehiyon sa kultura.

d)

May mataas na kakayahan, katalinuhan at kakaibang galing ang mga Asyano sa larangan ng arkitektura.

25.

Ang sumusunod ay dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya MALIBAN sa isa.

a)

Ang pagnanais ng simbahan at ng mga Kristiyanong Hari upang mabawi ang Jerusalem sa Israel.

b)

Sa pagbagsak ng Constantinople ay napilitang maghanap ng ibang ruta ang mga mangangalakal na Europeo.

c)

Sa utos ng mga mangangalakal na Amerikano na sakupin ang mga bansa sa Asya na maaaring pagkukunan ng mga likas-yaman.

d)

Maraming mga adbenturerong Europeo ang namangha at nahikayat na makarating at makipagsapalaran sa Asya dahil kay Marco Polo.

26.

Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa India MALIBAN sa:

a)

Racial Discrimination

b)

Pagpapatigil sa tradisyong Suttee

c)

Pagpapatigil sa Zionism

d)

Pagpapatigil Sa female infanticide

27.

Ang Zionism ay ang pag-uwi sa Palestine ng mga Jew mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig. Anong konklusyon ang maaaring mabuo nito?

a)

Nagpapakita ito ng pagbubunyi sa tagumpay na kanilang nakamtan.

b)

Ito ay umpisa ng kanilang pagkakaisa bilang isang bansa.

c)

Naghahanda sila sa paparating na digmaan.

d)

Ito ay nagpapakita ng kanilang pagkatao.

28.

Sa paanong paraan HINDI nakatulong sa pag-unlad ng Timog-Silangang Asya ang liberalisasyon ng ekonomiya sa daigdig?

a)

Wala silang maitutumbas sa malayang pagpasok ng teknolohiya ng mauunlad na bansa.

b)

Umaasa na lamang sila sa tulong na maibibigay ng International Monetary Fund at World Bank.

c)

Mas lalong dumami ang mga kurikulum sa edukasyon dahil sa dikta ng mayayamang bansa.

d)

May mga pandaigdigang kompanya na hindi nagbibigay ng suporta sa mga patakaran ng papaunlad na bansa.

29.

Naniniwala ka ba na ang nasyonalismo ang nagbibigay ng kalayaan sa mga bansang nasakop?

a)

Oo, sapagkat iyon ang sinasabi ng kasaysayan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

b)

Oo, sapagkat ang lubos na pagmamahal sa sariling bayan ay nagbibigay ng inspirasyon sa bawat mamamayang Asyano para makamit ang tunay na kalayaan.

c)

Hindi, sapagkat madaling sabihin ang konsepto ng nasyonalismo ngunit mahirap gawin.

d)

Hindi, sapagkat makamtan lamang ang kalayaan kung ito ay dadaan sa digmaan.

30.

Gamit ang talahanayan ng GDP % Growth sa itaas, alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakaayos mula pinakamataas hanggang pinakamababa?

a)

Qatar, UAE, Israel Kuwait, Bahrain

b)

Iraq, Iran, Bangladesh, Bhutan, Pakistan

c)

Iraq, India, Bangladesh, Bhutan, Pakistan

d)

UAE, Qatar, Kuwait, Bahrain, Saudi Arabia

31.

Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa Renaissance MALIBAN sa isa.

a)

Isa itong kilusang pilosopikal na makasining.

b)

Ito ay nagsimula sa Italya na naganap noong 1350.

c)

Ang kaganapang ito ang naging dahilan ng pagkakaroon ng Krusada.

d)

Binigyang diin ang pagbabalik interes sa mga kaganapang klasikal sa Greece at Roma.

32.

Ang madalas na pagtulong ng mayayamang bansa sa mga bansa sa Asya ay nagresulta sa anong kaganapan?

a)

Nagkaroon ng pagbabago sa larangan ng edukasyon.

b)

Naitatag ang International Monetary Fund at World Bank.

c)

Naging palaasa lamang ang umuunlad at mahihirap na bansa.

d)

Lalong lumakas ang larangan ng pananalapi, pulitika, maging kapakanan ng bansa.

