NEW
Font size
WorksheetsKonsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Total questions: 25
Worksheet time: 19mins
1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?
Hindi ganap na maipapakita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.
Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan
Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyunal na panukat gaya ng GDP.
Kapag pinag-uusapan ang kaunlaran, kaakibat nito ang pagnanais ng pamahalaan na matamo ang pambansang kaunlaran. Ano ang ibig sabihin ng pambansang kaunlaran?
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng bansa na pagbutihin ang panlipunang kapakanan ng mga mamamayan tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastruktura, at ibang serbisyong panlipunan.
Ito ay tumutukoy sa sektor ng bansa.
Ito ay tumutukoy lang sa edukasyon at imprastruktura.
Ito ay tumutukoy sa pambansang kita lang.
Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa ating bansa?
Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
Wala sa nabanggit
Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng bawat isa. Maaaring gawin ang mga sumusunod MALIBAN sa isa upang makatulong sa pag-unlad ng bansa?
Sa pamamagitan ng pagiging mapanagutan
Sa pamamagitan ng hindi pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
Sa pamamagitan ng pagiging makabansa
Sa pamamagitan ng pagiging maalam
Alin sa mga sumusunod na estratehiya ang tumutukoy sa kakayahan ng mga Pilipino na pumasok sa pagnenegosyo?
Maalam
Maabilidad
Makabansa
Mapanagutan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang mamamayan?
Pagbabayad ng tamang buwis
Pagpili ng tamang kandidato
Pagbili ng lokal na produkto
Paglahok sa mga gawaing panlipunan
Bilang isang mag-aaral, anong paraan ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagsulong ng kaunlaran ng ating bansa?
Tangkilikin ang mga produktong murang ipagbenta ng ibang bansa.
Ugaliing manuod ng mga balita tungkol sa pag – unlad ng ibang bansa.
Pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
Wastong pagbabayad ng buwis
Ang HDI (Human Development Index) ay pinagsasama samang istatistika ng mga sumusunod.Alin sa mga ito ang hindi kasali?
life expectancy
income per capita
education
taxes
Ayon kay __________ mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito.
Feliciano R. Fajardo
Stephen C. Smith
Amartya Sen
Mahatma Gandhi
Ang pag-unlad para sa kanya ay isang progresibo at aktibong proseso.
Feliciano R. Fajardo
Stephen C. Smith
Amartya Sen
Mahatma Gandhi
Sila ang may dalawang magkaibang konsepto ang pag-unlad. Ito ang tradisyonal na pananaw at makabagong pananaw.
Michael P. Smith at Stephen C. Tadaro
Michael P. Todaro at Stephen C. Smith
Michael P. Thompson at Stephen Smith
Michael P. Todaro at Stephen Wilson
Tumutukoy ito sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao
HDI
Kalusugan
Edukasyon
Antas ng Pamumuhay
Ang kailangan mapaunlad sa tao na ginagamit na pananda ang antas ng pinag-aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang at bilang ng mga nag-aaral sa lahat ng antas ng edukasyon.
HDI
Kalusugan
Edukasyon
Antas ng Pamumuhay
Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang pag- unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas na pamumuhay.
Sang-Ayon
Hindi Sang-Ayon
Sa Makabagong pananaw na konsepto sa Pag- unlad ni Todaro at Smith inilahad na may pag-unlad kung may mataas ang antas ng income per capita o pagtaas ng kita ng bansa
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
May pag-unlad ang isang bansa kung may sapat na edukasyon at trabaho ang mga mamamayan.
Sang-Ayon
Hindi Sang-Ayon
Ang pagkakaroon ng makabagong teknolohiya at modernong makinarya ay mga indikasyon ng pambansang kaunlaran.
Sang-Ayon
Hindi Sang-Ayon
Ang pagdami o pagtaas ng bilang ng populasyon sa bansa ay makatutulong upang matamo ang pambansang kaunlaran.
Sang-Ayon
Hindi Sang-Ayon
Ano ang palatandaan ng isang maunlad na bansa?
maraming tao
malaki ang pagtaas ng income
madaling makapagtayo ng mga gusali
mas lalong dumami ang bawat miyembro
Kailan mapapadali ang pagkilos para sa pambansang kaunlaran?
Kapag magtutulungan ang bawat isa.
Kapag mayaman ang lahat ng mamamayaan.
Kapag nakapagtapos ng pag-aaral ang mga anak.
Kapag ang mga kasapi ng isang samahan ay maabilidad, makabansa at maaalam.
Paano tayo makatutulong sa pag-unlad ng ating bansa?
Dapat makibahagi sa anumang negosyo.
Dapat tayong sumama sa agos ng panahon.
Dapat tayong maging maabilidad, makabansa at maalam.
Dapat tayong kumilos nang tama at naaayon bilang isang Pilipino.
Ang sumusunod ay mga palatandaan ng pambasang kaunlaran MALIBAN sa isa.
Mayroong kaayusang panlipuan
Lumulubo ang populasyon ng isang lugar.
Pagkakaroon ng pagsulong ng isang bansa.
Mababa ang bilang ng mga krimen na nagaganap.
Ano ang pinakaangkop na anyo ng pambansang kaunlaran na binanggit sa ibaba?
Pagdagsa ng mga dayuhan upang mamuhunan sa bansa
Pagkakaroon ng mga gusali at magagandang tanawin sa bansa
Pangingibang bansa ng mga Pilipino upang maghanapbuhay at matulungan ang pamilya.
Abilidad at kakayahan ng isang bansa na suportahan ang mga pangangailangan ng mamamayan
Bakit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa?
Hindi kumikilos ang mga likas na yaman
Nagdudulot ng masamang polusyon ang mga likas na yaman
Ang mga likas na yaman ay maaari ring dahilan ng kalamidad
Kung wala ang yamang-tao, wala ring mangyayari sa mga likas na yaman
“Ang ekonomiya ng isang bansa ay uunlad kapag mababa ang bilang ng krimeng nagaganap”. Ang pahayag ay ______
mali, dahil ang krimen ay mangyayari sa ayaw at gusto ng tao.
tama, dahil walang mamamatay na taong maabilidad at maalam.
mali, dahil nagiging kriminal ang isang tao sa kapabayaan ng gobyerno.
tama, dahil magkakaroon ng kalayaan ang mga tao na kumikilos, mag-isip at magpahayag.
