Font size
WorksheetsPaglilinis at Pag-aayos ng Bahay
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
Ano ang dapat gawin sa mga bagong labang damit ?
A. Tupiin nang maayos at ilagay sa tamang lalagyan.
B. Tupiin at ilagay sa upuan.
C. Hayaan itong nakasabit sa hanger.
D. Ilagay sa kahon at huwag nang tupiin.
Sa pagkabit ng butones sa uniporme, bakit kailangan ni Mila ang kakulay na sinulid sa telang ginagamit?
A. Para maayos at maganda ito tingnan
B. Para hindi sayang ang oras at pera na pinambili nito
C. Para hindi pagtawanan ng iyong kamag-aral
D.Para hindi pagalitan ng nanay
Bakit kailangang ilagay ang karayom at aspili sa pin cushion habang nagtatahi?
A. para maging malinis
B. para maging gabay habang nagtatahi
C. para maiwasang matusok
D. para mabilis makapagtahi
Araw ng Sabado, ikaw ang nakatalagang magwalis ng inyong sahig. Paano mo ang tamang pagwawalis upang hindi lumipad ang alikabok?
mabilisan
dahan-dahan
ipunin sa bawat sulok
wala sa nabanggit
Winalis mo ang mga dahon sa inyong bakuran. Paano mo isasagawa ang wastong paraan sa paglilinis nito?
Ilagay sa hinukay na balon upang maging pataba
Sunugin lahat ang basurang naipon sa pagwawalis
Ipunin lamang ito at pabayaan na.
Ilagay sa sako ang mga dahon na winalis mo
Nakita mo na pinagsasama sama ng iyong kapatid ang lahat ng basura sa inyong tahanan. Ayon sa inyong napag-aralan dapat ito ay magkakahiwalay. Paano mo itatama ang maling ginagawa ng iyong kapatid?
Pagagalitan ko siya dahil mali ang ginagawa niya.
Tutulungan ko siya sa tamang paghiwa-hiwalay ng basura.
Sasabihin ko na tama ang kanyang ginagawa.
Hahayaan ko na gawin ito ng aking kapatid dahil wala namang nakakakita.
Nais mong sumunod sa batas sa tamang paghihiwalay ng basura sa inyong barangay, paano mo ito isasagawa?
Pagsasamahin ko lahat ang basura sa aming tahanan.
Hahayaan ko na nilalangaw ang sama-samang basura sa aming basurahan.
Ihihiwalay ko ang nabubulok sa hindi nabubulok na basura.
Wala akong gagawin dahil sagabal pa ito sa aking paglilinis.
Ano ang kagamitan sa pananahi sa kamay na may maliit na hibla ng sinulid
karayom
sinulid
didal
gunting
Saang pangkat nabibilang ang mga prutas at gulay?
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Food pyramid
Ano ang gagawin mo pagkatapos mong kumain at magligpit ng pinagkainan?
Liligpitin at ilalagay sa lababo ang pinagkainan
Liligpitin ang pinagkainan pero hindi ko huhugasan
Iiwanan ko sa mesa ang aking pinagkainan
Liligpitin at huhugasan ko ang aking pinagkainan
Namantsahan ng kalawang ang suot mong uniporme. Ano ang gagawin mo bilang pantaggal dito?
Buhusan ng tubig
Pabayaan na lamang
Sabunin
Pigaan ng kalamansi at bleach.
Anong kagamitan sa pananahi sa kamay ang inilalagay sa bahaging tatahiin bilang pamigil sa tela upang hindi ito gumalaw?
didal
sinulid
aspili
karayom
Nakapasok na sa paaralan si Rina nong mapansin niya na natanggal ang butones ng kanyang unipormeng pamasok. Anong angkop na butones ang kanyang gagamitin?
kutsetes
shank
straight button
two hole button
Natabig mo ang baso at nabasag habang nagliligpit ka ng pinagkainan. Ano ang dapat mong gawin?
Patay malisya ako at dadalian ko ang pagliligpit ng pinagkainan
Maingat kung pupulutin ang mga bubog at itatapon sa basurahan
Tatawagin ko ang nakababata kung kapatid at siya na ang magliligpit
Sisipain ko patago sa ilalim ng upuan
Saan dapat ilagay ang mga natirang pagkain o hindi naubos?
sa cabinet
sa refrigerator
sa kahon
sa basurahan
Anong kagamitan sa pananahi ang isinusuot sa gitnang daliri at ginagamit itong pantulak ng karayom kung mananahi.?
gunting
didal
sinulid
karayom
Nais ni Aling Cora na maglinis ng kanilang bakuran , Alin sa sumusunod ang maari niyang gamitin?
bunot
mop
walis tingting
walis tambo
Saang pangkat nabibilang ang mga pagkaing kanin, mga bungang-ugat tulad ng kamote, tinapay at mantikilya?