33.

Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng Imperyalismo?

a)

Ito ay ang panahon ng pananakop.

b)

Tumutukoy sa pagtulong ng mga mayayamang nasyon-estado sa mga nasyong umuunlad.

c)

Ito ay ang paggalugad ng isang umuunlad na nasyon-estado upang maging makapangyarihan

d)

Ang imperyalismo ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pulitikal, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado.

34.

Merkantilismo ang prinsipyong pang-ekonomiya na umiiral sa Europa. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan dito?

a)

Kailangan na makapagtapos ng pag-aaral upang guminhawa ang buhay.

b)

Kapag matalino at masipag ka ay may malaking pagkakataon na yumaman ka.

c)

Kapag marami kang ginto at pilak, may pagkakataon kang maging makapangyarihan.

d)

Kapag marami kang ginto at pilak ay hahabulin ka ng pamahalaan dahil ang mga ito ay kanilang pag-aari.

35.

Karamihan sa mga bansa sa Kanlurang Asya ay may mataas na GDP. Ano ang epekto nito sa kasalukuyang kalagayan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?

a)

Mas angat ang ekonomiya ng mga bansa sa Kanlurang Asya.

b)

Mas maraming mga kompanya ang mahihikayat sa Timog Asya.

c)

Mas may pagkakataon ang mga bansa sa Timog Asya na gumasta.

d)

Ang mga kompanya sa Kanluran ay makakakuha ng mas maraming manggagawa na may mabababang sahod.

36.

Minsang nangibabaw ang pangkat ng Taliban sa Afghanistan, isang grupong mga radikal na Muslim. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kanilang mga kautusan.

a)

Pagbabawal sa pagtatrabaho

b)

Pagsusuot ng tradisyonal na burka

c)

Pagtanggap ng benepisyong kalusugan

d)

Pag-alis sa karapatang bumuto ng mga kababaihan

37.

Nakatutulong ba ang pagtatalaga ng demarcation line ng dalawang makapangyarihang bansang nagpapaligsahan ng pananakop tulad ng Portugal at Spain?

a)

Oo, para hindi lumala ang hidwaan ng mga bansang nanakop.

b)

Oo, dahil ang nilagdaang kasunduan tulad ng Treaty of Torsedillas ay naglilimita sa pananakop.

c)

Hindi, dahil ang ideya ng kolonyalismo ay walang mabuting naidudulot.

d)

Hindi, dahil mas madagdagan ang pagnanasa ng mga makapangyarihang bansa na manakop

38.

Malaki ang impluwensya ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa buhay ng mga tao sa Timog at Kanlurang Asya. Paano nito binago ang kanilang pamumuhay?

a)

Nakuha ng mga Kanluranin ang inaasam-asam nilang kapayapaan.

b)

Nagtatag ng mga panibagong sistema ng pamahalaan ang mga Kanluranin sa buong Asya.

c)

Nagkaroon ng kalayaan ang mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya na gawin ang kanilang mga gusto.

d)

Nagbigay daan ito sa mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya para magtatag sila ng kanilang sariling grupo.

39.

Dahil sa nagaganap na globalisasyon ng edukasyon ay napaunlad ang kaalaman ng mga bansa. Sa paanong paraan ito ginamit ng mga Kanluaranin upang maganap ang intelektuwal na pananakop?

a)

Napilitan silang makipag-ugnayan sa mga mananakop.

b)

Naging palaasa ang mga mahihinang bansa sa mga bansang “First World”.

c)

Dahil sa kakulangan sa pondo and dayuhang atensiyon ang namahala sa paaralan.

d)

Naisakatuparan ang pag-aayos ng mga kurso at hindi maisasakatuparan ang sariling kurikulum.