wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT PAGBASA AT PASUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11

Total questions: 59

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon o di-piksiyon?

a)

Diyalogo

b)

Malikhaing Pagsulat

c)

Panitikan

d)

Tekstong Naratibo

2.

Tama lang ang desisyon ng SM Management dahil ang ganitong pelikula ay nakapagpapababa ng ating moralidad. Ano ang ipinapahayag ng pangungusap?

a)

pag-aalinlangan

b)

pagsang-ayon

c)

pagkagalit

d)

pagtutol

3.

Matangkad at guwapo ang kaibigan kong si Alex.

a)

Karaniwan

b)

Masining

c)

Teknikal

d)

Siyentipikal

4.

Ano ang angkop na damdamin o gawi ng tauhan?

a)

Pagiging tapat

b)

Pagiging handa sa pangyayari

c)

Pagiging maagap

d)

Pantay na pagtingin sa mga anak

5.

Anong pamamaraan ng paglalahad ng argumento ang pahayag sa ibaba?

a)

Lohikal

b)

Pabuod

c)

Pasaklaw

d)

Silohismo

6.

Ito ang paraan ng paggigiit ng katotohanan at paghihikayat na mapaniwala ang iyong tagapakinig o mambabasa na kumilos batay sa inyong panig. Anong uri ng teksto ang nabanggit?

a)

Tekstong Argumentatibo

b)

Tekstong Nanghihikayat

c)

Tekstong Naratibo

d)

Tekstong Prosidyural

7.

Ano ang tawag sa mapanuring pagsisiyasat sa nilalamang impormasyon ng isang teksto?

a)

Mapanuring Pagbasa

b)

Mapanuring Pakikinig

c)

Pagbasa

d)

Pakikinig

8.

Ang Ivatan, Ifuntok, Ibanag, at Gaddang ay ilan lamang sa mga katutubong wika sa Pilipinas. Anong uri ito ng paglalahad?

a)

Pagpapahindi

b)

Paghahambing

c)

Paghahalimbawa

d)

Pag-Uulit

9.

Bakit mahalaga na mabisa ang layunin?

a)

Para alam at maunawaan kaagad ng mambabasa ang nilalaman ng teksto

b)

Para mabilis ang pagkuha ng mambabasa

c)

Para maibigay ito sa ibang tao

d)

Wala lang, hindi ito importante

10.

Anong uri ng tekstong prosidyural ang gumagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa o likhain ang isang bagay?

a)

Direksyon

b)

Eksperimento

c)

Manwal

d)

Panuto

11.

Sino sa palagay mo ang naglalarawan sa aso?

a)

Amo

b)

Apo

c)

Kapwa aso

d)

Lolo

12.

Aling katangian ng mapanuring pagbasa ang nagsasagawa ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ng diskursong ginamit sa loob ng teksto?

a)

Aktibo

b)

Ekstensibo

c)

Intensibo

d)

Maingat

13.

Anong uri ng panghihikayat ang tumutukoy sa kredibilidad ng isang tao?

a)

Ethos

b)

Logos

c)

Pathos

d)

Phobos

14.

Ano pinapaksa ng tekstong binasa?

a)

Huwag mag-asawa

b)

Hindi masayang mag-asawa

c)

Pinag-iisipang mabuti ang pag-aasawa

d)

Pinag-iisipang mabuti ang pag-aasawa

15.

Ano ang isyung inilahad sa teksto?

a)

Kawalan ng kita ng mga prodyuser

b)

Masamang dulot ng malalaswang pelikula

c)

Ang pagbaba ng moralidad ng mga Pilipino

d)

Ang pagbabawal pagpapalabas ng Malalaswang pelikula sa mga sinehan ng SM

16.

Anong element ang nakapaloob sa pahayag?

a)

Banghay

b)

Tauhan

c)

Tagpuan

d)

Tema

17.

Anong propaganda device ang ginamit sa komersyal na ito?

a)

Bandwagon

b)

Card Stacking

c)

Glittering Generalities

d)

Plain Folks

18.

Ito mga patakaran sa paglalaro ng isang bagay, mga paalala sa kaligtasan sa kalsada, at mga manuwal na nagpapakita ng hakbang-hakbang na pagsasagawa ng iba't ibang bagay. Anong uri ng teksto ang inilahad?

a)

Tekstong Naratibo

b)

Tekstong Persweysib

c)

Tekstong Prosidyural

d)

Tekstong Argumentatibo

19.

