WorksheetsAP Pagtataya
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Ang kasulatang ito ay nagbigay-halaga sa mga ideyang liberal tulad ng karapatan sa pagboto ng mga kalalakihan, pambansang soberanya, monarkiyang konstitusyonal, kalayaan sa pamamahayag, reporma sa lupa at malayang kalakalan.
Cadiz Constitution ng 1812
La Ilustracion
merkantilismo
sekularisasyon
Siya ang namuno sa isang kilusan laban sa diskriminasyon sa mga paring Filipino sa ginawang pagtanggal sa kanilang katungkulan.
Padre Jacinto Zamora
Padre Jose Burgos
Padre Mariano Gomez
Padre Pedro Pelaez
Paano naging salik ang pagbubukas ng Suez Canal sa pag-usbong ng nasyonalismong Filipino?
nakapaglakbay ang mga Filipino sa iba't ibang panig ng Europa
napadali ang pagbiyahe at pag-angkat ng mga produkto mula sa Europe patungo sa Pilipinas
nakarating sa Pilipinas ang mga babasahin at pahayagang naglalaman ng kaisipang liberal
nagdala ito ng mga pinunong may mabuting kalooban sa Pilipinas
Ang mga sumusunod ay samahang relihiyosong kinabibilangan ng mga paring Espanyol MALIBAN sa
Domincan
Franciscan
Justinian
Recollect
Ang pagdakip at pagpaparusa sa tatlong paring martir o GomBurZa ay nag-ugat sa pagbibintang sa kanila bilang mga pinuno ng pag-aalsang naganap sa ______.
Batangas
Bulacan
Cavite
Laguna
Alin sa mga sumusunod ang unti-unting humina hanggang sa tuluyang nagwakas sa pagsapit ng ika-19 na siglo?
despotismo
La Ilustracion
merkantilismo
sekularisasyon
Bilang isang liberal na pinuno ay ipinatupad ni Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre ang mga sumusunod MALIBAN sa _____.
pagbabawal sa paghagupit bilang parusa
paghikayat sa malayang pamamahayag
pagwawakas ng pag-eespiya sa pahayagan
pagpapataw ng mababang buwis o tributo
Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa labas ng bansa ang isa sa mga naging dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismong Filipino?
La Ilustracion o Age of Enlightenment
pag-usbong ng panggitnang uri
pagwawakas ng kalakalang galyon
sekularisasyon
Ang liberal na pamamahala ni Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre ay umabot lamang ng dalawang taon sapagkat siya ay pinalitan kaagad ng isa sa pinakamalulupit na namuno sa Pilipinas na si _____.
Carlos Maria dela Torre
Jose Basco y Vargas
Miguel Lopez de Legazpi
Rafael de Izquierdo
Alin sa mga sumusunod ang nagpatigil sa kalakalang galyon?
deklarasyon ng Cadiz Constitution
French Revolution
La Ilustracion
sekularisasyon
