WorksheetsAP 3Q mastery Platinum
Total questions: 60
Worksheet time: 1hrs 24mins
Section:
Name: Last name, First name and Middle Initial
Ang presentasyon ng ikalimang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay itinuring na 'open economy' dahil sa presensya ng panlabas na sektor. Ito ay nangangahulugang _____.
mayroong pakikipag-ugnayan ng ekonomiya ng ating bansa sa ekonomiya ng ibang bansa sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan
mayroong pakikipag-ugnayan ng ekonomiya ng ating bansa sa ekonomiya ng ibang bansa sa pamamagitan ng pagkakautang
mayroong pakikipag-ugnayan ng ekonomiya ng ating bansa sa ekonomiya ng ibang bansa sa pamamagitan ng pakikisosyo
mayroong pakikipag-ugnayan ng ekonomiya ng ating bansa sa ekonomiya ng ibang bansa sa pamamagitan ng paghingi ng tulong kapag may kalamidad
Ito ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa sa isang takdang panahon.
Gross International Income
Gross National Income
Net Factor Income
Statistical Discrepancy
Ito ang sektor na kabilang sa paikot na daloy ng ekonomiya na pinanggagalingan ng lupa, paggawa, at kapital.
pamilihan ng salik ng produksyon
pamilihan ng kalakal at paglilingkod
pamahalaan
pamilihang pinansiyal
Ang ___ ay kita ng pamahalaan na nakukuha mula sa buwis na nakokolekta ito.
interes
kapital
tariff
public revenue
Sinasabing hindi orihinal na gawaing pang-ekonomiya ang pag-iimpok at pamumuhunan. Ito ay nagaganap lamang dahil sa ________________.
pagkakaroon ng pagpaplano sa hinaharap
paglaki ng pamumuhunan
pagtatag ng ekonomiya
pagkakaroon ng balanseng pag-iimpok
Ang mga sumusunod ay uri ng mga bangko, maliban sa _______________
Rural Banks
Thrift Banks
Commercial Banks
GSIS
Kapag ang demand ay mas mabilis na tumaas kaysa produksiyon, ano ang mangyayari?
bababa ang presyo ng mga bilihin
tataas ang presyo ng mga bilihin
hindi tataas o bababa ang presyo ng mga bilihin
hindi tataas ang presyo ng mga bilihin
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay mahalaga dahil nauunawaan natin ang ugnayan at gawain ng bawat sektor ng ______.
agrikultura
industriya
ekonomiya
paggawa
Ang polisiyang ipinapatupad ng BSP para mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan.
expansionary money policy
contractionary money policy
demand money policy
supply money policy
Ang bangkong pag - aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan.
Thrift Banks
Rural Banks
Land Bank of the Philippines
Specialized Government Banks
Ang presentasyon ng unang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay nagpapakita ng isang payak o simpleng ekonomiya dahil _______.
ang pamahalaan at bahay -kalakal ay iisa
ang bahay-kalakal at sambahayan ay iisa
ang bahay-kalakal at pamahalaan ay iisa
ang sambahayan at pamilihang pinansyal ay iisa
Paano mo maipapakita ang iyong pananagutan sa pagkakaroon ng implasyon?
Ubusin lagi ang pera sa mga kagustuhan
Bilhin lang ang dapat bilhin at importante
Palaging mag shopping
Bumili ng bagong gamit tulad ng Cellphone
Ang mga sumusunod ay maaaring mangyari kapag ipinapatupad ang Contractionary Fiscal Policy maliban sa:
Liliit ang pangkalahatang kita ng mga mamamayan
Makokontrol ang labis na pagtaas na presyo ng mga bilihin
Magkakaroon ng maraming trabaho ang mga mamamayan at malaking kita.
Mapipilitan ang mga manggagawa na magbawas ng kanilang mga gastusin
Anong bangko ang itinatag upang mapangalagaan ang kabuuang ekonomiya ng bansa?
Bangko Sentral ng Pilipinas
Development Bank of the Philippines
Land Bank of the Philippines
Rural Banks of the Philippines
Ang pamahalaan ay nangangailangan ng salapi upang maisakatuparan ang napakarami nitong gawain. Alin sa mga sumusunod ang paraan ng pamahalaan upang makakalikom ng salapi?
mamumuhunan
mangolekta ng buwis
magpapatayo ng mga proyekto
magbibigay ng maraming trabaho
Bilang isang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot ng Implasyon?
Pagbili lamang ng mga kailangan
Pag-aaral nang mabuti
Pamumuhunan
Pagiging magastos
Ang subsidiya ay:
Salaping binabalikat ng pamahaalan upang mapataas ang sahod ng manggagawa
Salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo.
