wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT - REVIEWER

Total questions: 45

Worksheet time: 34mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang dapat gawin upang walang makalimutang sangkap o mahalagang bagay kapag namamalengke?

a)

Tandaan ang mga bagay na bibilhin

b)

Hayaan na lang na may makalimutan

c)

  Gumawa ng listahan ng mga dapat bilhin.

d)

Ipakabisado sa kasama ang mga dapat bilihin.

2.

Alin ang dapat gawin upang masiguro ang kalidad ng mga produktong bibilhin?

a)

Piliin ang mas mahal na produkto.

   

 

b)

Bilhin ang mga pagkaing napapanahon.

c)

Subuking ikompara ang presyo ng mga produkto.

d)

Suriing mabuti ang kalidad at halaga ng mga bibilhin.

3.

Magluluto ng leche flan ang ate mo at inutusan kang bumili ng itlog. Paano mo malalaman kung ang mga itlog na bibilhin mo ay sariwa?

a)

Tatanungin ang tindera kung sariwa ito.

 

b)

Balatan ang itlog at tingnan ang loob nito

c)

Hipuin ang itlog kung makinis ang balat nito.

d)

Itapat ang itlog sa liwanag at tingnan kung malinaw ang loob.

4.

Isang tagapagluto sa isang kainan si Mang Roman. Kadalasan ay dinudurog niya ang mga sangkap tulad ng paminta at tinustang mani para sa kanyang mga resipi. Anong pamamaraan sa paghahanda ang kaniyang ginawa?

a)

  pagbabalat

b)

pagdidikdik

 

c)

paghihiwa

d)

pagtatadtad

5.

Ang mga bata ay mahilig kumain ng matatamis na pagkain, lalo na ang tsokolate. Hindi maiwasan na magkaroon ng mantsa ang kanilang mga damit habang sila ay kumakain. Ano ang tamang paraan sa pagtanggal sa mantsa ng tsokalate?

a)

ibabad at labhan ng sabon at tubig ang mantsa at kusutin

b)

lagyan ng tubig at kusutin kahit walang sabon

c)

ibabad lang ang damit na may mantsa sa tubig

d)

hayaan ang mantsa

6.

Si Aling Gemma ay naghahandang magluto ng pinakbet para sa kanilang hapunan. Ano ang dapat niyang gawin sa kalabasa bago lutuin?

a)

himayin ito ng maigi

b)

hiwain ito bago talupan

c)

hugasan,talupan at hiwain ito

d)

balatan ito at isahog na lang

7.

Ang mga sumusunod ay katangian ng sariwang isda, maliban sa isa. Alin sa mga ito?

a)

kapit sa balat ang kaliskis

b)

mapula ang hasang

c)

malinaw ang mga mata

d)

masangsang ang amoy

8.

Ang kuya Noel mo ay nagluto ng ulam ninyo para sa tanghalian. Pagkatapos magluto, ano ang dapat gawin niya sa gas stove para makaiwas sa sakuna?

a)

Takpan ang stove.

b)

Linisin itong mabuti.

c)

Iwanan itong nakabukas.

d)

Isara ang stove at ang tangke ng lutuan.

9.

Mahalaga ang makinang de-padyak sa pagtatahi ng damit. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng makina ang nagpapaandar o nagpapahinto sa makina katulong ang gulong sa ilalim?

a)

balance wheel

b)

bed o kama

c)

belt o koreya

d)

Bobbin winder

10.

Si Aling Lita ay isang mahusay na kusinera. Alin sa mga putaheng niluto niya ang may sangkap na masustansya at mura pa?

a)

paksiw na isda

b)

litson na manok

c)

nilagang karne ng baboy

d)

ginisang monggo na may ampalaya

11.

Ang needle clamp ay isa ring bahagi ng makina. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy dito?

a)

Ito ang platong metal na nasa ilalim ng karayom.

b)

Ito ang nagtataas o nagbababa ng presser foot.

c)

Ito ang nagsisisilbing kabitan ng karayom.

d)

Ito ang bahaging nagluluwag ng tahi.

12.