Ano ang ibang tawag sa tekstong impormatibo na naglalayong magbigay ng impormasyon?

a)

Balita

b)

Deskriptibo

c)

Ekspositori

d)

Naratibo

20.

Alin sa mga sumusunod ay masining na paglalarawan?

a)

Mapupula ang kanyang mga labi.

b)

Ang silid ay maliit, maayos, yari sa kahoy.

c)

Si Mang Anton ay pandak.

d)

Singbilis ng hangin ang kotseng dumaan.

21.

Ang pre-viewing o pre-reading ay bahagi ng anong estratehiya sa mapanuring pagbasa? Pagiging ____________.

a)

Maingat

b)

Maparaan

c)

Masinop

d)

Replektibo

22.

Anong katangian ng mapanuring mambabasa mayroon ang isang indibidwal na habang bumabasa ay nagtatala ng mga mahahalagang impormasyon at anotasyon?

a)

Aktibo

b)

Ekstensibo

c)

Intensibo

d)

Maingat

23.

Anong elemento ang tumutukoy sa isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig?

a)

Argumento

b)

Pangangatuwiran

c)

Proposisyon

d)

Silohismo

24.

Alin sa apat na antas ng pagbasa ang ginagamitan ng kritikal na pagiisip upang ganap na maunawaan ang kahulugan ng teksto at pananaw ng manunulat?

a)

Analitikal

b)

Mapagsiyasat

c)

Primarya

d)

Sintopikal

25.

Anong pamamaraan ng mapanuring pagbasa ang tumutukoy sa pagbabasa ng isang indibidwal ng maramihang teksto na naaayon lamang sa kaniyang interes bilang isang mambabasa?

a)

Aktibo

b)

Ekstensibo

c)

Intensibo

d)

Maingat

26.

Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad sa kanyang katawan. Anong Uri ng punto de vista ang ginamit sa pahayag?

a)

Una

b)

Pangalawa

c)

Ikatlo

d)

Kombinasyon

27.

Anong uri ng tekstong impormatibo na nagpapakita ng pagkakaugnay- ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta?

a)

Pagbibigay katuturan

b)

Paghahambing

c)

Pag-Uuri at pagbubukod

d)

Sanhi at Bunga

28.

Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng Tekstong Persuweysib?

a)

Naglalahad ng impormasyon.

b)

Nagbibigay kaalaman sa isang di piksyon na sulatin.

c)

Iminumulat nito ang mga mamamayan sa kaganapan sa lipunan.

29.

Paano binigyang-katuturan ng may -akda ang paksa sa seleksyon?

a)

Pagbibigay Patnubay

b)

Paghahambing

c)

Paghahalintulad

d)

Sanhi at Bunga

30.

Anong katangian ng tekstong deskriptibo kapag ilalarawan mo ang iyong kaibigan bilang hingahan ng sama ng loob, madalas na nakapagpapagaan ng mga suliranin?

a)

Karaniwan

b)

Masining

c)

Obhetibo

d)

Subhetibo

31.

Anong uri ng tekstong prosidyural ang nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang isang bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay na may koryente tulad ng computers, machines at appliances?

a)

Direksyon

b)

Eksperimento

c)

Manwal

d)

Panuto

32.

Anong propaganda device ang ginamit sa komersyal na ito?

a)

Bandwagon

b)

Card Stacking

c)

Glittering Generalities

d)

Transfer

33.

Alin ang HINDI kasali sa mga responsibilidad at gawain ng mapanuring mambabasa?

a)

Bukas ang isip sa mga ideyang ipinahahayag ng may-akda o ng teksto.

b)

Bukas ang isip sa mga ideyang ipinahahayag ng may-akda o ng teksto.

c)

Sinusuri ang teksto mula sa iisang lente at pananaw lamang.

d)

Sinusuri ang teksto mula sa iba't ibang lente at hindi mula sa isang pananaw lamang.

34.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng tekstong argumentatibo?

a)

Matibay na ebidensiya para sa argumento

b)

Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto

c)

Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang nalalaman ng mga ebidensiya ng argumento

d)

Nakabatay ang nilalaman sa mga impormasyon mula sa sariling pagkakaunawa o kaalaman ukol sa isyu

35.

Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong,ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo. Anong elemento ng maikling kuwento ang makikita sa talata?

a)

Tagpuan at banghay

b)

Tagpuan at panahon

c)

Tagpuan at pananaw

d)

Tagpuan at tema

36.

