Font size
WorksheetsSummative Test 1-Ekonomiks
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Ang pag-unlad ay isang aktibo at progresibong proseso ayon kay Feliciano R. Fajardo, kung kaya inaasahang ang isang bansa ay nakalilikha ng mas marami at mabuting produkto at serbisyo.
TAMA
MALI
2. Ayon sa diksyunaryong Merriam-Webster, ang pag-unlad ay nakikita at nasusukat, kung kaya ito ay maaring may tradisyonal at makabagong pananaw.
TAMA
MALI
3. Sa aklat na Economic Development (2012), inilahad nina Todaro at Smith na ang pag-unlad ay pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng income per capita at malawakang pagbabago sa sistemang panlipunan.
TAMA
MALI
4. Ipagpalagay na lider ka ng isang lugar at napag-alaman mong may deposito ng langis sa lugar sa iyong nasasakupan. Anong salik ang maaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng lugar na iyong nasasakupan kung ito ay inyong mapakikinabangan?
kapital
yamang-tao
likas na yaman
teknolohiya at inobasyon
5. Si Rey ay nagmamay-ari ng isang bahay-kalakal na ang produkto ay palay at mais. Karamihan sa kaniyang mga manggagawa ay walang kaalaman o kakayahan kaugnay sa mga produkto at serbisyong kaugnay dito. Napansin niya na bumababa ang kita niya habang tumatagal. Anong salik ang maaring nakaapekto sa sitwasyong ito?
kapital
yamang-tao
likas na yaman
teknolohiya at inobasyon
6. May isang tao na nakatira malapit sa Pulangi River at batid niya na karamihan sa mga mamamayan doon ay pangingisda ang hanapbuhay, kaya namuhunan siya sa mga de-motor na bangka at iba pang makina na makatutulong sa pagpapabilis ng produksiyon ng mga isda sa pamilihan. Ito ay nakatulong upang magkaroon siya ng malaking kita gayundin sa mga mangingisda. Anong salik ang nakaapekto sa pagsulong ng ekonomiya ng kanilang lugar?
kapital
yamang-tao
likas na yaman
teknolohiya at inobasyon
7. Ang mga magsasaka ay nagtatag ng samahang Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-unlad ng Agrikutura o MASIPAG na naglalayong tumuklas at magparami ng mga binhing matibay sa kalamidad gayundin ng mga angkop na pamamaraan sa pagsasaka na tumutugon sa hamon ng pabagu-bagong panahon. Anong salik ang maaring makaapekto sa pagsulong ng ekonomiya kaugnay sa pagsasaka?
kapital
yamang-tao
likas na yaman
teknolohiya at inobasyon
8.May malawak na lupain ang Sitio Buhay. Karamihan sa mga ito ay hindi nagagamit nang husto ng mga may-ari ng lupain dahil sa kakulangan o di kaya ay kawalan ng makinarya at salapi na magagamit upang ito ay mapakinabangan. Anong salik ang maaring makaapekto sa pagsulong ng ekonomiya ng lugar na ito?
kapital
yamang-tao
likas na yaman
teknolohiya at inobasyon
9.Suriin kung anong aspekto ng Human Development Index ang inilalahad sa pahayag o sitwasyon.
haba ng buhay at kapanganakan ; bilang ng mga mag-aaral sa lahat ng antas
I. kalusugan II. edukasyon III. pagkapantay-pantay IV. antas ng pamumuhay
I at II lamang
II at III lamang
I at III lamang
II at IV lamang
10.Suriin kung anong aspekto ng Human Development Index ang inilalahad sa pahayag o sitwasyon.
bilang ng taon na itatagal ng isang sanggol ; gross national income per capita
I. kalusugan II. edukasyon III. pagkapantay-pantay IV. antas ng pamumuhay
I at II lamang
I at III lamang
I at IV lamang
II at IV lamang
11.Suriin kung anong aspekto ng Human Development Index ang inilalahad sa pahayag o sitwasyon.
gross national income per capita ; mean years of schooling
I. kalusugan II. edukasyon III. pagkapantay-pantay IV. antas ng pamumuhay
IV at I lamang
IV at II lamang
IV at III lamang
III at II lamang
12. Suriin kung anong aspekto ng Human Development Index ang inilalahad sa pahayag o sitwasyon.
expected years of schooling ; gross national income per capita
I. kalusugan II. edukasyon III. pagkapantay-pantay IV. antas ng pamumuhay
I at III lamang
II at III lamang
II at IV lamang
III at IV lamang
13.Ang Inequality-adjusted HDI ay ginagamit upang masukat ang gender disparity sa mga mamamayan ng isang bansa. Ang pahayag na ito ay:
tama, sapagkat matutukoy nitoa ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan
tama, dahil ito ang natatanging ginagamit upang masukat ang kaunlaran ng isang bansa
mali, dahil sumusukat ito sa puwang o gap sa pagitan ng mga babae at lalaki ng isang bansa
mali, sapagkat ito ay ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan, at edukasyon
14.Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang mga mamamayan nito. Ito ay nangangahulugang:
bawat isa ay may tungkulin na sa pagpapaunlad ng bansa
lahat ng tao ay kailangan pilitin na kumilos ayon sa nais ng lider ng bansa
bawat tao ay may gampaning magbayad ng pantay na buwis anuman ang estado sa buhay
ang mga mamamayan ay kailangang makiisa sa pansariling pag-unlad at ayon sa kagustuhang pagtulong sa kapuwa
15.Ipagpalagay na isa kang manggagawa at tumatanggap na ng kaukulang sahod kada buwan, paano mo masisiguro na naisasabuhay mo ang pagiging mapanagutan bilang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa?
magbabayad ng buwis
sumali sa kooperatiba
pakikilahok sa pamamahala
tangkilikin ang produktong Pilipino
16.Ipagpalagay na isa kang manggagawa at tumatanggap na ng kaukulang sahod kada buwan at may sapat na kita upang matugunan ang pangangailangan ng iyong pamilya, paano mo masisiguro na naisasabuhay mo ang pagiging maabilidad bilang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa?
magbabayad ng buwis
sumali sa kooperatiba
pakikilahok sa pamamahala
tangkilikin ang produktong Pilipino
17.Sino sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng pagiging makabansa bilang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa?
I. Si Al na ipinaglalaban ang mali
II. Si Bal na sumasali sa kooperatiba
III. Si Cal na tumatangkilik sa produktong Pilipino
IV. Si Dal na nakikilahok sa pamamahala ng bansa
I at II lamang
I at III lamang
II at III lamang
III at IV lamang
18.Sino sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng pagiging maalam bilang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa?
I. Si Eli na pinag-aaralan muna ang kandidato bago iboboto
II. Si Haily na laging sinisiguro na nakapagbabayad siya ng buwis sa pamahalaan
III. Si Girly na nagsisikap na magkaroong ng sariling negosyo ay makasali sa kooperatiba
IV. Si Fely na nangunguna sa paglilinis ng bakuran upang makatulong sa pagsugpo ng lamok na nagdudulot ng dengue
I at II lamang
I at III lamang
I at IV lamang
II at IV lamang
19.Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa?
I. magpatayo ng sariling negosyo II. pag-iimpok ng salapi sa bahay-kalakal
III. pagbabayad ng utang sa bahay-sanglaan IV.pakikilahok sa pamamahala ng baranggay
I at II lamang
II at III lamang
II at IV lamang
III at IV lamang
20. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pagiging makabansa?