Paano mapapanatiling malinis ang paraan ng paghahanda ng pagkain?

a)

A. Hugasan ang mga kagamitan sa pagluluto.

b)

B. Pabayaang makalat ang lamesa at lababo.

c)

C. Panatilihing nakalugay ang buhok habang nagluluto.

d)

D. Gamitin kaagad ang mga lutuan at kagamitang galing sa estante.

13.

Paano ang wastong paraan ng pamamalantsa ng pantalon?

a)

Baliktarin at plantsahin ang magkabilang bahagi.

b)

Ayusin ang pantalon at plantsahin ang magkabilang bahagi.

c)

Baliktarin at plantsahin muna ang bulsa. Ibalik sa unang ayos at plantsahin.

d)

Baliktarin at plantsahin ang bulsa at ibalik sa dating ayos. Ayusin ang tupi at plantsahin ang magkabilang bahagi.

14.

Nagluluto ng kanin si Melba. Ano ang dapat niyang gawin para maiwasan itong umapaw?

a)

Alisin ang niluluto sa kalan.

b)

Bantayan ito hanggang matapos kumulo.

c)

Iwanan ang nilulutong kanin.

d)

Pabayaan itong maluto ng kusa.

15.

Ang mga sumusunod na pahayag ay tumatalakay sa mga paraan ng kaakit-akit na paghahanda ng pagkain maliban sa isa.

a)

Siguraduhing ang mga kagamitan sa pagkain ay nakaayos ayon sa mga tuntunin.

b)

Gawing balanse ang nilutong pagkain. Pagtugmain ang mga kulay, hugis at tekstura ng pagkain.

c)

Tiyaking wasto ang dami /sukat ng mga sangkap at ng nilutong pagkain bago ilagay sa plato.

d)

Hayaang takpan ng mga gayak, sarsa at iba pang palamuti sa pagkain ang pangunahing sangkap ng nilutong pagkain.

16.

Sa paglalaba ng damit, ano ang dapat gawin upang hindi mahawaan ng kulay ang mga puting damit?

a)

Ihiwalay ang mga puti sa mga de-kulay na damit.

b)

Unahing kusutin ang mga nangungupas na damit.

c)

Ibabad sa iisang batyang may sabon ang mga damit.

d)

Unahing banlawan and mga de-kulay at nangungupas na damit.

17.

Ang mga anak ni Nanay Nena ay pumapasok na sa limited face-to-face. Umuuwi sila sa tanghalian para kumain. Anong oras maghahanda ng pagkain si Nanay Nena?

a)

11:00 ng umaga

b)

11:00 ng gabi

c)

7:00 ng umaga

d)

7:00 ng gabi

18.

Ang isang bata ay kailangan ng tamang sustansiya upang lumaking malakas at malusog ang kaniyang katawan. Alin sa mga sumusunod na sustansiya ang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan?

a)

madadahong gulay

b)

bitamina

c)

protina

d)

taba ng karne

19.

Kumain sa wastong oras upang maging malusog at malakas araw-araw para makapagtrabaho nang mabuti. Alin dito ang puwedeng lampasan sa oras ng pagkain?

a)

Tanghalian

b)

Meryenda

c)

Hapunan

d)

Agahan

20.

Ang kagandahan ng damit ay nakasalalay sa pagkakaplantsa nito. Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng pagpaplantsa ng bestida?

a)

Baliktarin at plantsahin ang buong damit.

b)

Baliktarin at plantsahin muna ang bulsa. Ibalik sa karayagang bahagi, ayusin ang tupi at plantsahin.

c)

Baliktarin para plantsahin ang bulsa. Ibalik sa karayagang bahagi nito at ayusin ang pleats ayon sa tupi nito.

d)

Baliktarin muna at plantsahin ang bulsa, kuwelyo, balikat at likod at harap ng bestida, manggas at laylayan. Ibalik sa karayagang bahagi nito at ayusin ang pleats ayon sa tupi nito.

21.

Ano ang dapat niyang gawin bago umupo upang hindi kaagad magusot ang paldang uniporme?

a)

ibuka ang palda

b)

basta na lang umupo

c)

ipagpag muna ang palda

d)

ayusin muna ang palda bago umupo

22.