Salaping binabalikat ng pamahaalan upang mabawasan ang gastusin ng pamahalaan
Salaping binabalikat ng pamahaalan upang dumami ang proyekto ng Pamahalaan
Ito ay isa sa paraan ng pagsukat ng pambansang kita kung saan ito ay nabibilang sa paraan ng paggastos (expenditure approach) na tumututukoy sa mga gastusin ng mga mamamayan tulad ng pagkain, damit at serbisyo.
Gastusin ng pamahalaan
Gastusin ng mga namumuhunan
Gastusing personal
Gastusin ng panlabas na sector
Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
Deplasyon
Resesyon
Depresasyon
Implasyon
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahalagang pinagagamitan ng pera?
ginagamit sa pagpapalago ng negosyo
ginagamit upang maubos at kumita pa ng mas maraming pera
ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan.
ginagamit upang matupad ang mga pangarap sa buhay
Bakit mahalagang sukatin ang pambansang kita ng bawat bansa?
Upang magkaroon ng datos ukol dito
Upang malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
Upang makaiwas sa pagkalugi ang mga negosyante
Upang magsilbing basehan kung sino ang pinakamayaman na bansa
Ang mga sumusunod ang tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa;
Mga mangungutang
Mga may tiyak na kita
Mga may di tiyak na kita
Mga speculator
Sa anong ahensya ng gobyerno napasailalim ang Security and Exchange Commission?
Department of Finance (DOF)
Bangko Sentral ng Pilipinas
Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
Development Bank of the Philippines
Ang pag-aangkat (import) at pagluluwas (export) ay mga gawain na kabilang sa:
panlabas na sektor
bahay- kalakal
sambahayan
pamahalaan
Sangay ng pamahalaan na naatasang magbigay - proteksiyon sa mga depositor at tumulong na mapanatiling matatag ang sistemang pinasiyal sa bansa.
Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
Department of Finance (DOF)
Securities and Exchange Commission (SEC)
Insurance Commission (IC)
Ito'y tumutukoy sa mga tinubo ng mga korporasyong pribado, o korporasyong pinatatakbo ng pamahalaan o government-owned corporations and companies (GOCC) at iba pang negosyo.
Sahod ng mga mangagawa
Di-tuwirang buwis
Depresasyon
Net Operating Surplus
Ang mga sumusunod ay may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya maliban sa alin?
Mamamayan
Pamahalaan
Bahay-Kalakal
Sundalo
Si Mrs. Park ay isang Koreana na nagtatrabaho sa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinikita kung siya ay nagtatrabaho dito sa Pilipinas subalit siya ay isang Koreana?
Sa Gross Domestic Product ng Korea dahil mamamayan siya nito
Sa Gross National Income ng Pilipinas dahil nagmula ang kaniyang kinikita
Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kaniyang kinikita
Sa Gross Domestic Product ng Korea at Pilipinas dahil dito nagmula ang kaniyang kinikita
Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring paglagakan o pag-lagyan ng ipon?
financial asset
stocks
kontrata
mutual bonds at bonds
Ang ipon na ginamit upang kumita ay tinatawag na ______________?
investment
savings
financial asset
stocks
Ano ang kahulugan ng Implasyon?
Pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
Pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Pagbaba ng halaga ng salapi.
Pagtaas ng halaga ng salapi.
Kapag ang kabuuang output ng ekonomiya ay mababa ng higit sa inaasahan at magdudulot ng pagbaba ng kabuuang demand dahil sa kawalan ng trabaho, anong paraan ang isasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya?
Contractionary Policy
Expansionary Policy
Patakarang Pananalapi
Patakarang Pisikal
Bakit isinasagawa ng pamahalaan ang Patakarang Expansionary Fiscal?
Upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa
Upang liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa pagtaas ng presyo
Upang babagsak ang demand
Upang hihina ang produksiyon ng bahay-kalakal
Anong paraan ang ipinapatupad ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa?
Contractionary Policy
Expansionary Policy
Patakarang Pananalapi
Patakarang Piskal
Ang pagbaba ng presyo ng mga produkto o serbisyo ay tinatawag na.…
implasyon
deplasyon
depresasyon
resesyon
Ang mga sumusunod ay mga tinatawag na regulator, maliban sa isa ____________
BSP
PDIC
RISK MANAGEMENT
DBP
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan para sa mga gastusin nito?
utang sa bangko
kita mula sa panlabas na sektor
buwis sa mga mamamayan at negosyo
pera mula sa pag-iimpok ng pamahalaan
Ang pagkonsumo ng salapi ay kinakailangan ng matalinong pag-iisip at pagdedisisyon upang ________________.
mapakinabangan nang husto at walang nasasayang
mabili lahat ang pangangailangan at kagustuhan
matupad lahat ang mga pinapangarap at inaasam sa buhay
maging masaya at makuntento sa araw araw na buhay
Alin sa ibaba ang nagpapakita ng demand-pull?
Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga materyales na ginagamit niya.
Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay nauusong gadget ng mga kabataan ngayon.
Naglabas ng paalala ang MERALCO na magtataas ang bayarin sa kuryente.
Nagkakaroon ng kakulangan sa mga hilaw na sangkap sa paggawa ng produkto.
Alin sa mga sumusunod ang paraan batay sa income approach na tumutukoy sa pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma at bunga rin ng tuloy tuloy na pagamit paglipas ng panahon.
Sahod ng mga Manggagawa
Net Operating Surplus
Depresasyon
Di-tuwirang Buwis
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa anumang kakulangan o kalabisan sa pagkwenta ng kabuuang kita ng bansa sa loob ng isang taon subalit may hindi katiyakan kung saan maaring ibilang?
Net Factor income from abroad
Statistical Discrepancy
Gastusin ng panlabas na sektor
Gastusing Personal
Ano ang tawag sa institusyong di - bangko na itinatag upang magpautang sa mga taong madalas mangangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko?
pawnshop
insurance companies
pre - need companies
kooperatiba
Ang ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal sa pamahalaan ay kinapapalooban ng _____ na ginangamit ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyong pampubliko.
pagpataw ng parusa sa mga nagkakasala
pagpapatupad ng batas
pagpapatakobo ng negosyo
pagkolekta ng buwis
Ayon kay Roger E. A. Farmer (2002) and savings daw ay paraan sa pagpapaliban ng ___________?
pagkukuwenta
pag-iimpok
paggastos
pagkonsumo
Ayon sa DTI, dumami ang mga nagtayo ng online business simula ng nagkaroon ng pandemya. Ang kita ng mga online business ay kabilang sa pagsukat ng pambansang kita sa paraan ng:
Expenditure Approach
Economic Freedom Approach
Industrial Origin Approach
Income Approach
Aling sitwasyon ang nagpapakita ng Implasyon?
Dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe.
Dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
Bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
Mataas na halaga at bawas na produkto at serbisyo.
Ito ay halagang tinatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ipinagkaloob.
pondo
ipon
regalo
kita
Sa mga nagtatrabaho o mga empleyado, ano ang tawag sa natatanggap nilang kita?
komisyon
suweldo o sahod
renta
ganansiya o interest
Ang mga sumusunod ang di tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa;
Mga may tiyak na kita
Mga nagpapautang
Mga nag-iimpok
Mga nangungutang
Ang ipinapatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan ibinaba ang interes sa pagpapautang para maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera para idagdag sa negosyo.
contractionary money policy
expansionary money policy
demand money policy
supply money policy
Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang wasto.
Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income (GNI) nito.
Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng GNI
Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng GNI
Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa GNI
Aling patakaran ang tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng ekonomiya?
Patakarang Pananalapi
Patakarang Expansionary
Patakarang Piskal
Patakarang Contractionary
Paano napasisigla ng patakarang piskal ang ekonomiya ng bansa?
pagtataas ng sahod ng mga manggagawa
pagtaas ng produksiyon
pagpapababa ng buwis
Lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa kahalagahan ng savings?
upang may mailagak sa mga financial intermediaries tulad ng bangko
upang magamit ng mga bangko ang ipon ng mga indibiduwal sa pagpapautang at pagpapahiram sa mga gustong mag-loan
upang maitago nang matagal ang pera at hindi ito magagastos
upang ang mga nag-loan ay magagamit ang nahiram sa pagpapalago ng kanilang mga asset at mga negosyo
Alin sa mga pahayag ang hindi posibleng epekto ng Patakarang Contractionary Fiscal?
Liliit ang pangkalahatang kita ng mga mamamayan
Mapipilitan ang mga manggagawa na magbawas ng kanilang mga gastusin
Makokontrol ang labis na pagtaas na presyo ng mga bilihin
Magkakaroon ng maraming trabaho ang mga mamamayan at malaking kita
Paano mailalarawan ang relasyon ng bahay-kalakal at sambahayan sa paikot na daloy?
parasitism
dependency
interdependence
interrelation
Ito ang tawag sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo bawat oras, araw, lingo o buwan na kabilang sa basket of goods sa pamilihan.
implasyon
hyperinflation
deplasyon
hyperdeflation
Layunin nito itaguyod ang pagpaptupad ng reporma sa lupa. May kinalaman ito sa pagsasaayos ng pondo ng pamahalaan ukol sa reporma sa lupa.
Land Bank of the Philippines
Development Bank of the Philippines
Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines
Government Service Insurance System