Anong uri ng tekstong prosidyural ang larawang nakikita?

a)

Instructional Booklet

b)

Manwal

c)

Recipe

d)

Panuto

37.

Ayon sa Dictionary of Human Geography, ang imperyalismo ay nangangahulugan ng hindi pantay na pantao at teritoryal na relasyon sa pagitan ng mga bansa. Anong uri ito ng paglalahad?

a)

Pagbibigay katuturan

b)

Paghahambing

c)

Paglilista ng klasipikasyon

d)

Sanhi at Bunga

38.

Anong sulatin ang naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa pamamagitan ng paglalahad ng opinyon o paniniwala?

a)

Deskriptibo

b)

Impormatibo

c)

Naratibo

d)

Persuweysib

39.

Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa kapag napaso. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?

a)

Dapat mag-asawa ng marami.

b)

Dapat pag-isipan ang pag-aasawa.

c)

Dapat pag-isipan ang pag-aasawa.

d)

Maaaring maghiwalay kapag ayaw na.

40.

Hindi natin kailanman makalilimutan ang naging sitwasyon ng bansa sa bawat kalamidad. Hindi maaalis sa ating isipan ang paghihirap sa gitna ng pandemya. Kaya, hindi dapat tayo bumoto sa mga kandidatong trapo. Anong uri ito ng paglalahad?

a)

Pagpapahindi

b)

Paghahambing

c)

Paghahalimbawa

d)

Pag-uulit

41.

Inatasan ka ng iyong guro na magsulat ng proposisyon tungkol sa pagiging epektibo ng pagpapatupad ng isang polisiya. Ano ang iyong isusulat?

a)

Nararapat na ipagbawal ang paninigarilyo sa publiko dahil sa mga madadamay dito

b)

Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan.

c)

Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho sa ibang bansa.

d)

Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa sa bilingual education.

42.

Magkakaroon ng kumpetisyon sa pagsulat ng kuwento sa inyong paaralan. Isa ka sa napiling sasali dito. Ang narasyon na gagamitin ay dapat nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula. Anong ang iyong isusulat?

a)

Analepsis

b)

In medias res

c)

Prolepsis

d)

Reverse Chronology

43.

Alin ang mas wasto o mas akmang argumento para sa proposisyong nasa baba?

a)

Naniniwala ako rito dahil kung maipatutupad ito ay mas madali nang makalalaya ang isang babae laban sa pagmamalupit ng kaniyang asawa.

b)

Di ako naniniwala rito dahil hindi divorce ang daan upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan kundi tamang edukasyon at pagkatuto sa tamang pagtrato sa mga babae.

c)

Makatuwiran ito dahil mas maraming tao ang matatakot na gumawa ng pangangaliwa kung ipapasa ang batas na ito.

d)

Hindi makatuwiran dahil ang Diyos lamang ang maaaring bumawi ng ating buhay.

44.

Bakit mahalagang matukoy ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng teksto?

a)

nakatutulong sa pag-uunawa ng akda

b)

nababatid ang estilo ng pagkakasulat

c)

nakakukuha ng impormasyon

45.

May binigay na gawain ang inyong guro na sumulat ng isang halimbawa ng Teknikal na Paglalarawan. Ano ang iyong isusulat?

a)

Isang tula para sa iyong minamahal

b)

Mga nobela na hango sa isinulat ni Rizal

c)

Paglalarawan sa nakagisnang pamumuhay

d)

Katangian at Representasyon ng isang anatomiya ng tao

46.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa tekstong naratibo?

a)

Ang tekstong naratibo ay maaaring piksyon at di piksyon.

b)

Ang banghay ay tumutukoy sa lugar kung saan at kailan naganap ang mga pangyayari sa akda.

c)

Hindi mahalaga ang elemento ng tekstong naratibo sapagkat makabubuo parin ng kwento kahit wala ang mga ito.

d)

Ang paksa at tema ay ang maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo.

47.

Anong uri ng impormatibong teksto ito?

a)

Paglilista ng Klasipikasyon

b)

Sanhi at Bunga

c)

Pagbibigay Depinisyon

d)

Paghahambing

48.

Saang katangian ng tekstong deskriptibo ikaw ay maglalarawan sa isang tao ayon sa kaniyang tangkad o kulay ng balat?

a)

Karaniwan

b)

Masining

c)

Obhetibo

d)

Subhetibo

49.