Ang sikat ng araw ay nakapagpapakupas ng mga de-kulay na damit. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na gawin?

a)

Isampay sa lilim ang mga damit.

b)

Ikula sa naaarawan ang mga damit.

c)

Ikula sa naaarawan ang mga damit na nagkakadikitdikit

d)

Huwag isampay ang mga damit

23.

Tuwing Sabado namamalengke ng pagkain si Nanay Dory. Alin sa mga sumusunod ang gagawin upang maiwasan niya ang makipagsiksikan sa mga tao sa pamilihan?

a)

Mamalengke sa gabi.

b)

Mamalengke ng maagang-maaga.

c)

Hayaan ang kapitbahay na mamalengke para saiyo.

d)

Magpabili sa kaibigan upang makaiwas sa siksikan.

24.

Ito ay bahagi na nasa ibaba ng ikutan ng sinulid sa bobina na nag-aayos ng haba o ikli ng mga tahi.

a)

needle bar

b)

stitch regulator

c)

Bobbin winder

d)

treadle

25.

Alin sa mga sumusunod ang dapat sundin para tiyak ang dami ng wastong sangkap sa pagluluto ng pagkain?

a)

resipe

b)

meal plan

c)

talaan ng putahe

d)

talaan ng paninda

26.

Sa pamamalantsa ng kasuotan, alin sa mga sumusunod ang dapat iwasan upang mapadali at maisagawa ng maayos ang gawain?

a)

Sundin ang etiketa na taglay ng bawat damit.

b)

Ihiwalay ang makakapal sa maninipis na damit.

c)

Mamalantsa sa tanghali na mas mainit ang panahon.

d)

Ilagay sa tamang temperatura ang kontrol ng plantsa.

27.

May isang kahon ng lumang damit si Elizabeth. Ang mga ito ay hindi na pwedeng ipamigay dahil sa kalumaan nito. Aling kagamitang pambahay ang maari niyang gawin upang mapagkakakitaan ang mga ito?

a)

Doormat

b)

tsinelas

c)

Plato

d)

upuan

28.

Sa paghahanda ng pagkain, may mga gawain na dapat isagawa nang maayos upang masigurong masarap at malinis ang nilulutong pagkain. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin sa laman ng karneng iluluto ?

a)

A. Hugasan ito bago hiwain.

b)

B. Hiwain at ilagay kaagad sa iluluto.

c)

C. Ilagay sa iluluto ang buong laman ng karne.

d)

D. Piliin lang ang laman ng karne.

29.

Sa pamamalantsa ng damit, paano pinaplantsa ang palda na may pleats?

a)

Ayusin ang pleats ayon sa tupi at plantsahin ito mula laylayan.

b)

Baliktarin at plantsahin ang palda.

c)

Plantsahin ang pleats ng palda nang pahalang.

d)

Plantsahin ang palda ng paikot mula sa laylayan.

30.

Mahalagang matutunan ang wastong paraan ng paglalaba. Alin sa mga ito ang unang dapat gawin?

a)

Suriin ang mga damit na lalabhan.

b)

Ihanda ang mga kagamitan sa paglalaba.

c)

Ibabad sa batyang may sabon ang mga damit.

d)

Ihiwalay ang mga puti sa mga de-kulay na damit.

31.

Kanyang lulutuin para sa kaarawan ng kaniyang anak. Aling uri ng isda ang kanyang pipiliin?

a)

mapupula ang mata

b)

malambot ang laman

c)

mapupula ang hasang

d)

masangsang ang amoy

32.

Pagtitinda ng pagkain sa karinderya ang pinagkakakitaan ni Aling Maria. Sinisigurado niyang kumpleto ang sangkap at masarap ang nilulutong pagkain upang balik-balikan ng mga kostumer ang kanyang mga luto. Anong salik ang dapat tandaan sa paghahanda ng pagkain ang isaalang-alang ni Aling Maria?

a)

A. anyo

b)

B. hugis

c)

C. kulay

d)

D. lasa

33.

Araw-araw ay naghahain si Gng.Reyes ng sariwang prutas at gulay. Naniniwala siyang mainam ito sa kalusugan ng kaniyang pamilya. Ano ang kanyang gagawin upang makamura sa gastusin?

a)

A. bibili sa supermarket

b)

B. manghingi sa kapitbahay

c)

C. mag-order ng gulay sa online seller

d)

D. pipili ng napapanahong gulay at prutas

34.

