NEW
Font size
WorksheetsPilosopiya ng Tao
Total questions: 30
Worksheet time: 10mins
Ito ang mga binuong kapahayagan na nagpapakita ng mga kuro-kuro na lampas na sa pagbibigay ng katotohanan.
Argumento
Konklusyon
Paniniwala
Opinyon
Ito ay kapahayagang nagpapakita ng pag-aangkin ng katotohanan at waring makatuwiran at lohikal subalit ilan sa mga ito ay base sa mga maling pangangatwiran.
Pagkiling
Argumento
Pagtatangi
Kwento
Ito ay mga kapahayagang nag-aakala na ang pag-aangkin ay totoo at naglalaan ng mga dahilang sumusuporta dito.
Katotohanan
Paliwanag
Argumento
Konklusyon
“Noong ganiyan ang edad ko sa’yo may-asawa na ako. Paglagpas ng edad mo sa kalendaryo dapat may-asawa ka na!” Ang kapahayagang ito ay nagpapakita ng anong uri ng palasiya?
Confirmation bias
Appeal to the tradition
Framing
Fallacy of division
Nagpapakita ito ng malinaw na kabatiran at pagkaunawa sa isang bagay mula sa mga katanungang nagpapahintulot ng malinaw na kasagutan na naglalaan ng katotohanan.
Kaunawaan
Kasanayan
Kabatiran
Kaalaman
Ito ay mga tendensiya o impluwensya na nakakaapekto sa mga pananaw ng mga tao.
Pagkiling
Kwento
Pagtatangi
Argumento
. “Malamang naniniwala siya na ang gobyerno ay mandaraya dahil isa siyang rebelde at komunista!” Ang kapahayagang ito ay nagpapakita ng anong uri ng palasiya?
ad hominem
Begging the question
Confirmation bias
Fallacy of composition
“Ito na talaga ang pinaka masarap na Milk Tea na natikman ko!” Ang kapahayang ito ay nagpapakita ng:
Panlalait
Pag-aangkin
Pagmamalaki
Pag-iimbot
Ito ay may napakahalagang layunin sa pilosopiya yamang nagbibigay ito ng pagnanasang malaman nang higit pa angkatotohanan.
Pagbubuod
Pagbuo ng matalinong konklusyon
Pagbabasa
Pagdududa
Ito ay mga pahayag na maaaring nagtataglay ng katotohanan o opinyon. Kadalasan ng naipapahayag ito gamit ang maiikling pananalita o pangungusap.
Opinyon
Katunayan
Preposisyon
Katotohanan
Ano ang nagbibigay daan sa tao na kumilos tuwing nais niya at ginagawang posible ang pagpapasiya sa sarili?
Dangal
Kamalayan sa sarili
Malayang pagpapasiya
Mungkahi mula sa kaibigan
Hindi ito nakikita o nahahawakan na elemento na nagbibigay-daan sa atin upang magamit ang ating pag-iisip, magkaroon ng kamalayan, panloob, at kapasidad na makipag-ugnayan sa ibang tao sa mundo.
Espiritu
Isip
Kaluluwa
Panloob na mundo (Inner world
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na gumawa ng mga pagpipilian at pagpapasya batay sa kanyang mga kagustuhan, pagsubaybay at pagsasa-ayos ng kanyang mga aksyon, at pagtuon sa kanyang tunguhin at sa sarili.
Dangal
Ganap na kalayaan
Pagpapasiya sa sarili
Sariling kamalayan
Ang sumusunod ay mga mahahalagang katangian ng tao na nagpapabukodtangi sa kanya maliban sa ____________.
Pagkakaroon ng Dangal
Mayroong Kamalayan sa sarili
May kakayahan sa malayang pagpapasiya
May kakayahang makipag-ugnayan sa iba at sa mundo
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng panlabas o ang kakayahang makipag-ugnayan sa iba at sa mundo
Naliligaw si Peter sa bayan ng Marikina, mas ninais niyang gamitin ang kanyang cellphone upang malaman kung siya ay
nasa tamang lugar at direksyon.
Inatasan ng kanyang guro si Fatima na kunin ang libro sa silid-aklatan, kaya naman nakiusap siya sa School Librarian na
tulungan siyang makita ito
Marumi ang silid-aralan nina Jeff at Kasandra, ngunit hindi nila ito alintana.
Laging naglalakad mag-isa si Kim sa tuwing siya ay papasok sa paaralan, kahit na malayo pa ito sa kanilang tirahan.
Ang kakayahang malampasan ang iyong mga pagkakatakda ay tinatawag na __.