Paano makikilala ang punto de bista sa isang teksto? Sa pamamagitan ng paggamit ng gabay na tanong na,_____________.

a)

Anong panauhan ang ginamit sa isang teksto?

b)

Sino angpangunahing tauhan sa akda?

c)

Sino ang pinag-uusapan?

d)

Sino ang bida sa akda?

50.

Ano ang tawag sa sistematikong proseso ng biswal na pagkilala at pagbibigay interpretasyon sa mga nakaimprentang simbolong pangkomunikasyon?

a)

Mapanuring Pagbasa

b)

Mapanuring Pakikinig

c)

Pagbasa

d)

Pakikinig

51.

Alin ang pinakamalimit na ginaga,it na uri ng teksto sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao sa kaniyang kapwa?

a)

Diyalogo

b)

Komplikasyon

c)

Paksa

d)

Pagsasalaysay

52.

Ano ang ipinapahayag ng pangungusap?

a)

pag-aalinlangan

b)

pagsang-ayon

c)

pagkagalit

d)

pagtutol

53.

Mayroon tayong iba't ibang uri ng pananaliksik, ilan sa mga ito ay ang kuwalitatibo at kuwantitatibo. Nakadepende sa mananaliksik kung ano ang kaniyang gagamitin sa kaniyang pag-aaral. Anong patunay ang pinakaangkop dito?

a)

Ito ay nagpapakilala ng pinagmulan, sanhi at bunga.

b)

Ito ay nagbibigay ng katuturan o depinisyon.

c)

Ito ay naghahambing at nagtutulad.

d)

Ito ay nag-uuri at nagbubukod.

54.

Ano ang paksa ng binasang seleksyon?

a)

Panghahalay ng ama sa anak

b)

Taong dapat na mawala sa lipunan

c)

Mga taong nakakagawa ng masama sa kapwa

d)

Makahayop na damdamin bunga'y kasamaan sa kapwa

55.

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa araw-araw.

a)

Karaniwan

b)

Masining

c)

Teknikal

d)

Siyentipikal

56.

Ano ang ginagampanan ng Tekstong Persuweysib?

a)

Naglalahad ng impormasyon.

b)

Nagbibigay kaalaman sa isang di piksyon na sulatin.

c)

Iminumulat nito ang mga mamamayan sa kaganapan sa lipunan.

d)

Nanghihikayat ng mga mambabasa partikular sa isang usapin, isyu o paksa.

57.

Kung ikaw ay susulat ng isang halimbawa ng tekstong prosidyural na nagbibigay ng panuto (instructions), alin sa mga sumusunod ang iyong isusulat?

a)

Pagbibigay ng gabay sa mambabasa kung paano magluto ng adobo.

b)

Pagbibigay ng malinaw na direksyon para makarating sa nais na destinasyon

c)

Panuntunan na nagbibigay sa mga manlalaro na gabay na dapat nilang sundin sa laro.

d)

Paggabay sa mga mambabasa kung paano maisasagawa ang kanilang takdang aralin sa Filipino.

58.

Inatasan kayo ng guro nyo na magsulat ng tekstong inpormatibo na naglalaon ng katangian o klasipikasyon ng isang langgam. Anong halimbawa ang iyong isusulat?

a)

Ang langgam ay maihahalintulad sa isang taong masipag at matiyaga.

b)

Ang langgam ay isang maliit na insekto na nabubuhay sa organisadong grupo.

c)

Ang mga langgam ay mga nilalang na matagal nang umiiral sa mundo. Ang mga langgam ay naging matagumpay na mag-ebolb ang kanilang anyo at pamumuhay, na nagresulta sa iba't-ibang uri at species.

d)

Ang langgam ay klasipikado sa order na Coleoptera. May iba't ibang pamilya ng langgam, kabilang ang Carabidae para sa pangkaraniwang langgam, at Scarabaeidae para sa mga beetle na kabilang sa pamilyang ito.

59.

Nagkaroon ka ng trabaho sa isang kompanya. Sa inyong team, gagawa kayo ng patalastas tungkol sa isa ninyong produkto. Sinabihan ka ng iyong lider na sumulat ng script at hindi mo dapat isulat ang mga masasamang dulot nito at sa halip ay ang mga magagandang epekto lamang. Anong device ng propaganda ang iyong isusulat?

a)

Bandwagon

b)

Card Stacking

c)

Plain Folk

d)

Transfer