WorksheetsESP 7
Total questions: 25
Worksheet time: 42mins
Kanino ka unang hihingi ng payo kung may problema ka?
kaibigan
magulang
kaklase
boyfriend
Bago gumawa ng pasya sa anumang suliranin,Alin sa mga sumusunod ang una at pinakamabuting magagawa mo?
Humingi ng payo sa nakakatanda.
Manalangin at humingi ng gabay
Kausapin ang matalik na kaibigan.
Itala ang mga maaaring gawin o solusyon.
Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasya. Ibig sabihin nito na:
Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasya.
Ang lahat ng ating kilos ay nakabatay sa ating isip at kilos-loob.
Kailangang pinag-isipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.
Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip,“ sa mga mahalagang pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihin nito;
Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon
Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya.
Mahirap talaga ang gumawa ng pasya
Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon
Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong…
Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.
Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo.
Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami.
Dapat pagnilayan ang isasagawang pasya.
upang mabuti at tama ang iyong pasya
upang maging madali ang pasya
upang walang problema
upang wala nang iisipin pa
“Begin with the end in _____” Kung sa simula pa lang ay alam
na natin ang gusto nating mangyari sa ating buhay, hindi na magiging mahirap parasa atin ang mahahalagang pagpapasiya sa buhay.
hour
land
mind
start
Alin ang hindi kabilang sa hakbang ng mabuting pagpapasya?
Mangalap ng kaalaman
Magnilay sa mismong aksiyon
Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya.
Magpahinga
Ayon sa kanya may apat na paraan sa pagsulat ng Personal Mission Statement.
Stephen Covey
Stephen Curry
Sean Covey
Lawrence Kohlberg
Ano ang kahulugan ng PPMB?
Personal na Pagsulat ng Misyon sa Buhay
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Pansariling Pahayag ng Misyon sa Buhay
Pansariling Pagsulat ng Misyon sa Buhay
Ang ____________ ay tumutukoy sa hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kanya tungo sa kaganapan.
Misyon
Hanapbuhay
Bokasyon
Propesyon
Kung isa sa iyong mga misyon ang pagkakaroon ng matatag na pananampalataya, alin sa mga sumusunod ang maaari mong isagawang hakbang patungo rito?
Pagsisimba/ Pagsamba
Palagiang pagdarasal
Pagbabasa ng Bibliya
Lahat ng nabanggit
Kung iyong misyon ang maging isang inhinyero at makatulong sa iyong mga kababayan, ang mga sumusunod ay mga hakbang na maaari mong isagawa, MALIBAN sa:
Pagsasanay sa pagguhit
Mag enjoy sa mga party kasama ang mga kaibigan
Magboluntaryo sa mga gawain sa pamayanan
Pagsasanay sa matematika
Ang personal na misyon sa buhay ay maaaring mabago o mapalitan.
Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaaring magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin pa.
Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nagbabago sa tao
Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan
Ito ang paraan ng paggawa ng Pahayag ng Personal na Misyon sa buhay na nagsasabing mahalaga ang paglalaan ng oras at panahon sa paggawa nito.
tama, dahil ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay ay gabay sa proseso ng mabuting pagpapasya.
tama, dahil ang mabuting pasya ang nagiging gabay sa paggawa ng Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay.
mali, dahil iba ang salik na maaaring makatulong sa pagbuo ng Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay.
mali, dahil makagagawa pa rin ng Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay kahit wala ang hakbang ng mabuting pagpapasya.
Ito ang paraan ng paggawa ng Pahayag ng Personal na Misyon sa buhay na nagsasabing mahalaga ang paglalaan ng oras at panahon sa paggawa nito.
Pagkolekta ng mga kasabihan o motto
Paggamit ng paraang tinawag na “Brain Dump”
Magpahinga o paglalaan ng oras sa pag-iisip
Pag-alala nang labis sa pagsulat nito
Ito ang paraan ng paggawa ng Pahayag ng Personal na Misyon sa buhay na nagsasabing hindi kinakailangan ang pagiging perpekto nito at ang kahalagahan nito ay sa pagbibigay ng inspirasyon sa iyong buhay.
Pagkolekta ng mga kasabihan o motto
Paggamit ng paraang tinawag na “Brain Dump”
Magpahinga o paglalaan ng oras sa pag-iisip
Pag-alala nang labis sa pagsulat nito
Si Angela ay mahilig magbasa at magsulat ng mga tula, kumukuha siya ng maikling bahagi nito upang gawing bookmark. Nais niya itong mabasa palagi upang mapaalalahanan at mabigyan ng motibasyon sa mga pangarap at layunin niya sa hinaharap. Ano kaya ang paraan ng paggawa ng Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay ang isinagawa ni Angela?
Pagkolekta ng mga kasabihan o motto
Paggamit ng paraang tinawag na “Brain Dump”
Magpahinga o paglalaan ng oras sa pag-iisip
Pag-alala nang labis sa pagsulat nito