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Food pyramid
Inutusan ka na linisin ang salamin ng inyong bintana. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gamitin?
diyaryo o newspaper
eskoba
basang bunot
walis tambo
Paano mo itatama ang maling gawi ng iyong kapatid na nagsasalita habang puno ng pagkain ang kanyang bibig?
Patitigilin ko siya sa kanyang pagkain
Hindi ko siya papakainin sa mesa
Pagagalitan ko siya
Sasabihan ko siya na huwag magsalita habang puno ang bibig dahil ito ay hindi magandang asal
Ano ang dapat gawin ni Liza kapag maraming bisita ang darating sa tanghalian?
Iwanan ang niluluto upang masunog ito
Timplahan ng maraming pampalasa ang pagkain
Ilagay sa tamang lalagyan ang pagkaing niluto at ihain ito
Uutusan niya ang kanyang kapatid na gawin ang iniuutos ng kanyang nanay
Anong pangkat ng pagkain ang nagbibigay enerhiya, lakas at sigla ng ating katawan?
Glow Foods
Grow Foods
Go Foods
Lahat ng nabanggit
Ano ang gagamitin ni Grace upang maalis ang sebo o mantika sa mga pinggan?
bleach
dishwashing liquid
sabong panlaba
sabong panligo
Ano ang kagamitan sa pananahi sa kamay ang ginagamit pamutol nang sinulid at panggupit ng tela?
Pin cushion
Aspili
Emery bag
Gunting
Alin sa mga sumusunod na hakbang sa pag-aayos ng hapag-kainan ang hindi nakasunod sa tamang alituntunin?
Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa bawat cover
Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may pagitan na isang pulgada mula sa gilid ng mesa
Ilagay sa kanang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor na nakatihaya
Bigyan ng sapat na pagitan ang bawat cover upang makakilos nang maluwag at maayos ang mga kakain
Anong pangkat napapabilang ang mga pagkaing karne, isda, manok?
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Food pyramid
Nais ni Ana na hindi magusot ang paldang uniporme na kanyang suot bago umupo. Ano ang tamang gawin upang hindi ito magusot?
Ayusin ang palda bago umupo.
Ibuka ang palda bago umupo.
Ipagpag muna ang palda bago umupo.
Basta na lang umupo.
Sino sa sumusunod na mga bata ang nagpapakita ng magandang halimbawa?
Naglaan si Vic ng bukod na lalagyan para sa basura nilsng nsbubulok at di- nabubulok.
Inipon ni Tina ang lahat ng kanilang basura at sinunog sa bakuran.
Pagkatapos maglinis ni Marites, itinapon niya ang kanilang basura sa isang lalagyan.
Nagwalis si Judy at iniwan ang basura sa gilid ng kanilang bakuran.
Sa pagluluto ng pagkain, dapat sundin ang mga sumusunod na hakbang maliban sa ____________.
Magsuot ng hairnet at apron sa pagluluto
Ihanda ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto
Ihanda ang basurahan at ihiwalay ang tuyo at basang basura habang nagluluto
Isara ng maayos ang gas cylinder matapos gamitin
Paano makatutulong ang tatlong pangkat ng pagkain sa ating katawan?
Nagpapanatiling malusog at malakas ang katawan.
Nagpapawala ng gana sa pagkain.
Nagpapatangkad sa mga bata.
Nagpapayat at naghihina ng katawan
Kinakalawang na ang mga karayom at aspili sa pagkakatago. Napag-aralan mo sa inyong asignaturang EPP na puwede itong alisin. Anong kagamitan sa pananahi ang maari mong gamitin upang matanggal ang kalawang?
didal
emery bag
pin cushion
liha
Isang araw nakita ni Joy ang mga basurang pinagwalisan ng kanyang ina. Ano ang kagamitan sa paglilinis ang maari niyang gamitin sa pagliligpit?
walis tingting
dustpan
mop
walis tambo
Ano ang nararapat mong gawin kung may patak ng sarsa ng ulam sa mesa?
Tatakpan ng plato ang patak ng sarsa upang hindi makita
Kukuha ng mamasa-masang basahan at punasan ito hanggang sa matanggal
Bubuhusan ko ng tubig ang mesa
Magmadaling umalis at makipaglaro sa kapitbahay
Ano ang unang hakbang sa paghuhugas ng pinagkainan na sasabihin mo kay Leo?
Alisin na muna ang tira-tirang pagkain
Iayos sa tray ang mga kinainan
Patuyuin sa dish rack at punasan ito bago itago sa lalagyan
Sabuning mabuti ang mga kagamitan
Si Gina ay mahilig kumain ng prutas at gulay . Anong pangkat ng pagkain nabibilang ang mga ito?