Sinusunod ni Cristy ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahanda ng pagkain. Alin sa sumusunod ang magandang maidulot nito maliban sa isa?

a)

Mananatiling masustansiya ang pagkaing ihahanda niya.

b)

Masisiyahan ang miyembro ng kaniyang pamilya.

c)

Malakas ang resistensya niya bilang isang bata.

d)

Sakitin ang kaniyang pamilya sa ginawa niyang paghahanda ng pagkain.

35.

Anong paraan ng pangangalaga sa kasuotan ang tinatakpan ng kapirasong tela ang bahaging may butas sa damit?

a)

paglalaba

b)

pagsusulsi

c)

pagtatagpi

d)

pagtutupi

36.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng wastong pangangalaga sa ating kasuotan?

a)

Kailangang pahanginan ang damit na basa sa pawis.

b)

Hayaang nakakalat sa sahig ang mga hinubad na damit.

c)

Punasan muna ang uupuang lugar bago umupo o maari ding lagyan ng sapin.

d)

Tiklupin ng pabaliktad at ilagay sa plastic bag ang mga damit na hindi masyadong ginagamit.

37.

Maagang nag-almusal ang iyong pamilya. Habang kayo ay kumakain, hindi sinasadyang natapunan ng ketsup ang iyong damit, ano ang pinakamainam mong gawin?

a)

tagpihin ang mantsa

b)

plantsahin ito upang matuyo

c)

itupi ang damit na may mantsa

d)

alisin agad ang mantsa habang ito ay sariwa pa

38.

Si Nanay Nena ay nagpaplano ng masustansiyang pagkain para sa kaniyang pamilya. Hindi niya nakalimutang ilagay ang prutas at gulay dahil ang mga pagkaing ito ay nabibilang sa pangkat na glow foods na may taglay na sustansiyang pananggalang sa sakit at impeksiyon. Anong uri ng sustansiya ang makukuha sa mga ito?

a)

bitamina A

b)

bitamina C

c)

bitamina B

d)

bitamina D

39.

Alin sa mga sumusunod ang gagawin kung naalis ang tahi ng damit?

a)

Ilagay ang damit sa kabinet.

b)

Isuot ang damit na naalis ang tahi.

c)

Ipamigay ang mga damit sa kapit-bahay.

d)

Kumpunihin o tahiin and nasirang damit.

40.

Aling bahagi ng makinang de-padyak ang pumipigil o umiipit sa tela habang tinatahi?

a)

balance wheel

b)

presser foot

c)

belt

d)

shuttle

41.

Gusto ni nanay na maghanda ng mura ngunit masustansyang hapunan para sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na sangkap ang dapat niyang piliin?

a)

karne ng baboy

b)

karne ng manok

c)

isda mula sa ilog

d)

gulay na napapanahon

42.

Mahilig sa mga ginataang pagkain si Lola Sisa kaya naman nagdesisyon itong magluto ng ginataang dahon ng gabi (Laing) para sa anibersaryo nilang mag-asawa. Niyog ang pangunahing sangkap sa resipi. Ano ang dapat niyang gawin sa niyog?

a)

balatan ito at ihalo

b)

kudkurin ito at pigain

c)

talupan ito at tadtarin

d)

hiwain ito ng pinong-pino

43.

Alin sa mga sumusunod ang isaalang-alang upang maging kaaya-aya ang ilalatag sa hapag kainan sa pagpaplano at paghahanda ng mga masusustansiyang pagkain?

a)

ugali

b)

gulang

c)

kasarian

d)

oras ng paghahanda

44.

Saan mo itatago ang ulo o katawan ng makina at mga kagamitan sa pananahi pagkatapos mong manahi?

a)

treadle

b)

drive wheel

c)

Bobbin winder

d)

kabinet o kahon

45.

Habang nakikipaglaro ng tagu-taguan si Bella ay nadapa. Kumapit ang putik sa kaniyang damit. Ano ang gagawin niya upang matanggal ang putik at mapangalagaan ang kaniyang damit?

a)

labhan

b)

plantsahin

c)

sulsihan

d)

tahiin