Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4 PT3 Review Quiz Bee

Total questions: 30

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

IDENTIFICATION

(1 WORD; include a hyphen) Sinadya o hindi sinasadyang pagbibigay ng impormasyon na

magdadawit sa sarili mo sa isang krimen, o maglalantad sa iyo sa kriminal na paglilitis

(a)  

2.

IDENTIFICATION

(2 WORDS) Paraan ng naturalisasyon na para sa mga dayuhan na may potensyal na makapagbigay ng makabuluhang kontribusyon sa pamumuhay ng mga Pilipino

(a)  

3.

IDENTIFICATION

(2 WORDS) Paraan ng naturalisasyon na bukas para sa mga dayuhang ipinanganak sa Pilipinas at naninirahan dito mula pa noong ipinanganak

(a)  

4.

IDENTIFICATION

Kawalan ng pagkamamamayan o nasyonalidad ng isang tao kung saan hindi siya kinikilala bilang miyembro ng anomang bansa

(a)  

5.

IDENTIFICATION

Paraan ng pansibikong pakikilahok na tumutukoy sa pagsali sa mga lokal o pambansang halalan sa pamamagitan ng pagboto para sa mga kandidato at mga panukalang batas

(a)  

6.

IDENTIFICATION

Paraan ng pansibikong pakikilahok na tumutukoy sa pagsasama-sama ng iba’t ibang tao upang tugunan ang common concerns nila at malutas ang mga problema sa komunidad

(a)  

7.

IDENTIFICATION

Paraan ng pansibikong pakikilahok na tumutukoy sa paglilingkod sa pamahalaan, pampublikong sektor, o sa mga lokal na konseho upang mag-ambag sa proseso ng pagdedesisyon at tugunan ang mga pangangailangan ng publiko

(a)  

8.

IDENTIFICATION

(2 WORDS; second word with -s in the end) Uri ng karapatang pantao na kinabibilangan ng mga karapatan na pumoprotekta sa buhay, kalayaan, at seguridad, at tumitiyak ng kalayaan laban sa pang-aalipin at hindi makataong pagtrato

(a)  

9.

IDENTIFICATION

(2 WORDS; second word with -s in the end) Uri ng karapatang pantao na kinabibilangan ng mga karapatan na nagbibigay ng kalayaan sa mga mamamayan na makilahok at makisangkot sa pamahalaan at mga pampolitikang proseso

(a)  

10.

Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga pangunahing responsibilidad ng mga mamamayan sa isang demokratikong lipunan?

a)

Ipagsawalang-bahala ang katiwalian (= corruption) sa pamahalaan

b)

Pabayaan ang mga isyu at problema sa lipunan

c)

Magbayad nang wastong buwis

11.

Bakit mahalaga ang pansibikong pakikilahok sa pag-unlad ng isang komunidad?

a)

Dahil pinalalaganap nito ang kamangmangan at kawalan ng pakialam

b)

Dahil binibigyan nito ng oportunidad ang mga tao sa malayang pagpapahayag ng kanilang mga hinaing at mungkahi

c)

Dahil binabawasan nito ang trabaho ng pamahalaan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa

12.

Aling pangunahing katangian ng mga karapatang pantao ang mahihinuha mula sa UDHR?

a)

Na ekslusibo lang sila sa iilang grupo ng mga tao

b)

Na maaari silang ipagkaloob o hindi ipagkaloob batay sa kulturang umiiral sa mga bansa

c)

Na saklaw nila ang lahat ng tao

13.

Bakit natin kailangang protektahan ang bawat karapatang pantao na nakasaad sa UDHR?

a)

Upang mapagpatuloy ang diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay

b)

Upang maitaguyod (= promote) ang dignidad at halaga ng bawat tao

c)

Upang walang makulong at maparusahan sa kahit anong krimen

14.

Paano nakatutulong ang pansibikong pakikilahok sa pagpapanatili ng demokrasya?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng diktadurya o pangingibabaw ng iisang pinuno

b)

Sa pamamagitan ng paglimita sa kalayaan ng bawat indibidwal

c)

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pananagutan (= accountability) at pagiging bukas sa kritisismo ng publiko (= transparency)

15.

Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng UDHR?

a)

Nagtatatag ito ng hirarkiya (= hierarchy) ng mga karapatan, kung saan ang ilang karapatan ay mas mahalaga kaysa sa iba.

b)

Nagtatakda ito ng pandaigdigang pamantayan (= global standards) para sa mga karapatang pantao.

c)

Inililista nito ang mga karapatang dapat ipagkaloob sa mga tao depende sa bansang kanilang pinagmulan.

16.

Aling prinsipyo ang nagbibigay-diin sa kahalagahan ng karapatang pantao sa pamamahala ng mga tao sa loob ng bansa?

a)

Pananaig ng batas

b)

Pagkontrol sa impormasyon

c)

Pamumuno ng isang diktador

17.

Bakit mahalagang i-demand ng mga mamamayan na itaguyod (= promote) ng pamahalaan ang kanilang mga karapatang pantao?

a)

Upang matiyak ang kanilang kalayaan, kaligtasan, at maayos na pamumuhay

b)

Upang mapaalala sa mga opisyal na ang mga mamamayan ang tunay na may hawak ng kapangyarihan

c)

Upang mabawasan ang kontrol ng pamahalaan sa buhay ng mga tao

18.

Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagtuturo ng pansibikong pakikilahok at mga karapatang pantao sa pagsusulong ng responsible citizenship?

a)

Itinuturo nito ang bulag na pagsunod sa awtoridad.

b)

Pinapalakas nito ang kritikal na pag-iisip at paggawa ng impormadong desisyon.

c)

Hinihikayat nito ang aktibong pagprotesta sa pamahalaan, maayos man o hindi ang pagsasagawa nito ng kanyang tungkulin.

19.

Aling hakbang ang pinakamahusay na nagpapakita ng pansibikong pakikilahok?

a)

Pagvo-volunteer sa isang lokal na proyekto

b)

Pagbatikos sa mga programa nang hindi nagbibigay ng solusyon

c)

Pag-iwas sa mga diskusyon tungkol sa mga isyu at problemang panlipunan

20.

Alin sa mga sumusunod ang magagawa ng isang indibidwal upang maprotektahan ang mga karapatang pantao?

a)

Tumutol sa mga mapang-aping sistema o institusyon

b)

Bigyang-pansin ang pansariling interes kaysa sa kapakanan ng lahat

c)

Maging sunod-sunoran sa awtoridad

21.

Bakit mahalagang gamitin ng mga kwalipikadong mamamayan ang kanilang karapatang bumoto?

a)

Upang ipakita ang kanilang aktibong pakikilahok sa mga politikal na proseso ng bansa

b)

Upang maluklok sa mga pwesto ng pamahalaan ang mga taong pinili ng minority

c)

Upang mapanatili ang payapa at maayos na pagsasagawa ng eleksyon

22.

Paano nakatutulong ang paggalang sa karapatang pantao sa pagkakaroon ng isang lipunang may kapayapaan at katiwasayan (= harmony)?

a)

Dahil pinalalakas nito ang empathy at pagkakaunawaan

b)

Dahil nalalaman ng mga tao ang mga dapat nilang gawin

c)

Dahil naghahasik ito ng takot sa mga taong susuway sa mga batas

23.

Alin sa mga sumusunod ang pinagkaiba ng mga karapatang pantao na nakasaad sa UDHR AT constitutional rights?

a)

Ang mga karapatang nasa UDHR ay nagsisilbi bilang pandaigdigang pamantayan, samantalang ang constitutional rights ay maaaring iba-iba batay sa bansa.

b)

Ang mga karapatang nasa UDHR ay applicable lamang sa panahon ng kapayapaan, samantalang ang constitutional rights ay applicable din kahit sa panahon ng digmaan.

c)

Inuuna ng mga karapatang nasa UDHR ang kapakanan ng mga indibidwal, samantalang inuuna ng constitutional rights ang kapakanan ng mga pamahalaan.

24.

Paano nakatutulong ang pansibikong pakikilahok ng mga mamamayan sa pagbibigay ng legitimacy (= bisa, pagiging wasto) ng mga patakaran ng pamahalaan?

a)

Kapag mas maraming mamamayan ang nagkikilos-protesta laban sa patakaran ng pamahalaan nangangahulugan itong mas mabisa at wasto ang patakaran.

b)

Ipinapakita nito na ang mga patakaran ng pamahalaan ay sumasalamin sa kagustuhan ng mga mamamayan.

c)

Napipigilan ng pansibikong pakikilahok ang pagkakawatak-watak ng mga tao sa lipunan.

25.

Itinakwil si Maria ng kanyang mga magulang buhat ng malaman nilang tinalikuran na niya ang kanilang relihiyon at magpapakasal na siya kay Janice, na kapwa niya babae.

Piliin ang 3 sa karapatang pantao na nalalabag sa sitwasyong ito?

a)

Freedom of thought

b)

Marriage and family

c)

Don't discriminate

d)

The right to privacy

e)

Social security

26.

Ikinulong ng mga pulis ang grupo nina Fred at George matapos nilang mag-rally kontra sa pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos. Ito'y sa kabila na may permit naman ang kanilang ginawang kilos protesta mula sa LGU ng Maynila.

Piliin ang 3 sa karapatang pantao na nalalabag sa sitwasyong ito?

a)

No unfair detainment

b)

The right to public assembly

c)

Freedom of expression

d)

No torture

e)

Freedom to move

27.

Pinasok ni Queenie ang kwarto ni Vanessa upang kopyahin ang research paper nito nang walang pahintulot. Matapos nito ay ibinenta ni Queenie ang naturang research paper sa iba under the pretense na sarili niyang gawa ito.

Piliin ang 3 sa karapatang pantao na nalalabag sa sitwasyong ito?

a)

The right to privacy

b)

Responsibility

c)

The right to ownership

d)

Food and shelter for all

e)

The right to education

28.

IDENTIFICATION

Prinsipyo ng pagkamamamayan na batay sa bansa kung saan ipinanganak ang isang indibidwal

(a)  

29.

IDENTIFICATION

(ACRONYM ONLY) Internasyonal na dokumento na pinagtibay ng UN General Assembly na naglalaman at nagdedetalye ng mga karapatan at kalayaan na dapat ipagkaloob sa lahat ng tao

(a)  

30.

IDENTIFICATION

(2 WORDS) Paglilitis sa isang indibidwal nang higit sa isang beses para sa parehong pagkakasala

(a)