Glow Foods
Grow Foods
Go Foods
Lahat ng nabanggit
Paano pa maaring pakinabangan ang mga basurang nabubulok?
isama sa ibebenta
gawing pataba
hayaan lang mabulok
gamitin muli o i-recycle
Ano ang tawag sa pag-aayos ni Lolita ng mga kubyertos sa hapag kainan para sa bawat miyembro ng kanilang pamilya?
cover
mantel
placemat
serbilyeta
Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang hindi kailangan sa paghahanda ng hapag-kainan?
tinidor
plato
sangkalan
kutsara
Paano ang tamang pagkakasunod-sunod ng paghuhugas ng gamit sa pinagkainan?
I. plato
II. sandok at siyansi
III. baso
IV. kaldero at kaserola
V. kubyertos
I, II, III, IV, V
V, III, II, I, IV
II, V, III, IV, I
III, V, I, II, IV
Alin sa sumusunod ang wastong paraan ng paghuhugas sa pinagkainan at pinaglutuan?
Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis na kasangkapan
Sabunin ang mga ito gamit ang maliit na palanggana na may sabon o dishwashing liquid at espongha o sponge
Kuskisin at banlawang mabuti upang maalis ang dumikit na sabon at maalis ang amoy
Lahat ng mga nabanggit
Nagsimba ka noong Linggo.Nagbihis ka nang maayos. Ano ang ginawa mo sa ginamit mong damit pag-uwi sa bahay?
Tinanggal ko at inilapag sa upuan.
Inihanger ko ito upang mahanginan at magamit muli.
Inutusan ko ang aking kapatid na isabit sa pako.
Inihagis ko ito sa aming higaan.
Sa pagsakay mo sa tricyle ay nasabit ang iyong palda at ito'y napunit..Ano ang dapat mong gawin?
Kukuha ako ng karayom at sinulid upang tahiin.
Patatahi ko sa aking nakababatang kapatid.
Gagamitin ko na lang maski punit.
Hindi ko na gagamitin.
Paano isusubo o hihigupin ni Tony ang sopas na niluto ng kanyang nanay?
Gamitin ang harap ng kutsara nang paiwas sa iyo at higupin ang sabaw nang walang ingay
Gamitin ang gilid ng kutsara nang paiwas sa iyo at higupin ang sabaw ng walang ingay
Gamitin ang gilid ng kutsara nang paiwas sa iyo at higupin nang maingay
Gamitin ang harap ng kutsara nang paiwas at higupin nang maingay
Sa paglalagay ng plato, baso at kubyertos sa hapag-kainan, saang bahagi ng mesa matatagpuan ang mga ito?
Ang baso ay nasa ilalim na bahagi ng plato
Ang kutsara ay nasa kaliwang bahagi ng plato
Ang plato ay nasa pagitan ng kutsara at tinidor
Ang serbilyeta at tinidor ay nasa kanang bahagi ng plato
Nakita ni Jambe na maputik ang kanilang sahig, anong kagamitan sa paglilinis ng bahay ang maari niyang gamitin?
mop
walis tingting
bunot
dust pan
Ano ang maipapayo mo kay Carl na dapat niyang kainin?
Mahalagang kumain ng masustansyang pagkain
Kumain ng pagkaing naayon sa kanyang gusto lamang
Piliin lamang ang karne sa pagkain
Kumain kung ano ang inihain
Pagpasok mo sa paaralan napansin mo na may alikabok ang upuan. Bago ka umupo, ano ang gagawin mo?
Tatawagin ko ang aking kamag-aral at uutusan ko na punasan ang upuan
Pupunasan ko muna ang upuan bago ako umupo
Pauupuan ko muna sa aking kamag-aral bago ako umupo
Uupo lang ako at walang gagawin
Si Jhoeben ay naghiwalay ng mga basura , Ano ang dapat niyang gawin sa mga basurang di-nabubulok?
Ipunin sa bakuran at sunugin ang mga ito.
Isama ito sa mga basurang nabubulok.
Ibaon ang mga ito sa lupa.
Lumikha ng bagong produkto na mapakinabangan ng mga tao ang buong pamilya.
Ano ang gawaing paghuhugas?
Pagpunas ng mesa gamit ang basang basahan
Pag-alis ng mga tirang pagkain sa bawat plato
Pasabon ng mga baso at kubyertos bago ang plato
Paglalagay ng takip sa natirang pagkain
Si Maris ay naglinis ng kanilang bahay dahil napansin niya na marami ng basura. Ano ang maari niyang gawin?
Ilagay sa labas ng bakuran at hintaying may kumuha nito.
Paghiwa-hiwalayin ang ga basurang nabubulok at di- nabubulok.
Ipunin at ibigay sa kapitbahay.
Maghukay at ibaon lahat ang mga basura sa lupa.