Pagkakatakda
Pagsasaibayo
Transendente
Wala sa mga nabanggit
Ang nagbibigay ng mga kapaki-pakinabang na bagay na magagamit mo sa pagtuklas ng iyong mga pagkakatakda at pagsasaibayo para sa transendente
Pilosopiya
Pamimilosopo
Siyentipiko
Siyensya
Tumutukoy sa ilang mga bagay na likas na hindi mo magagawa bilang isang tao.
Mapaghangad
Pagkakatakda
Transendente
Ang pagiging mapag-ibayo
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang malinaw na nagpapakita ng pagsasaibayo?
. Alam ni Miguel na kaya na niyang lumangoy sa swimming pool na may apat na talampakan ang lalim at itinuturing niya
itong isang malaking bahagi ng kaniyang pag-unlad.
Kayang-kayang gumawa ng limampung nakasupot na daing si Ruben sa loob lamang ng labin-limang minuto, na dati rati
ay tumatagal ng tatlumpung minuto.
Gustong-gusto ni Luisa na higitan ang bilis ng leon sa pagtakbo dahil nais niyang maging isang manlalaro sa kanilang
paaralan.
Nahigitan ni Anna ang kanyang marka sa asignaturang Matematika dahil sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga sa
pag-aaral
Anong pangungusap sa ibaba ang nagpapakita ng pagkakatakda?
. Kayang-kayang gumawa ng limampung nakasupot na daing si Ruben sa loob lamang ng labin-limang minuto.
Alam ni Miguel na kaya niyang lumangoy sa swimming pool na may apat na talapakan ang lalim.
Nahigitan ni Anna ang kanyang marka sa asignaturang Matematika.
Gustong-gusto ni Luisa na higitan ang bilis ng leon sa pagtakbo.
Ito ay sangay ng pilosopiya na tumutukoy sa likas ng kapaligiran at ng sangkatauhan nito.
Kapaligiran
Hustisya ng kapaligiran
Pilosopiya ng kapaligiran
Kagandahan ng kapaligiran
Isinasaalang-alang nito na ang tao ang pinakamahalagang uri sa planeta.
Anthropocentrism
Biocentrism
Ecocentrism
Pagkamakakalikasan (Environmentalism)
Ang pananaw na ito ay naniniwala na ang lahat ng mga organismo ay may likas na halaga at dapat na pahalagahan at protektahan.
Anthropocentrism
Biocentrism
Ecocentrism
Pagkamakakalikasan (Environmentalism)
Ang pananaw na ito ay nagbibigay halaga sa ekosistema at biyolohikal na komunidad.
Anthropocentrism
Biocentrism
Ecocentrism
Pagkamakakalikasan (Environmentalism)
Alin sa mga pahayag na ito ang HINDI patungkol sa sangkatauhan at kalikasan?
Ang mga tao ay mga katiwala ng kalikasan.
Ang sangkatauhan ay may natatanging kaugnayan sa kalikasan.
Ang mga tao ay magagawang magbago at magbago ng kapaligiran
Ang sangkatauhan ay maaaring gamitin ang likas na yaman nang hindi isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan.
Ang pananaw na ito ay nagtataguyod ng pagkilos upang malutas ang mga problema sa kapaligiran.
Anthropocentrism
Biocentrism
Ecocentrism
Pagkamakakalikasan (Environmentalism)
Ito ay isang moral na pamamaraan sa pagsusuri ng ugnayan sa pagitan ng tao at ng kapaligiran.
Etika ng kapaligiran
Hustisya ng kapaligiran
Pilosopiya ng kapaligiran
Kagandahan ng kapaligiran
Alin sa mga pahayag na ito ang HINDI sumasalamin sa etika ng kapaligiran?
Dapat nating itaguyod ang kapakanan ng kapaligiran at lahat ng narito
Ang mga natural na kalamidad ay walang kaugnayan sa mga gawaing pantao.
Ang tao ay dapat gumawa ng aksyon upang malutas ang mga probelma sa kapaligiran.
Dapat nating pagnilayan kung paano ipinakikita ng ating pagkilos ang pag-iingat sa kalikasan.
Ang konsepto na ito ay tumutukoy sa patas na pamamahagi ng mga benepisyo sa kapaligiran at pasanin sa pagtugon sa mga hamon sa kapaligiran.
Etika ng kapaligiran
Hustisya ng kapaligiran
Pilosopiya ng kapaligiran
Kagandahan ng kapaligiran
Alin sa mga pahayag na ito ang HINDI nauugnay sa pagpapanatili ng pag-unlad?
Ang mga aktibidad ng tao ay hindi dapat negatibong nakakaapekto sa kapaligiran.
Ang likas na yaman ay dapat gamitin nang may talino at kahusayan.
Ang likas na yaman ay dapat na mapangalagaan para sa ibang tao.
Dapat gamitin ng sangkatauhan ang lahat ng likas na yaman.
